Mga Welsh na AM nangangambang 'magmukhang mga muppet' May namumuong takot sa ilang AM sa panukalang dapat palitan ang kanilang titulo at gawing MWP (Member of the Welsh Parliament). Bunsod ito ng planong palitan ang pangalan ng asamblea at gawin itong Welsh Parliament. Nangangamba ang mga AM mula sa iba’t ibang kulay pulitika puwede itong magdulot ng katatawanan. Ani isang AM mula sa Labour, nababahala ang kanilang grupo na "katunog ito ng Twp at Pwp." Para sa mga mambabasang hindi mula sa Wales: Sa Welsh, nangangahulugang tanga ang twp at tae ang pwp. Isang AM na mula sa Plaid ang nagsabi na "hindi natutuwa" ang grupo sa pangkalahatan at nagpanukala na sila ng mga puwedeng ipalit. Isang Welsh Conservative naman ang nagsabi na "bukas ang isip" ng kanyang grupo sa pagpapalit ng pangalan, ngunit sinabi rin niyang hindi nalalayo ang MWP sa salitang Muppet. Sa kontekstong ito, magkatulad ang pagbigkas ng titik w sa Welsh at titik u sa Yorkshire English. Ayon naman sa Komisyon ng Asamblea, na siyang kasalukuyang nagpapanukala ng batas na palitan ang pangalan: "Nakasalalay ang anumang huling pagpapasya sa kung ano ang itatawag sa mga Assembly Member sa mga miyembro rin nito mismo." Ibinigay ng Government of Wales Act 2017 sa Welsh assembly ang kapangyarihang palitan ang pangalan nito. Noong Hunyo, inilathala ng Komisyon ang mga resulta ng isang pampublikong konsultasyon sa mga panukalang nakatanggap ng malawak na suporta na tawaging Welsh Parliament ang asamblea. Hinggil naman sa itatawag sa mga AM, pinaboran ng Komisyon ang Welsh Parliament Member o WMP, ngunit ang MWP na opsyon ang nakatanggap ng pinakamalaking suporta mula sa pampublikong konsultasyon. Nagbibigay naman ng mga posibleng ipapalit ang mga AM, ngunit puwedeng ikasakit ng ulo ng Presiding Officer na si Elin Jones na pagkasunduin ang lahat, na inaasahang maghain ng panukalang batas sa loob lamang ng ilang linggo. Isasama sa bata sa mga reporma ang iba pang pagbabago sa pagtakbo ng asamblea, kabilang ang mga alituntunin sa diskwalipikasyon ng mga AM at sa disenyo ng sistemang pangkomite. Nasa mga AM ang huling boto sa kung ano ba ang dapat na itawag sa kanila kapag pagdedebatihan na nila ang batas. Mga Macedonian boboto sa referendum sa pagpapalit ng pangalan ng bansa Magkakaroon ng botohan sa Linggo sa kung papalitan ba ang pangalan ng bansa at gagawing "Republic of North Macedonia." Isasagawa ang botohang ito sa kagustuhang masolusyonan ang ilang dekada nang hidwaan sa katabi nilang Greece, na may sariling probinsiyang tinatawag na Macedonia. Matagal nang iginigiit ng Athens na nangangahulugan ang pangalan ng katabi nila sa hilaga na pag-aari nila ang teritoryo nito at makailang ulit nang tinutulan ng Athens ang hiling nitong maging miyembro ng EU at NATO. Ani pangulo ng Macedonia na si Gjorge Ivanov, na tumutuligsa sa plebisito sa pagpapalit ng pangalan, hindi raw niya igagalang ang boto. Gayunpaman, ani mga sumusuporta sa referendum, kabilang na si Punong Ministro Zoran Zaev, kapalit lamang ng pagpapalit ng pangalan ang pagiging bahagi nila ng EU at NATO. Natahimik ang Mga Batingaw ng St. Martin’s habang naghihirap ang mga Simbahan sa Harlem "Dati, sabi ng matatandang nakausap ko, may bar at simbahan sa bawat kanto," ani G. Adams. "Ngayon, wala ang alinman." Aniya, mauunawaan naman ang pagkawala ng mga bar. "Iba na ang pakikipag-ugnayan ng mga tao sa panahon ngayon,” aniya. "Hindi na sala ng bayan ang mga bar kung saan pumupunta palagi ang mga tao." Para naman sa mga simbahan, nangangamba siyang hindi magtatagal gaya nang inaasahan ng mga pinuno ang perang makukuha mula sa pagbenta ng mga ari-arian, "pagtagal ay babalik din sila kung saan sila nagsimula." Dagdag pa niya, puwedeng palitan ang mga simabahan ng mga gusali ng apartment na may mga condominium na puno ng uri ng mga taong hindi makakatulong sa mga natitirang santuwaryo ng komunidad. "Karamihang puti ang mga taong bumibili ng mga condominium sa mga gusaling ito," aniya, "kaya’t pabibilisin lamang nito ang pagdating ng araw na magsasara nang tuluyan ang mga simbahang ito dahil malayo namang magiging kasapi ng mga simbahang ito ang mga taong titira sa mga nasabing condominium." Itinayo ng mga puting kongregasyon ang parehong simbahan bago naging metropolis ng mga itim ang Harlem - Komunidad na Metropolitan noong 1870, St. Martin’s makalipas ang isang dekada. Umalis ang orihinal na puting Methodist na Kongregasyon noong 1930s. Kinuha ng itim na kongregasyon na sumasamba kalapit ng gusali ang titulo nito. Pinamayanihan ng itim na kongregasyon ang St. Martin's sa ilalim ni Rev. John Howard Johnson, na nanguna sa isang boycott ng mga manininda sa 125th Street, isang pangunahing kalsada para sa pamimili sa Harlem, na kumontra sa pagtanggap o pag-promote ng mga itim. Lubhang napinsala ang gusali sa isang sunog noong 1939, ngunit habang gumagawa ng mga plano ang mga parokyano ni Father Johnson, ipinakomisyon nila ang Carillon. Tinawag ni Rev. David Johnson, anak ni Father Johnson at kapalit niya sa St. Martin's, na "mga batingaw ng mga maralita" ang carillon. Iba naman ang tawag dito ng dalubhasa na tumugtog ng carillon noong Hulyo: "Isang yamang kultural" at "isang hindi mapapalitan at makaysasayang instrumento." Dagdag pa ng dalubahsa na si Tiffany Ng ng University of Michigan, ito ang kauna-unahang carillon sa buong mundo na pinatugtog ng isang itim na musikerong si Dionisio A. Lind, na lumipat sa mas malaking carillon sa Riverside Chruch 18 taon na ang nakalilipas. Sinabi ni G. Merriweather na hindi siya pinalitan ng St. Martin's. Ang kaganapan sa St. Martin’s nitong mga huling buwan ay isang masalimuot na kuwento ng mga arkitekto at contractor, kung saan ang ilan ay ipinasok ng mga hindi ordenadong pinuno ng simbahan at ang iba ay ipinasok naman ng Episcopal na diosesis. Sumulat sa diosesis noong Hulyo ang vestry - ang tagapamahala ng parokya, na binubuo ng mga hindi ordenadong pinuno - hinggil sa alalahaning “ipapasa ang mga gastusin” ng diosesis sa vestry, kahit wala namang kinalaman ang vestry sa pagtanggap ng mga arkitekto at contractor na ipinadala ng diosesis. Nagreklamo ang ilang mga parokyano ng kakulangan sa katapatan sa bahagi ng diosesis. Pating nangagat ng 13 taong gulang na sumisid para sa lobster sa California Isang pating ang umatake at nangagat sa 13 taong gulang na batang lalaki noong Sabado habang sumisisid siya para sa lobster sa California sa unang araw ng lobster season, ani mga opisyal. Naganap ang pag-atake bago lang sumapit ang 7 a.m. malapit sa Beacon’s Beach sa Encinitas. Ani Chad Hammel sa KSWB-TV ng San Diego, may kalahating oras na siyang sumisisid noong Sabado ng umaga kasama ng kanyang mga kaibigan nang makarinig siya ng isang batang lalaking humihingi ng saklolo at nilapitan niya ito kasama ng kanyang grupo para hilain siya palabas ng tubig. Ani Hammel, inakala niyang pananabik lamang sa pagkakahuli ng lobster ang narinig niya, ngunit "napagtanto kong sumisigaw ang bata ng, 'Nakagat ako! Nakagat ako!' Napunit nang buo ang clavicle niya," napansin daw ni Hammel nang makalapit na siya sa bata. "Sinigawan ko ang lahat na lumbas sa tubig: 'May pating sa tubig!'" dagdag ni Hammel. Itinakbo ang bata sa Rady Children's Hospital sa San Diego sa pamamagitan ng pag-airlift kung saan inilista siyang nasa kritikal na kundisyon. Hindi tiyak kung ano ang uri ng pating na responsable sa pag-atake. Ani lifeguard Capt. Larry Giles sa isang pagpupulong ng media, may namataang pating sa lugar ilang linggo ang nakakalipas ngunit hindi ito natukoy bilang mapanganib na uri ng pating. Idinagdag ni Giles na nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa itaas na bahagi ng kanyang katawan. Isinara ng mga opisyal ang access sa baybay-dagat mula sa Ponto Beach sa Casablad hanggang sa Swami’s sa Encinitas nang 48 oras para sa gagawing imbesitgasyon at para sa kaligtasan. Sinabi ni Giles na may higit sa 135 uri ng pating sa lugar, ngunit hindi itinuturing na mapanganib ang karamihan sa mga ito. Sainsbury’s nagbabalak pumasok sa UK beauty market Makikipagkumpetensiya ang Sainsbury's sa Boots, Superdrug, at Debenhams gamit ang mga beauty aisle sa estilo ng department store na may mga espesyalistang assistant. Bilang mahalagang bahagi ng pagpasok sa £2.8bn na beauty market ng UK, na patuloy na lumalaki habang bumabagsak naman ang bentahan sa fashion at kasuotang pambahay, susubukan itong mas malalaking beauty aisle sa 11 tindahan sa buong bansa, at dadagdagan naman sa susunod na taon kung magiging matagumpay ito. Tumataas ang pamumuhunan sa beauty habang naghahanap ang mga supermarket ng paraan para punuin ang mga espasyo sa istante na dating ginagamit para sa mga TV, microwave, at kagamitan sa bahay. Ani Sainsbury's, dodoblehin nila ang laki ng kanilang mga ibinebenta sa beauty nang hanggang sa 3,000 produkto, kabilang ang mga brand gaya ng Revlon, Essie, Tweezerman, at Dr. PawPaw sa unang pagkakataon. Makakatanggap rin ng dagdag na branded na espasyo ang mga kasalukuyang produkto mula sa L'Oreal, Maybelline, at Burt's Bees gaya ng mga nakikita sa mga tindahang tulad ng Boots. Papasinayaan din uli ng supermarket ang mga produkto nitong Boutique makeup para maging pabor sa mga vegan ang karamihan sa itinitinda nito - isang bagay na hinihingi ng dumadaming nakababatang mamimili. Dagdag pa, susubukang magbenta sa dalawang tindahan ng Sainsbury’s ang retailer ng mga pabango na Fragrance Shop, una sa mga ito ang nagbukas sa Croydon, timog London, noong nakaraang linggo, habang magbubukas naman ang pangalawa sa Selly Oak, Birmingham, sa darating na bahagi ng taon. Ang pamimili online at pamimili ng paunti-unting pagkain araw-araw sa mga lokal na convenience store ang nagdulot sa mga supermarket na mas magsikap na hikayatin ang mga tao na bumisita. Ani Mike Coupe, punong executive ng Sainsbury's, mas magiging kamukha ng mga department store ang mga outlet habang nilalabanan ng supermarket chain ang mga discounter gaya ng Aldi at Lidl na mas marami ang serbisyo at panindang hindi pagkain. Naglalagay ang Sainsbury's ng mga outlet ng Argos sa daan-daang mga tindahan at nagpasok na rin ng ilang Habitat mula nang bilhin nila ang parehong chain dalawang taon na ang nakakalipas, na ayon sa kanila ay nakatulong sa pagdami ng benta ng grocery at nagdulot ng paglaki ng kita ng mga biniling kumpanya. Hindi naging matagumpay ang huling pagtatangka ng supermarket na baguhin ang kanilang mga beauty at pharmacy department. Sumubok ng isang pakikipagsosyohan ang Sainsbury's kasama ng Boots noong mga naunang taon ng 2000, ngunit tumigil ito matapos magkaroon ng argumento sa kung paano hahatiin ang kita mula sa mga tindahan ng chemist nito sa mga supermarket. Nagmula ang bagong istratehiya matapos ibenta ng Sainsbury’s sa halagang £125m ang kanilang negosyong pharmacy na may 281 tindahan sa Celesio, ang nagmamay-ari ng Lloyds Pharmacy chain, tatlong taon na ang nakakalipas. Anila, may papel na gagampanan ang Lloyds sa plano sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga produkto ng mga luxury skincare brand kabilang na ang La Roche-Posay at Vichy sa apat na tindahan. Ani Paul Mills-Hicks, direktor pangkomersyal ng Sainsbury’s: "Binago namin ang hitsura at dating ng aming mga beauty aisle para pagandahin ang paligid para sa aming mga mamimili. Namuhunan din kami sa mga katrabahong may partikular na pagsasanay at handang magbigay ng payo. Idinisenyo ang kabuuan ng aming mga brand para punan ang bawat pangangailangan, at ang kaakit-akit na paligid at convenient na mga lokasyon ay nangangahulugang kami ang nangungunang puntahan ng mga tao para sa pagpapaganda na humahamon sa makalumang paraan ng pamimili." Peter Jones 'galit na galit' matapos umatras si Holly Willoughby sa £11milyong na kasunduan 'Galit na galit' ang bida ng Dragons Den na si Peter Jones matapos umatras ng tagapagtanghal sa TV na si Holly Willoughby mula sa £11million na kasunduan sa kanyang negosyong lifestyle na brand upang magbigay-tuon sa kanyang mga bagong kontrata sa Marks & Spencer at ITV. Wala nang panahon si Willoughby para sa Truly, ang kanilang brand ng kagamitan sa bahay at mga accessory. Naihalintulad ang negosyo ng nasabing pares sa Goop na brand ni Gwyneth Paltrow. Inanunsiyo sa Instagram ng tagapagtanghal ng This Morning, 37, ang kanyang pag-alis sa negosyo. Ginalit naman ni Holly Willoughby ang bida ng Dragons Den na si Peter Jones sa biglang pag-atras mula sa kanilang lumalagong negosyo ng lifestyle na brand - para magbigay-tuon sa kanyang mga kontratang bumper sa Marks & Spencer at ITV. Ayon sa mga napagkunan ng impormasyon, "galit na galit" si Jones nang inamin ng golden girl ng TV sa isang masinsinang pagpupulong noong Martes sa headquarters ng kanilang dambuhalang negosyo sa Marlow, Buckinghamshire, na wala na siyang panahon para sa Truly, ang kanilang brand ng kagamitan sa bahay at mga accessory, bunsod ng kanyang mga bagong kasunduan - na aabot ang halaga sa £1.5 million. Naihalintulad na ang negosyong ito sa Goop na brand ni Gwyneth Paltrow at natantiyang magpapadoble sa tinatayang £11 milyong na yaman ni Willoughby. Habang inaanunsiyo sa Instagram ni Willoughby, 37, ang kanyang pag-alis sa Truly, lumipad naman palabas ng Britain si Jones para magtungo sa isa sa kanyang mga bahay-bakasyunan. Ayon sa isang napagkunan ng impormasyon: "Sa ngayon, ang Truly ang nangungunang prayoridad ni Holly. Iyon sana ang kanyang magiging pangmatagalang hinaharap na magtatawid sa kanya sa mga susunod pang dekada. Lubhang ikinagulat ng lahat ng may kinalaman ang kanyang pag-atras. Walang makapaniwala sa nangyayari noong Martes, sobrang lapit pa man din sa pagpapasinaya. May bodegang puno ng mga produkto sa Marlow HQ na handa nang maibenta." Naniniwala ang mga dalubhasa ikalulugi ng kumpanya nang milyun-milyong ang pag-alis ng tagapagtanghal ng This Morning, na isa sa mga pinakakumikitang personalidad ng Britain, dulot ng malaking pamumuhunan sa mga produkto mula sa mga kutson at kandila hanggang sa mga damit at kagamitan sa bahay, at sa mga puwedeng maging pagkaantala sa pagpapasinaya nito. At puwede itong magsilbing pagtatapos ng isang mahabang pagkakaibigan. Si Willoughby at ang kanyang asawang si Dan Baldwin na may tatlong anak ay sampung taon nang malapit kina Jones at sa kanyang asawang si Tara Capp. Sinimulan ni Willoughby ang Truly kasama ni Capp noong 2016 at sumapi si Jones, 52, bilang tagapangulo noong Marso. Magkakasamang nagbabakasyon ang mag-aasawa at may 40 porsyentong pag-aari si Jones sa kumpanya ng produksyon sa TV ni Baldwin. Nakatakdang maging brand ambassador ng M&S si Willoughby at papalitan niya si Ant McPartlin bilang host ng I’m A Celebrity ng ITV. Isang napagkunan ng impormasyon na malapit kay Jones ang nagsabing "Hindi kami magbibigay ng komento sa kanyang mga usaping pangnegosyo." Masinsinang usapan 'at pagkatapos ay nagkaibigan kami' Nagbiro siya tungkol sa mga kritisismong matatanggap niya mula sa news media dahil sa komentong puwedeng masabing “unpresidential” at dahil sa pagiging napakapositibo tungkol sa pinuno ng North Korea. Bakit ang dami nang isinuko ni Pangulong Trump? Ani Trump sa kanyang nangungutyang pangagaya sa boses ng "news anchor." "Wala akong anumang isinuko." Isinaad niyang interesado si Kim sa pangalawang pulong matapos ang kanilang unang pulong sa Singapore noong Hunyo na tinagurian ni Trump bilang isang malaking hakbang tungo sa denuklearisasyon ng North Korea. Ngunit naantala na ang mga usapan ng denuklearisasyon. Tatlong buwan matapos ang pulong noong Hunyo sa Singapore, sinabi ng nangungunang diplomat ng North Korea na si Ri Yong Ho sa mga pinuno ng mundo sa U.N. General Assembly noong Sabado na hindi nakakakita ang North Korea ng “katumbas na aksyon” mula sa U.S. sa ginagawa nilang pagbabawas ng armas. Sa halip, isinaad niya, patuloy na naghihigpit ang U.S. para panatilihin ang pandidiin. Mas positibo naman ang naging pananaw ni Trump sa kanyang talumpati sa rally. "Maganda ang kalagayan natin ng North Korea," aniya. "Makikipagdigmaan sana tayo sa North Korea. Milyun-milyong tao sana ang mamamatay. Ngayon, mayroon na tayong napakagandang ugnayan." Aniya, nagdulot ng mga positibong resulta ang kanyang mga ginagawa para pagandahin ang ugnayan kay Kim - pagpapatigil ng mga pag-test sa rocket, pagtulong sa pagpapalaya ng mga hostage, at pag-uuwi ng mga labi ng mga Amerikanong sundalo. At ipinagtanggol niya ang kanyang hindi pangkaraniwang paraan ng pagkukuwento tungkol sa ugnayan nila ni Kim. "Sobrang daling umastang parang pangulo, ngunit sa halip na magkaroon ng 10,000 tao sa labas na sinusubukang pumasok sa siksik na arena na ito, mayroon tayong humigit-kumulang 200 taong nakatayo rito mismo," ani Trump, habang nakaturo sa mga taong direktang nasa harap niya. Tsunami at Lindol sa Indonesia Nanalanta ng Isla, Daan-daan Patay Pagkatapos ng lindol sa Lombok, halimbawa, sinabihan ang mga dayuhang nongovernmental organization na hindi sila kinakailangan. Bagaman mahigit 10 porsyento ng populasyon ng Lombok ang nawalan ng tirahan, walang idineklarang pambansang emergency, isang paunang kundisyon para mag-udyok ng tulong mula sa ibang bansa. "Sa maraming pagkakataon, sa kasamaang palad, mariin nilang nilinaw na hindi sila humihingi ng tulong sa ibang bansa, kaya medyo mahirap ito," ani Bb. Sumbung. Bagama’t bumubuo ng team ang Save the Children para magpunta sa Palu, hindi pa rin tiyak kung puwedeng magtrabaho ang dayuhang tauhan sa lugar. Ani G. Sutopo, tagapagsalita ng kawanihan ng pambansang sakuna, sinusuri pa ng mga opisyal ng Indonesia ang sitwasyon sa Palu para makita kung papahintulutan ba ang mga internasyunal na kawanihan na makibahagi sa pagtulong. Sa kabila ng lindol na madalas na nararanasan ng Indonesia, hinding hindi pa rin sila handa sa bagsik ng kalikasan. Bagaman may mga tsunami shelter nang naitayo sa Aceh, hindi sila pangkaraniwang makikita sa iba pang baybaying-dagat. Ang kawalan ng sirena ng babala ng tsunami sa Palu, bagama’t may umiiral nang babala, ay malamang na ikinabawas din ng mga buhay. Sa pinakamagagandang panahon, mapanubok ang paglalakbay sa pagitan ng mga isla ng Indonesia. Lalo pang pinapalala ng mga natural na sakuna ang logistics. Isang barkong opsital na nakaistasyon sa Lombok para gumamot ng mga biktima ng lindol ang kasalukuyang papunta sa Palu, ngunit aabutin pa ng hindi bababa sa tatlong araw bago marating ang lugar ng bagong kalamidad. Ginawang sentro ni Pangulong Joko Widodo ang kalunos-lunos na imprastraktura ng Indonesia sa kanyang kampanya sa eleksyon, at nakapaglaan na siya ng maraming pera sa mga kalsada at riles. ngunit sinasalot ng kakulangan sa pondo ang administrasyon ni G. Joko dahil sa kanyang nalalapit na muling pagkahalal sa susunod na taon. Nahaharap din si G. Joko sa pandidiin mula sa mga nananatiling tunggalian ng mga sekta sa Indonesia, kung saan karamihan sa mga Muslim ang yumakap sa mas konserbatibong anyo ng pananampalataya. Mahigit 1,000 tao ang napatay at libu-libo ang nawalan ng tirahan habang naglalaban-laban sa mga lansangan ang mga grupong Kristiyano at Muslim gamit ang mga machete, busog at palaso, at iba pang makalumang sandata. Panoorin: Daniel Sturridge ng Liverpool pumuntos para pantayin ang laban sa Chelsea Naisalba ni Daniel Sturridge ang Liverpool mula sa pagkakatalo sa Premier League laban sa Chelsea nang makapuntos siya sa ika-89 na minuto ng laro noong Sabado sa Stamford Bridge sa London. Pinasahan si Sturridge ni Xherdan Shaqiri mga 30 yarda ang layo mula sa goal ng Chelsea habang nangungulelat ang team niya sa 1-0. Ikinabig niyang pakaliwa ang bola bago sinipa papunta sa far post ng goal. Lumipad ang bola sa taas ng box at napadpad ito sa itaas na kanang sulok ng net. Kalaunan, bumagsak ang bola sa net sa likod ng lumulundag na Kepa Arrizabalaga. "Nasa tamang pagpuwesto lang iyon, para makuha ang bola at palaging sinusubukan ng mga manlalarong gaya ni Shaq na maglaro pasulong hangga’t maaari, kaya sinubukan ko lang kunin ang lahat ng panahong makukuha ko," ani Sturridge sa LiverpoolFC.com. "Nakita kong paparating si Kante kaya ginawa ko na sa isang sipa at hindi ko na masyadong pinag-isipan pa at tinuloy ko na lang ang tira." Nangunguna ang Chelsea nang 1-0 sa halftime matapos makapuntos sa ika-25 minuto mula sa Belgian na si Eden Hazard. Sa larong iyon, pinasa pabalik ng Blues striker ang bola kay Mateo Kovacic, bago siya pumunta sa may bandang midfield at kumaripas papunta sa bahagi ng Liverpool sa field. Nag-give-and-go nang mabilis si Kovacic sa midfield. Tumira siya ng suwabeng through ball, na nagdala kay Hazard papasok sa box. Naungusan ni Hazard ang depensa at tumira siya gamit ang kaliwang paa sa may net ng far post lagpas lamang ni Alisson Becker ng Liverpool. Maglalaro ang Liverpool kontra sa Napoli sa group stage ng Champions League ganap na 3 p.m. ng Miyerkules sa Stadio San Paolo sa Naples, Italy. Kakaharapin ng Chelsea ang Videoton sa UEFA Europa League ganap na 3 p.m. ng Huwebes sa London. Bilang ng namatay sa tsunami sa Indonesia nasa 832 na Umakyat na sa 832 ang bilang ng namatay sa lindol at tsunami sa Indonesia, ayon sa kawanihan ng sakuna ng bansa noong Linggo. Naiulat na maraming tao ang naipit sa mga guho ng gusaling bumagsak dahil sa 7.5 magnitude na lindol noong Biyernes na siyang nagdulot ng mga alon na umabot sa 20 talampakan, ani Sutopo Purwo Nugroho, tagapagsalita ng kawanihan, sa isang kumperensya ng balita. Nagkalat ang mga guho ng mga bumagsak na gusali sa Lungsod ng Palu, na may higit sa 380,000 tao. Isang lalaki, 32, na hinihinalang nanaksak at pumaslang ng babae, arestado ng Pulis Isang imbestigasyon sa pamamaslang ang binuksan matapos matagpuan ang bangkay ng isang babae sa Birkenhead, Merseyside, nitong umaga. Natagpuan ang 44 na taong gulang na babae na may mga saksak noong 7:55am sa Grayson Mews sa John Street, habang may 32 taong gulang na lalaking inaaresto sa hinala ng pagpaslang. Hinikayat na ng mga pulis na lumapit sa kanila ang sinuman sa lugar na may nakita o narinig. Ani Detective Inspector Brian O'Hagan: 'Kakasimula pa lamang ng imbestigasyon ngunit nananawagan ako sa sinumang nasa John Street sa Birkenhead na nakakita o nakarinig ng anumang kahina-hinala na makipag-ugnayan sa amin. Nananawagan din ako sa sinuman, lalo na sa mga tsuper ng taxi, na maaaring nakakuha ng anumang footage sa dashcam na makipag-ugnayan sa amin dahil puwedeng may impormasyon sila na mahalaga sa aming imbestigasyon.' Kinumpirma ng tagapagsalita ng pulis na taga-Birkenhead ang babaeng natagpuan at nasa loob siya ng isang lupang pag-aari. Nitong hapon, dumating ang mga kaibigang naniniwalang kakilala nila ang babae upang magtanong kung saan siya natagpuan nitong umaga. Patuloy ang imbestigasyon samantalang sinabi ng pulis na ipinapaalam nila ang insidente sa mga malapit na kamag-anak ng biktima. Sinubukang pumasok ng isang tsuper ng taxi na nakatira sa Grayson Mews sa kanyang flat ngunit sinasabihan siya ng pulis na walang pinahihintulutang makapasok o makalabas ng gusali. Natahimik siya nang matuklasan niya kung ano ang nangyari. Sinasabihan ngayon ang mga residente na ilang oras pa ang aabutin bago sila pahintulutang makapasok ulit. Narinig ang isang pulis na nagsasabi sa isang lalaki na itinuturing na ang buong lugar na crime scene. Isang babae ang lumuluhang dumating sa lugar. Paulit-ulit niyang sinabi na 'kalunos-lunos ito'. Noong 2pm dalawang van ng pulis ang nasa loob ng cordon habang may isa pang van na nasa labas lamang. May ilang pulis na nakatayo sa loob ng cordon at sinusubaybayan ang bloke ng mga flat. Hinihiling sa sinumang may impormasyon na mag-DM sa @MerPolCC, tumawag sa 101, o makipag-ugnayan sa Crimestoppers nang hindi nagpapakilala sa 0800 555 111 at banggitin ang log 247 noong Setyembre 30. Rebulto ni Cromwell ng Parliyamento pinakabagong bantayog na pinuntirya ng away sa 'pagbabago ng kasaysayan' Matalinghagang katarungan ang pagpapatanggal dito dahil sa kanyang mala-Taliban na pagsira sa napakaraming kultural at relihiyosong artefact ng England na isinagawa ng mga Puritan niyang tagasunod. Ngunit inilarawan ng Cromwell Society ang panukala ni G. Crick bilang "kalokohan" at “pagpaplanong baguhin ang kasaysayan." Ani John Goldsmith, tagapamahala ng Cromwell Society: "Hindi naman maiiwasan sa kasalukuyang debate tungkol sa pagtatanggal ng mga rebulto na magiging puntirya ang imahen ni Oliver Cromwell sa labas ng Palasyo ng Westminster. Hindi naman ipinag-utos o isinagawa ni Cromwell ang pagwasak sa mga sagradong imahen noong mga digmaang sibil sa England. Marahil ang maling Cromwell ang masasakripisyo dahil sa ginawa ng kanyang ninuno na si Thomas noong nakaraang siglo. Patunay ang mahusay na paglikha ni Sir William Hamo Thorneycroft's kay Cromwell ng opinyon noong ika-19 na siglo at bahagi ng pag-aaral ng kasaysayan ng isang taong pinaniniwalaan ng marami na nararapat pa ring ipagdiwang. Ani G Goldsmith sa The Sunday Telegraph: "Itinuturing ng marami si Cromwell, marahil higit sa ika-19 na siglo kaysa sa ngayon, bilang tagapagtanggol ng parliyamento laban sa pandidiin mula sa labas, sa kanyang kaso syempre, ang monarkiya. Patuloy pa ring laman ng debateng pangkasaysayan kung tumpak itong paglalarawan sa pangkalahatan. Natitiyak lamang na ang tunggalian noong gitna ng ika-17 siglo ang humubog sa sumunod na pagbuo ng ating bansa, at isang natatanging tauhan si Cromwell na kumakatawan sa isang aspeto ng pagkakahating iyon. Nararapat ding ipagdiwang at alalahanin ang kanyang mga napagtagumpayan bilang Lord Protector." Baboy na Mamamatay-tao Lumapa ng Chinese na Magsasaka Isang magsasaka ang inatake at pinatay ng baboy sa palengke sa timog-kanlurang China, ayon sa mga ulat ng lokal na media. Natagpuan ang lalaki, na kilala lamang sa kanyang apelyidong "Yuan," na patay na at may naputol na artery, duguan malapit sa kulungan ng baboy sa isang palengke sa Liupanshui sa probinsiya ng Guizhou, ulat ng South China Morning Post noong Linggo. Naghahanda ang isang tagapangalaga ng baboy na magturok ng bakuna sa mga baboy sa isang babuyan noong Mayo 30, 2005 sa Xining sa Qinghai Province, China. Ayon sa ulat, naglakbay siya kasama ng kanyang pinsan mula sa katabing pobinsya ng Yunnan noong Miyerkules para magbenta ng 15 baboy sa palengke. Noong sumunod na umaga, natagpuan siyang patay ng kanyang pinsan, at may natuklasan siyang bukas na pinto sa kalapit na kulungan ng baboy. Aniya, may isang malaking lalaking baboy na may dugo sa kanyang bibig sa loob ng kulungan. Isang forensic na pagsusuri ang nagkumpirma na nilapa ng 550 pound na baboy ang magsasaka, ayon sa ulat. "Duguan at bali-bali ang mga binti ng aking pinsan," ani kanyang pinsan, na kilala lamang sa kanyang apelyidong "Wu," sa Guiyang Evening News. Nakita sa video ng security camera ang pagpasok ni Yuan sa palengke noong 4.40 am noong Huwebes para pakainin ang kanyang mga baboy. Natagpuan ang kanyang katawan mga isang oras ang lumipas. Hindi pag-aari ni Yuan o ng kanyang pinsan ang hayop na nakapatay sa lalaki. Ani isang tagapamahala ng palengke sa Evening News, ikinulong na ang baboy para wala na itong maatake, habang nangangalap ng ebidensiya ang pulis sa lugar. Ayon sa ulat, may negosasyon sa pagitan ng pamilya ni Yuan at ng mga awtoridad ng palengke para sa bayad sa pagkamatay niya. Bagaman bihira, may mga kaso nang naitala dati ng mga baboy na umaatake ng mga tao. Noong 2016, isang baboy ang umatake sa babae at sa kanyang asawa sa kanilang sakahan sa Massachussets, na nagdulot ng mga kritikal na pinsala sa lalaki. Sampung taon ang nakararaan, isang 650 pound na baboy ang umipit sa Welsh na magsasaka sa kanyang traktora hanggang sa takutin ng asawa nito papalayo ang hayop. Matapos kainin ng kanyang mga baboy ang isang magsasaka sa Oregon noong 2012, sinabi ng isang magsasaka sa Manitoba sa CBC News na hindi naman karaniwang agresibo ang mga baboy ngunit maaaring nagsisilbing "tulak" sa kanila ang lasa ng dugo. "Nagiging mapaglaro lang sila. Mahilig silang mangagat, sobrang mapagtuklas ... hindi naman nila layuning saktan ka. Kinakailangan mo lamang silang bigyan ng sapat na respeto," aniya. Natitirang lakas ng Hurricane Rosa magdadala ng malawak at malaks na pag-ulan sa timog-kanlurang U.S. Gaya ng naiulat na, humihina na ang Hurricane Rosa habang papunta ito sa mas malamig na katubigan ng hilagang baybayin ng Mexico. Gayunpaman, magdadala ng pagbaha at pag-ulan si Rosa sa kabuuan ng hilagang Mexico at timog-kanlurang U.S. sa mga darating na araw. May bilis na 85 mph ang dalang hangin ni Rosa, na isang Category 1 na Hurricane, nitong 5 a.m. Eastern time noong Linggo, at namataan ito 385 milya timog-kanluran ng Punta Eugenia, Mexico. Inaasahang magpupunta ng hilaga si Rosa sa Linggo. Samantala, may namumuong trough sa ibabaw ng Karagatang Pasipiko at gumagalaw ito pasilangan papunta sa Kanlurang Baybayin ng U.S. Habang papalapit si Rosa sa peninsula ng Baja California bilang isang tropical storm, magsisimula itong magtulak ng tropikal na halumigmig pahilaga papunta sa timog-kanlurang U.S. Magdadala si Rosa ng aabot sa 10 pulgada ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Mexico sa Lunes. Pagkatapos, gagawa ang tropikal na halumigmig na hahalo sa paparating na trough ng malawak at malakas na pag-ulan sa Timog-kanluran sa darating na mga araw. Sa lokalidad, magdudulot ng mapanganib na biglaang pagbaha, pag-agos ng mga debris, at pagguho ng lupa sa disyerto ang 1 hanggang 4 na pulgada ng pag-ulan. Ang malalim na tropikal na moisture ay magdudulot ng pag-ulang halos 2 hanggang 3 pulgada kada oras sa ilang lugar, lalo na sa ilang parte ng timog Nevada at Arizona. Humigit-kumulang 2 hanggang 4 na pulgada ng pag-ulan ang inaasahan sa Timog-kanluran, lalo na sa malaking parte ng Arizona. Posible ang biglang pagbaha na may mabilis na paglala ng mga kondisyon dahil sa kalat-kalat na katangian ng tropikal na ulan. Hindi magandang lumabas at maglakad sa disyerto nang may banta ng tropikal na pag-ulan. Puwedeng maging mga rumaragasang ilog ang mga canyon dahil sa malakas na ulan, at magdadala ang mga bagyong may kulog ng mga lokal na malalakas na hangin at pag-ihip ng alikabok. Magdadala ng mga lokal na malalakas na ulan ang papalapit na depresyon sa ilang parte ng dalampasigan ng Timog California. Posible ang pag-ulang aabot sa kabuuang mahigit sa kalahating pulgada, na puwedeng magdulot ng bahagyang pagdaloy ng debris at madudulas na kalsada. Ito ang unang magiging pag-ulan sa rehiyon sa panahon ng tag-ulan nito. Magsisimula nang lumapit sa Arizona sa gabi ng Linggo at umaga ng Lunes ang ilang kalat-kalat na tropikal na pag-ulan, bago kumalat ang ulan sa gabi ng Lunes at Martes. Kakalat ang malakas na ulan sa Four Corners sa Martes at tatagal hanggang Miyerkules. Habang lumalamig ang Arctic, makikita sa Oktubre ang malalang pagbabago-bago ng temperatura sa buong U.S., habang mananatiling medyo mainit ang mga tropiko. Minsan, nagdudulot ito ng matinding mga pagbabago sa temperatura sa mga malalapit na distansya. May magandang halimbawa ng matinding pagkakaiba sa mga temperatura sa buong gitnang U.S. sa Linggo. Mayroong halos 20-degree na pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng lungsod ng Kansas, Missouri, at Omaha, Nebraska, at sa pagitan ng St. Louis at Des Moines, Iowa. Sa mga susunod na araw, susubok ang natitirang init ng tag-araw na lumakas at lumawak ulit. Inaasahang magkakaroon ng mainit na simula ng Oktubre na may malawak na 80s ang kalakhan ng gitna at silangang U.S., mula sa Southern Plains hanggang sa ilang parte ng Hilagang Silangan. Puwedeng umabot sa 80 degrees ang New York sa Martes, na tinatantiyang mas mataas nang 10 degrees sa nakasanayan. Sinasabi ng aming pangmatagalang ulat ng panahon ang mataas na posibilidad ng mas mataas sa karaniwang mga temperatura para sa silangang U.S. sa unang kalahati ng Oktubre. Mahigit 20 milyong tao, nanood ng pagdinig ni Brett Kavanaugh Mahigit 20 milyong tao ang nanood ng makapigil-hiningang testimonya noong Huwebes ng nominee ng Korte Suprema na si Brett Kavanaugh at ng babaeng nag-akusa sa kaniya ng sexual assault na nangyari diumano noong 1980s, si Christine Blasey Ford, sa anim na network ng telebisyon. Samantala, nagpatuloy ang politikal na laban, na may pag-antala ng mga brodkaster sa regular na programa para sa huling pasabog ng Biyernes: isang kasunduang idinisenyo ni Arizona Sen. Jeff Flake para magsagawa ng isang linggong imbestigasyon ng mga kaso ang FBI. Sinabihan ni Ford ang Senate Judiciary Committee na 100 porsyento siyang sigurado na hinipuan siya ni Kavanaugh nang lasing at sinubukang niya siyang hubaran sa isang high school party. Sa isang mainit na testimonya, sinabi ni Kavanaugh na 100 porsyento siyang sigurado na hindi iyon nangyari. Malamang na mahigit 20.4 milyong tao na iniulat ng Nielsen noong Biyernes ang nanood nito. Binibilang ng kumpanya ang karaniwang dami ng manonood sa CBS, ABC, NBC, CNN, Fox News Channel at MSNBC. Hindi agad naging available ang mga bilang para sa iba pang mga network na nagpalabas nito, kasama ang PBS, C-SPAN, at ang Fox Business Network. At madalas nagkakaproblema ang Nielsen sa pagbilang ng mga taong nanonood sa mga tanggapan. Para mas maliwanag, katumbas ito ng dami ng manonood ng playoff na laro ng football o ng Academy Awards. Nanguna sa mga network ang Fox News Channel, kung saan malakas na sinusuportahan ng mga opinion host ang pagkatalaga ni Kavanaugh, na may humigit-kumulang na 5.69 milyong manonood sa buong araw na pagdinig, sabi ng Nielsen. Pangalawa ang ABC na may 3.26 milyong manonood. Mayroong 1.3 milyon ang CBS, may 2.94 milyon ang NBC, may 2.89 milyon ang MSNBC, at may 2.52 milyon ang CNN, sabi ng Nielsen. Nanatiling mataas ang interes pagkatapos ng pagdinig. Isang pangunahing tao si Flake sa drama noong Biyernes. Matapos maglabas ng pahayag ang tanggapan ng moderate Republican na boboto siya pabor kay Kavanaugh, nakuhanan siya ng CNN at CBS noong Biyernes ng umaga na sinisigawan ng mga nagpoprotesta habang pasakay ng elevator papunta sa isang pulong ng Judiciary Committee. Tumayo siyang nakababa ang mga mata habang iniinsulto siya nang maraming minuto, at ipinilabas ito nang live sa CNN. “Nakatayo ako sa harap mo,” sabi ng isang babae. "Sa tingin mo ba nagsasabi siya ng totoo sa bansa? Sinabihan siya na, “may kapangyarihan ka samantalang maraming babae ang walang kapangyarihan."" Bago magsara ang elevator sinabi ni Flake na naglabas ng pahayag ang kanyang tanggapan, na sa pagdinig ng komite niya sasabihin ang higit pa. Nagbabalita nang live ilang oras matapos nito ang lahat ng mga cable at broadcast network, habang dapat boboto ang Judiciary Committee para iabante ang pagiging nominado ni Kavanaugh sa buong Senado para pagbotohan ito. Pero sabi ni Flake na gagawin lang niya ito dahil ang pagkakaintindi niya ay iimbestigahan ng FBI ang mga akusasyon laban sa nominado sa susunod na linggo, na itinutulak na ng minoridad na mga Democrat. Bahagyang nakumbinse si Flake ng mga usapan nila ng kanyang kaibigan, si Democratic Sen. Chris Coons. Matapos ang isang usapan kasama si Coons at marami pang mga senador, bumuo ng pasya si Flake. May kapangyarihan ang pasya ni Flake, dahil malinaw na hindi aabutin ng mga boto ng mga Republican na aprubahan si Kavanaugh nang walang imbestigasyon. Nagbukas ng imbestigasyon ng FBI si Pangulong Trump sa mga akusasyon laban kay Kavanaugh. Inakusahan ni British PM May ang mga kritiko ng 'pamumulitika' tungkol sa Brexit Inakusahan ni Prime Minister Theresa May ang mga kritiko ng kanyang mga plano na umalis ng European Union ng "pamumulitika" sa hinaharap ng Britain at paninira ng interes ng bansa sa isang panayam sa pahayagang Sunday Times. Ang Prime Minister ng Britain na si Theresa May ay dumating para sa Conservative Party Conference sa Birmingham, Britain, Setyembre 29, 2018. Sa isa pang panayam sa tabi ng kay May sa front page ng pahayagan, itinuloy ng dating foreign minister niya na si Boris Johnson ang kanyang atake sa diumanong Chequers plan ni May para sa Brexit, aniya ang mungkahing dapat kolektahin ng Britain at EU ang mga taripa ng isa’t isa ay "tila kahibangan." Pamamaril kay Wayde Sims: Inaresto ng pulisya ang suspek na si Dyteon Simpson sa pagkamatay ng manlalaro ng LSU Inaresto ng pulisya ang suspek sa pagkamatay sa pamamaril ni Wayde Sims, 20 taong gulang na manlalaro ng basketball sa LSU. Inaresto si Dyteon Simpson, 20, at ikinulong sa kasong second-degree murder, sabi ng Baton Rouge Police Department. Naglabas ng video ang mga opisyal ng away sa pagitan ni Sims at Simpson at sabi ng pulis na nawala ni Sims ang kanyang salamin sa away. Nakuha ng pulis ang salamin sa eksena at sinabing nakakita sila ng DNA ni Simpson dito, ulat ng WAFB, affiliate ng CBS. Matapos ang pagkuwestiyon kay Simpson, sabi ng pulis na umamin siya sa pamamaril kay Wayde. Nakatakda ang kanyang pyansa sa $350,000, ulat ng The Advocate. Naglabas ng paunang ulat ang Tanggapan ng Coroner ng East Baton Rouge Parish noong Biyernes, ayon dito, ang sanhi ng pagkamatay ay pamamaril sa ulo na tumagos sa leeg. Pinupuri ng kagawaran ang Louisiana State Police fugitive task force, ang crime lab ng state police, pulisya ng Southern University at mga mamamayan ng lugar sa pagtulong sa imbestigasyong natulak sa pag-aresto. Pinasalamatan ni LSU athletic director Joe Alleva ang mga alagad ng batas sa lugar para sa “pagsisikap at paghahanap ng hustisya” nito. 20 taong gulang si Sims. Lumaki sa Baton Rouge ang 6-foot-6 na forward, kung saan naglaro rin ang kanyang ama na si Wayne ng basketball para sa LSU. Mayroon siyang average na 5.6 na puntos at 2.6 na rebound kada laro noong nakaraang season. Noong Biyernes ng umaga, sabi ng coach ng LSU basketball na si Will Wade na "dismayado" ang koponan at "nagulat" sa pagkamatay ni Wayde. "Ito ang lagi mong inaalala," sabi ni Wade. Bumuga ng abo ang isang bulkan sa lungsod ng Mexico Umabot sa mga tahanan sa timog ng kabisera ng Mexico ang abong ibinuga ng bulkang Popocatepetl. Nagbabalala ang National Center for Disaster Prevention sa mga Mexican noong Sabado na lumayo sa bulkan matapos tumaas ang aktibidad sa crater at magrehistro ng 183 na emission ng hangin at abo sa loob ng 24 na oras. Sinusubaybayan ng center ang maraming pagkalam at pagnginig. Makikita sa mga larawan sa social media ang maninipis na abo na bumabalot sa mga windshield ng kotse sa mga lugar sa lungsod ng Mexico tulad ng Xochimilco. Napansin ng mga geophysicist ang pagtaas ng aktibidad sa bulkan na 45 milya (72 kilometro) ang layo sa timog-silangan ng kabisera matapos ang 7.1 na paglindol sa gitnang Mexico noong Setyembre 2017. Aktibo ang bulkang tinatawag na “Don Goyo” mula pa noong 1994. Nakipagsagupaan ang pulis laban sa mga separatist sa Catalan bago ang anibersaryo ng boto ng kasarinlaan Anim na katao ang inaresto sa Barcelona noong Sabado matapos makipagsagupaan ng mga pro-independence na nagpoprotesta sa pang-riot na pulis, at habang libo-libo ang sumama sa pagkilos ng oposisyon para gunitain ang unang anibersaryo ng mapanghating boto ng Catalonia sa pagbaklas. Binato ng itlog at powder paint ng isang grupo ng mga nakamaskarang pro-separatist ang mga pang-riot na pulis na pumigil sa kanila, at gumawa ito ng mga itim na ulap ng alikabok sa mga kalsadang karaniwang puno ng mga turista. Nagkagulo din kinahapunan at gumamit ang mga pulis ng mga batuta para kontrolin ang mga away. Maraming oras na nanawagan ang mga pro-independence na grupo na “Walang paglimot, walang kapatawaran” kaharap ang mga unionist na nagpoprotestang sumisigaw ng, “Mabuhay ang Spain.” Labing apat katao ang ginamot para sa mga maliliit na sugat na nakuha sa mga protesta, ulat ng lokal na pahayagan. Nanatiling mataas ang tensyon sa rehiyong nananawagan ng kasarinlan matapos ang isang taon ng referendum noong Oktubre 1 na itinuring na ilegal ng Madrid pero ipinagdiwang ng mga Catalan na separatist. Piniling magsarili ng kalakhan ng mga botante bagamat kaunti lamang ang bumoto dahil nagboykot ng botohan ang karamihan sa mga laban sa pagbaklas. Ayon sa mga awtoridad ng Catalan, halos 1000 katao ang nasugatan noong nakaraang taon matapos sinubukang pigilan ng pulisya ang pagboto sa mga presinto sa buong rehiyon sa mga marahas na sagupaan. Nagkampo magdamag ang mga grupo na pro-independence noong Biyernes para pigilan ang pagkilos na sumusuporta sa pambansang pulisya. Natuloy ang pagkilos pero napilitang dumaan sa ibang ruta. Sabi ni Narcis Termes, 68, isang electrician na nakilahok sa separatist na protesta kasama ang kanyang asawa, na hindi na raw siya umaasa sa posibilidad na makuha ng Catalonia ang kasarinlan. “Noong nakaraang taon, naranasan namin ang isa sa aming pinakadakilang mga sandali. Pinanood kong maiyak sa tuwa ang aking mga magulang dahil nakaboto sila pero hindi kami umuusad ngayon," sabi niya. Bagamat nakamit ang hikahos na tagumpay sa rehiyonal na eleksyon noong nakaraang Disyembre, nahirapan ang mga partidong pro-independence sa Catalan na bumwelo ngayong taon dahil nakasariling exile o nakakulong at naghihintay ng pagdinig ang marami sa kanilang mga sikat na pinuno dahil sa kanilang papel sa pag-organisa ng referendum at sa naging deklarasyon ng kasarinlan. Ani Joan Puig, isang 42-year-old na mekaniko na nagre-record sa kanyang telepono ng protesta na sumusuporta sa pulisya, na ginatungan ng mga politiko ng dalawang panig ang tunggalian. "Palala lang nang palala ito," sabi niya. Noong Sabado, inanunsyo ni Oriol Junqueras, isa sa siyam na pinuno sa Catalan na nasa pre-trial na kulungan mula pa noong huling bahagi ng nakaraang taon, na tatakbo raw siya sa eleksyon ng European Parliament sa susunod na taon. “Ang pagiging kandidato sa eleksyon sa Europa ang pinakamagandang paraan para kundenahin ang pag-urong ng mga demokratikong prinsipyo at pagsupil na nakita natin mula sa pamahalaan ng Spain," aniya. Londonderry: Arestado ang tatlong lalaki matapos masalpok ng kotse ang isang bahay Tatlong lalaki, edad 33, 34 at 39, ang inaresto matapos na paulit-ulit salpukin ng kotse ang isang bahay sa Londonderry. Naganap ang insidente sa Ballynagard Crescent noong Huwebes nang bandang 19:30 BST. Sabi ni Det Insp Bob Blemmings na nasira raw ang mga gate at ang gusali mismo. Puwede rin daw na sa isang punto may crossbow na itinira sa kotse. Tira ni Menga, nagpapanalo sa Livingston laban sa Rangers, 1-0 Tiniyak ng unang goal ni Dolly Menga ang tagumpay ng Livingston Ginulat ng umangat na Livingston ang Rangers para ibigay kay Steven Gerrard ang kanyang ikalawang talo sa 18 laro bilang manager ng Ibrox club. Ang tira ni Dolly Menga ang kinailangan para pumantay ang koponan ni Gary Holt sa Hiberian sa ikalawa. Nananatiling walang panalo ang koponan ni Gerrard sa Premiership ngayong season at haharapin nila ang nangungunang Hearts na nakakalamang sa kanila ng walong puntos, sa susunod na Linggo. Bago iyon, kakalabanin ng Rangers ang Rapid Vienna sa Europa League sa Huwebes. Samantala, pinatagal ng Livingston ang walang talo nilang paglalaro sa dibisyon sa anim na laro, kasama si head coach Holt na hindi pa natatalo simula nang palitan si Kenny Miller noong nakaraang buwan. Nawalan ng pagkakataon ang Livingston laban sa mga bruskong bisita Dapat matagal nang nanguna ang koponan ni Holt bago pa sila nakapuntos, kung hindi dahil sa kanilang pagiging direkta na nagdulot ng problema para sa Rangers. Nakalagpas si Scott Robinson, pero nagsikap para maka-goal, at lumayo ang tira ni Alan Lithgow dahil sinalubong siya ng header ni Craig Halkett. Nakuntento ang mga host na palaruin ang Rangers sa harap nila, dahil alam nilang kaya nilang pahirapan ang mga bisita sa mga nakatakdang punto. At sa ganoong paraan dumating ang importanteng goal. Isinuko ng Rangers ang isang free-kick at nakakuha ng oportunidad ang Livingston, nagtulungan si Declan Gallagher at Robinson para alalayan si Menga, na nakakuha sa bola at naka-score mula sa gitna ng box. Sa puntong iyon, nakuha na ng Rangers ang bola pero nahirapan silang tumagos sa depensa at nahirapan lang nang kaunti si goalkeeper Liam Kelly, Nagpatuloy ang paglalarong ito sa ikalawang kalahati, bagamat kinailangang magpwersa ng save ni Alfredo Morelos mula kay Kelly. Naharang si Scott Pittman ng mga paa ng goalkeeper ng Rangers na si Allan McGregor at tumira si Lithgow nang malayo mula sa isa pang set play ng Livingston. Patuloy na nagkakaroon ng mga paglipat sa panig ng Livingston at patuloy ring naitaboy, habang dalawang claim ng penalty - matapos ang paghamon ni Halkett sa substitute na si Glenn Middleton, at isa para sa handball - ang iwinalang-bahala. 'Kamangha-mangha' mula sa Livingston - pagsusuri Alasdair Lamont ng BBC Scotland sa Tony Macaroni Arena Kamangha-manghang paglalaro at resulta para sa Livingston. Sa isang tao, magaling sila, patuloy na nilalagpasan ang mga inaasahan sa pataas na pag-unlad. Hindi halos nagbago ang kanilang estilo ng paglalaro at tauhan magmula noong muli silang naging pinakamagaling, pero malaking papuri ang dapat mapunta kay Holt sa kanyang pag-udyok sa koponan mula nang dumating siya. Mayroon siyang maraming bayani. Magaling si Captain Halkett, pinamunuan ang organisadong depensa, habang pinahirapan ni Menga si Connor Goldson at Joe Worrall sa buong laban. Pero nagkulang sa inspirasyon ang Rangers. Kahit na anong galing nila sa ilalim ni Gerrard, hindi nila naabot ang mga pamantayang iyon. Nagkulang ang kanilang huling bola - isang beses lang nila nabuksan ang panig nila - at tila isa itong panawagan sa Rangers, na natagpuan ang kanilang mga sarili sa gitna ng ranggo. Nakakuha ng magkakaibang reaksyon si Erdogan sa Cologne Mayroong mga ngiti at asul na langit noong Sabado (Setyembre 29) nang magkita ang mga pinuno ng Turkey at Germany para mag-almusal sa Berlin. Ito ang huling araw ng kontrobersyal na pagbisita ni Pangulong Erdogan sa Germany - na naglalayong ayusin ang relasyon sa pagitan ng mga kaalyado sa NATO. Nagtalo sila tungkol sa mga usapin ng karapatang pantao, kalayaan sa pamamahayag, at ang pag-akyat ng Turkey sa EU. Pagkatapos ay pumunta si Erdogan sa Cologne para magbukas ng bagong malaking mosque. Sa lungsod na ito naninirahan ang pinakamalaking populasyon ng mga Turk sa labas ng Turkey. Idinahilan ng pulisya ang seguridad para harangan ang 25,000 tao sa pagkukumpulan sa harap ng mosque, pero maraming mga taga-suporta ang dumating para makita ang kanilang pangulo. Nanawagan din ang daan-daang mga kontra-Erdogan na nagpoprotesta - karamihan sa kanila ay Kurdish - kinukundena ang mga polisiya ni Erdogan at ang pasya ng pamahalaan ng Germany na tanggapin siya sa bansa. Sinasalamin ng dalawang magkaibang protesta ang mapanghati na bisita na itinuturing na bayani ng ilang German na Turk at binabatikos bilang diktador ng iba. Bangaan sa Deptford road: Namatay ang isang siklista sa pagkabangga sa kotse Namatay ang isang siklista matapos makabanggaan ang isang kotse sa London. Nangyari ang banggaan malapit sa junction ng Bestwood Street at Evelyn Street, isang abalang kalsada sa Deptford, sa timog-silangan ng lungsod, nang bandang 10:15 BST. Huminto ang nagmamaneho ng sasakyan at dumating ang mga paramedic, pero namatay sa eksena ang lalaki. Nangyari ang banggaan ilang buwan matapos may namatay na isa pang siklista sa isang hit-and-run sa Childers Street, halos isang milya ang layo sa banggaan noong Sabado. Sabi ng Metropolitan Police na tinatrabaho na nila ang pag-alam sa pagkakakilanlan ng lalaki at ang pagpapaalam sa kanyang kamag-anak. May mga inilagay na pansara ng mga kalsada at pang-iba ng daanan ng mga bus at inabisuhan ang mga motorista na iwasan ang lugar. Bilangguan ng Long Lartin: Anim na opisyal ang nasaktan sa gulo Anim na opisyal ng bilangguan ang nasugatan sa gulo sa high security na kulungan ng kalalakihan, sabi ng Prison Office. Nagsimula ang kaguluhan sa HMP Long Lartin sa Worcestershire nang bandang 09:30 BST noong Linggo at kasalukuyan itong nagpapatuloy. Ipinadala ang mga espesyalistang "Tornado" na opisyal para harapin ang kaguluhan, na dawit ang walong preso at pinapanatili sa isang wing. Ginamot sa eksena ang mga opisyal para sa mga maliliit na sugat sa mukha. Sabi ng tagapagsalita ng Prison Service: "May mga ipinadalang espesyal na sinanay na tauhan para harapin ang kasalukuyang nangyayaring insidente sa HMP Long Lartin. Anim na kawani ang ginamot ang mga sugat. Hindi namin binibigyang puwang ang karahasan sa aming mga presinto, at inililinaw namin na ang mga responsbable ay isusuplong sa pulisya at puwedeng mas matagal na makulong." Mayroong higit 500 preso sa HMP Long Lartin, kasama ang mga pinakadelikadong kriminal sa bansa. Noong Hunyo, iniulat na naospital ang namamahala sa presinto matapos atakihin ng isang preso. At noong Oktubre ng nakaraang taon, tinawag sa kulungan ang mga pang-riot na opisyal para tugunan ang isang malubhang kaguluhan kung saan inatake ang mga kawani sa pamamagitan ng mga pool ball. Nagbabanta ang Bagyong Rosa ng Biglang Pagbaha sa Phoenix, Las Vegas, Salt Lake City (Puwedeng Makinabang ang mga Tagtuyot na Lugar) Bihira para sa Arizona ang tamaan ng tropikal na depresyon, pero iyan ang puwedeng mangyari sa unang bahagi ng susunod na linggo dahil sa pagdaan ng natitirang lakas ng Bagyong Rosa sa Desert Southwest, dala-dala ang panganib ng biglang pagbaha. Naglabas na ng pagsubaybay sa biglang pagbaha ang National Weather Service para sa Lunes at Martes para sa kanlurang Arizona hanggang sa timog at silangang Nevada, timog-silangang California at Utah, kasama ang mga lungsod ng Phoenix, Flagstaff, Las Vegas, at Salt Lake City. Inaasahang direktang dadaan ang bagyong Rosa sa Phoenix sa Martes, at lalapit ito ng gabi ng Lunes na may ulan. Binanggit ng National Weather Service sa Phoenix sa isang tweet na “sampu pa lang na tropikal na unos ang nakapanatili ng tropikal na bagyo o depresyon na estado 200 milya mula sa Phoenix mula pa noong 1950! Ang Katrina (1967) ay isang bagyo 40 milya mula sa border ng AZ." Tinataya ng mga pinakabagong Hurricane Center model ang 2 hanggang 4 na pulgada ng pag-ulan, na may pulo-pulong dami na hanggang 6 na pulgada sa Mogollon Rim ng Arizona. Malamang na makakuha ng 1 hanggang 2 pulgada ang iba pang lugar ng Desert Southwest kasama ang gitnang Rockies at ang Great Basin, na posibleng may pulo-pulong kabuuan na hanggang 4 na inch. Para sa hindi nanganganib sa biglang pagbaha, ang ulan ng Rosa ay puwedeng maging biyaya dahil tagtuyot ang rehiyon. Bagamat seryosong alalahanin ang pagbaha, ang pag-ulan na ito ay posibleng maging kapakipakinabang dahil kasalukuyang nakakaranas ng tagtuyot ang Timog-kanluran. Ayon sa U.S. Drought Monitor, humigit-kumulang 40 porsyento ng Arizona ang nakakaranas ng malalang tagtuyot, ang ikalawa sa pinakamataas na kategorya," ulat ng weather.com. Unang pupunta ang Bagyong Rosa para mag-landfall sa Baja California peninsula ng Mexico. Taglay pa rin ang lakas ng bagyo at ang pinakamabilis na hangin na 85 milya kada oras noong Linggo ng umaga, ang bagyong Rosa ay 385 milya ang layo sa timog ng Punta Eugenia, Mexico, papuntang hilaga sa bilis na 12 milya kada oras. Nakasalubong ang bagyo ng mas malamig na katubigan sa Pacific at samaktuwid ay hihina. Kaya naman inaasahang magla-landfall ito sa Mexico nang may lakas ng tropikal na bagyo ng hapon o gabi ng Lunes. Puwedeng maging malakas ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Mexico, dala-dala ang malaking panganib ng pagbaha. "Inaasahan ang kabuuang 3 hanggang 6 na pulgada na pag-ulan sa Baja California hanggang hilagang kanlurang Sonora, na posibleng umabot ng 10 inch," ulat ng weather.com. Pagkatapos ay pupunta naman ang bagyong Rosa sa Mexico bilang tropikal na bagyo bago marating ang border ng Arizona ng madaling araw ng Martes bilang tropikal na depresyon, na pagkatapos ay dadaan naman sa Arizona hanggang sa timog Utah ng gabi ng Martes. "Ang pangunahing panganib na inaasahan sa Rosa o sa mga labi nito ay ang napakalakas na pag-ulan sa Baja California, hilagang kanlurang Sonora, at sa U.S. Desert Southwest," sabi ng National Hurricane Center. Inaasahang magdudulot ang mga pag-ulan na ito ng delikadong biglang pagbaha at pag-agos ng debris sa mga disyerto, at mga pagguho ng lupa sa mabundok na lugar. Atake sa Midsomer Norton: Apat, inaresto sa tangkang pagpatay Inaresto ang tatlong tinedyer na lalaki at isang 20 taong gulang na lalaki sa paghihinalaang tangkang pagpatay, matapos matagpuan ang isang 16 taong gulang na may mga saksak sa Somerset. Nakitang sugatan ang tinedyer na lalaki sa lugar ng Excelsior Terrace sa Midsomer Norton, nang bandang 04:00 BST noong Sabado. Dinala siya sa ospital kung saan nananatili siyang nasa “stable” na kondisyon. Isang 17 taong gulang, dalawang 18 taong gulang at isang 20 taong gulang na lalaki ang inaresto ng gabi sa lugar ng Radstock, Avon, sabi ng Somerset Police. Umapela ang mga opisyal sa kahit sinong mayroong footage ng nangyari sa telepono na magpakita. 'Pinahirapan' si Kavanaugh 'ng kalupitan, ng galit' ng Democratic Party, sabi ni Trump "Ang boto para kay Judge Kavanaugh ay boto para iwaksi ang malupit at marahas na mga taktika ng Democratic Party," sabi ni Trump sa isang pagtitipon sa Wheeling, West Virginia. Sabi ni Trump, "pinahirapan" si Kavanaugh "ng kalupitan, ng galit" ng Democratic Party sa proseso ng kanyang pagkanominado. Tumestigo si Kavanaugh sa Kongreso noong Huwebes, pilit at emosyonal na itinatanggi ang akusasyon mula kay Christine Blasey Ford na hinalay niya ito ilang dekada na ang nakakalipas, noong mga tinedyer pa sila. Tumestigo rin si Ford sa pagdinig tungkol sa kanyang akusasyon. Sabi ng Pangulo noong Sabado na "nakita ng mga Amerikano ang galing at kalidad at tapang" ni Kavanaugh noong araw na iyon. "Ang boto para ikumpirma si Judge Kavanaugh ay boto para ikumpirma ang isa sa pinakabihasang utak sa batas ng ating panahon, isang jurist na may makinang na kasaysayan ng serbisyo sa publiko," sabi niya sa pagtitipon ng mga taga-suporta sa West Virginia. Pahapyaw na binanggit ng Pangulo ang nominasyon ni Kavanaugh habang nagsasalita tungkol sa halaga ng pagboto ng mga Republican sa midterm na eleksyon. "Limang linggo na lang bago ang isa sa mga pinakaimportanteng eleksyon sa ating mga buhay. Hindi ako tatakbo, pero tatakbo talaga ako," sabi niya. "Kaya nasa kung saan-saan ako, ipinaglalaban ang magagaling na kandidato." Sabi ni Trump na misyon ng mga Democrat na "manlaban at manghadlang." Ang unang pangunahing procedural na boto ng Senado sa nominasyon ni Kavanaugh ay inaasahang maisasagawa ng hindi lalagpas ng Biyernes, sabi ng isang nakatataas na GOP leadership aide sa CNN. Daan-daan ang namatay sa lindol at tsunami sa Indonesia, bilang, inaasahang tataas Humigit-kumulang 384 katao ang namatay, karamihan ang tinangay sa pagtama ng higanteng mga alon sa dalampasigan, nang lumindol at nagka-tsunami sa isla ng Indonesia na Sulawesi, sabi ng mga awtoridad noong Sabado. Daan-daang katao ang nagtipon para sa isang pista sa lungsod ng Palu noong Biyernes nang tumama sa dalampasigan ang mga along umaabot ng anim na metro (18 feet) noong takipsilim, tangay ang karamihan sa kanilang kamatayan at sinira ang lahat ng dinaanan nito. Sinundan ng tsunami ang 7.5 na magnitude na lindol. "Nang tumaas ang banta ng tsunami kahapon, nagsasagawa pa rin ng mga aktibidad ang mga tao sa dalampasigan at hindi agad na umalis at naging mga biktima sila," sabi ni Sutopo Purwo Nugroho, ang tagapagsalita ng ahensya ng pag-iwas sa sakuna ng Indonesia, BNPB, sa isang briefing sa Jakarta. "Hindi dumaan nang walang kasama ang tsunami, kinaladkad nito ang mga kotse, bahay, tinamaan nito ang lahat sa lupa,”sabi ni Nugroho, idinagdag din niya na tinahak ng tsunami ang dagat sa bilis na 800 kph (497 mph) bago tumama sa dalampasigan. Umakyat ng mga puno ang iba para takasan ang tsunami at nakaligtas, sabi niya. Humigit-kumulang 16,700 katao ang lumikas sa 24 na center sa Palu. Ipinakita ng mga aerial na larawan na inilabas ng ahensya ng sakuna ang maraming gusali at tindahang nasira, mga tulay na nabaluktot at gumuho at isang mosque na napapaligiran ng tubig. Patuloy na niyanig ng mga aftershock ang lungsod sa dalampasigan noong Sabado. Naramdaman ng 2.4 milyong katao ang sunod-sunod na mga lindol. Sa isang pahayag, sinabi ng Ahensya ng Pagtatasa at Paggamit ng Teknolohiya (Agency for the Assessment and Application of Technolog, BPPT) ng Indonesia na ang enerhiyang inilabas ng malaking lindol noong Biyernes ay 200 beses na mas malakas sa atomic na bombang ihinulog sa Hiroshima noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Puwedeng pinalakas ng heograpiya ng lungsod, na nakapuwesto sa dulo ng mahaba at makitid na bay, ang lakas ng tsunami, sabi nito. Inilarawan ni Nugroho ang pinsala bilang "malawak" at sinabing libo-libong tahanan, ospital, pamilihan, at hotel ang gumuho. Nakitang naipit ang mga katawan ng ibang mga biktima sa ilalim ng mga gumuhong gusali, sabi niya, idinagdag na 540 katao ang sugatan at 29 ang nawawala. Sabi ni Nugroho, ang mga casualty at pinsala ay puwedeng maging mas mataas sa kahabaan ng dalampasigan 300 km (190 milya) sa hilaga ng Palu, isang lugar na tinatawag na Donggala, na mas malapit sa epicenter ng lindol. Ang komunikasyon "sa kabuuan ay naputol nang walang impormasyon" mula sa Donggala, sabi ni Nugroho. May higit 300,000 katao ang namumuhay doon," sabi ng Red Cross sa isang pahayag, idinagdag na ang mga kawani at boluntaryo nito ay papunta sa mga apektadong lugar. "Trahedya na ito, pero puwede pa itong lumala," sabi nito. Malawakan ang pagbatikos sa ahensya noong Sabado dahil hindi sila nag-abiso na may tumamang tsunami sa Palu, bagamat sinabi ng mga opisyal na dumating na ang mga alon sa oras na nagbabala. Sa isang amateur na footage na ibinahagi sa social media, ipinakita ang isang lalaki sa nakatataas na palapag ng isang gusali na sumisigaw ng mga takot na babala ng papalapit na tsunami sa mga tao sa kalsada sa ibaba. Sa ilang minuto, isang pader ng tubig ang tumama sa dalampasigan, tangay ang mga gusali at kotse. Hindi agad napatotohanan ng Reuters ang footage. Nagdulot ang lindol at tsunami ng malawak na pagkawala ng kuryente na pumutol sa komunikasyon sa paligid ng Palu, at nagpahirap sa mga awtoridad na ikoordina ang mga pagsisikap na magligtas. Nagsimula nang magpadala ng mga eroplanong pangcargo ang militar na may tulong mula sa Jakarta at iba pang mga lungsod, sabi ng mga awtoridad, pero kailangan pa rin ng mga lumikas ng pagkain at iba pang pangunahing mga pangangailangan. Binuksan lang ulit ang airport ng lungsod para sa mga relief effort at mananatili itong sarado hanggang Okt. Nakaiskedyul na bumisita si Pangulong Joko Widodo sa mga evacuation center sa Palu sa Linggo. Bilang ng Namatay sa Tsunami sa Indonesia Tumaas Lagpas 800. Napakalala Nito. Habang nakarating naman nang ligtas sa lungsod ng Palu ang mga kawani ng World Vision mula sa Donggala, kung saan nananatili ang mga empleyado sa mga tarpaulin na silungan na itinayo sa bakuran ng kanilang tangggapan, nakakita sila ng mga eksena ng pinsala sa daan, sabi ni Mr. Doseba. "Sinabi nila sa akin na nakakita sila ng maraming mga bahay na nawasak," sabi niya. Napakasama nito. Kahit sinimulan na ng mga grupong nagbibigay ng tulong ang malagim na pagsisimula ng pag-usad ng tulong sa kalamidad, may ilang nagreklamo na pinipigilan ang mga banyagang aid worker na may matinding kasanayan na maglakbay papunta sa Palu. Ayon sa mga panuntunang Indonesian, ang pagpopondo, mga kagamitan, at mga tauhan mula sa ibang bansa ay makapagsisimula lang dumating kung idineklara nang national disaster zone ang lugar ng kalamidad. Hindi pa ito nangyayari. "Nasa pang-lalawigang antas pa lang ang kalamidad na ito," sabi ni Aulia Arriani, isang tagapagsalita ng Indonesian Red Cross. "Kapag sinabi na ng pamahalaan na, "O.K., isa itong pambansang kalamidad," magiging bukas na kami sa tulong ng ibang bansa pero wala pang kalagayan sa ngayon." Sa pagsapit ng ikalawang gabi sa Palu matapos ang lindol at tsunami noong Biyernes, patuloy na umaasa ang mga kaibigan at pamilya ng mga nawawala na ang mga mahal nila sa buhay ang mga milagrong makakapagpasigla ng mga nakapanlulumong kuwento ng mga pambansang kalamidad. Noong Sabado, may isang batang lalaking hinila mula sa isang imburnal. Noong Linggo, naialis ng mga tagapagligtas ang isang babaeng naipit sa ilalim ng mga guho nang dalawang araw katabi ang katawan ng kanyang nanay. Sinanay ni Gendon Subandono, ang tagapagsanay ng pambansang koponan ng paragliding ng Indonesia, ang dalawa sa mga nawawalang paraglider para sa Asian Games na natapos sa unang bahagi ng buwan na ito sa Indonesia. Ang iba sa mga naipit sa Roa Roa Hotel, kabilang na si G. Mandagi, ay mga estudyante niya. "Bilang mas nakakatanda sa larangan ng paragliding, may sarili akong emosyonal na pasanin," sabi niya. Inalala ni G. Gendon na, sa mga oras pagkatapos kumalat sa komunidad ng paragliding ang balita ng pagguho ng Roa Roa Hotel, desperado siyang nagpadala ng mga mensahe sa WhatsApp sa mga manlalaro ng Palu, na lumalahok sa pagdiriwang sa dalampasigan. Subalit nagresulta lang ang kanyang mga mensahe sa isang kulay-abong check mark, sa halip na isang pares ng mga asul na check. "Sa tingin ko, ang ibig sabihin noon, hindi naipadala ang mga mensahe," sabi niya. Mga magnanakaw, tinangay ang $26,750 habang nire-refill ang ATM sa Newport on the Levee Noong Biyernes ng umaga, tinangay ng mga magnanakaw ang $26,750 mula sa isang manggagawa ng Brink’s na nagre-refill ng laman ng ATM sa Newport on the Levee, ayon sa news release mula sa Kagawaran ng Pulisya ng Newport. Inaalisan ng laman ng nagmamaneho ng sasakyan ang isang ATM sa entertainment complex at naghahandang maghatid ng mas maraming pera, isinulat ni Det. Dennis McCarthy sa release. Habang abala siya, may isa pang lalaking "tumakbo mula sa likod ng tauhan ng Brink's" at nagnakaw ng isang supot ng perang dapat na ihahatid. Maraming salarin ang namataan ng mga saksi na tumatakas mula sa lugar, ayon sa release, pero hindi tinukoy ng mga pulis ang bilang ng mga salaring sangkot sa insidente. Makipag-ugnayan dapat ang sinumang may impormasyon tungkol sa kanilang pagkakakilanlan sa pulisya ng Newport sa 859-292-3680. Kanye West: Papalitan ng rapper ang pangalan niya ng Ye Papalitan ng rapper na si Kanye West ang pangalan niya - sa Ye. Sa kanyang pag-aanunsiyo ng pagbabago sa Twitter noong Sabado, isinulat niya: “Ang dating kinikilalang si Kanye West.” Matagal-tagal nang binansagang Ye si West, 41 taong gulang, at ginamit niya ang palayaw bilang pamagat ng kanyang ikawalong album, na inilabas noong Hunyo. Nauna ang pagbabago sa kanyang paglabas sa Saturday Night Live, kung saan inaasahang ilulunsad niya ang bagong album niyang Yandhi. Papalitan niya sa palabas ang mang-aawit na si Ariana Grande na nagkansela dahil sa "mga emosyonal na dahilan," sabi ng gumawa ng palabas. Maliban sa pagiging pagdadaglat ng kanyang kasalukuyang propesyunal na pangalan, dati nang sinabi ni West na may pangrelihiyong kahulugan ang salita para sa kanya. "Naniniwala akong ang 'ye' ay ang pinakamadalas gamiting salita sa Bibliya, at sa Bibliya, 'ikaw' ang ibig sabihin nito," sabi ni West sa unang bahagi ng taong ito sa pagtalakay ng pamagat ng kanyang album sa host sa radyo na si Big Boy. "Kung kaya, ako ay ikaw, ako ay tayo, ito ay tayo. Mula sa Kanye, na nangangahulugang ang nag-iisa, patungo sa pagiging Ye lang - pagiging isang salamin lang ng ating kabutihan, ating kasamaan, ating pagkalito, lahat. Higit na sinasalamin ng album kung sino tayo." Isa siya sa ilang sikat na rapper na nagbago ng kanilang pangalan. Kilala si Sean Combs sa iba-ibang pangalan tulad ng Puff Daddy, P. Diddy o Diddy, pero sa taong ito, inanunsiyo niya ang pagkagusto sa mga pangalang Love at Brother Love. Nakuntento sa mayroon o walang gitling at malalaking titik sa pangalan ang dating nakipag-collaborate kay West na si JAY-Z. AMLO ng Mexico, nangangakong hindi gagamitin ang militar laban sa mga sibilyan Ipinangako ni President-elect Andres Manuel Lopez Obrador ng Mexico na hindi kailanman gagamit ng puwersa ng militar laban sa mga sibilyan habang papalapit ang bansa sa ika-50 anibersaryo ng madugong retalyasyon laban sa mga estudyante. Ipinangako ni Lopez Obrador noong Sabado sa Tlatelolco Plaza na "hindi kailanman gagamitin ang militar para supilin ang mga mamamayang Mexican." Nagpaputok ang mga tropa ng sundalo sa isang mapayapang demonstrasyon sa liwasan noong Okt. 2, 1968, kung saan aabot sa 300 tao ang namatay noong panahong nag-uugat ang mga makakaliwang kilusan ng mga estudyante sa kabuuan ng Latin America. Nangako si Lopez Obrador na susuportahan ang mga batang Mexican sa pamamagitan ng pagbibigay ng buwanang ayuda sa mga nag-aaral at pagbubukas ng mas maraming pampublikong pamantasan. Sinabi niya na ang kawalan ng trabaho at kakulangan ng mga oportunidad para sa edukasyon ang humahatak sa kabataan sa mga grupo ng mga kriminal. U.S, dapat doblehin ang pagpopondo sa A.I Habang mas nagiging aktibo ang China sa artificial intelligence, dapat doblehin ng U.S ang halagang ginagastos nito sa pananaliksik sa larangang ito, sabi ng namumuhunan at practitioner ng AI na si Kai-Fu Lee, na nagtrabaho para sa Google, Microsoft, at Apple. Sinabi ang mga komento pagkatapos gumawa ng mga anunsiyo tungkol sa AI ang iba-ibang bahagi ng pamahalaan ng U.S., kahit kulang pa ang U.S. ng pormal na estratehiya sa AI sa kabuuan. Samantala, ipinakilala ng China ang plano nito noong nakaraang taon: nilalayon nitong maging No.1 sa pagbabago sa AI pagdating ng 2030. "Magandang simula ang pagdoble ng badyet sa pananaliksik sa AI, bilang lubhang napag-iiwanan ng U.S. ang lahat ng ibang bansa, at hinahanap natin ang susunod na tagumpay sa AI," sabi ni Lee. Madodoble ng pagdoble sa pagpopondo ang tsansang sa U.S. magagawa ang susunod na malaking tagumpay sa AI, sinabi ni Lee sa CNBC sa isang panayam sa linggong ito. Si Lee, na may-akda ng librong "AI Superpowers: China, Silicon Valley and the New World Order" na inilathala ng Houghton Mifflin Harcourt sa buwang ito, ay ang CEO ng Sinovation Ventures, na namuhunan sa isa sa mga pinakaprominenteng kumpanya ng AI sa China, ang Face++. Noong 1980s sa Carnegie Mellon University, pinagkaabalahan niya ang isang sistemang AI na nakatalo sa pinakamagaling na American na manlalaro ng Otherllo, at pagkatapos, naging tagapagpaganap siya sa Microsoft Research at pangulo ng sangay ng Google sa China. Kinilala ni Lee ang mga nakaraang paligsahan sa teknolohiya ng pamahalaang U.S. tulad ng Robotics Challenge ng Defense Advanced Research Projects Agency at tinanong kung kailan gaganapin ang susunod na paligsahan, para matulungang kilalanin ang mga susunod na bisyonaryo. Kadalasan, kailangang magsikap ng mga mananaliksik sa U.S. para makakuha ng tulong mula sa pamahalaan, sabi ni Lee. "Hindi ang China ang kumukuha sa mga nangungunang akademiko; kung hindi ang mga korporasyon," wika ni Lee. Kumuha ang Facebook, Google, at iba pang kumpanya ng teknolohiya ng mga luminaryo mula sa mga pamantasan para magtrabaho sa AI sa mga nagdaang taon. Sinabi ni Lee na ang mga pagbabago sa polisiya sa immigration ay makakatulong sa U.S. na palakasin ang mga pagsisikap nito sa AI. "Sa tingin ko, awtomatikong inaalok dapat ang mga green card sa mga may PhD sa AI," wika niya. Inilathala ng State Council ng China ang Next Generation Artificial Intelligence Development Plan nito noong July 2017. Nagbibigay ng pagpopondo ang National Natural Science Foundation ng China sa mga tao at institusyong akademiko katulad ng paraan ng pagbibigay ng pondo ng National Science Foundation at iba pang pampamahalaang organisasyon sa mga mananaliksik mula sa U.S., pero mas mababa ang kalidad ng gawaing akademiko sa China, sabi ni Lee. Sa unang bahagi ng taong ito, ang U.S. Defense Department ay nagtatag ng Joint Artificial Intelligence Center, na naglalayong ibilang ang mga kasama mula sa industriya at academia, at nag-anunsiyo ang White House ng pagbuo ng Select Committee on Artificial Intelligence. At sa buwang ito, inanunsiyo ng DARPA ang $2 bilyong pamumuhunan sa isang inisyatibang tinawag na AI Next. Hinggil sa NSF, kasalukuyan itong namumuhunan ng higit sa $100 milyon bawat taon sa pananaliksik sa AI. Samantala, wala pang nakikitang pagkilos ang batas ng U.S. na naghahangad na gumawa ng isang National Security Commission on Artificial Intelligence sa loob ng ilang buwan. Mga Macedonian, bumoto kung babaguhin ang pangalan ng bansa sa isang referendum Bumoto ang mga mamamayan ng Macedonia kung babaguhin ang pangalan ng bansa sa "Republika ng Hilagang Macedonia" sa isang referendum noong Linggo, isang pagkilos na makakapag-ayos sa ilang dekada na ang tagal na hidwaan sa pagitan nila ng Greece na humaharang sa pagnanais nitong maging kasapi ng Unyong Europeo at NATO. Iginigiit ng Greece, na may lalawigang tinatawag na Macedonia, na nagpapahiwatig ng pang-angkin sa teritoryo nito ang pangalan ng kalapit na bansa nito sa hilaga at tinanggihan nito ang pagpasok ng bansang Macedonia sa NATO at EU. Nagkasundo ang dalawang pamahalaan sa iminungkahing bagong pangalan noong Hunyo, pero nangatwiran ang mga katunggaling nasyonalista na pahihinain ng pagbabago ang etnikong identidad ng Slavic na mayoryang populasyon ng Macedonia. Sinabi na ni Pangulong Gjorge Ivanov na hindi siya boboto sa referendum at nagdulot ng pagdududa ang kampanyang pag-boycott sa kung aabot ang turnout sa 50 porsiyento na pinakamababang kinakailangan para magkaroon ng bisa ang referendum. Ito ang nakasaad na tanong sa balota sa referendum: "Pabor ka ba sa pagiging miyembro ng NATO at EU kasama ang pagtanggap sa kasunduan sa Greece." Nangangatwiran ang mga sumusuporta sa pagpapalit ng pangalan, kabilang na si Prime Minister Zoran Zaev, na sulit naman ang paghahangad na makapasok sa mga grupong tulad ng EU at NATO para sa Macedonia, isa sa mga bansang umusbong mula sa pagbagsak ng Yugoslavia. "Pumunta ako ngayong araw para bumoto para sa hinaharap ng bansa, para sa mga kabataan ng Macedonia, para mamuhay sila nang malaya sa ilalim ng Unyong Europeo dahil ang ibig sabihin nito ay mas ligtas na buhay para sa ating lahat," sabi ni Olivera Georgijevska, 79, sa Skopje. Kahit na hindi nasasaklaw ng batas, sinabi ng sapat na mga miyembro ng parlamento na susundin nila ang resulta ng botohan para mapagtibay ito. Kinakailangan ng pagbabago ng pangalan ang dalawang-katlong mayorya sa parlamento. Sinabi ng komisyon ng halalang pang-estado na walang mga ulat ng iregularidad nang 1 p.m. Gayunpaman, nasa 16 porsiyento lang ang turnout, kumpara sa 34 porsiyento sa nakaraang halalan sa parlamento noong 2016 kung saan 66 porsiyento ng mga rehistradong botante ang bumoto. "Bumoto ako dahil sa mga anak ko, nasa Europe ang lugar namin," sabi ni Gjose Tanevski, 62, isang botante sa kabisera, Skopje. Bumoto ang PM ng Macedonia na si Zoran Zaev, ang asawa niyang si Zorica, at ang anak niyang si Dushko, para sa referendum sa Macedonia sa pagbabago ng pangalan ng bansa na makakapagbukas ng daan para makasali ito sa NATO at ang Unyong Europeo sa Strumica, Macedonia, Setyembre 30, 2018. Sa harap ng parlamento sa Skopje, naghahanda si Vladimir Kavardarkov, 54, ng isang maliit na entablado at naghihila ng mga upuan sa harap ng mga toldang inayos ng mga magbo-boycott sa referendum. "Para kami sa NATO at EU, pero gusto naming sumali nang taas-noo at hindi papasok sa pintuan ng mga alila" sabi ni Kavadarkov. "Mahirap kaming bansa, pero may dignidad kami. Kung hindi nila kami matanggap bilang Macedonia, puwede kaming bumaling sa iba tulad ng China at Russia, at maging bahagi ng integrasyong Euro-Asia." Sinabi ni Prime Minister Zaev na magdadala ang pagiging miyembro ng NATO ng lubhang kinakailangang pamumuhunan sa Macedonia, na may antas ng kawalan ng trabaho na higit sa 20 porsiyento. "Naniniwala ako na ang malaking mayorya ang sasang-ayon dahil higit sa 80 porsiyento ng aming mga mamamayan ang pabor sa EU at NATO," sabi ni Zaev pagkatapos niyang bumoto. Sinabi niya na magiging "pagpapatotoo ng ating hinaharap" ang "oo" na resulta. Sinabi sa isang botohang inilathala noong nakaraang Lunes ng Institute for Policy Research ng Macedonia na nasa pagitan ng 30 at 43 porsiyento ng mga botante ang lalahok sa referendum - mababa sa kinakailangang turnout. Napag-alaman sa isa pang botohang isinagawa ng Telma TV ng Macedonia na 57 porsiyento ng mga sumagot ang nagpaplanong bumoto sa Linggo. Sa mga iyon, 70 porsiyento ang nagsabing boboto sila ng oo. Para maging matagumpay ang referendum, kailangang maging 50 porsiyento at saka isang boto ang turnout. Tatayo ang kabiguan sa referendum bilang unang matinding dagok sa polisiya ng maka-Kanlurang pamahalaan simula noong humalili ito noong Mayo noong nakaraang taon. Panoorin: Sergio Aguero ng Manchester City, tinahak ang buong depensa ng Brighton para sa goal Idinispatsa nina Sergio Aguero at Raheem Sterling ang depensa ng Brighton sa 2-0 na pagkapanalo ng Manchester City noong Sabado sa Etihad Stadium sa Manchester, England. Pinagmukhang madali ni Aguero ang laro sa kanyang puntos sa ika-65 minuto. Tumanggap ng pasa sa midfield ang Argentine striker sa simula ng serye. Umalagwa siya sa pagitan ng tatlong taga-depensa ng Brighton, bago humagupit sa open field. Pagkatapos, nakita ni Aguero ang sarili na napapalibutan ng apat na berdeng damit. Pinuwersa niya ang isang taga-depensa bago unahan sa pagtakbo ang ilan pa sa dulo ng kahon ng Brighton. Pagkatapos, tumulak siya para ipasa sa kaliwa niya at nahanap si Sterling. Ginamit ng English forward ang kanyang first touch sa kahon para ibigay ang bola kay Aguero, na gumamit naman sa kanyang kanang paa para dagukan ang keeper ng Brighton na si Matthew Ryan ng isang tira sa kanang bahagi ng net. "Nahihirapan si Aguero sa ilang problema sa kanyang mga paa," sinabi ng tagapamahala ng City na si Pep Guardiola sa mga reporter. "Napag-usapan naming maglalaro siya ng 55, 60 minuto. Iyon ang nangyari. Suwerte kami na nakapuntos siya ng goal sa oras na iyon." Pero si Sterling ang nagbigay sa Sky Blues ng panimulang kalamangan sa bakbakan sa Premier League. Pumasok ang goal na iyon sa ika-29 na minuto. Tinanggap ni Aguero ang bola habang nasa kalaliman ng teritoryo ng Brighton sa larong iyon. Nagpadala siya ng magandang through ball sa kahabaan ng left flank papunta kay Leroy Sane. Ilang touch ang ginawa ni Sane bago dalhin si Sterling papunta sa far post. Natapik ng Sky Blues forward ang bola papasok sa net bago dumulas palabas sa hangganan. Kakalabanin ng City ang Hoffenheim sa laro ng Champions League group nang 12:55 p.m. sa Martes sa Rhein-Neckar-Arena sa Sinsheim, Germany. Scherzer, gustong maglaro bilang spoiler vs. Rockies Nang natanggal ang Nationals sa kontensyon sa playoff, wala nang dahilan pa para magpumilit ng isa pang simula. Pero umaasa ang laging palaban na si Scherzer na makuha ang puwesto sa mound sa Linggo sa laban kontra sa Colorado Rockies, pero iyon ay kung may mga implikasyon pa rin sa playoff ang mga Rockies na may isang larong kalamangan laban sa Los Angeles Dodgers sa NL West. Kahit papaano, nakakuha ang Rockies ng isang puwesto sa wild-card nang may 5-2 na panalo laban sa Nationals noong Biyernes ng gabi, pero umaasa pa ring masigurado ang kanilang unang titulo sa dibisyon. "Kahit na naglalaro kami para sa wala, makakatapak kami sa mound, kahit papaano, nang nalalaman na ang pakiramdam dito sa Denver, kasama ang taumbayan at ang kabilang koponan, ay posibleng ang pinakamataas na antas ng kahit anong punto na kakaharapin ko sa taong ito. Bakit naman hindi ko gugustuhing lumaban doon?" Hindi pa nag-aanunsiyo ang Nationals ng starter para sa Linggo, pero kumikiling sila diumano na hayaan si Scherzer na mag-pitch sa ganoong sitwasyon. Nagdaos ng isang bullpen session noong Huwebes si Scherzer na gagawin ang kanyang ika-34 na start, at magpi-pitch sa karaniwang araw ng pahinga niya sa Linggo. Ang Washington right-hander ay 18-7 na may 2.53 ERA at 300 mga strikeout sa 220 2/3 na mga inning ngayong season. Trump, nag-rally sa West Virginia Hindi tahasang tinukoy ng Pangulo ang sitwasyong bumabalot sa napili niya para sa Kataas-taasang Hukuman na si Brett Kavanaugh habang nagsasalita tungkol sa kahalagahan ng resulta ng mga Republican sa midterm elections. "Nakataya ang lahat ng ating mga nagawa sa Nobyembre. Limang linggo na lang mula sa isa sa mga pinakamahalagang eleksyon sa ating tanang buhay. Isa ito sa mga malaking, malaking -- hindi ako tumatakbo pero tumatakbo talaga ako kaya natataranta akong ipaglaban ang mga magagaling na kandidato," sabi niya. Dugtong pa ni Trump, "Nakikita ninyo itong nakakakilabot na radikal na grupo ng mga Democrat, nakikita ninyo itong nangyayari sa ngayon. At determinado silang bawiin ang kapangyarihan sa pamamagitan ng anumang paraang kinakailangan, nakikita ninyo ang kabuktutan, ang kasagwaan. Wala silang pakialam kung sino ang kanilang masaktan, kung sino ang dapat nilang tapakan para makamit ang kapangyarihan at kontrol, kapangyarihan at kontrol ang gusto nila, at hindi natin ito ibibigay sa kanila." Ang mga Democrat, sabi niya, ay may misyong "kumontra at humadlang." "At nakikita ninyo na sa nakalipas na apat na araw," wika niya, habang tinatawag ang mga Democrat na "galit at buktot at masagwa at sinungaling." Binanggit niya ang pangalan ni Sen. Dianne Feinstein, isang Democrat na ranking member ng Senate Judiciary Committee, na nakatanggap ng malalakas na kantiyaw mula sa publiko. "Naaalala ba ninyo ang sagot niya? Inilabas mo ba ang dokumento? Ah, ah, ano. "Hindi, ah hindi, naghihintay ako isa - napakapangit na body language iyon - ang pinakamalalang body language na nakita ko kahit kailan." Labour, hindi na isang broad church. Hindi na nito tinatanggap ang mga naghahayag ng kanilang iniisip Noong bumoto ang mga aktibista ng Momentum sa aking lokal na partido para batikusin ako, hindi na ito nakakagulat. Kung sabagay, ako ang pinakahuli sa linya ng mga Labour MP na sinabihang hindi kami tinatanggap - lahat dahil sa paghayag ng aming iniisip. Nakatanggap ng katulad na pagtrato ang kasama ko sa parlamentong si Joan Ryan dahil matibay siyang nanindigan laban sa kontra-Semitismo. Sa kaso ko, pinulaan ako ng petisyon ng sensura sa hindi pagsang-ayon kay Jeremy Corbyn. Sa kahalagahan ng isang responsableng polisiya sa ekonomiya, sa pambansang seguridad, sa Europe, na sa kabalintunaan ay katulad na mga isyu kung saan hindi sumang-ayon si Jeremy sa mga nakalipas na mga lider. Inihayag ng paalala para sa pulong ng Nottingham East Labor sa Biyernes na "gusto naming maging inklusibo at produktibo ang mga pulong." Sa karamihan ng aking walong taon bilang lokal na Labour MP, ganoon na ganoon ang mga pulong na GC tuwing Biyernes ng gabi. Nakakalungkot na ngayong araw, hindi ito ang tono ng maraming mga pulong at matagal nang nakalimutan ang pangako ng "mas maunawain, mas malumanay" na pulitika, kung tunay man itong nagsimula kahit kailan. Mas naging kapuna-puna na hindi pinapahintulutan ang salungat na mga pananaw sa partidong Labour at hinuhusgahan ang bawat opinyon sa kung katanggap-tanggap ba ito sa mga nakakataas sa partido. Nagsimula ito sa sandaling naging pinuno si Jeremy, habang nagsimulang umasa ang mga kasamang una kong inakalang may katulad na pulitikal na pananaw sa akin na tumalikod ako at kumuha ng mga posisyong hindi ko kailanman sasang-ayunan - kung sa pambansang seguridad man o sa single market ng EU. Tuwing magsasalita ako sa harap ng publiko - at hindi mahalaga kung ano ang aking sasabihin - may susunod na tirada ng abuso sa social media na nagtatawag ng deselection, binabatikos ang pulitika ng makagitna, at sinasabing hindi ako dapat nasa partidong Labour. At hindi lang iyan ang aking karanasan. Tunay nga, alam kong mas masuwerte pa ako kaysa sa ilan sa aking mga kasama dahil nakahilig sa pulitikal ang mga komentong idinidirekta sa akin. Humahanga ako sa pagkapropesyunal at determinasyon ng mga kasamang humaharap sa rumaragsang abusong sexist o racist araw-araw pero hindi kailanman umaatras. Isa sa mga pinakanakakadismayang aspeto ng pulitika ng panahong ito ay kung paano naging normal ang mga antas ng pag-abuso. Inihayag ni Jeremy Corbyn noong nakaraang linggo na maglinang dapat ang partidong Labour ng kultura ng pagtanggap. Ang realidad ay hindi na tayo ang broad church na iyon at kasama ng bawat petisyon ng "walang-kumpiyansa" o pagbabago ng mga patakaran sa pagpili, mas nagiging makitid ang partido. Marami na akong natanggap na mga payo sa loob ng nakalipas na dalawang taon na hinihimok akong yumuko na lang, huwag nang masyadong magsalita, at pagkatapos, "magiging ayos" ako. Pero hindi iyon ang gusto kong gawin sa pagsabak ko sa pulitika. Simula noong sumali ako sa Labour 32 taon na ang nakakaraan bilang isang mag-aaral, na napukaw ang damdamin ng kapabayaan ng pamahalaan ni Thatcher na iniwang literal na gumuguho ang silid-aralan ng aking komprehensibong paaralan, nagsikap akong magtaguyod ng mga mas mabubuting pampublikong serbsiyo para sa mga higit na nangangailangan - bilang lokal na konsehal man o ministro ng pamahalaan. Hindi ko kailanman itinago ang aking pulitika, kabilang na noong nakaraang eleksyon. Walang sinuman sa Nottingham East ang puwedeng malito sa anumang paraan tungkol sa mga posisyon ng aking polisiya at mga lugar ng hindi pagsang-ayon sa kasalukuyang liderato. Sa mga nagsulong ng petisyon noong Biyernes, ang gusto ko lang sabihin ay, kapag ang bansa ay bumubulusok papunta sa isang Brexit na makakapinsala ng mga kabahayan, kabuhayan, at ating mga pampublikong serbisyo, hindi ko naiintindihan ang kagustuhang magsayang ng oras at lakas sa aking katapatan sa pinuno ng partidong Labour. Pero, sa totoo lang, ang isang mensaheng mayroon ako ay hindi sa Nottingham Momentum, kung hindi sa aking mga kinakatawang tao, miyembro man ng Labour o hindi: Ipinagmamalaki kong paglingkuran kayo at ipinapangako ko na walang bilang ng banta ng deselction o pulitika na expediency ang makakapigil sa akin sa pagkilos sa anumang sa tingin ko ay pinakamakabubuti sa kapakanan ninyong lahat. MP Para sa Nottingham East si Chris Leslie Ayr 38 - 17 Melrose: Umakyat sa pinakataas ang hindi-matalong Ayr Nalihis man ng dalawang huling pagsubok ang huling resulta, pero walang pag-aalinlangang karapat-dapat manalo ang Ayr sa kamangha-mangha at nakakaaliw na laban ng araw ng Tennent Premiership. Nasa pinakataas sila ngayon ng table, ang natatanging hindi-matalong panig ng sampu. Sa huli, ang kanilang pambihirang depensa, gaya ng kanilang mas magaling na pagkuha ng tsansa, ang nagdala ng home side at nasa tagasanay na si Peter Murchie ang bawat karapatan para maging masaya. "Sinubok kami sa aming mga laro hanggang sa ngayon, at hindi pa rin kami natatalo, kaya maging masaya dapat ako," sabi niya. Sinabi ni Robyn Christie ng Melrose: "Ang maganda sa Ayr, mas magaling silang nakipagsapalaran kaysa sa amin." Inilagay ng try ni Grant Anderson sa ika-14 na minuto, na na-convert ni Frazier Climo, ang Ayr sa harapan, pero isang yellow card para sa Scotland cap na si Rory Hughes, na inilabas para sa laro ng Warriors, ang nagbigay ng pahintulot sa Melrose na makapuntos at nakakuha ng isang hindi naka-convert na try si Jason Baggot. Nabatak ni Climo ang pangunguna ng Ayr sa isang penalty, bago, nang saktong-sakto sa half-time, siya nakapuntos at nag-convert ng isang solo try para gawin itong 17-5 sa Ayr sa break. Pero sinimulan ng Melrose ang second half nang mahusay, at nabawasan ng try ni Patrick Anderson, na na-convert ni Baggot ang lamang ng limang puntos. Pagkatapos, nagkaroon ng mahabang pag-antala para sa isang malubhang pinsala kay Ruaridh Knott, na inilabas ng naka-stretcher, at mula sa pag-restart, umatake pasulong ang Ayr sa pamamagitan ng try ni Stafford McDowall na na-convert ni Climo. Nabigyan ng yellow card ang tumatayong kapitan ng Ayr na si Blair Macpherson, at muli, hinayaan ng Melrose na magbayad ang karagdagang lalaki gamit ang isang hindi na-convert na try ni Bruce Colvine, sa dulo ng sumpong ng mabangis na puwersa. Gayunpaman, bumawi ang home side at noong nabigyan ng yellow card si Struan Hutchinson sa pag-tackle kay Climo nang walang bola, at mula sa penalty line-out, nag-touch down si MacPherson sa likod ng sumusulong na Ayr. Nag-convert si Climo, gaya ng ginawa niya halos mula sa pag-restart, pagkatapos ipunin ni Kyle Rowe ang box kick ni David Armstrong at ipadala ang flanker na si Gregory Henry palayo para sa ikalimang try ng home side. Bida ng Still Game, mukhang handa na para sa bagong karera sa industriya ng kainan Mukhang handa nang lumipat sa industriya ng hospitalidad ang bida ng Still Game na si Ford Kieran, pagkatapos madiskubre na pinangalanan siyang direktor ng isang lisensyadong kumpanya ng mga kainan. Gumaganap bilang Jack Jarvis ang 56-taong-gulang sa sikat na BBC show, na sinusulat niya at pinagbibidahan kasama ng kanyang pangmatagalang katambal sa komedya na si Greg Hemphill. Inanunsiyo ng magkapareha na ang nalalapit na ikasiyam na serye ang magiging huli sa pagtakbo ng palabas, at mukhang nagpaplano na si Kiernan para sa buhay pagkatapos ng Craiglang. Ayon sa opisyal na talaan, direktor siya ng Adriftmorn Limited. Tumanggi ang aktor na magkomento sa kuwento, bagama’t nagpahiwatig ang tagapag-ulat ng Scottish Sun na mukhang gustong maging parte ni Kiernan ng "lumalagong restaurant trade" ng Glasgow. 'Sa amin ang dagat': landlocked na Bolivia, umaasang bubuksan ulit ang daan patungo sa Pacific Mga manlalayag na nagpapatrolya sa isang himpilan ng hukbong pandagat na balot ng rigging sa La Paz. Nagwawagayway ng isang watawat na kasing-asul ng dagat ang mga pampublikong gusali. Tinapalan ang mga basang pandagat mula sa Lake Titicaca hanggang sa Amazon ng kasabihang: “Sa amin ang dagat ayon sa batas. Isang tungkulin ang pagbawi rito.” Sa kabuuan ng landlocked na Bolivia, malinaw pa rin ang alaala ng isang baybaying nawala dahil sa pagkatalo sa Chile sa isang madugong tunggalian sa mga likas-yaman noong ika-19 na siglo - gaya ng paghahangad na makapaglayag muli sa Karagatang Pasipiko. Nasa pinakamataas na antas marahil ang mga pagnanasang iyon sa loob ng ilang dekada, habang naghihintay ang Bolivia ng desisyon ng Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan sa Oktubre 1 pagkatapos ng limang taon ng deliberasyon. "May buwelo, diwa ng pagkakaisa, at katiwasayan ang Bolivia, at umaasa ito, siyempre, nang may positibong pananaw sa kahihinatnan," sabi ni Roberto Calzadilla, isang diplomatikong Bolivian. Panonoorin ng maraming mga Bolivian ang desisyon ng ICJ sa malalaking mga screen sa buong bansa, puno ng pag-asa na papaburan ng tribunal sa The Hague ang hiling ng Bolivia na - pagkatapos ng maraming dekada ng manaka-nakang pag-uusap - obligado ang Chile na makipagkasundong bigyan ang Bolivia ng malayang lagusan papunta sa dagat. Si Evo Morales, ang karismatikong katutubong pangulo ng Bolivia - na humaharap sa isang kontrobersyal na laban para sa muling pagkahalal sa susunod na taon - ay may marami ring mga bagay na nakasalalay sa desisyon sa Lunes. "Malapit na malapit na tayong bumalik sa Karagatang Pasipiko," ipinangako niya sa huling bahagi ng Agosto. Pero naniniwala ang ilang manunuri na maliit ang tsansang magdedesisyon ang korte na pabor sa Bolivia - at maliit ang magbabago kung mangyari man ito. Walang kapangyarihan ang lupon ng UN na nakabase sa Netherlands na maggawad ng teritoryong Chilean, at nakipagkasundo ito na hindi ito magpapasiya ng kahihinatnan ng posibleng mga pag-uusap. Nangangahulugang "hindi kumplikado" ang kaso base sa pagdating ng desisyon ng ICJ sa anim na buwan lang pagkatapos ang pagdinig ng mga huling argumento, sabi ni Paz Zárate, isang Chilean na dalubhasa sa pandaigdigang batas. At malayo sa pagsulong ng ipinaglalaban ng Bolivia, maaaring nahadlangan ito ng nakaraang apat na taon. "Na-hijack ng kasalukuyang administrasyon ng Bolivia ang isyu ng access sa dagat," sabi ni Zárate. Pinahina ng agresibong retoriko ni Morales ang anumang natitirang mabuting kalooban ng mga Chilean, iminungkahi niya. Sa isang punto, ipagpapatuloy ng Bolivia at Chile ang pag-uusap, pero magiging lubhang mahirap na magdaos ng mga diskusyon pagkatapos nito. Hindi pa nagpalitan ng mga embahador ang dalawang bansa mula noong 1962. Itinanggi ng dating presidenteng si Eduardo Rodríguez Veltzé, na kinatawan ng Bolivia sa The Hague, ang ideya na hindi pangkaraniwan ang bilis ng pagdedesisyon ng korte. Sa Lunes magkakaroon ang Bolivia ng "isang pambihirang oportunidad na magbukas ng bagong panahon ng mga relasyon sa Chile" at tsansang "mawakasan ang 139 na taong hindi pagkakaintindihan nang nagbebenepisyo ang parehong panig," sabi niya. Itinanggi rin ni Calzadilla na ginagamit ni Morales - na isa pa rin sa mga pinakasikat na pangulo ng Latin America - ang isyung pandagat bilang political crutch. "Hindi isusuko kailanman ng Bolivia ang karapatan nitong magkaroon ng access sa Karagatang Pasipiko," idinagdag pa niya. “Ang hatol ay pagkakataon para makita na kailangan nating malampasan ang nakaraan.” Sinabi ng North Korea na hindi mangyayari ang pagdisarma ng sandatang nuklear (nuclear disarmament) maliban na lang kung makakayanan nitong pagkatiwalaan ang Estados Unidos Sinabi ng Foreign Minister ng North Korea na si Ri Yong Ho na hindi kailanman ididisarma ng bansa niya ang mga sandatang nuklear nito kung hindi nito kayang pagkatiwalaan ang Washington. Nagsalita si Ri noong Sabado sa United Nations General Assembly. Hinikayat niya ang Estados Unidos na ituloy ang mga pangakong ginawa noong isang summit sa Singapore sa pagitan ng mga pinuno ng magkaribal na bansa. Dumating ang kanyang mga komento habang mukhang nalalapit nang simulan ulit ng Secretary of State ng Estados Unidos na si Mike Pompeo ang naudlot na diplomasyang nuklear matapos ang summit sa Singapore kasama si Kim Jong Un ng North Korea mahigit tatlong buwan na ang nakakalipas. Sinabi ni Ri na “matinding pangarap” na mapaluhod ang North Korea sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagpataw ng sanction at pagtutol ng U.S sa isang deklarasyong tatapos sa Korean War. Nag-iingat ang Washington sa pagsang-ayon sa deklarasyon nang wala pang ginagawang mahahalagang hakbang sa pagbabawas ng sandata ang Pyongyang. Si Kim at ang Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump ay parehong umaasam ng ikalawang summit. Ngunit laganap ang pagdududa na seryoso ang Pyongyang tungkol sa pagbitaw sa mga sandata na malamang na siyang nakikita ng bansa bilang tanging paraan para masiguro ang kaligtasan nito. Plano ni Pompeo na bumisita sa Pyongyang sa susunod na buwan upang maghanda para sa ikalawang Kim-Trump summit. Ibinunyag sa mga fashion show sa Paris ang pinakabagong linya ng malalaking kasuotan sa ulo na malapit nang ilabas sa isang High Street na malapit sa iyo Kung gusto mong palakihin ang iyong koleksyon ng sombrero o tuluyang takpan ang araw, huwag ka nang maghanap sa iba. Naglabas ang mga designer na sina Valentino at Thom Browne ng hanay ng kakaibang naglalakihang kasuotan sa ulo para sa kanilang SS19 collection sa runway kaya naging kamangha-mangha ang style set sa Paris Fashion Week. Nagkalat sa Instagram ngayong summer ang mga labis na di-praktikal na sombrero at dinala ng mga designer na ito ang kanilang mga makatawag-pansing likha sa catwalk. Ang namukod-tanging piece ni Valentino ay isang talaga namang kakaibang sombrerong kulay beige na pinapalamutian ng malapad na brim na mala-pakpak ng ibon na pumalibot sa mga ulo ng mga modelo. Kasama sa iba pang malalaking palamuti ang matitingkad na pakwan, isang sombrero ng wizard at pati na rin ang isang pinya - pero hindi idinisenyo ang mga ito para huwag malamigan ang iyong ulo. Nagpakita rin si Thom Browne ng isang seleksiyon ng kakatwang maskara na sakto para sa Halloween. Marami sa makukulay na maskara ay mayroong mga nakatahing labi at mas kahawig pa ni Hannibal Lecter kaysa ng haute couture. May isang likha na kahawig ng scuba diving gear na may kasamang snorkel at goggles, habang may isa pa na mukhang cone ng natunaw na ice cream. At kung ipagpapatuloy mo ang dambuhalang fashion statement na ito- masuwerte ka. Hula ng mga style watcher, malapit nang ilabas ang malalaking bonnet sa mga high street na malapit sa iyo. Napapanahon ang pagdating ng naglalakihang sombrero kasunod ng 'La Bomba', ang straw hat na may brim na dalawang talampakan at nakitang suot ng lahat mula kay Rihanna hanggang kay Emily Ratajkowski. Ang cult label sa likod ng labis na di-praktikal na sombrero na ikinalat sa social media ay nagpadala ulit ng isa pang malaking likha sa catwalk - isang beach bag na gawa sa straw na halos kasinglaki ng modelong naka-swimsuit na may hawak nito. Ang kulay burnt orange na raffia bag, na pinalamutian ng raffia fringing at may kasamang kulay puting leather na hawakan, ang bukod-tanging piece sa La Riviera SS19 collection ni Jacquemus sa Paris Fashion Week. Sinabi ng celebrity stylist na si Luke Armitage sa FEMAIL: ‘Inaasahan kong makita ang pagdating ng malalaking sombrero at mga beach bag sa high street sa susunod na summer - dahil ang laki ng impresyong nagawa ng designer, mahirap balewalain ang demand para sa malalaking accessory.' John Edward: Kakayahan sa wika na mahalaga para sa mga mamamayang pandaigdig Pinapanatili ng mga independent na paaralan sa Scotland ang track record ng kahusayang akademiko, at nagpatuloy ito sa taong 2018 sa tulong ng isa pang lupon ng mga napakahusay na resulta ng exam, na pinalakas lang lalo ng indibidwal at kolektibong tagumpay sa sports, sining, musika at iba pang proyekto sa komunidad. Kasama ang mahigit sa 30,000 mag-aaral sa iba’t ibang panig ng Scotland, ang mga paaralang ito, na kinakatawan ng The Scottish Council of Independent Schools (SCIS), ay nagsisikap na ihatid ang pinakamahusay na antas ng serbisyo sa mga mag-aaral nito at sa kanilang mga magulang. Layunin ng mga independent na paaralan na ihanda ang kanilang mga mag-aaral para sa dagdag pa at mas mataas na edukasyon, sa kanilang piniling career at lugar bilang mamamayang pandaigdig. Bilang isang sektor na pang-edukasyon na nagdidisenyo at nagpapatupad ng akmang curriculum sa paaralan, nakikita nating magpatuloy ang mga modernong wika bilang sikat at ginugustong piliing paksa sa mga paaralan. Sinabi ni Nelson Mandela: "Kung kakausapin mo ang isang tao gamit ang wikang naiintindihan niya, papasok iyon sa kanyang ulo. Kung kakausapin mo siya sa sarili niyang wika, papasok iyon sa kanyang puso." Isa itong matibay na paalala na hindi lang dapat tayo umasa sa wikang Ingles kapag gusto nating bumuo ng mga pakikipag-ugnayan at tiwala sa mga tao mula sa ibang bansa. Mula sa mga resulta ng exam ngayong taon, makikita natin na wika ang nangunguna sa mga league table na may pinakamatataas na rate ng pagpasa sa mga independent na paaralan. May kabuuang 68 porsyento ng estudyante na nag-aral ng mga banyagang wika ang nakakuha ng Mas mataas na markang A. Ipinakita ng data, na kinolekta mula sa 74 na paaralang miyembro ng SCIS, na 72 porsyento ng estudyante ang nakakuha ng Mas mataas na markang A sa Mandarin, habang 72 porsyento ng nag-aaral ng German, 69 na porsyento ng nag-aaral ng French at 63 porsyento ng nag-aaral ng Spanish ay nakakuha rin ng A. Ipinapakita nito na sinusportahan ng mga independent na paaralan sa Scotland ang mga banyagang wika bilang mahahalagang kasanayan na walang dudang kakailanganin ng kabataan sa hinaharap. Ang mga wika ngayon, bilang paksang pinipili, ay itinuturing na katumbas ng mga paksang STEM (science, technology, engineering at mathematics) sa mga curriculum ng independent na paaralan sa ibang lugar. Sa isang survey noong 2014 na isinagawa ng UK Commission for Employment and Skills, natagpuan na sa mga dahilang ibinigay ng mga employer para sa kahirapang punan ang mga bakanteng posisyon, 17 porsyento ang dahil sa kakulangan sa kakayahan sa wika. Samakatuwid, lalo nang nagiging pangangailangan ang kakayahan sa wika para maging handa ang kabataan sa kanilang career sa hinaharap. Kasabay ng pagdami ng potensyal na opportunidad sa trabaho na nangangailangan ng kaalaman sa wika, mahalaga ang mga kakayahang ito sa isang globalisadong mundo. Anuman ang napiling career ng isang tao, kung natuto siya ng pangalawang wika, magkakaroon siya ng bentahe sa hinaharap dahil sa pagkakaroon ng panghabambuhay na kakayahan tulad nito. Awtomatikong magkakaroon ng kalamangan ang mga taong nakakapagsalita ng maraming wika dahil sa kanyang kakayahang makipag-ugnayan nang direkta sa mga tao mula sa ibang bansa. Noong 2013, ayon sa isang YouGov poll ng mahigit sa 4,000 taong nasa hustong gulang sa UK, 75 porsyento ang hindi sapat ang kakayahang makipag-usap sa banyagang wika at ang French lang ang naisasalita sa porsyentong may dalawang digit, na 15 porsyento. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa kabataan ngayon na ilagay ang puhunan sa pagtuturo ng wika. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa maraming wika, partikular na sa mga umuunlad na ekonomiya, ay magbibigay sa kabataan ng mas magandang pagkakataong makahanap ng makabuluhang trabaho. Sa Scotland, makakaiba-iba ang mga paaralan pagdating sa mga wikang ituturo ng mga ito. Maraming paaralan ang tutuon sa mga mas klasikong modernong wika, samantalang ang iba naman ay magtuturo ng mga wikang itinuturing na pinakamahalaga para sa UK kapag sinipat ang taong 2020, tulad ng Mandarin o Japanese. Anuman ang interes ng anak mo, palaging mayroong pagpipiliang wika sa mga independent na paaralan, na may mga gurong espesyalista sa larangang ito. Nakatuon ang mga independent na paaralan sa Scotland sa paglalaan ng kapaligirang angkop sa pagtuturo na maghahanda sa kabataan at magbibigay sa kanila ng kakayahang kinakailangan para maging matagumpay, anuman ang mangyari sa kanilang kinabukasan. Hindi maitatanggi sa panahong ito, sa lugar ng pandaigdigang negosyo, na nananatiling mahalaga ang kaalaman sa wika para sa kinabukasan ng bansa, kaya dapat itong isalamin sa edukasyon. Walang duda, dapat ituring bilang “kakayahan sa pandaigdigang pakikipag-ugnayan” ang mga modernong wika. Patuloy na iaalok ng mga independent na paaralan ang opsyong ito, pagkakaiba-iba at kahusayan para sa kabataan ng Scotland. Il faut bien le faire. Si John Edward ang Direktor ng Scottish Council of Independent Schools LeBron, magde-debut para sa Lakers sa San Diego sa Linggo Malapit nang matapos ang paghihintay ng mga tagahangang umaasam na makita ang pagsisimula ni LeBron James para sa Los Angeles Lakers. Inanunsiyo ng coach ng Lakers na si Luke Walton na maglalaro si James sa preseason opener sa Linggo laban sa Denver Nuggets sa San Diego. Pero hindi pa natutukoy kung ilang minuto siya maglalaro. "Mas matagal sa isang minuto pero wala pang 48," sabi ni Walton sa opisyal na website ng Lakers. Nag-tweet ang reporter ng Lakers na si Mike Trudell na malamang ay limitado ang minutong lalaruin ni James. Kasunod ng ensayo sa unang bahagi ng linggo, tinanong si James tungkol sa mga plano niya para sa anim na laro sa iskedyul ng preseason ng Lakers. "Hindi ko kailangan ng mga laro sa preseason sa puntong ito ng career ko para maging handa," sabi niya. Trump's West Virginia Rally Time, YouTube Channel Magpapasimula si Pangulong Trump ng bugso ng mga campaign rally ngayong gabi sa Wheeling, West Virginia. Ito ang una sa limang nakaiskedyul na rally ni Trump sa susunod na linggo, kasama na ang pagbisita sa mga kaalyadong lugar gaya ng Tennessee at Mississippi. Habang naghihintay ang boto ng kumpirmasyon para sa pinili niyang pupuno sa bakanteng puwesto sa Supreme Court, layunin ni Trump na makabuo ng suporta para sa darating na mid-term elections dahil nanganganib ang mga Republican na mawalan ng kontrol sa Konggreso kapag nagbotohan sa Nobyembre. Anong oras ang Trump’s West Virginia rally ngayong gabi at paano ka manonood online? Nakaiskedyul ang Trump's Wheeling, West Virginia rally nang 7 p.m. ET ngayong gabi, Sabado, Setyembre 29, 2018. Puwede mong panoorin ang Trump's West Virginia rally online sa ibaba sa pamamagitan ng live stream sa YouTube. Malamang na tutugunan ni Trump ang tungkol sa mga pagdinig sa linggong ito para sa nominado ng Supreme Court na si Brett Kavanaugh, na naging tensyonado hinggil sa mga paratang ng pambabastos kasabay ng pag-hold sa inaasahang boto ng kumpirmasyon ng Senado nang hanggang isang linggo habang nag-iimbestiga ang FBI. Pero ang pangunahing layunin ng bugso ng mga rally na ito ay matulungang makakuha ng momentum ang mga Republican na haharap sa matitinding eleksyon sa Nobyembre. Samakatuwid, sinabi ng kampanya ni Pangulong Trump na ang limang rally na ito sa susunod na linggo ay nakatutok sa “pagpapakilos sa mga volunteer at tagasuporta habang sinusubukan ng mga Republican na protektahan at palawakin ang hawak nilang mayorya sa Senado at House of Representatives,” ayon sa Reuters. "Napakahalaga ng kontrol sa Konggreso para sa agenda niya na pagpunta ng pangulo sa maraming estado hangga’t maaari habang patungo kami sa abalang panahon ng pangangampanya,” sabi ng isang tagapagsalita ng kampanya ni Trump na tinanggihang mapangalanan. Nakaiskedyul para sa Wesbanco Arena sa Wheeling ang rally ngayong gabi at puwede itong maghatid ng mga tagasuporta mula sa "Ohio at Pennsylvania, at makakuha ng pag-uulat mula sa media ng Pittsburgh," ayon sa West Virginia Metro News. Sa Sabado ang magiging pangalawang beses sa loob ng nakaraang buwan na bumisita sa West Virginia si Trump, ang estado kung saan siya nanalo nang mahigit 40 porsyento noong 2016. Sinusubukan ni Trump na tulungan ang kandidato para sa pagkasenador na West Virginia Republican na si Patrick Morrisey, na siyang nahuhuli sa balota. "Hindi magandang senyales para kay Morrisey na kailangang pumunta ng pangulo para subukan siyang palakasin sa balota," sabi ni Simon Haeder, isang political scientist sa West Virginia University, ayon sa Reuters. Ryder Cup 2018: Nagpakita ng tapang ang Team USA para panatilihin ang pag-asa patungo sa Sunday singles Matapos ang tatlong one-sided na laban, ang mga foursome noong Sabado ng hapon ang maaaring kinailangan ng Ryder Cup na ito. Isang ganap na inimbentong konsepto sa larangan ng sports ang “swinging pendulum of momentum” pero pinaniniwalaan ito ng mga manlalaro, lalo na sa mga kompetisyon tulad nito. Kaya, ayon sa kanila, nasaan na ngayon ang momentum? “Mayroon silang lamang na anim na puntos, at ngayon ay apat na lang, kaya may dala siguro kaming kaunting momentum,” sabi ni Jordan Spieth habang papaalis siya. Nasa Europa ang bentahe, siyempre, apat na puntos ang lamang at labindalawa pa ang natitira. Tingin ng mga Amerikano, sabi ni Speith, na mayroon silang kaunting buwelo at malakas ang kanilang loob, nang dahil kina Spieth at Justin Thomas na naglaro nang magkasama buong araw at mayroong tig-tatlong puntos mula sa four. Pinangungunahan ni Spieth ang kanyang panig at asintado siya mula tee hanggang green. Mas lumakas ang mga sigaw ng selebrasyon habang tumagal ang round niya, naipasok niya ang isang mahalagang putt para gawing tabla sa apat ang match matapos maging two down after two kasama si Thomas. May kasabay na ganoon ding sigaw ang putt niya na nagpanalo sa kanila sa match sa 15, ang tipong sigaw na nagsasabing hindi pa tapos ang laban para sa panig ng Amerika. "Kailangan mo lang talaga magpursigi at isipin ang sarili mong match," sabi ni Spieth. Ito na lang ang natitira para sa bawat manlalaro. 18 holes para makagawa ng marka. Ang tanging mga manlalaro na mas mataas ang puntos kaysa kina Spieth at Thomas sa nakalipas na dalawang araw ay sina Francesco Molinari at Tommy Fleetwood, ang hindi maikakailang kuwento ng Ryder Cup. Four from four at walang kayang gawing mali ang kakaiba pero kamangha-manghang pares mula sa Europa. Ang “Molliwood” lang ang pares na hindi tumira ng bogey noong Sabado ng hapon, pero nakaiwas din sila sa mga bogey noong Sabado ng umaga, Biyernes ng hapon, at back nine noong Biyernes ng umaga. Ang bugsong iyon, at kung paano parang dumadaloy ang enerhiya nila mula at papunta sa maingay na manonood ang patunay na sila ang mga manlalarong dapat talunin sa Linggo, at wala nang mas sikat na manlalaro na puwedeng magtiyak ng panalo para sa mga European sa Le Golf National kung hindi sina Fleetwood o Molinari. Kung kakayanin sana, sabay sa magkaibang hole. Pero mukhang napaaga ang usapin ng pagkapanalo ng mga European. Mabilis na tinalo nina Bubba Watson at Webb SImpson si Sergio Garcia, ang bayani ng morning fourballs, nang gawin silang magkapares ni Alex Noren. Isang bogey at dalawang doubles sa front nine ang nagbaon sa Spaniard at Swede, at hindi na sila nakabangon pa. Pero noong Sunday, walang tutulong sa iyo na makalabas sa iyong hole. Nakakaaliw panoorin nang malapitan ang mga fourball at foursome dahil sa mga interaksyon sa pagitan ng magkakapares, ang mga payo na ibinibigay at hindi nila ibinibigay, at ang posibleng biglaang pagbabago ng estratehiya. Mas maganda ang laro ng Europe bilang isang grupo sa ngayon at nakalamang sila patungo sa huling araw pero ipinakita ng foursome session na ito ang tibay at lakas ng Team USA na pinagdududahan ng ilan, lalo na ng Stateside. Nakalamang ang Europe nang 10-6 papasok sa huling araw ng Ryder Cup Matibay ang lamang ng Europe papasok sa huling araw ng Ryder Cup matapos makalabas noong Sabado mula sa mga fourball at foursome match nang may 10-6 na lamang laban sa Estados Unidos. Nanguna ang matatag na pares nina Tommy Fleetwood at Francesco Molini na may dalawang panalo laban sa nahihirapang si Tiger Woods para dalhin ang kanilang tally sa apat na puntos sa ngayon sa Le Golf National. Ang panig ng mga European na kinabibilangan ni Thomas Bjorn, na nagnanais na makuha ulit ang tropeong nawala nila sa Hazeltine dalawang taon na ang nakakalipas, ang nangibabaw laban sa panig ng mga American na nagmimintis sa morning fourballs, at nanalo sa serye 3-1. Higit na lumaban sa foursomes ang Estados Unidos, at nanalo ng dalawang match pero hindi nila maibaba ang kalamangan. Kinailangan ng panig ni Jim Furyk ng walong puntos mula sa 12 singles matches noong Linggo para mapanatili ang tropeo. Si Fleetwood ang unang European na rookie na nanalo ng apat na sunod-sunod na puntos habang siya at si Molinari, na pinangalanang “Molliwood” matapos ang isang napakahusay na weekend, ang pangalawang pares lang na nanalo ng apat na puntos mula sa kanilang unang apat na match sa kasaysayan ng Ryder Cup. Matapos durugin sina Woods at Patrick Reed sa fourballs, kahanga-hanga ang pagsanib nila ng puwersa para talunin ang dismayadong si Woods at American rookie na si Bryson Dechambeau sa 5&4. Si Woods, na kinaladkad ang kanyang sarili sa dalawang match noong Sabado, ay nagpakita ng mga panandaliang bugso ng kagalingan pero nakatanggap na siya ng pagkatalo sa 19 sa kanyang 29 na match sa fourballs at foursomes at pitong sunod-sunod. Nagpahinga si Justin Rose para sa fourballs sa umaga, at bumalik sa kanyang kapares na si Henrik Stenson sa foursomes para talunin sa 2&1 sina Dustin Johnson at Brooks Koepka - na nasa una at pangatlong ranggo sa mundo. Hindi naging maganda ang araw para sa Europe kahit na maaliwalas at mahangin ang panahon sa bahaging timog-kanluran ng Paris. Itinakda ng three-time major winner na si Jordan Spieth at ni Justin Thomas ang benchmark para sa mga American matapos magtala ng dalawang puntos noong Sabado. Nakakuha sila ng masigasig na 2&1 na panalo laban kina Jon Rahm at Ian Poulter ng Spain sa fourballs at bumalik para talunin sina Poulter at Rory McIlroy 4&3 sa foursomes matapos matalo sa unang two holes. Dalawang beses lang sa kasaysayan ng Ryder Cup na nakabalik ang isang koponan mula sa four-point deficit papasok ng singles, pero bilang mga holder kailangan lang ng panig ni Furyk ng draw para mapanatili ang tropeo. Matapos ang dalawang araw ng pagiging pangalawa sa puwesto, mukhang hindi nila kakayanin ang isang counter-attack sa Linggo. Sabi ng North Korea, 'hinding-hindi' unilateral na magdidisarma nang walang tiwala Sinabi ng foreign minister ng North Korea sa United Nations noong Sabado na lumalalim ang paghihinala nila sa Estados Unidos dahil sa mga patuloy na pag-sanction at hinding-hindi unilateral na isusuko ng bansa ang kanilang mga nuklear na sandata sa ilalim ng ganitong sitwasyon. Sinabi ni Ri Yong Ho sa taunang General Assembly ng mga kinatawan ng buong mundo na gumawa ang North Korea ng “mahahalagang hakbang na may mabuting layon” sa nakaraang taon, tulad ng pagtigil sa mga nuklear at missile test, paggiba ng nuklear na test site, at pangangakong hindi gagawa ng mga nuklear na sandata at teknolohiya. "Gayunpaman, wala kaming nakitang katumbas na tugon mula sa Estados Unidos," sabi niya. "Habang walang pagtitiwala sa Estados Unidos, hindi magkakaroon ng kumpiyansa sa aming pambansang seguridad at sa ilalim ng ganitong sitwasyon hindi talaga kami unilateral na magdidisarma." Habang inulit ni Ri ang mga pamilyar na reklamo ng North Korea tungkol sa pagtanggi ng Washington sa isang “yugto-yugtong” diskarte sa denuclearization kung saan paparangalan ang North Korea habang nagsasagawa ito ng maliliit na hakbang, nagmukhang mahalaga ang kanyang pahayag dahil hindi nito agad tinanggihan ang unilateral na denuclearization tulad ng ginawa noon ng Pyongyang. Tinukoy ni Ri ang isang pinagsamang pahayag nina Kim Jong Un at Donald Trump sa kauna-unahang summit sa pagitan ng kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos at pinuno ng North Korea sa Singapore noong Hunyo 12, nang nangako si Kim na magsisikap tungo sa “denuclearization ng Korean peninsula” habang nangako naman si Trump na igagarantiya ang kaligtasan ng North Korea. Matagal nang naghahanap ang North Korea ng pormal na pagtatapos sa 1950-53 Korea War, pero sinabi ng Estados Unidos na dapat munang isuko ng Pyongyang ang kanilang mga nuklear na sandata. Tinanggihan din ng Washington ang mga kahilingang bawasan ang mahihigpit na internasyonal na sanction sa North Korea. “Nagpupumilit ang Estados Unidos sa pag-denuclearize” at tinataasan ang bigat ng mga sanction para makamit ang kanilang mga layunin sa marahas na paraan, at tinututulan din nila ang “pagdeklara sa pagtatapos ng giyera,” sabi ni Ri. “Ang pananaw na paluluhurin kami ng mga sanction ay isang matinding panaginip ng mga taong walang alam tungkol sa amin. Pero ang problema ay pinapalalim ng patuloy na pag-sanction ang paghihinala namin." Walang nabanggit na mga plano si Ri para sa pangalawang summit sa pagitan nina Kim at Trump, na siyang inihayag ng pinuno ng Estados Unidos sa United Nations noong unang bahagi ng linggo. Sa halip, inihayag ng minister ang tatlong naging pagpupulong sa pagitan ni Kim at ng pinuno ng South Korea na si Moon Jae-in sa loob ng nakalipas na limang buwan at idinagdag: "Kung South Korea at hindi ang Estados Unidos ang partido sa isyung ito ng pagdisarma ng sandatang nuklear, hindi hahantong sa isang deadlock ang denuclearization ng Korean peninsula." Kahit pa, lubos ang pinagkaiba ng tono ng talumpati ni Ri mula sa nakaraang taon, nang sabihin niya sa U.N. General Assembly na hindi maiiwasan ang pag-target sa teritoryo ng Estados Unidos ng mga rocket ng North Korea pagkatapos tawagin ni “Mr Evil President” Trump si Kim na isang “rocket man” na nasa suicide mission. Ngayong taon sa United Nations, si Trump, na nagbanta noong nakaraang taon na “talagang dudurugin” niya ang North Korea, ay nagpaulan ng papuri kay Kim para sa kanyang tapang sa paggawa ng mga hakbang para magdisarma, pero sinabi niya na marami pa ring kailangang gawin at dapat manatili ang mga sanction hanggang sa mag-denuclearize ang North Korea. Noong Miyerkules, sinabi ni Trump na wala siyang nakatakdang panahon para dito, at sabi rin niya, "Kung tatagal ito nang dalawang taon, tatlong taon o limang buwan - walang kaso." Ipinaglaban ng China at Russia na dapat parangalan ng U.N. Security Council ang Pyongyang para sa mga ginawang hakbang. Gayunpaman, sinabi ng Secretary of State ng Estados Unidos na si Mike Pompeo sa U.N. Security Council noong Huwebes na: “Dapat magpatuloy ang pagpapatupad ng mga Security Council sanction nang mahigpit at walang mintis hanggang sa lubos nating malaman ang tungkol saganap, panghuli at kumpirmadong denuclearization." Sama-samang pinabigat ng Security Council ang mga sanction sa North Korea mula noong 2006 bilang pagtatangkang bawasan ang pagpopondo para sa programang nuklear at ballistic missile ng Pyongyang. Nakipagkita si Pompeo kay Ri sa mga sideline ng U.N. General Assembly at sinabi pagkatapos na bibisita siya ulit sa Pyongyang sa susunod na buwan para maghanda para sa ikalawang summit. Nakabisita na si Pompeo sa North Korea nang tatlong beses ngayong taon, pero hindi naging maganda ang kanyang huling pagpunta. Umalis siya sa Pyongyang noong Hulyo, at sinabing mayroong pag-usad na naganap, para lang batikusin siya ng North Korea dahil sa paggawa niya ng "mga mala-gangster na demand." Nangako ang North Korea sa isang pagpupulong kasama ni Moon ngayong buwan na gigibain ang isang missle site pati na rin ang isang nuklear na complex kung nagsagawa ng “mga katumbas na hakbang” ang Estados Unidos. Sinabi niya na binanggit sa kanya ni Kim ang "mga katumbas na hakbang" na hinahanap niya ay mga paggarantiya sa seguridad na ipinangako ni Trump sa Singapore at daan patungo sa normalisasyon ng pakikipag-ugnayan sa Washington. Mga estudyante sa Harvard, kumuha ng kurso tungkol sa pagkakaroon ng sapat na pahinga Ngayong taon, isang bagong kurso sa Harvard University ang tumutulong sa mga undergraduate nito para makatulog nang maayos bilang pagtatangkang labanan ang macho culture ng pag-aaral nang buong gabi habang pinapagana ng caffeine. Nalaman ng isang akademiko na ang mga estudyante sa numero unong unibersidad sa mundo ay kadalasang walang alam tungkol sa mga pinakapangunahing paraan para alagaan ang kanilang mga sarili. Si Charles Czeisler, guro ng sleep medicine sa Harvard Medical School at isang espesyalista sa Brigham and Women's Hospital, ang nagdisenyo ng kurso, na pinaniniwalaan niyang pinakaunang uri nito sa Estados Unidos. Nagkaroon siya ng inspirasyon na simulan ang kurso matapos magbigay ng usapin tungkol sa epekto ng kawalan ng tulog sa pag-aaral. 'Pagkatapos nito, isang babae ang lumapit sa akin at nagsabing: ‘Bakit ngayon lang sinabi sa akin ito, sa senior year ko?’ Ayon sa kanya, walang sinuman ang nagsabi sa kanya ng tungkol sa halaga ng pagtulog - na ikinagulat ko,’ sabi niya sa The Telegraph. Inilabas sa unang pagkakataon ngayong taon ang kursong nagpapaliwanag sa mga estudyante ng kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na kagawian sa pagtulog at kung paano ito nakakatulong sa akademiko at atletikong gawain, pati na rin sa pangkalahatang kalusugan. Sinabi ni Paul Barreira, guro ng psychiatry sa Harvard Medical School at executive director ng serbisyong pangkalusugan ng unibersidad na nagdesisyon ang unibersidad na ipasok ang kurso matapos malaman na lubos na kulang sa tulog ang mga estudyante noong isang linggo. Ang isang oras na kurso ay may kasamang serye ng mga interactive na gawain . Sa isang seksyon mayroong larawan ng kuwarto ng dorm, kung saan kini-click ng mga estudyante ang mga tasa ng kape, kurtina, sapatos at libro para masabihan ng tungkol sa mga epekto ng caffeine at ilaw, at kung paano naaapektuhan ng kakulangan sa tulog ang pagiging atletiko, at ang kahalagahan ng isang routine para sa pagtulog. Sa isa pang seksyon, sinasabi sa mga kalahok kung paano tinataasan ng kawalan ng tulog ang panganib ng atake sa puso, stroke, depresyon at kanser. May isang mapa ng campus, na may mga interactive na icon, na naghihikayat sa mga kalahok na pag-isipan ang kanilang pang araw-araw na gawain. 'Alam namin na hindi nito kaagad mababago ang gawi ng mga estudyante. Pero naniniwala kami na may karapatan silang malaman - gaya ng karapatan mo na malaman ang mga epekto sa kalusugan ng paninigarilyo,' dagdag ni Prof Czeisler. Umiiral pa rin ang kultura ng pagkakaroon ng ‘all-nighter’, sabi niya, at idinagdag niya na ang modernong teknolohiya at ang dumadaming pressure sa mga estudyante ang nagpapalaki sa problema ng kakulangan sa pagtulog. Ang pagtiyak na mayroon kang sapat na tulog, na may magandang kalidad, ang dapat magsilbing ‘lihim na sandata’ ng mga estudyante para labanan ang stress, matinding pagod at anxiety, sabi niya - para din maiwasan ang pagtaas ng timbang, dahil nilalagay ng kakulangan sa tulog ang utak sa estado ng pagkagutom, kaya sila nagiging gutom palagi. Si Raymond So, isang 19 na taong gulang na taga-California na nag-aaral ng chemical at physical biology, ang tumulong kay Professor Czeisler na idisenyo ang kurso, matapos kumuha ng isang klase niya noong unang taon nito sa Harvard. Sinabi niya na nabuksan ang kanyang mga mata at nagkaroon siya ng inspirasyon para magpursigi sa isang pampaaralang kurso. Inaasahan niya na ang susunod na hakbang ay hilingin sa mga estuyante na kumpletuhin ang isang programa sa pag-aaral na katulad nito bago sumali sa kompetitibong institusyon. Inirekomenda ni Prof Czeisler na dapat pag-isipan ng mga estudyante na magtakda ng alarm kung kailan matutulog at gigising, at alamin ang masasamang epekto ng ‘blue light’ na ine-emit ng mga electronic na screen at LED na ilaw, na puwedeng sumira sa circadian rhythm, at magdulot ng mga problema sa pagtulog. Livingston 1 - 0 Rangers: Pinabagsak ng goal ni Menga ang koponan ni Gerrard Nakaranas na naman ng pagkadismaya ang Rangers matapos bigyan ng goal ni Dolly Menga ang watak na panig ni Steven Gerrard ng 1-0 na pagkatalo sa Livingston. Ninais ng panig mula sa Ibrox na maitala ang una nilang panalo sa stadium ng kalaban mula nang manalo sila nang 4-1 noong Pebrero sa St Johnstone, pero ang koponan ni Gary Holt ang nagbigay sa pangalawang pagkatalo ni Gerrard sa loob ng 18 laro bilang manager, para mabitin nang walong puntos ang panig niya laban sa Hearts na nangunguna sa Ladbrokes Premiership. Nakapuntos si Menga pitong minuto bago mag-half-time at hindi na nagmukhang tatabla pa ang line-up ng Rangers na kinulang sa inspirasyon. Habang bumaba ngayon sa pang-anim na puwesto ang Rangers, umangat naman sa pangatlo ang Livingston at nasa likod lang ng Hibernian sa goal difference. At baka mayroon pang mas maraming problemang naghihintay para sa Rangers pagkatapos kailanganing bigyan ng lunas para sa sugat sa ulo ang linesman na si Calum Spence matapos ang tila pagbato ng isang bagay mula sa panig ng kalaban. Gumawa ng walong pagbabago si Gerrard sa gilid para malampasan ang Ayr patungo sa semi-finals ng Betfred Cup. Sa kabilang banda, ginamit ni Holt ang parehong Livi 11 na nakapuntos laban sa Hearts noong nakaraang linggo at matutuwa sana siya sa kung paano napigilan ng kanyang mahusay na grupo ang kanilang mga katunggali sa bawat liko. Nangibabaw nga sa paghawak sa bola ang Rangers pero mas maraming nagawa ang Livingston noong nasa kanila ang bola. Dapat ay nakapuntos sila matapos ang dalawang minuto nang makalusot malapit sa goal ni Allan McGregor ang pasa ni Menga papunta kay Scott Pittman pero nagmintis nang malayo ang midfielder. Isang malalim na free-kick ni Keaghan Jacobs ang nasalo ni Craig Halkett ngunit walang magawa ang dumedepensa sa kanya na si Alan Lithgow liban sa pilit na agawin ang bola sa may back post. Nakuha naman ng Rangers ang kontrol ngunit mukhang mas malaki ang pag-aakala kaysa sa tiwala na magagawa ang kanilang plano sa huling ikatlong bahagi. Palagay ni Alfredo Morelos na dapat siya ay nabigyan ng penalty kick sa pagsapit ng isang-kapat ng laro nang magbanggaan sila ni Steven Lawless, ngunit isinantabi ng referee na si Steven Thomson ang apela ng manlalarong Colombian. Nakagawa ng dalawang asintadong tira ang Rangers sa unang kalahati ng laro ngunit hindi nagpadaig ang dating goalkeeper ng Ibrox na si Liam Kelly sa header ni Lassana Coulibaly at malamyang strike ni Ovie Ejaria. Bagama’t naka-score ang Livi sa ika-34 na minutong pambungad nito kahit na mukhang mas mahusay ang kalaban, hindi maitatangging karapat-dapat sila roon dahil sa graft pa lang nila. Nabigong muli ang Rangers na umaksyon laban sa malalim na set-piece ng nasa deep na si Jacobs. Hindi umaksyon si Scott Arfield nang pinalusot ni Declan Gallagher ang bola sa slot papunta kay Scott Robinson, na kalmadong nagpasa kay Menga para sa madaling pagtapos. Kumilos si Gerrard sa break nang ipinalit niya si Coulibaly kay Ryan Kent at halos nagkaroon ng mabilis na epekto ang pagpapalit nang makapag-slot ang winger kay Morelos, pero mabilis na tumakbo mula sa linya niya ang kahanga-hangang si Kelly para maharang iyon. Ngunit patuloy na pinahihirapan ng Livingston ang mga bisita sa paglalaro sa eksaktong klase ng larong gusto nila, kung saan sunod-sunod ang pag-sweep ng long ball nila Lithgow at Halkett. Mapapalaki pa sana ng panig ni Holt ang lamang nila sa mga panghuling yugto ngunit mahusay na napigilan ni McGregor si Jacobs bago pa makapunta sa wide si Lithgow mula sa corner. May isa pang huling paghahabol ang substitute ng Rangers na si Glenn Middleton para sa isang penalty dahil nagkasalabit sila ni Jacobs, ngunit hindi na naman nakatingin si Thomson. Almanac: Ang lumikha ng Geiger Counter At ngayon ay narito ang isang pahina mula sa ating "Sunday Morning" Almanac: Setyembre 30, 1882, 136 na taon na ang nakalipas, at PATULOY PA IYONG MADARAGDAGAN ... ang araw na ipinanganak sa Germany si Johannes Wilhelm "Hans" Geiger na magiging isang physicist balang araw. Bumuo si Geiger ng pamamaraan para sa pagtukoy at pagsukat ng radioactivity, isang imbensyong maghahatid kalaunan ng device na tinatawag na Geiger Counter. Isang mahalagang bahagi ng agham simula noon, naging pangunahing suporta rin sa pop culture ang Geiger Counter, sa pelikula noong 1950 na "Bells of Coronado," na nagtatampok sa mga mukhang malabong maging cowboy na siyentipikong sina Roy Rogers at Dale Evans: Lalaki: "Ano’ng bagay ‘yan?" Rogers: "Isa itong Geiger Counter, ginagamit sa pagtukoy ng mga radioactive mineral, gaya ng uranium. Kapag isinuot mo ang mga earphone na ito, aktwal mong maririnig ang mga epekto ng mga atom na idinudulot ng radioactivity sa mga mineral." Evans: "Siguradong tumutunog-tunog na ito ngayon!" Pumanaw si "Hans" Geiger noong 1945, ilang araw lang bago ang kanyang ika-63 kaarawan. Ngunit patuloy na nanatili ang imbensyong nakakabit sa pangalan niya. Natuturuan ng bagong bakuna laban sa cancer ang immune system na 'matukoy' ang mga nakakapinsalang cell Natuturuan ng bagong bakuna laban sa cancer ang immune system na 'matukoy' ang mga nakakapinsalang cell at puksain ang mga ito Bilang bahagi ng paggamot, tinuturuan ng bakuna ang immune system na matukoy ang mga nakakapinsalang cell Kasama sa pamamaraan ang pagkuha ng mga immune cell sa pasyente, at pinapahusay ang mga ito sa laboratoryo Pagkatapos ay magagawa na ng mga itong 'matukoy' ang protinang karaniwan sa karamihan ng mga cancer at saka iiiniksyon pabalik ang mga ito Nagbibigay ang sinusubukang bakuna ng magagandang resulta sa mga pasyenteng may iba’t ibang cancer. Sa loob ng mahigit sa 18 buwan, nawala ang cancer sa obaryo ng isang babaeng ginamot ng bakunang nagtuturo sa immune system na matukoy ang mga nakakapinsalang cell. Kasama sa pamamaraan ang pagkuha ng mga immune cell mula sa isang pasyente, at pinapahusay ang mga iyon sa laboratoryo para "matukoy" ng mga ito ang protinang karaniwan sa karamihan ng mga cancer na tinatawag na HER2, at pagkatapos ay iniiniksyon pabalik ang mga cell. Ayon kay Propesor Jay Berzofsky ng US National Cancer Institute sa Bethesda, Maryland: "Ipinapahiwatig sa mga resulta natin na mayroon tayong maaasahang bakuna." Ang HER2 ay "nagdudulot ng pagkalat ng maraming uri ng cancer," kabilang ang cancer sa suso, obaryo, baga at colon, paliwanag ni Prof Berzofsky. Gumana sa paggamot ng uri ng leukaemia ang katulad na pamamaraan ng pagkuha ng mga immune cell mula sa mga pasyente at "pagtuturo" sa mga ito kung paano pupuksain ang mga cancer cell. Nakiisa si Kanye West sa Pro-Trump na Diatribe, Suot ang isang MAGA Hat, Pagkatapos ng kanyang Paglabas sa SNL. Hindi Naging Maganda ang Resulta Nito Sinigawan ng “boo” si Kanye West sa studio habang ginaganap ang Saturday Night Live pagkatapos ng mahabang performance kung saan pinuri niya ang Presidente ng US na si Donald Trump at sinabi niyang tatakbo siya para sa posisyon sa 2020. Pagkatapos itanghal ang pangatlo niyang kanta para sa gabing iyon, na tinatawag na Ghost Town kung saan may suot siyang Make America Great na cap, binatikos niya ang mga Democrat at inulit ang pagsuporta niya kay Trump. "Maraming beses nang may kausap akong white na tao at sinasabi nilang: "Paano mo nagustuhan si Trump, isa siyang racist?" Kung inaalala ko ang tungkol sa racism, matagal na dapat akong umalis sa America," sabi niya. Sinimulan ng SNL ang palabas sa isang kit na nagtatampok kay Matt Damon, kung saan pinagkatuwaan ng Hollywood star ang testimonya ni Brett Kavanaugh sa Komite ng Senado sa Legal na Pagpapasya tungkol sa mga reklamo sa sekswal na pananamantala na inihain ni Christine Blasey Ford. Bagama’t hindi ito naka-broadcast, na-upload sa social media ng komedyanteng si Chris Rock ang footage ng pambabatikos ni West. Hindi malinaw kung tinatangka ni Rock na ipahiya si West sa ginawang pag-post. Dagdag dito, nagreklamo si West sa audience na hindi siya tinitigilan sa backstage tungkol sa sumbrero niya. "Binu-bully nila ako sa backstage. Sabi nila, 'huwag kang lumabas na suot ‘yang sumbrerong ‘yan.' Na-bully nila ako! At sabi nila nasa sunken place ako," wika niya, ayon sa Washington Examiner. Nagpatuloy si West: "Gusto mong makita ang sunken place?" pagkasabi niyon, ginawa niya ang "isinuot ko ang sarili kong kapa ni superman, dahil ibig sabihin nito, hindi mo ako madidiktahan sa kung ano ang dapat kong gawin. Gusto mong umunlad ang mundo? Subukan mong magkaroon ng pagmamahal." Dahil sa mga komento niya, nag-boo ang audience nang hindi bababa sa dalawang beses at napahiya ang mga cast na miyembro ng SNL, ayon sa ulat ng Variety, at may isang tao roon na nagpahayag sa publikasyon na: "Nabalot ng katahimikan ang buong studio." Ipinasok si West bilang inihabol na pamalit para sa mang-aawit na si Ariana Grande, na namatayan ng nobyo, ang rapper na si Mac Miller, ilang araw pa lang ang nakalipas. Marami ang naguluhan sa pagtatanghal ni West ng kantang I Love it, kung saan nakadamit siya bilang Perrier Bottle. Sinuportahan si West ng pinuno ng konserbatibong grupong TPUSA, si Candace Turner na nag-tweet ng: "Para sa isa sa may pinakamatibay na kalooban: SALAMAT SA PANININDIGAN LABAN SA MGA NANGGUGULONG TAO." Pero nag-tweet ang host ng talk show na si Karen Hunter na si West ay "nagpapakatotoo lang at walang dudang kahanga-hanga iyon." "Ngunit pinipili kong HINDI kilalanin ang isang tao (sa pamamagitan ng pagbili ng musika o damit niya o pagsuporta sa "sining" niya) na sa palagay ko ay yumayakap at nagpapahayag sa ideolohiyang nakakasama sa komunidad ko. May kalayaan siya. At ganoon din tayo," dagdag niya. Bago ang palabas, nag-anunsyop ang rapper sa Twitter na nagpalit na siya ng pangalan, at sinasabi niyang siya na ngayon "ang pormal na kinikilala bilang si Kanye West." Hindi siya ang unang artist na nagpalit ng pangalan niya at sumunod sa mga yapak ni Diddy, na kilala rin bilang Puff Daddy, Puffy at P Diddy. Ang kapwa rapper na si Snoop Dogg ay may pangalan dating Snoop Lion at siyempre, ang pumanaw nang alamat sa musika na si Prince, na pinalitan ang pangalan niya at ginawang isang simbolo, at pagkaraan niyon ay naging artist na dating kilala bilang Prince. Kaso ng tangkang pagpatay sa pananaksak sa restaurant sa Belfast Isang 45 taong gulang na lalaki ang sinampahan ng kasong tangkang pagpatay makaraang masaksak ang isang lalaki sa restaurant sa silangang Belfast noong Biyernes. Ayon sa pulis, nangyari ang insidente sa Ballyhackamore. Inaasahang humarap ang akusado sa Korte ng Mga Mahistrado ng Belfast sa Lunes. Susuriin ang mga akusasyon sa pamamagitan ng Serbisyo ng Pampublikong Piskal. Mariing pinuna ng Game of Thrones star na si Kit Harington ang nakakapinsalang maskulinidad Kilala si Kit Harington sa kanyang karakter na mahusay sa espadang si Jon Snow sa bayolenteng medieval fantasy series ng HBO na Game of Thrones. Ngunit mariing pinuna ng aktor, 31, ang stereotype ng bruskong tagapagtanggol, ayon sa kanya ang mga ganoong papel sa screen ay humahantong sa madalas na pag-iisip ng mga kabataang lalaki na kailangan nilang maging matigas para igalang. Sa pakikipag-usap sa The Sunday Times Culture, sinabi ni Kit na naniniwala siyang 'may naging pagkakamali’ at nakuwestyon niya kung paano tatalakayin ang problema ng nakakapinsalang maskulinidad sa #MeToo na era. Inamin ni Kit, na kamakailang ikinasal sa kasamang artista sa Game of Thrones na si Rose Leslie, 31 din, na 'matindi' ang kagustuhan niyang matalakay ang isyu. 'Matindi ang personal kong kagustuhan sa ngayon - saan tayo nagkamali sa maskulinidad?,' sabi niya. 'Ano ang mga itinuturo natin sa mga kalalakihan habang lumalaki sila, batay sa problemang nakikita natin ngayon?' Naniniwala si Kit na may bahaging pananagutan ang telebisyon sa pagdami ng nakakapinsalang maskulinidad dahil sa mga napakatigasing karakter nito. Ipinagpatuloy niya na: 'Ano ang likas na at ano ang itinuturo? Ano ang itinuturo sa TV, at sa mga kalsada, na nagiging dahilan para isipin ng mga kabataang lalaki na kailangan nilang maging ganitong klase ng lalaki? Sa tingin ko, ‘yan talaga ang isa sa mga pinakamalaking tanong sa panahon natin - paano natin mababago ‘yon? Dahil malinaw na may bagay na nagiging mali para sa mga kabataang lalaki.' Inamin din niya sa panayam na hindi na siya gagawa ng anumang prequel o sequel ng Game of Thrones kapag natapos na ang series sa susunod na tag-init, dahil aniya, 'tapos na siya sa mga larangan ng digmaan at pangangabayo'. Simula sa Nobyembre, gaganap na bida si Kit sa muling pagpapalabas ng True West ni Sam Shepard na kwento ng isang producer ng pelikula at ng kapatid niya, na isang magnanakaw. Ipinahayag kamakailan ng aktor na ang pagkakakilala nila ng asawang si Rose ang itinuturing niyang pinakamagandang bagay na nangyari sa Game of Thrones. 'Nakilala ko ang asawa ko sa palabas na ‘to, naging daan ito sa pagkakaroon ko ng pamilya sa hinaharap, at sa magiging buhay ko mula rito,' sabi niya. Ginampanan ni Rose ang papel ni Ygritte, na nakagustuhan ng karakter ni Kit na si Jon Snow, sa fantasy series na nanalo ng award sa Emmy. Nagpakasal ang dalawa noong Hunyo 2018 sa bakuran ng pag-aari ng pamilya ni Leslie sa Scotland. HIV/Aids: Nag-ulat ang China ng 14% pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso Nag-anunsyo ang China ng 14% pagtaas sa bilang ng mga mamamayan nitong may HIV at Aids. Mahigit sa 820,000 katao ang apektado sa bansa, ayon sa mga opisyal sa kalusugan. Humigit-kumulang 40,000 bagong kaso ang naiulat sa pangalawang quarter pa lang ng 2018. Ang karamihan sa mga bagong kaso ay naipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, na nagmarka ng pagbabago mula sa nakaraan. Karaniwang mabilis ang pagkalat ng HIV sa ilang bahagi ng China dulot ng mga pagsasalin ng nahawaang dugo. Ngunit bumaba na sa halos zero ang bilang ng mga taong nahawaan ng HIV sa ganitong paraan, ayon sa mga Chinese na opisyal sa kalusugan sa isang talakayan sa probinsya ng Yunnan. Gayunpaman, kada taon ay tumataas ang bilang ng mga may HIV at Aids sa China sa 100,000 katao. Isang talamak na isyu sa LGBT na komunidad ng China ang pagkakahawa sa HIV sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Tinuldukan na ang pagiging ilegal ng homosekswalidad sa China noong 1997, ngunit sinasabing laganap pa rin ang pandidiskrimina laban sa mga miyembro ng LGBT. Dahil sa mga konserbatibong pagpapahalaga ng bansa, tinataya sa mga pag-aaral na 70-90% ng mga kalalakihang nakipagtalik sa lalaki ay kalaunang nagpapakasal sa babae. Karamihan sa mga pagkakahawa sa mga sakit ay dulot ng kakulangan sa mga proteksyon sa pakikipagtalik sa mga ganitong ugnayan. Simula 2003, nangako ang pamahalaan ng China ng pangkalahatang access sa mga gamot sa HIV bilang bahagi ng pagsisikap na maharap ang isyu. Itinatanggi ni Maxine Waters na staff niya ang nagpakalat ng datos ng mga GOP na senador, at iginigiit ang 'mga nakakaperhuwisyong kasinungalingan' at 'mga conspiracy theory' Itinanggi ng U.S. Rep. na si Maxine Waters noong Sabado ang mga paratang na isang miyembro ng staff niya ang nag-post ng personal na impormasyon ng tatlong Republican na senador sa U.S. sa mga page ng Wikipedia para sa mga mambabatas. Iginiit ng Democrat ng Los Angeles na pakana ng mga "ultra-right wing" na manunuri at website ang mga pagrereklamo. "Kasinungalingan, kasinungalingan, at marami pang buktot na kasinungalingan," wika ni Waters sa isang pahayag sa Twitter. Ayon sa ulat, kasama sa inilabas na impormasyon ang mga address ng tahanan at numero ng telepono ng mga Senador ng U.S. na sina Lindsey Graham ng South Carolina, at Mike Lee at Orrin Hatch, na parehong mula sa Utah. Lumabas ang impormasyon online noong Huwebes, na na-post ng hindi kilalang tao sa Capitol Hill habang ginaganap ang pagdinig ng panel sa Senado hinggil sa mga paratang ng sekswal na imoralidad laban sa nominado para sa Korte Supremang si Brett Kavanaugh. Lumabas ang impormasyon ilang minuto makaraang usisain ng tatlong senador si Kavanaugh. Sa ulat ng Hill, ipinahayag ng mga konserbatibong site gaya ng Gateway Pundit at RedState na naiugnay sa tanggapan ni Waters ang IP address na tumutukoy sa pinagmumulan ng mga post at ibinigay nito ang impormasyon ng miyembro ng staff ni Waters. "Ganap na mali at isang kasinungalingan ang walang batayang paratang na ito," patuloy ni Waters. "Ang miyembro ng staff ko - na nakompromiso ang pagkakakilanlan, personal na impormasyon, at kaligtasan bilang resulta ng mga mapanlinlang at maling paratang na ito - ay walang kinalaman sa pagkalat ng impormasyong ito. Ganap na mali at isang kasinungalingan ang walang batayang paratang na ito." Mabilis na umani ng batikos online ang pahayag ni Waters, kabilang na rito ang dating press secretary ng White House na si Ari Fleischer. "May galit sa pagtatangging ito," sulat ni Fleischer. "Iminumungkahi nitong wala siya ng kinakailangang pag-uugali ng isang Miyembro ng Kongreso. Kapag inaakusahan ang isang tao ng bagay na hindi niya ginawa, hindi dapat siya magalit. Hindi dapat siya maging palaban. Hindi niya dapat kwestyunin ang mga motibo ng nag-aakusa. Dapat siyang maging kalmado at marangal." Lumabas na ikinukumpara ni Fleischer ang reaksyon ni Waters sa pagtuligsa ng mga Democrat kay Hukom Kavanaugh, na naakusahan ng mga kritiko na masyadong nanggagalaiti habang ginaganap ang pagdinig noong Huwebes. Nagpahayag din ng kanyang mga saloobin sa Twitter si Omar Navarro, isang Republican na kandidatong tumatakbo para maalis sa pagkakaupo si Waters sa midterm na mga halalan. "Matindi kung may katotohanan," aniya sa pag-tweet. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Waters na inalerto na ng kanyang tanggapan "ang mga naaangkop na awtoridad at entidad sa pagpapatupad ng batas hinggil sa mga mapanlinlang na reklamong ito. "Titiyakin naming makikilala ang mga taong may kagagawan," patuloy niyang pahayag, "at mananagot sila sa batas para sa lahat ng gawain nilang nakakasira at nagdudulot ng panganib sa sinuman at sa lahat ng miyembro ng staff ko." Review ng Johnny English Strikes Again - kinulang na spy poof ni Rowan Atkinson Karaniwan na ngayong naghahanap ng mga kahalagahan para sa Brexit sa anumang bagong pelikulang nakakiling sa Britain at mukhang naaangkop ito sa bagong bersyon ng action-comedy spoof na franchise ng Johnny English - na nagsimula noong 2003 sa Johnny English at gumawang muli ng ingay noong 2011 sa Johnny English Reborn. Maging bagong oportunidad kaya sa pag-export ng bansa ang kakatwang paggamit ng sarili sa katatawanan na may paksang ukol sa kung gaano kapansin-pansin ang kawalan natin ng katuturan? Sa kabila ng lahat, ang may malaking mata at malagomang mukhang si Johnny English na walang ibubuga ay may lisensya na muling pumalpak sa mga bagay sa pangalawang pagkakataon - higit sa anupaman, nagpapahiwatig ang pangalan niya na isa siyang pangmalawakang komikong ginawa para sa mga lugar kung saan hindi nagsasalita ng Ingles ang mga manonood. Siyempre, isa siyang baliw na secret agent na sa kabila ng mga kakatwa niyang pagpapanggap na maging swabeng elegante ay may kaunting karakter ni Clouseau, na may pagka-Mr. Bean at hinaluan ng porsyon ng lalaking nag-ambag ng isang nota sa Chariots of Fire na himig na tema para sa seremonya ng pagbubukas ng London 2012 Olympics. Orihinal din siyang nakabatay sa manlalakbay at internasyonal na misteryosong lalaking ginampanan noon ni Atkinson sa naibaon na ngayon sa limot na mga ad sa TV ng Barclaycard, kung saan nagdulot siya ng kaguluhan sa kanyang lamay. May isa o dalawang magandang eksena sa pinakahuling palabas na ito ng JE. Nagustuhan ko ang paglapit ni Johnny English sa helicopter habang nakasuot ng medieval na baluti at dagliang tumatama ang rotor blades sa helmet niya. Makikita ang talento ni Atkinson sa pisikal na pagpapatawa, pero hindi naging mabisa at hindi naging natural ang labis na katatawanan, lalo na’t may kumpiyansa na ngayong magdagdag ng pagpapatawa bilang elemento nito ang mga brand ng "seryosong" pelikula tulad ng 007 at Mission Impossible. May dating sa ginawang pagpapatawa na nilayon ito para sa mga bata sa halip na sa mga nasa hustong gulang, at para sa akin, ang mga komikong kapalpakan ni Johnny English ay hindi kasing-malikhain at kasing-linaw ng mga silent-movie na gag ni Atkinson sa persona ni Bean. Ang premise ngayon na matagal nang nararanasan sa lugar ay ang pagkakalagay ng Great Britain sa mahirap na sitwasyon. Napasok ng isang cyber-hacker ang lubhang kumpidensyal na web network ng mga espiya ng Britain, na nagbubunyag sa mga pagkakakilanlan ng lahat ng agent ng Britain sa field, na nagdulot ng pagkadismaya sa agent na naka-duty - isang nakakahinayang na maliit na papel para kay Kevin Eldon. Ito ang pinakahuling bagay para masira ang prime minister na isang mapagtaas at palabang tao, na dumaranas na ng ganap na pagkabalisa sa kawalan ng suporta ng tao sa kanya sa pulitika: Hinusayan ni Emma Thompson ang pagganap sa mala-Teresa-May na karakter na ito ngunit wala masyadong mapipiga mula sa script. Ipinabatid sa kanya ng mga tagapayo niya sa intelligence na dahil nakompromiso na ang lahat ng aktibong espiya, may kailangan siyang ibalik mula sa mga nagretiro na. At ang tinutukoy na iyon ay ang padaskul-daskul na si Johnny English mismo, na nagtatrabaho na ngayon bilang punong guro sa isang eksklusibong institusyon, ngunit nagbibigay ng mga pribadong aralin kung paano maging isang undercover operative: nakakatawa ‘to, dahil nagbibigay si English ng mala-School of Rock na akademya sa pag-eespiya. Kaagad na ipinatawag si English sa Whitehall para sa isang emergency na briefing at nakasama niyang muli ang dating matagal nang nagdurusang sidekick na si Bough, na ginagampanan ulit ni Ben Miller. Kasal na ngayon si Bough, na napangasawa ang isang kumander ng submarino, isang jolly-hockey-sticks na papel kung saan medyo nasayang si Vicki Pepperdine. Nagbalik na sa aksyon ang Batman at Robin na malala ang mga kapalpakan sa Secret Service ng Kanyang Kamahalan, at makakaengkuwentro nila ang magandang femme fatale na si Ophelia Bulletova na ginampanan ni Olga Bulletova. Samantala, delikadong nahuhulog ang prime minister sa pang-aakit ng karismatikong tech billionaire na nagsasabing kaya niyang lutasin ang mga kaguluhan sa computer ng Britain: ang may masamang balak na si Jason Volta, na ginagampanan ni Jake Lacy. Nagsimula na sina English at Bough sa mahabang pakikipagsapalaran nila ng mga kalokohang pagpapanggap: nagkukunwaring mga waiter, nagsimula sila ng sunog sa isang mamahaling French na restaurant; gumawa sila ng eksena para makasakay nang hindi napapansin sa marangyang yate ni Volta; at nag-umpisa ng malawakang gulo si English nang sinubukan niyang gumamit ng Virtual Reality na headset para maging pamilyar siya sa loob ng bahay ni Volta. Walang dudang maayos ang lahat ng kinahantungan sa huling sequence na iyon, ngunit kahit nakakaaliw at makulit ito, may bahid ng pagiging pambatang palabas sa TV ang kabuuan nito. Hindi gaanong malaking bagay. At hindi ko mapigilan ang sariling mag-isip tungkol sa iba pang Johnny English na pelikula: hindi ba kaya ng industriya ng pelikulang British na bigyan si Rowan Atkinson ng isang papel na makapagbibigay ng hustisya sa talento niya? Itinanggi ng Labour na iniisip nitong magplano para magkaroon ng apat na araw na pagtatrabaho sa isang linggo ang mga Briton ngunit mababayaran sila ng katumbas ng limang araw Isasaalang-alang ng Labour Party ni Jeremy Corbyn ang isang radikal na planong magkaroon ng apat na araw sa isang linggong pagtatrabaho ang mga Briton - ngunit mababayaran sila nang katumbas ng limang araw. Ayon sa partido, gusto nilang ipasa ng mga boss ng kumpanya ang mga natipid sa malaking pagbabago sa artificial intelligence (AI) sa mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng dagdag na araw ng pahinga. Bibigyan nito ng pagkakataon ang mga empleyadong magkaroon ng tatlong araw na weekend - ngunit maiuuwi pa rin nila ang kaparehong sahod. Ayon sa mga source, 'naaakma' ang ideya sa pang-ekonomiyang agenda ng partido at sa mga planong mapaboran ng bansa ang mga manggagawa. Inendorso ng Trades Union Congress ang pagpapalit sa apat na araw sa isang linggong pagtatrabaho bilang paraan para mabigyan ng oportunidad ang mga manggagawa sa nagbabagong ekonomiya. Isang senior na source mula sa Labour Party ang nagsabi sa The Sunday Times na: 'Inaasahan ang pag-anunsyo ng pagsusuri sa patakaran bago matapos ang taon. 'Hindi ito magagawa nang isang gabi ngunit ang apat na araw sa isang linggo pagtatrabaho ay isang mithiing naaakma sa pamamaraan ng partido para mabalanse ulit ang ekonomiya para sa ikabubuti ng mga mangagagawa at para na rin sa pangkalahatang diskarte sa industriya ng partido.' Hindi Labour Party ang unang nag-endorso ng naturang ideya, dahil may ipinangako ang Green Party na apat na araw na pagtatrabaho sa isang linggo noong panahon ng pangangampanya nito para sa 2017 na pangkalahatang halalan. Gayunpaman, sa ngayon ay hindi ineendorso ng Labour Party ang mithiing ito sa kabuuan. Ayon sa tagapagsalita ng Labour Party: 'Hindi patakaran ng partido ang apat na araw na pagtatrabaho sa isang linggo at hindi ito isinasaalang-alang ng partido.' Ginamit ni Shadow Chancellor John McDonnell ang talakayan ng Labour noong nakaraang linggo para mas maipaliwanag ang pangarap niya para sa isang rebolusyonaryong sosyalismo sa ekonomiya. Ayon kay Ginoong McDonnell, pursigido siyang bawiin ang kapangyarihan mula sa 'mga walang mukhang direktor' at 'taong nananamantala ng tubo' sa mga kumpanya ng utilidad. Nangangahulugan din sa mga plano ng shadow chancellor na posibleng hindi makuha ng mga kasalukuyang shareholder sa mga kumpanya ng tubig ang kabuuan ng kanilang stake dahil maaaring magpataw ang pamahalaan ng Labour ng 'mga pagbabawas' para sa mapag-aalamang maling gawain. Kinumpirma rin niya ang mga planong ilagay ang mga manggagawa sa mga lupon ng kumpanya at buuin ang Inclusive Ownership Funds na magbibigay ng 10 porsyento ng equity ng mga kumpanyang nasa pribadong sektor sa mga empleyado, na magkakaroon ng mga taunang dividend na hanggang £500. Sinabi ni Lindsey Graham at John Kennedy sa "60 Minutes" kung maaaring magbago ang kanilang isip sa imbestigasyon ng FBI kay Kavanaugh Dahil sa imbestigasyon ng FBI sa mga akusasyon laban kay Judge Brett, naurong nang hindi bababa sa isang linggo ang panghuling botohan sa nominasyon niya sa Korte Suprema, at nagkaroon ng tanong kung magiging dahilan ba ang mga malalaman ng kagawaran para bawiin ng mga Republican na senador ang kanilang suporta. Sa isang panayam na umeere nang Linggo, ang "60 Minutes", tinanong ng correspondent na si Scott Pelley ang mga Republican na Senador na sina John Kennedy at Lindsey Graham kung may anumang bagay ba mula sa mga posibleng matuklasan ng FBI na maaaring magpabago ng isip nila. Mas naging bukas si Kennedy kaysa sa kasama niyang mula sa South Carolina. "Oo naman," sabi ni Kennedy. "Sinabi ko nang papunta ako sa pagdinig, sinabi kong nakausap ko si Judge Kavanaugh. Tinawagan ko siya matapos mangyari ‘to, matapos lumabas ang akusasyon, ang sabi ko, 'Ginawa mo ba ‘to?' Buo ang loob niya, determinado siya, at walang paligoy-ligoy." Gayunpaman, mukhang hindi na mababago ang boto ni Graham. "Buo na ang isip ko tungkol kay Brett Kavanaugh at isang malaking akusasyon ang kakailanganin para roon," sabi niya. "Dr. Ford, hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero ito ang alam ko: Mariin itong itinanggi ni Brett," dagdag ni Graham, na ang tinutukoy ay si Christine Blasey Ford. "At hindi ito makumpirma ng lahat ng taong pinapangalanan niya. 36 na taon na ito. Wala akong nakikitang anumang pagbabago." Ano ang Global Citizen Festival at May Nagawa na ba itong Kahit Anong Bagay para Mabawasan ang Kahirapan? Ngayong Sabado, magho-host ang New York sa Global Citizen Festival, isang taunang event sa musika na may napakalaking kamangha-manghang line-up ng mga star na magtatanghal at may katulad na kamangha-manghang misyon; ang mawakasan ang kahirapan sa mundo. Nasa pangpitong taon na nito ngayon, dadaluhan ang Global Citizen Festival ng libo-libong taong magtitipon sa Great Lawn ng Central Park hindi lang para makisaya sa mga act gaya ng pagtatanghal nina Janet Jackson, Cardi B at Shawn Mendes, ngunit para na rin magkaroon ng kaalaman para sa tunay na layunin ng kaganapan na mawakasan ang malubhang kahirapan pagsapit ng 2030. Ang Global Citizen Festival, na nagsimula noong 2012, ay extension ng Global Poverty Project, isang internasyonal na grupo para sa adbokasiya na umaasang mawakasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bilang ng mga taong aktibong lumalaban dito. Para makatanggap ng libreng ticket para sa event (maliban na lang kung handa kang magbayad para sa isang VIP ticket), kailangang makumpleto ng mga pupunta sa concert ang isang hanay ng mga gawain, o "mga pagkilos" gaya ng pagboluntaryo, pagpapadala ng email sa isang pandaigdigang lider, pagtawag sa telepono o anupamang makabuluhang bagay upang makatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa layunin nilang wakasan ang pahirapan. Ngunit gaano na ba katagumpay ang Global Citizen ngayong may 12 taon na lang na natitira bago nito makamit ang layunin? Isa bang tapat na paraan ang ideya ng pagbibigay sa mga tao ng libreng concert para maengganyo ang mga taong humikayat ng pagkilos o dagdag lamang ito sa tinatawag na "clicktivism" - pakiramdam ng mga tao ay nakakagawa sila ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng paglagda ng online na petisyon o pagtu-tweet? Simula noong 2011, sinabi ng Global Citizen na nakapagtala ito ng mahigit sa 19 na milyong "pagkilos" mula sa mga tagasuporta nito, na humihikayat ng host ng iba’t ibang layunin. Wika nito, nakatulong ang mga pagkilos na ito para hikayatin ang mga lider sa mundo na mag-anunsyo ng mga paglalaan at pagsesegurong katumbas ng mahigit sa $37 bilyon na makakagawa ng pagbabago sa mga buhay ng mahigit sa 2.25 bilyong katao pagsapit ng 2030. Sa unang bahagi ng 2018, binanggit ng grupo ang 390 paglalaan at pag-aanunsyong nagmula sa pagkilos nito, at hindi bababa sa $10 bilyon sa mga ito ang nagugol o nagamit na para sa pagkalap ng pondo. Tinataya ng grupo na nakapagdulot na ang mga nasegurong pondo ng direktang epekto sa halos 649 na milyong katao sa buong mundo. Kabilang sa ilan sa pangunahing naglaan ang The Power of Nutrition, isang partnership ng mga mamumuhunan at tagapagpatupad sa U.K. na nakatuon sa "pagtulong sa mga batang lumaki na natutuklasan ang kanilang ganap na potensyal," na nangakong magbibigay sa Rwanda ng $35 milyon para makatulong sa pagwawakas ng malnutrisyon sa bansa pagkatapos nitong makatanggap ng mahigit sa 4,700 tweet mula sa Global Citizens. "Sa pamamagitan ng suporta mula sa pamahalaan ng UK, donor, mga pamahalaan ng bansa, at Global Citizens tulad ninyo, magagawa nating footnote na lang sa kasaysayan ang kawalan ng katarungan sa lipunan na kakulangan sa nutrisyon," pahayag ng ambassador ng The Power of Nutrition na si Tracey Ullman sa mga tao sa live concert sa London noong Abril 2018. Ayon din sa grupo, matapos ang mahigit sa 5,000 pagkilos ng pananawagan sa U.K. na pagtuunan ang nutrisyon para sa mga ina at anak, nag-anunsyo ang pamahalaan ng pagpopondo para sa isang proyekto, ang Power of Nutrition, na makakaabot sa 5 milyong kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng mga pamamaraan para sa nutrisyon. Bilang tugon sa isa sa mga FAQ sa website nito na nagtatanong ng "paano mo naiisip na mawawakasan natin ang labis na kahirapan?" Sumagot ang Global citizen ng: "Magiging mahaba at mahirap na daan ito - kung minsan, babagsak at mabibigo tayo. Ngunit tulad ng mga nauna sa amin na malakihang pagkilos sa mga karapatang pangsibil at pagkilos laban sa patakaran ng paghihiwalay ng puti sa itim, magtatagumpay kami, dahil mas malakas kami kapag sama-sama. Kasama sina Janet Jackson, the Weeknd, Shawn Mendes, Cardi B, Janelle Monáe sa ilang magtatanghal sa event ngayong taon sa New York, na iho-host nina Deborra-Lee Furness at Hugh Jackman. Maaaring gamitin ng US ang Navy para sa "pagharang sa daanan" upang mahadlangan ang pag-export ng enerhiya ng Rusya - Interior Secretary Magagawa ng Washington "kung kinakailangan" na gamitin ang Navy nito upang mapigilan ang pagdadala ng enerhiya ng Rusya sa merkado, pati sa Middle East, pahayag ng Internal Secretary ng US na si Ryan Zinke, mula sa binanggit ng Washington Examiner. Sinabi ni Zinke na ang pakikipag-ugnayan ng Rusya sa Syria - partikular kung saan ito nagpapatakbo dahil sa imbitasyon ng lehitimong pamahalaan - ay isang panakip lamang para magalugad ang mga merkado ng bagong enerhiya. "Naniniwala ako na ang dahilan kung bakit sila nasa Middle East ay gusto nilang maging broker ng enerhiya gaya ng ginagawa nila sa silangang bahagi ng Europe, ang southern belly ng Europe," pahayag niya. At, ayon sa opisyal, may mga paraan para harapin ito. "May kakayahan ang Estados Unidos, gamit ang ating Navy, para siguraduhin na bukas ang mga daanan sa dagat, at, kung kinakailangan, harangan, para siguraduhin na hindi pupunta sa merkado ang kanilang eherhiya," sabi niya. Kausap ni Zinke ang mga dumalo sa kaganapang idinaos ng Consumer Energy Alliance, isang grupong non-profit na itinuturing ang sarili nito bilang "tinig ng tagakonsumo ng enerhiya” sa US. Pinagkumpara niya ang mga paraan ng Washington sa pakikitungo sa Russia at Iran, sinasabi na pareho lang naman ang mga ito. "Ang pang-ekonomiyang opsyon sa Iran at Russia ay, humigit-kumulang, pakinabangan at palitan ang mga enerhiya," aniya, habang sinasabing “isa lang naman ang alam gawin” ng Russia na may ekonomiyang nakadepende sa fossil fuels. Lumalabas ang mga pahayag na ito habang itinataguyod ng administrasyong Trump ang pagluluwas ng liquefied natural gas nito sa Europe, na pumapalit sa Russia, ang malayong mas murang opsyon para sa mga tagakonsumo sa Europe. Para makamit ito, sinusubukan ng mga opisyal ng administrasyong Trump, kabilang si Presidente Donald Trump mismo, na kumbinsihin ang Germany na kumalas sa "hindi naaangkop" na Nord Stream 2 pipeline project, na ayon kay Trump, ay dahilan kung bakit naging "kontrolado" ng Moscow ang Berlin. Paulit-ulit na sinabi ng Moscow na ang $11 billion Nord Stream 2 pipeline, na nakatakdang dumoble sa kasalukuyang kapasidad ng pipeline para maging 110 billion cubic meters, ay proyektong pang-ekonomiya lamang. Giit ng Kremlin na ang matinding pagtutol ng Washington sa proyekto ay itinutulak lamang ng mga dahilang pang-ekonomiya at isang halimbawa ng hindi-patas na kompetisyon. "Naniniwala ako na pareho tayo ng pananaw na hindi puwedeng gamitin ang enerhiya bilang kasangkapan para mamilit at dapat makapili ng mga supplier ang mga tagakonsumo," sabi ni Russian Energy Minister Aleksandr Novak kasunod ng pakikipagpulong kay US Energy Secretary Rick Perry sa Moscow noong Setyembre. Umani ng matinding reaksyon ang pananaw ng US mula sa Germany, na nagpatibay sa paninindigan nito sa proyekto. Nanawagan sa US ang nangungunang organisasyon ng Germany para sa industriya, ang Federation of German Industries (BDI), na huwag makialam sa patakaran ng EU sa enerhiya at sa mga bilateral na kasunduan sa pagitan ng Berlin at Moscow. "Malaki ang problema kapag nakikialam ang ibang estado sa ating supply ng enerhiya," sabi ni Dieter Kempf, pinuno ng Federation of German Industries (BDI) kasunod ng kamakailan lang na pagpupulong sa pagitan ni German Chancellor Angela Merkel at ni Russian President Vladimir Putin. "Pag-iisipang Mabuti" ni Elizabeth Warren ang Pagtakbo sa Pagkapresidente sa 2020, sabi ng Senador mula sa Massachusetts Sinabi ng Senador mula sa Massachusetts na si Elizabeth Warren noong Sabado na "pag-iisipang mabuti" ang pagtakbo sa pagkapresidente kasunod ng midterm elections. Sa isang pagpupulong sa Holyoke, Massachusetts, kinumpirma ni Warren na pinag-iisipan niya ang pagtakbo. "Panahon na para pumunta ang mga babae sa Washington at ayusin ang ating sirang pamahalaan at kabilang dito ang isang babae bilang pangulo," sabi niya, ayon sa The Hill. "Makalipas ang Nobyembre 6, talagang pag-iisipan kong mabuti ang pagtakbo sa pagkapresidente." Kinumentuhan ni Warren si Presidente Donald Trump sa naturang pagpupulong, at sinabing "dinadala ang bansang ito sa maling direksyon. "Talagang nababahala ako nang husto sa ginagawa ni Donald Trump sa ating ekonomiya," sabi niya. Dati nang tahasan kung magsalita si Warren sa kanyang kritisismo kay Trump at sa nominado sa Korte Suprema na si Brett Kavanaugh. Sa isang tweet noong Biyernes, sinabi ni Warren "siyempre kailangan natin ng imbestigasyon ng FBI bago ang pagboto." Gayunpaman, ipinakita ng isang sarbey na inilabas noong Huwebes na karamihan ng mga nasasakupan ni Warren ay hindi kumbinsido na dapat siyang tumakbo sa 2020. Limampu’t walong porsiyento ng mga "malamang" na botante ng Massachusetts ang nagsabing hindi dapat tumakbo ang senador, ayon sa sarbey ng Suffolk University Political Research Center/Boston Globe. Tatlumpu’t dalawang porsiyento naman ang sumusuporta sa naturang pagtakbo. Ipinakita ng sarbey ang mas maraming suporta sa pagtakbo ng dating Gobernador na si Deval Patrick, na 38 porsiyento ang sumusuporta sa posibleng pagtakbo at 48 porsiyento ang kontra dito. Kabilang sa iba pang mga high profile na Democrat na pinag-usapan kaugnay ng posibleng pagtakbo sa 2020 sina dating Bise Presidente Joe Biden at ang Senador mula sa Vermont na si Bernie Sanders. Sinabi ni Biden na magbibigay siya ng opisyal na desisyon sa Enero, ayon sa ulat ng Associated Press. Sarah Palin binanggit ang PTSD ni Track Palin sa rally ni Donald Trump Gumugol ng isang taon sa Iraq si Track Palin, 26, matapos magpa-enlist noong Setyembre. Inaresto siya at kinasuhan ng insidente ng karahasan sa pamilya noong gabi ng Lunes "Sa pinagdaraanan ng aking anak sa pagbalik niya, naiintindihan ko ang mga ibang pamilya na nakararanas ng mga resulta ng PTSD at ng ilan sa mga dinaramdam na dala ng ating mga sundalo sa kanilang pagbabalik," sinabi niya sa mga tagapakinig sa isang rally para kay Donald Trump sa Tulsa, Oklahoma. Tinawag ni Palin ang kanyang pagkakaaresto na "malaking problemang ayaw pag-usapan" at sinabi na ang kanyang anak at iba pang mga beterano ng giyera ay "bumabalik sila na medyo iba, bumabalik silang sanay na sa karahasan, nagtatanong kung may respeto ba para sa anumang naibigay sa bansa ng kanilang mga kapwa sundalo at piloto, at bawat miyembro ng militar." Inaresto siya noong Lunes sa Wasilla, Alaska, at kinasuhan ng karahasan sa pamilya, partikular ng pananakit ng babae, pakikialam sa pag-uulat ng karahasan sa pamilya at pagtataglay ng sandata habang lasing, ayon kay Dan Bennett, isang tagapagsalita ng Wasilla Police Department. 18 estado, D.C. suportado ang pagkukuwestiyon sa bagong patakaran sa asylum Suportado ng labingwalong estado at ng District of Columbia ang legal na pagkukuwestiyon sa isang bagong patakaran ng U.S. na nagkakait ng asylum sa mga biktima na tumatakas sa gang o karahasan sa pamilya. Naghain ang mga kinatawan mula sa 18 estado at ang distrito ng friend-of-the-court brief noong Biyernes sa Washington upang suportahan ang isang taong naghahangad ng asylum na kumukuwestiyon sa patakaran, ulat ng NBC News. Hindi isiniwalat ang kumpletong pangalan ng nagsasakdal sa kasong Grace v. Sessions na isinampa ng American Civil Liberties Union noong Agosto kontra sa pederal na patakaran. Sinabi niya na inabuso siya ng kanyang partner "at ng mga anak nitong miyembro ng bayolenteng gang," ngunit ipinagkait ng mga opisyal ng U.S. ang kanyang kahilingan para sa asylum noong Hulyo 20. Nadetine siya sa Texas. Inilarawan ng mga abogado ng mga estado na sumusuporta kay Grace ang El Salvador, Honduras at Guatemala, na pinagmumulan ng malaking bilang ng mga aplikante para sa U.S. asylum, bilang mga bansang nahaharap sa laganap na mga problema sa mga gang at karahasan sa pamilya. Binaliktad ng bagong patakaran ng U.S. sa asylum ang isang desisyon noong 2014 ng Lupon ng mga Apela ng Imigrante na nagpapahintulot sa mga hindi dokumentadong imigrante na tumatakas sa karahasan sa tahanan na mag-apply para sa asylum. Sinabi ni Karl Racine, District of Columbia Attorney General, sa isang pahayag noong Biyernes na ang bagong patakaran ay "binabalewala ang maraming dekadang batas ng estado, pederal, at daigdig." "Iniaatas ng pederal na batas na lahat ng paghahabol ng asylum ay mahatulan batay sa mga partikular na katunayan at pangyayari ng paghahabol, at ang ganoong pagbabawal ay lumalabag sa naturang prinsipyo," sabi ng friend-of-the court brief. Ikinatuwiran pa ng mga abogado sa brief na ang patakarang nagkakait ng pagpasok ng mga imigrante ay nakasasama sa ekonomiya ng U.S. dahil mas malamang silang maging mga negosyante at "tustusan ang pangangailangan para sa manggagawa." Ipinag-utos noong Hunyo ni Attorney General Jeff Sessions sa mga hukom ng imigrasyon na huwag nang magkaloob ng asylum sa mga biktima na tumatakas sa pang-aabuso sa pamilya at kaharasan ng gang. "Ang asylum ay para sa mga lumilisan sa kanilang tinubuang bansa dahil sa persekusyon o takot na dahil sa lahi, relihiyon, nasyonalidad, o pagiging miyembro ng isang partikular na grupong panlipunan o sa isang pulitikal na opinyon," sabi ni Sessions sa kanyang pagpapahayag sa patakaran noong Hunyo 11. Ang asylum ay hindi kailanman inilaan para lunasan ang lahat ng problema -- kahit ang lahat ng mga seryosong problema -- na kinakaharap ng mga tao araw-araw sa buong mundo. Desperadong mga pagsisikap na pagsagip sa Palu habang dumudoble ang bilang ng namatay sa pagsagip sa mga nakaligtas Para sa mga nakaligtas, lalong lumulubha ang sitwasyon. "Sobrang nakakanerbiyos," sabi ng 35-taong-gulang na ina na si Risa Kusuma, inaaliw ang kanyang may-lagnat na sanggol na lalaki sa isang evacuation center sa nasirang lungsod ng Palu. "Bawat minuto may dumarating na ambulansyang may dalang mga katawan. Kulang na kulang ang malinis na tubig." Nakitang bumabalik ang mga residente sa kanilang mga nasirang tahanan, pinupulot ang kanilang mga basang gamit, sinusubukang isalba ang anumang makita nila. Daan-daang tao ang nasugatan at umaapaw na ang mga ospital, na napinsala ng magnitude 7.5 na lindol. Nagpapahinga ang ilan sa mga nasugatan, kabilang si Dwi Haris, na nagtamo ng bali sa likod at balikat, sa labas ng Army Hospital ng Palu, kung saan ginagamot ang mga pasyente sa labas dahil sa patuloy na malalakas na aftershock. Napuno ng luha ang kanyang mga mata habang ikinukuwento niya kung paano naramdaman ang napakalakas na lindol sa kuwarto sa ika-limang palapag ng hotel kung saan sila namamalagi ng kanyang asawa at anak na babae. "Walang oras para iligtas ang aming mga sarili. Naipit ako sa bumagsak na pader yata ‘yon," kuwento ni Haris sa Associated Press, idinagdag na nasa lungsod ang kanyang pamilya para dumalo sa isang kasalan. "Narinig kong humihingi ng tulong ang aking asawa, pagkatapos wala na, tahimik na. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at sa aking anak. Sana ligtas sila." Ambasador ng U.S. inakusahan ang China ng 'paninindak' gamit ang 'mga advertisement na propaganda' Isang linggo matapos ilathala ng isang opisyal na pahayagan ng China ang apat na pahinang advertisement sa isang diyaryo sa U.S. na pumupuri sa mga benepisyo ng kalakalang U.S.-China, inakusahan ng ambasador ng U.S. sa China ang Beijing ng paggamit sa pahayagan ng Amerika para magpakalat ng propaganda. Tinukoy ni U.S. President Donald Trump noong Miyerkoles ang binayarang pahayag sa Des Moines Register - ang pinakamabentang pahayagan sa estado ng Iowa - matapos akusahan ang China ng pakikialam sa halalan para sa kongreso ng U.S. noong Nob. 6, isang paratang na itinatanggi ng China. Ang paratang ni Trump na sinusubukan ng Beijing na makialam sa halalan sa U.S. ay naging pananda sa sinabi ng mga opisyal ng US sa Reuters na bagong yugto ng tumitinding kampanya ng Washington para gipitin ang China. Bagama’t normal lang na maglagay ang mga pamahalaan ng ibang bansa ng mga anunsiyo upang itaguyod ang kalakalan, kasalukuyang nasasangkot ang Beijing at Washington sa isang tumitinding digmaang pangkalakal kung saan nagpalitan ang mga ito ng taripa sa mga import ng bawat isa. Ang mga pangganting taripa ng China sa unang yugto ng digmaang pangkalakal ay nadisenyo para tamaan ang mga exporter sa mga estado na tulad ng Iowa na sumuporta sa Republican Party ni Trump, sabi ng mga eksperto sa China at U.S. Sabi ni Terry Branstad, ang ambasador ng U.S. sa China at ang dating matagal na gobernador ng Iowa, isang malaking exporter ng mga produktong agrikulura sa China, na napinsala ng Beijing ang mga Amerikanong manggagawa, magsasaka at negosyo. Isinulat ni Branstad sa isang kolum ng opinyon sa Des Moines Register noong Linggo na ang China, "ay pinapaigting ngayon ang paninindak sa pamamagitan ng paglalabas ng mga advertisement na propaganda sa ating sariling malayang pahayagan." "Sa pagpapalaganap ng propaganda nito, ginagamit ng pamahalaan ng China ang pinahahalagahang tradisyon ng Amerika na malayang pagsasalita at malayang pagpapahayag sa pamamagitan ng paglalabas ng binayarang advertisement sa Des Moines Register," isinulat ni Branstad. "Samantalang sa mga tindahan ng pahayagan dito sa Beijing, limitado lang ang makikita mong sumasalungat na tinig at wala kang makikitang tunay na larawan ng magkakaibang opinyon ng mga Chinese tungkol sa nakakabahalang direksiyon ng ekonomiya ng China, dahil nga mahigpit ang hawak ng Chinese Communist Party sa media," sinulat niya. Dagdag pa niya na "isa sa pinakatanyag na pahayagan sa China ang umiwas sa alok na ilathala" ang artikulong ito, bagama’t hindi niya sinabi kung aling pahayagan. Mga Republican itinutulak palayo ang mga Babaeng Botante Bago ang Midterms sa Kaguluhang dulot ni Kavanaugh, Babala ng mga Tagasuri Habang maraming pangunahing Republican ang sumusuporta at dumedepensa sa nominado sa Korte Suprema na si Brett Kavanaugh sa harap ng ilang alegasyon ng sekswal na pang-aabuso, nagbabala ang mga tagasuri na mahaharap sila sa matinding reaksyon, lalo na mula sa kababaihan, sa nalalapit na midterm elections. Lubhang masidhi ang mga emosyon patungkol dito, at nakikita sa karamihan ng mga nakatalang Republican na gusto nilang magpatuloy sa pagboto. Hindi matatalikuran ang mga bagay na iyon," sinabi sa The Hill ni Grant Reeher, isang propesor ng political science sa Maxwell School sa Syracuse University para sa isang artikulong inilathala noong Sabado. Sabi ni Reeher na duda siyang magiging sapat ang pahabol na suporta ni Senador Jeff Flake (R-Arizona) para sa imbestigasyon ng FBI upang payapain ang mga galit na botante. "Hindi makakalimutan ng kababaihan ang nangyari kahapon - hindi nila ito makakalimutan bukas at hindi sa Nobyembre," sabi noong Biyernes ni Karine Jean-Pierre, isang nakatataas na tagapayo at pambansang tagapagsalita para sa makabagong grupo na MoveOn, ayon sa diyaryo sa Washington, D.C. Noong Biyernes ng umaga, isinigaw ng mga nagpoprotesta ang "Malapit na ang Nobyembre!" habang nagra-rally sila sa pasilyo ng Senado dahil pinili ng mga Republican na may-kontrol sa Komite ng Hukidatura na ipagpatuloy ang nominasyon ni Kavanaugh sa kabila ng testimonya ni Dr. Christine Blasey Ford, ulat ng Mic. "Magiging hindi pangkaraniwan ang demokratikong kasiglahan at motibo," sinabi sa news site ni Stu Rothenberg, isang walang pinapanigang tagasuri ng pulitika. "Sinasabi ng mga tao na mataas na ito; totoo ‘yan. Ngunit maaaring tumaas pa, lalo na sa mga swing voter na babae sa mga pook sa labas ng lungsod at sa mga batang botante, mga 18- hanggang 29-taong-gulang, na madalas na hindi bumoboto, bagama’t hindi nila gusto ang presidente." Maging noong bago ang pampublikong testimonya ni Ford na nagdedetalye sa kanyang mga alegasyon ng sekswal na pang-aabuso laban sa nominado sa Korte Suprema, sinasabi ng mga tagasuri na maaaring magkaroon ng matinding reaksyon kung itutuloy ng mga Republican ang kumpirmasyon. "Naging malaking gulo na ito para sa GOP," sabi ni Michael Steele, dating tagapangulo ng Pambansang Komite ng Republican, noong nakaraang linggo, ayon sa NBC News. "Hindi lang ito tungkol sa boto ng komite o pinal na boto o kung pauupuin si Kavanaugh, tungkol din ito sa paraang paghawak ng mga Republican sa usaping ito at paano nila siya trinato," pagpapaliwanag sa news channel ni Guy Cecil, direktor ng Priorities USA, isang grupo na tumutulong para mahalal ang mga Democrat. Gayunpaman, parang lumalabas na hati ang mga Amerikano sa kung sino ang paniniwalaan sa mga testimonya nina Ford at Kavanaugh, nang mas marami nang kaunti ang pumapanig sa huli. Ipinapakita ng bagong sarbey mula sa YouGov na 41 porsiyento ng mga respondente ang tiyak o malamang na naniwala sa testimonya ni Ford, habang 35 porsiyento ang nagsabing tiyak o malamang na naniwala sila kay Kavanaugh. Bukod dito, 38 porsiyento ang nagsabi na sa palagay nila malamang o tiyak na nagsinungaling si Kavanaugh sa kanyang testimonya, habang 30 porsiyento lamang ang nagsabi ng ganoon din tungkol kay Ford. Matapos ang pagtulak mula kay Flake, kasalukuyang iniimbestigahan ng FBI ang mga alegasyong isinampa ni Ford pati na rin ng hindi bababa sa isa pang nag-aakusa, si Deborah Ramirez, iniulat ng The Guardian. Pinatotohanan ni Ford sa harap ng Komite ng Hudikatura sa Senado matapos manumpa noong nakaraang linggo na inabuso siya ng lasing na si Kavanaugh noong siya’y 17 taon. Ipinaparatang ni Ramirez na ipinakita sa kanya ng nominado sa Korte Suprema ang kanyang ari habang nasa isang party sila noong nag-aaral pa sila sa Yale noong dekada ng 1980. Plano ng Nag-imbento ng World Wide Web na Magsimula ng Bagong Internet para Labanan ang Google at Facebook Maglulunsad si Tim Berners-Lee, ang nag-imbento ng World Wide Web, ng startup na naglalayong kalabanin ang Facebook, Amazon at Google. Ang Inrupt, ang pinakabagong proyekto ng alamat ng teknolohiya, ay isang kompanya na nilikha mula sa open source platform ni Berners-Lee na Solid. Pinahihintulutan ng Solid ang mga user na piliin kung saan itatago ang kanilang data at kung ano ang pahihintulutang ma-access ng mga tao para sa anong impormasyon. Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Company, pabirong sinabi ni Berners-Lee na ang layunin sa likod ng Inrupt ay ang "sakupin ang buong mundo." "Kailangan na nating gawin ito ngayon," sabi niya tungkol sa startup. "Ito ay makasaysayang sandali." Ginagamit ng app ang teknolohiya ng Solid para pahintulutan ang mga tao na lumikha ng kanilang sariling "personal online data store" o POD. Maaaring itago dito ang mga listahan ng kontak, kalendaryo, music library at iba pang personal at propesyonal na tools. Para itong Google Drive, Microsoft Outlook, Slack at Spotify na lahat available sa isang browser at lahat sabay-sabay. Ang kakaiba sa personal online data store ay ganap na kontrolado ng user kung sino ang magkakaroon ng access sa anong uri ng impormasyon. Tinatawag ito ng kompanya na "pagbibigay kapangyarihan sa sarili sa pamamagitan ng data." Ang ideya para sa Inrupt, ayon sa CEO ng kompanya na si John Bruce, ay para magdala ang kompanya ng mga pamamaraan, proseso at naaangkop na kasanayan upang tumulong na gawing available ang Solid sa lahat ng tao. Ang kompanya ay kasalukuyuang binubuo nina Berners-Lee, Bruce, isang security platform na binili ng IBM, ilang mga on-staff developer na kinontratang magtrabaho sa proyekto, at isang komunidad ng mga boluntaryong coder. Simula sa linggong ito, makalilikha ang mga technology developer sa buong mundo ng kanilang sariling mga decentralized app gamit ang tools na available sa Inrupt website. Sinabi ni Berners-Lee na siya at ang kanyang pangkat ay hindi nakikipag-usap sa "Facebook at Google tungkol sa kung maglalabas o hindi ng isang kumpletong pagbabago kung saan ang lahat ng kanilang business model ay ganap na mababaliktad sa isang magdamag. "Hindi namin hinihingi ang kanilang permiso." Sa isang post sa Medium na inilathala noong Sabado, sinulat ni Berners-Lee na ang "misyon (ng Inrupt) ay ang magbigay ng komersyal na enerhiya at isang ecosystem para tumulong na protektahan ang integridad at kalidad ng bagong web na ginawa batay sa Solid." Noong 1994, binago ni Berners-Lee ang Internet nang itinatag niya ang World Wide Web Consortium sa Massachusetts Institute of Technology. Sa mga nakaraang buwan, naging maimpluwensiyang tinig si Berners-Lee sa debate tungkol sa net neutrality. Maging habang inilulunsad ang Inrupt, mananatili si Berners-Lee na Tagapagtatag at Direktor ng World Wide Web Consortium, ng Web Foundation at ng Open Data Institute. "Napakapositibo ko para dito sa susunod na panahon ng web," dagdag ni Berners-Lee. Bernard Vann: Klerigong nanalo ng Victoria Cross noong WW1 ipinagdiwang Ang tanging klerigo ng Church of England na nanalo ng Victoria Cross noong Unang Digmaang Pandaigdig bilang mandirigma ay ipinagdiwang sa kanyang bayan makalipas ang 100 taon. Napanalunan ni Lt Col The Reverend Bernard Vann ang gantimpala noong 29 Setyembre 1918 sa pag-atake sa Bellenglise at Lehaucourt. Subalit, napatay siya ng isang sniper makalipas ang apat na araw at hindi niya kailanman nalaman na napanalunan niya ang pinakamataas na parangal pangmilitar sa Britania. Isang batong bantayog ang inalisan ng talukbong ng kanyang dalawang apong lalaki sa isang parada sa Rushden, Northamptonshire, noong Sabado. Sinabi ng isa sa kanyang mga apo, si Michael Vann, na "maningning na sagisag" na ilalantad ang bato nang eksatong 100 taon magmula sa naparangalang gawain ng kanyang lolo. Ayon sa London Gazette, noong 29 Setyembre 1918 pinamunuan ni Lt Col Vann ang kanyang batalyon sa pagtawid sa Canal de Saint-Quentin "sa napakakapal na hamog habang pinapaulanan ng bala mula sa mga field at machine gun." Kalaunan, pumunta siya sa unang hanay at pinamunuan ang hanay nang pasulong nang may "pinakadakilang katapangan" bago sumugod gamit ang isang field-gun at mag-isang pinatumba ang tatlo sa pangkat. Si Lt Col Vann ay napatay ng isang German sniper noong 4 Oktubre 1918 - mahigit isang buwan lang bago nagtapos ang digmaan. Sinabi ni Michael Vann, 72, na ang mga aksyon ng kanyang lolo ay "isang bagay na alam kong hindi ko mapapantayan ngunit isang bagay na nakakapagpakumbaba." Nag-alay din siya at ang kanyang kapatid na si Dr James Vann ng putong ng bulaklak pagkatapos ng parada, na pinamunuan ng Brentwood Imperial Youth Band. Sinabi ni Michael Vann na "karangalan ang maging bahagi ng parada" at idinagdag na "ang tapang ng tunay na bayani ay ipinapakita ng suporta na ibibigay ng maraming tao." Fans ng MMA hindi natulog magdamag para manood ng Bellator 206, pero si Peppa Pig ang napanood nila Isipin niyo ito, gising kayo magdamag para panoorin ang patok na Bellator 206 pero hindi kayo pinayagang mapanood ito. Ang bill mula sa San Jose ay naglalaman ng 13 laban, kabilang ang anim sa main card at ipinapalabas nang live sa buong magdamag sa UK sa Channel 5. Bandang 6am, habang naghahanda si Gegard Mousasi at Rory MacDonald para sa kanilang paghaharap, nagulat ang mga manonood sa UK nang nagbago ang coverage at naging Peppa Pig. Dismayado ang ilan matapos silang magpuyat hanggang madaling araw para sa laban. Isang fan sa Twitter ang nagsabing "parang masamang biro" ang paglipat sa pambatang cartoon. "Patakaran ng pamahalaan na sa 6 a.m. hindi nababagay na panoorin ang ganoong palabas kaya kinailangan nilang ilipat sa pambatang palabas, " sabi ni Dave Schwartz, nakatataas na bise presidente ng marketing at komunikasyon ng Bellator, noong tinanong siya tungkol sa transmission. ""Peppa the pig," oo." Sinabi ng presidente ng kompanya ng Bellator na si Scott Coker na aayusin nila ang kanilang iskedyul para isama ang mga manonood sa UK sa hinaharap. "Kapag naiisip ko ang tungkol sa replay, siguro maaayos natin ito," sabi ni Coker. "Pero alas-sais sa Linggo ng umaga doon at hindi natin ito maaayos hanggang sa Linggo sa atin, Lunes naman sa kanila. Pero inaayos natin ito. Maniwala ka, noong inilipat nila doon, ang daming nagpapabalik-balik na text at lahat ng mga ito galit. Sinusubukan naming ayusin, akala namin technical glitch. Pero hindi, may kinalaman pala sa gobyerno. Maipapangako ko na sa susunod hindi na ito mangyayari. Gagawin lang naming limang laban sa halip na anim - tulad ng karaniwang ginagawa namin - at sinubukan naming pagbigyan ang fans pero nasobrahan namin. Nagkaproblema lang talaga." Desert Island Discs: Nadama ni Tom Daley ang ‘pagkababa’ dahil sa sekswalidad Sinabi ng Olympic diver na si Tom Daley na lumaki siyang nadaramang mas mababa siya kaysa sa iba dahil sa kanyang sekswalidad - pero ito ang gumanyak sa kanyang maging matagumpay. Sinabi ng 24-na-taong-gulang na hindi niya naisip hanggang umabot siya sa sekundaryang paaralan na "hindi lahat ay kagaya niya." Habang nagsasalita sa unang Radio 4 Desert Island Discs na iprinisinta ni Lauren Laverne, sinabi niyang nagsalita siya tungkol sa mga karapatan ng mga gay para bigyan ang iba ng "pag-asa." Sinabi rin niya na nakabawas sa kanyang hangaring manalo sa Olympics ang pagiging magulang. Ang regular na tagaprisinta sa matagal nang palabas, na si Kirsty Young, ay ilang buwan nang nakabakasyon dahil sa karamdaman. Sa paglabas bilang isang castaway sa unang programa ni Laverne, sinabi ni Daley na pakiramdam niya’y "mas mababa" siya kaysa sa iba habang lumalaki siya dahil "hindi madaling tanggapin sa lipunan ang pagkagusto sa kapwa mga lalaki at babae." Sabi niya: "Hanggang ngayon, ang mga pakiramdam na iyon na mas mababa ako, at pakiramdam na iba ako, ang mga tunay na bagay na nagbigay sa akin ng lakas para magtagumpay." Ginusto niyang patunayan na "iba siya," sabi niya, kaya hindi niya binigo ang lahat noong nalaman nila ang tungkol sa kanyang sekswalidad paglaon. Ang dalawang beses nanalo ng bronze medal sa Olympics ay naging high-profile nang tagakampanya para sa LGBT at ginamit ang kanyang paglabas sa Commonwealth Games sa Australia sa taong ito para umapela sa mas marami pang bansa na tanggaling krimen ang pagiging homosexual. Sinabi niyang nagsalita siya dahil pakiramdam niya’y masuwerte siyang lantad na nakakapamuhay nang walang mga kahihinatnan at gusto niyang bigyan ang iba ng "pag-asa." Sinabi ng tatlong-beses nang pandaigdigang kampeon na ang magmahal ng isang lalaki - ang US film-maker na si Dustin Lance Black, na nakilala niya noong 2013 - "ay ikinagulat ko." Pinakasalan ni Daley ang Oscar winner, na mas matanda sa kanya ng 20 taon, noong nakaraang taon ngunit sinabi niyang hindi naging problema kailanman ang agwat ng edad. "Kapag marami kang pinagdaraanan sa murang edad" - una siyang sumali sa Olympics sa edad na 14 at namatay ang kanyang ama sa kanser pagkaraan ng tatlong taon - sinabi niya na mahirap makahanap ng taong kaedad na nakaranas ng mga parehong kaligayahan at kalungkutan. Naging mga magulang ang mag-asawa noong Hunyo, sa kanilang anak na si Robert Ray Black-Daley, at sinabi ni Daley na nagbago ang kanyang "buong pananaw". "Kung tinanong mo ako noong nakaraang taon, ang importante lang, 'kailangan kong manalo ng gold medal'," sabi niya. "Alam mo, may mas mahahalagang bagay kaysa sa mga gold medal sa Olympics. Si Robbie ang aking Olympic gold medal." Kapangalan ng kanyang anak ang kanyang ama na si Robert, na namatay noong 2011 sa edad na 40 matapos ma-diagnose ng kanser sa utak. Sinabi ni Daley na hindi tinanggap ng kanyang ama na mamamatay siya at isa sa mga huling tanong niya ay kung mayroon na silang mga tiket para sa London 2012 - dahil gusto niya sa harapang upuan. "Hindi ko masabi sa kanya na 'hindi ka na aabot para umupo sa harapan, papa'," sabi niya. "Hawak ko ang kanyang kamay noong tumigil siya sa paghinga at noon lang talagang hindi na siya humihinga at patay na talaga siya na tinanggap kong hindi siya di-nagagapi," sabi niya. Sa sumunod na taon lumaban si Daley sa 2012 Olympics at nanalo ng bronze. "Alam ko noon na ito ang pinangarap ko sa buong buhay ko - ang mag-dive sa harap ng mga kababayan sa Olympic Games, wala nang mas magandang pakiramdam," sabi niya. Naging inspirasyon din ito sa kanyang unang piniling kanta - Proud ni Heather Small - na umalingawngaw sa kanya sa papalapit na Olympics at nagpatayo pa rin sa kanyang balahibo. Ang Desert Island Discs ay nasa BBC Radio 4 sa Linggo at 11:15 BST. Wala sa kondisyon na si Mickelson nabangko sa Ryder Cup noong Sabado Magtatala ng record ang Amerikanong si Phil Mickelson sa Linggo kapag maglalaro siya sa kanyang ika-47 Ryder Cup match, pero kailangan niyang ayusin ang kanyang kondisyon para maiwasan itong maging malungkot na kaganapan. Si Mickelson, na naglalaro sa biennial event para sa record na ika-12 beses, ay binangko ni captain Jim Furyk para sa fourballs at foursomes sa Sabado. Sa halip na nasa gitna ng aksyon, tulad ng madalas na nangyayari sa kanya para sa Estados Unidos, hinahati ng limang beses nang major winner ang kanyang oras sa pagitan ng pagiging cheerleader at pag-eensayo sa range, umaasang maitutuwid ang anumang mali sa kanya. Dahil hindi siya kailanman naging pinakadiretsong driver kahit noong kasagsagan ng kanyang career, ang 48-taong-gulang ay hindi nababagay para sa masikip na Le Golf National course, kung saan madalas na problema ang mga maling shot sa mahabang rough. At para bang di pa sapat ang mahirap na course, nahaharap pa si Mickelson, sa ika-siyam na match sa Linggo, sa asintadong kampeon sa British Open na si Francesco Molinari, na nakisama sa baguhang si Tommy Fleetwood para mapanalunan ang lahat ng apat na laban nila sa linggong ito. Kung ang mga Amerikano, na bagsak ng apat na puntos simula sa 12 singles matches, ay magsisimula nang mainit, maaaring napakahalaga ng laban ni Mickelson. Nagpahayag si Furyk ng kumpiyansa sa kanyang manlalaro, dahil wala naman siyang ibang masabi. "Ganap niyang naintindihan ang papel niya ngayong araw na ito, tinapik ako sa likod at inakbayan ako at sinabing handa na siya para bukas," sabi ni Furyk. "Malaki ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili. Hall of Famer siya at marami na siyang naidagdag sa mga koponan na ito noong nakaraan, at sa linggong ito. Hindi ko siguro siya pinangarap na maglalaro ng dalawang match. Higit pa ang pinangarap ko, pero ganyan ang nangyari at ‘yan ang naisip naming patutunguhan. Gusto niyang naroon din siya, tulad ng iba." Lalampasan ni Mickelson ang record ni Nick Faldo para sa pinakamaraming nilarong Ryder Cup match sa Linggo. Maaari nitong markahan ang katapusan ng karera sa Ryder Cup na hindi kailanman nakatumbas sa kanyang pinakamataas na indibidwal na record. Si Mickelson ay may 18 panalo, 20 talo, at pitong tabla, bagama’t sinabi ni Furyk na nagdala ang kanyang presensiya ng ilang di nakikitang pakinabang sa koponan. "Nakakatawa siya, sarkastiko, matalino, mahilig magbiro sa mga tao, at mabuti siyang kasama sa kuwarto ng koponan," pagpapaliwanag niya. "Sa palagay ko nasiyahan din ang mga mas batang manlalaro sa kanya, ngayong linggo, at nakakatuwang tingnan. Higit pa sa paglalaro ang naibibigay niya." Alam ng Europe captain na si Thomas Bjorn na malapit nang mawala ang malaking lamang Alam ni Thomas Bjorn, ang European captain, batay sa karanasan na madaling mawala ang malaki-laking lamang sa panghuling araw na singles sa Ryder Cup at puwedeng maging di komportableng labanan ito. Nagsimula ang taga-Denmark sa 1997 match sa Valderrama, kung saan ang isang panig na pinangunahin ni Seve Ballesteros bilang captain ang humawak sa limang-puntos na lamang sa mga Amerikano ngunit muntikan nang di umabot sa finish line dahil napakaliit ng margin, na nanalo ng 14½-13½. "Palagi mong ipinapaalala sa iyong sarili na malaki ang lamang namin sa Valderrama; malaki ang lamang namin sa Brookline, at natalo kami roon, at sa Valderrama, nanalo kami, pero muntikan na," sabi ni Bjorn, nasa larawan, matapos panoorin ang Class of 2018 na manalo nang 5-3 kapwa noong Biyernes at kahapon para manguna nang 10-6 sa Le Golf National. Kaya ipapakita ng kasaysayan sa akin at sa lahat sa koponang iyon na hindi pa ito tapos. Ibibigay mo ang lahat bukas. Lumabas ka roon at gawin ang lahat ng tamang bagay. Hindi pa ito tapos hanggang mailagay mo na ang mga puntos sa board. Meron kaming layunin, at iyan ay ang subukang mapanalunan ang tropeong ito, at diyan mananatili ang pokus. Nasabi ko na noon, magpopokus ako sa 12 manlalaro na nasa aming panig, pero alam din namin kung ano ang nasa kabilang panig - ang pinakamagagaling na manlalaro sa mundo." Natutuwa sa pagganap ng kanyang mga manlalaro sa mahirap na golf course, idinagdag ni Bjorn: "Hindi ko pangungunahan ang sarili ko dito. Bukas ibang halimaw naman. Bukas mga indibidwal na pagganap ang makikita, at ibang gawain ‘yan. Magandang lumabas doon kasama ang isang partner kapag maayos ang takbo ng mga bagay, pero kapag mag-isa ka lang doon, masusubok ang hangganan ng kakayahan mo bilang golfer. Iyan ang mensahe na kailangan mong ipaintindi sa mga manlalaro, ang ilabas ang lahat ng makakaya mo bukas. Ngayon, iiwan mo ang iyong partner at kailangan niyang humayo at ilabas din ang lahat ng makakaya niya." Kumpara kay Bjorn, ang kasalungat na numerong si Jim Furyk ay umaasang magiging mas maganda ang pagganap ng kanyang mga manlalaro bilang indibidwal kaysa bilang mga partner, maliban kina Jordan Spieth at Justin Thomas, na nakakuha ng tatlong puntos sa apat. Si Furyk mismo ay nasa magkabilang dulo ng malalaking pagbabago sa huling araw, dahil bahagi siya ng nanalong koponan sa Brookline bago natalo noong ipinamalas ng Europe ang "Miracle at Medinah." "Natatandaan ko ang bawat salita dito," tugon niya noong tinanong siya kung paano pinasigla ni Ben Crenshaw, ang captain noong 1999, ang kanyang mga manlalaro hanggang sa huling araw. "Mayroon kaming 12 mahalagang match bukas, pero gusto mong magsimula nang mabilis tulad ng nakita mo sa Brookline, tulad ng nakita mo sa Medinah. Kapag papunta sa isang direksiyon ang buwelo na ‘yon, malaking presyur ang dala nito sa mga gitnang match. Ginagawa namin ang aming line-up ayon sa kinakailangan at inilalabas namin ang mga manlalaro dahil, alam mo, sinusubukan naming mag-magic bukas." Naatasan si Thomas na pamunuan ang ganting laro at kinakaharap si Rory McIlroy sa top match, kasama sina Paul Casey, Justin Rose, Jon Rahm, Tommy Fleetwood at Ian Poulter na iba pang mga European sa kalahating itaas ng line-up. "Ganito ang ginawa kong pagkakasunod-sunod ng grupo ng mga manlalaro na ito dahil sa tingin ko ito ang pinakamabuti hanggang sa huli," sabi ni Bjorn sa kanyang mga pinili para sa singles. Bagong warship ng Germany ipinagpaliban na naman Dapat naatasan na ang pinakabagong frigate ng Germany noong 2014 na pamalit sa luma nang mga warship na mula pa noong panahon ng Cold War, pero hindi pa ito magaganap hanggang sa susunod na taon dahil sa mga depekto sa sistema at lumalaking gastos, ulat ng lokal na media. Ang pag-aatas sa "Rheinland-Pfalz," ang punong barko ng mga bagung-bago na Baden-Wuerttemberg-class frigate, ay ipinagpaliban na hanggang sa unang kalahati ng taong 2019, ayon sa diyaryong Die Zeit na bumabanggit sa sinabi ng isang tagapagsalita ng militar. Dapat kasama na sa Navy noong 2014 ang barko, ngunit nagkaproblema ang malaking proyekto dahil sa mga seryosong isyu matapos itong i-deliver. Ang apat na barkong Baden-Wuerttemberg-class na inorder ng Navy noong 2007 ay ipapalit sa luma nang mga Bremen-class frigate. Maliwanag na ang mga ito ay may malakas na kanyon, isang hanay ng mga missile laban sa sasakyang panghimpapawid at laban sa barko pati na rin ilang stealth technology, tulad ng reduced radar, infrared at mga acoustic signature. Kabilang sa iba pang mahahalagang feature ang mas matagal na panahon ng pagmementena - dapat posibleng i-deploy ang mga pinakabagong frigate nang hanggang dalawang taon nang malayo sa mga home port. Gayunpaman, ang patuloy na pagkaantala ay nangangahulugan na ang mga pinakabagong warship - na sinasabing magbibigay-kakayahan sa Germany na magpakita ng kapangyarihan sa ibayong-dagat - ay magiging luma na pagdating ng panahon na papasok ang mga ito sa serbisyo, sabi sa Die Zeit. Naging ulo ng mga balita ang sinamang-palad na F125 frigate noong nakaraang taon, nang opisyal na tumanggi ang German Navy na atasan ang barko at ibalik ito sa Blohm & Voss na gawaan ng barko sa Hamburg. Ito ang unang pagkakataon na ibinalik ng Navy ang isang barko sa tagagawa matapos itong i-deliver. Kaunti lang ang nalalaman tungkol sa mga dahilan ng pagbabalik, ngunit binanggit ng German media ang ilang "mga depekto ng mahahalagang software at hardware" na dahilan para walang silbi ang warship kung na-deploy ito sa isang combat mission. Lalong mahalaga ang mga kakulangan sa software dahil ang mga Baden-Wuerttemberg-class na barko ay patatakbuhin ng isang crew na binubuo ng 120 mandaragat - kalahati lang ng manggagawa ng mga mas lumang Bremen class frigate. Isa pa, lumabas na sobrang bigat ang barko na nakakabawas sa pagganap nito at nililimitahan ang kakayahan ng Navy na magdagdag ng mga upgrade sa hinaharap. Ang 7,000-toneladang "Rheinland-Pfalz" ay pinaniniwalaang dalawang beses na mas mabigat kaysa sa mga kaparehong klase ng barko na ginamit ng mga German noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Bukod sa depektibong hardware, ang presyo ng buong proyekto - kabilang ang pagsasanay ng crew - ay nagiging problema rin. Sinasabing umabot na ito sa nakakagulat na €3.1billion ($3.6bn) - tumaas mula sa inisyal na €2.2 billion. Lalong nagiging mahalaga ang mga problemang bumabalot sa mga pinakabagong frigate dahil sa mga kamakailan lang na babala na lumiliit na ang kapangyarihang pandagat ng Germany. Sa unang bahagi ng taong ito, inamin ni Hans-Peter Bartels, hepe ng komite sa depensa ng parlamento ng Germany, na ang Navy ay talagang "nauubusan na ng mga barkong puwede pang i-deploy." Sinabi ng opisyal na lumaki na ang isyu sa paglipas ng panahon, dahil inalis ang mga lumang barko ngunit walang ibinigay na pamalit na mga barko. Idinaing niya na wala ni isa sa mga Baden-Wuerttemberg-class frigate ang nakasama sa Navy. National Trust tinitiktikan ang sikretong buhay ng mga paniki Layunin ng bagong pananaliksik na isinasagawa sa labas ng isang estate sa Scottish Highlands na ibunyag kung paano ginagamit ng mga paniki ang tanawin sa kanilang paghahanap ng pagkain. Inaasahang magbibigay-liwanag ito sa gawi ng mga kakaibang lumilipad na mamalya at makakatulong na gabayan ang mga aktibidad na pangangalaga sa hinaharap. Susundan ng pag-aaral ng mga siyentipiko sa National Trust for Scotland ang common at soprano pipistrelles pati na rin ang kayumangging paniking mahaba ang tainga at mga paniking Daubenton sa Inverewe Gardens sa Wester Ross. Ilalagay ang mga espesyal na recorder sa mga pangunahing lokasyon sa paligid ng ari-arian upang subaybayan ang mga aktibidad ng mga paniki sa kabuuan ng panahon. Magsasagawa rin ang mga tauhan ng NHS at boluntaryo ng mga mobile survey gamit ang mga hand-held detector. Patutunayan ng mga ekspertong pag-aanalisa ng tunog sa lahat ng recording ang frequency ng mga huni ng paniki at kung aling specie ang gumagawa ng aling tunog. Pagkatapos, gagawin ang isang mapa ng tirahan para magkaroon ng mas detalyadong landscape-scale na paglalarawan sa kanilang gawi. Umaasa si Rob Dewar, tagapayo sa pangangalaga ng kalikasan para sa NTS, na ibubunyag ng mga resulta kung aling mga lugar ng tirahan ang pinakamahalaga sa mga paniki at paano ginagamit ang mga ito ng bawat specie. Makakatulong ang impormasyong ito para malaman ang mga benepisyo ng gawaing pamamahala ng tirahan tulad ng paglikha ng parang at ano ang pinakamabuting paraan para imentena ang mga kakahuyan para sa mga paniki at iba pang mga kaugnay na specie. Malaki na ang nabawas sa populasyon ng paniki sa Scotland at sa buong UK sa nakalipas na isang siglo. Nanganganib ang mga ito mula sa gawaing konstruksyon at pagpapaunlad na nakakaapekto sa mga pugad at pagkawala ng tirahan. Ang mga turbinang pinatatakbo ng hangin at ang kidlat ay maaari ring magdulot ng panganib, gayundin ang mga flypaper at ilang kemikal na pinanggagamot ng mga materyales ng gusali, pati na rin ang mga pag-atake ng mga alagang pusa. Ang mga paniki ay hindi talaga bulag. Gayunpaman, dahil sa kanilang gawing pangangaso sa gabi mas nakakatulong ang kanilang mga tainga kaysa sa kanilang mga mata pagdating sa paghuli ng masisila. Ginagamit nila ang isang sopistikadong echo-location technique para matukoy ang mga insekto at balakid sa landas na kanilang nililiparan. Mahalaga ang mga paniki sa NTS, na siyang responsable sa pangangalaga sa mahigit 270 na makasaysayang gusali, 38 mahahalagang hardin at 76,000 ektarya ng lupa sa buong bansa. Nakapagsanay na ito ng mga eksperto, na regular na nagsasagawa ng mga sarbey, nag-iinspeksyon ng mga pugad at minsan ay mga pagsagip. Itinatag pa nga ng organisasyon ang una at tanging nakalaang reserbadong lupa para sa paniki sa Scotland sa Threave estate sa Dumfries at Galloway, na tirahan ng walo sa sampung species ng paniki sa Scotland. Sinasabi ng tagapamahala ng estate na si David Thompson na ang estate ang pinakamagandang teritoryo para sa kanila. "Dito sa Threave mayroon tayong magandang lugar para sa mga paniki," sabi niya. "Mayroon tayong mga lumang gusali, maraming beteranong punongkahoy at lahat ng magagandang tirahan. Ngunit marami pang hindi nalalaman tungkol sa mga paniki, kaya makakatulong ang ginagawa namin dito at sa iba pang mga ari-arian para maintindihan ang higit pa tungkol sa kung ano ang kailangan nila para patuloy na mabuhay." Binibigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-iinspeksyon kung may mga paniki bago magsagawa ng pagmementena sa loob ng mga ari-arian dahil posibleng ang di sinasadyang pagsira sa kahit isa lang na pugad ng ina ay maaaring makapatay ng 400 babae at batang paniki, na posibleng makalipol sa buong lokal na populasyon. Ang mga paniki ay protektado at labag sa batas na patayin, ligaligin o istorbohin ang mga ito o sirain ang kanilang mga pugad. Ang taga-Scotland na opisyal para sa Bat Conservation Trust na si Elisabeth Ferrell ay hinihikayat ang publiko na tumulong. Sabi niya: "Marami pa tayong matututunan tungkol sa ating mga paniki at hindi natin alam ang lagay ng populasyon ng marami sa ating specie." Hindi pinansin ni Ronaldo ang mga paratang ng panggagahasa habang naghahanda ang mga abogado na magsampa ng kaso laban sa German na magasin Tinawag ni Cristiano Ronaldo ang mga paratang ng panggagahasa laban sa kanya bilang "pekeng balita," sinasabing may mga taong "gustong pasikatin ang kanilang mga sarili" gamit ang kanyang pangalan. Nakatakdang idemanda ng kanyang mga abogado ang German news magazine na Der Spiegel, na naglathala sa mga alegasyon. Naakusahan ang forward ng Portugal at Juventus ng panggagahasa sa Amerikanang si Kathryn Mayorga sa isang kuwarto ng hotel sa Las Vegas noong 2009. Sinasabing binayaran niya ang babae ng $375,000 para manahimik tungkol sa insidente, ulat ng Der Spiegel noong Biyernes. Habang nakikipag-usap sa isang Instagram Live video sa kanyang 142 milyong tagasunod ilang oras matapos maiulat ang mga paratang, sinabi ni Ronaldo, 33, na ang mga ulat ay "pekeng balita." "Hindi, hindi, hindi, hindi, hindi. Pekeng balita ang sinabi nila ngayon," sinabi sa camera ng limang beses na nanalo ng Ballon d'Or. "Gusto nilang pasikatin ang kanilang mga sarili gamit ang pangalan ko. Normal ‘yan. Gusto nilang maging sikat kaya binabanggit ang pangalan ko, pero trabaho lang ‘yan. Masaya akong tao at maayos ang lahat," dagdag pa ng manlalaro nang nakangiti. Naghahanda ang mga abogado ni Ronaldo na idemanda ang Der Spiegel dahil sa mga alegasyon, na tinawag nilang "isang hindi katanggap-tanggap na pag-uulat ng mga hinala sa larangan ng pagkapribado," ayon sa Reuters. Sinabi ng abogado na si Christian Schertz na maghahabol ng kabayaran ang manlalaro para sa "pinsalang moral sa halagang katumbas ng bigat ng panghihimasok, na marahil ay isa sa mga pinakaseryosong paglabag sa mga personal na karapatan nitong mga nakalipas na taon." Ang sinasabing insidente ay naganap diumano noong Hunyo 2009 sa isang suite sa Palms Hotel and Casino sa Las Vegas. Matapos magkita sa isang nightclub, bumalik diumano sina Ronaldo at Mayorga sa kuwarto ng manlalaro, kung saan niya diumano ginahasa ang babae, ayon sa mga papeles na inihain sa Korte ng Distrito ng Clark County sa Nevada. Ayon kay Mayorga lumuhod si Ronaldo matapos ang ipinaparatang na insidente at sinabi sa kanya na "99 na porsiyento" siyang "mabait na lalaki" na binigo ng "isang porsiyento." Ipinaparatang ng mga dokumento na kinumpirma ni Ronaldo na nagtalik ang dalawa, ngunit pareho nilang ginusto ito. Sinasabi rin ni Mayorga na pumunta siya sa pulisya at kinuhanan ng larawan ang kanyang mga sugat sa isang ospital, pero paglaon ay sumang-ayon sa isang areglo dahil "natakot siya sa pagganti" at nag-alalang "mapapahiya sa publiko." Sinasabi ng 34-taong-gulang na hinahangad niya ngayong baliktarin ang areglo dahil patuloy siyang nata-trauma sa ipinaparatang na insidente. Malapit na noong sumali si Ronaldo sa Real Madrid mula sa Manchester United sa panahon ng ipinaparatang na pang-aabuso, at nitong tag-araw ay lumipat sa Italian giants na Juve sa €100 milyong deal. Brexit: 'Habambuhay na pagsisisihan' ng UK ang pagkawala ng mga gumagawa ng sasakyan "Habambuhay na pagsisisihan" ng UK kung mawawala nito ang katayuan nito bilang nangunguna sa mundo sa paggawa ng sasakyan matapos ang Brexit, sinabi ni Business Secretary Greg Clark. Idinagdag niya na "nakakabahala" na sinabi ng Toyota UK sa BBC na kung aalis ang Britain sa EU nang walang kasunduan pansamantala nitong hahatiin ang produksyon sa pagawaan nito sa Burnaston, malapit sa Derby. "Kailangan namin ng kasunduan," sabi ni Mr. Clark. Sinabi ng Japanese na gumagawa ng sasakyan na ang epekto ng pagkaantala sa border kung sakaling walang kasunduan sa Brexit ay maaaring magdulot ng pagkawala ng mga trabaho. Ang planta sa Burnaston - na siyang gumagawa ng Auris at Avensis ng Toyota - ay gumawa ng halos 150,000 sasakyan noong nakaraang taon at 90% dito ay in-export sa mga ibang bahagi ng European Union. "Sa palagay ko kung aalis ang Britain sa EU sa katapusan ng Marso mahihinto ang produksyon sa aming pagawaan," sabi ni Marvin Cooke, ang tagapamahalang direktor ng Toyota sa Burnaston. Inilabas ng iba pang mga gumagawa ng sasakyan sa UK ang kanilang mga takot tungkol sa pag-alis sa EU nang walang kasunduan kung paano gagana ang kalakalan sa mga border, kabilang na ang Honda, BMW at Jaguar Land Rover. Halimbawa, sabi ng BMW na isasara nito ang planta nito ng Mini sa Oxford nang isang buwan kasunod ng Brexit. Ang mga pangunahing ikinababahala ay nauugnay sa sinasabi ng mga gumagawa ng sasakyan na mga panganib ng supply chain kung sakaling walang kasunduan sa Brexit. Ang linya ng produksyon ng Toyota ay pinatatakbo sa batayang "just-in-time" kung saan dumarating ang mga parte kada 37 minuto mula sa mga supplier sa UK at sa EU para sa mga sasakyang made to order. Kung aalis ang UK sa EU nang walang kasunduan sa 29 ng Marso, maaaring magkaroon ng pagkagambala sa border na sinasabi ng industriya na maaaring magdulot ng mga pagkaantala at kakulangan ng mga parte. Magiging imposible para sa Toyota ang mag-imbak ng mahigit sa isang araw na halaga ng imbentaryo sa planta nito sa Derbyshire, sabi ng kompanya, kaya matitigil ang produksyon. Sinabi ni Mr Clark na ang Chequers plan ni Theresa May para sa relasyon sa hinaharap sa EU ay "isinaayos nang mabuti para maiwasan ang mga naturang pagsisiyasat sa border." "Kailangan naming magkaroon ng kasunduan. Gusto namin ang pinakamagandang kasunduan na magbibigay-daan hindi lamang para matamasa ang tagumpay sa kasalukuyan kundi para mapakinabangan namin ang pagkakataong ito," sinabi niya sa Today programme ng BBC Radio 4. "Batay sa katibayan hindi lamang mula sa Toyota kundi sa iba pang mga gumagawa, kailangan naming ganap na maipagpatuloy ang anumang lubhang matagumpay na pangkat ng mga supply chain." Hindi masabi ng Toyota kung gaano katagal na matitigil ang produksyon, ngunit nagbabala na sa matagalang panahon, makakabawas ang mga karagdagang gastos sa kakayahan ng planta na makipagkumpitensiya at sa kalaunan ay magdudulot ng pagkawala ng mga trabaho. Sinabi ni Peter Tsouvallaris, na 24 na taon nang nagtatrabaho sa Burnaston at siyang Unite union convenor sa planta, na tumitindi ang pagkabahala ng kanyang mga miyembro: "Sa aking karanasan, sa sandaling mawala, hindi na maibabalik pa ang mga trabahong ito. Sinabi ng isang tagapagsalita ng pamahalaan: "Nagharap na kami ng sakto at kapani-paniwalang plano para sa ating relasyon sa EU sa hinaharap." Maaaring maantalang muli ang pagpupulong nina Trump at Rosenstein, ayon sa White House Maaaring "ipagpaliban na naman nang isa pang linggo" ang napakahalagang pagpupulong ni Donald Trumpat ng deputy attorney general na si Rod Rosenstein habang patuloy ang problema sa nominado sa Korte Suprema na si Brett Kavanaugh, ayon sa White House noong Linggo. Pinangangasiwaan ni Rosenstein ang trabaho ni special counsel Robert Mueller, na siyang nag-iimbestiga sa pakikialam ng Russia sa halalan, ugnayan ng mga aide ni Trump at ng Russia at posibleng paghadlang ng presidente sa hustisya. Ilang buwan nang usap-usapan kung sisisantehin ba ni Trump ang deputy attorney general, at kung gayun manganganib ang pagiging independente ni Mueller. Sa unang bahagi ng buwang ito, iniulat ng New York Times na tinalakay ni Rosenstein ang pagsusuot ng wire para i-record ang mga pag-uusap nila ti Trump at ang posibilidad ng pagtanggal sa presidente sa pamamagitan ng ika-25 susog. Itinanggi ni Rosenstein ang ulat. Ngunit noong Lunes pumunta siya sa White House, sa gitna ng mga ulat na magbibitiw siya. Sa halip, inanunsiyo para sa Huwebes ang isang pagpupulong kasama si Trump, na noon ay nasa United Nations sa New York. Sinabi ni Trump na "mas gusto niyang huwag" sisantehin si Rosenstein pero inantala ang pagpupulong para maiwasan ang salungatan sa pagdinig ng komite ng hudikatura sa Senado kung saan tumestigo kapwa si Kavanaugh at isa sa mga babaeng nag-akusa sa kanya ng sekswal na pang-aabuso, si Dr Christine Blasey Ford. Noong Biyernes, ipinag-utos ni Trump ang isang-linggong imbestigasyon ng FBI ng mga paratang laban kay Kavanaugh, na lalong nakaantala sa ganap na pagboto ng Senado. Lumabas ang press secretary ni Trump na si Sarah Sanders sa Fox News noong Linggo. Noong tinanong siya tungkol sa pakikipagpulong kay Rosenstein, sinabi niya: "Wala pang naitakdang petsa para doon, baka ngayong linggong ito, baka ipagpaliban ito nang isa pang linggo dahil sa lahat ng iba pang mga bagay na nagaganap sa korte suprema. Pero titingnan natin at palagi ko namang ina-update ang press." May ilang mga reporter ang tututol sa sinabi niyang iyon: Hindi pa nagdaos ng press briefing sa While House si Sanders mula noong 10 ng Setyembre. Tinanong ng host na si Chris Wallace kung bakit. Sinabi ni Sanders na ang kakulangan ng mga briefing ay hindi dahil sa hindi pagkagusto sa "pagpapabibo" ng mga TV reporter, bagama’t sinabi niya: "Hindi ako kokontra na totoong pabibo sila." Pagkatapos, ipinahiwatig niya na dadami ang direktang ugnayan sa pagitan ni Trump at ng press. "Mas maraming ginagawang sesyon ng Q&A ang presidente kaysa sa mga nauna sa kanya," sabi niya, at idinagdag nang walang binabanggit na katibayan: "Tingnan namin ang mga numerong ito." Magkakaroon ng mga briefing, sabi ni Sanders, pero "kung may pagkakataon ang press na magtanong mismo sa presidente ng Estados Unidos, mas mabuti ‘yon kaysa makipag-usap sa akin. Sinusubukan naming gawin iyan nang madalas at nakita ninyong ginawa namin ito nang madalas sa nakalipas na ilang linggo at papalitan nito ang press briefing kapag maaari ninyong kausapin ang presidente ng Estados Unidos." Regular na tumatanggap si Trump ng mga tanong kapag umaalis sa White House o nakikilahok sa mga open session o press conference sa mga bumibisitang dignitaryo. Bihira ang mga solong press conference. Sa New York ngayong linggong ito ipinakita marahil ng presidente kung bakit, sa pagpapakita ng kawalang pormalidad at kung minsan ay kakatwang itsura sa harap ng mga reporter. Kalihim ng Kalusugan sumulat sa mga manggagawa ng EU sa NHS Scotland tungkol sa mga takot sa Brexit Sumulat ang Kalihim ng Kalusugan sa mga tauhan ng EU na nagtatrabaho sa NHS ng Scotland upang ipahayag ang pasasalamat at hangarin na manatili sila matapos ang Brexit. Nagpadala si Jeane Freeman MSP ng sulat ngayong mas kaunti na lang sa anim na buwan ang nalalabi hanggang umatras ang UK mula sa EU. Nangako na ang Pamahalaan ng Scotland na tutugunan ang halaga ng mga aplikasyon para sa settled status para sa mga mamamayan ng EU na nagtatrabaho sa mga na-devolve na pampublikong serbisyo nito. Sa kanyang sulat, sinabi ni Ms Freeman: "Sa nakalipas na tag-araw, nagpatuloy ang pag-uusap sa pagitan ng UK at EU tungkol sa pag-alis, umaasang magkakaroon ng mga desisyon ngayong taglagas. Ngunit pinaiigting din ng Pamahalaan ng UK ang mga paghahanda nito para sa posibleng kawalan ng kasunduan. Alam kong nakakabahalang panahon ito para sa inyong lahat. Kaya gusto kong ulitin ngayon kung gaano kahalaga sa akin ang ambag ng bawat tauhan, kahit ano pa ang nasyonalidad nila. Ang mga kasamahan mula sa buong EU, at sa lampas pa nito, ay nagdadala ng mahalagang karanasan at mga kasanayan na nagpapatibay at nagpapahusay sa gawain ng serbisyong pangkalusugan, at napapakinabangan ng mga pasyente at komunidad na pinaglilingkuran natin. Walang dudang ang Scotland ay tahanan ninyo at talagang gusto naming manatili kayo rito." Christion Abercrombie Sumailalim sa Emergency na Operasyon Matapos Magtamo ng Pinsala sa Ulo Sumailaim ang Tennessee State Tigers linebacker na si Christion Abercrombie sa emergency na operasyon matapos magtamo ng pinsala sa ulo sa pagkatalo noong Sabado nang 31-27 sa Vanderbilt Commodores, ulat ni Mike Organ mula sa Tennessee. Sinabi ng punong coach ng Tennessee State na si Rod Reed sa mga reporter na nangyari ang pinsala ilang sandali bago ang halftime. "Pumunta siya sa sideline at bumagsak na lang doon," sabi ni Reed. Si Abercrombie ay binigyan ng oxygen ng mga tagasanay at medikal na tauhan sa sideline bago siya inilagay sa stretcher at dinala para sa karagdagang ebalwasyon. Isang opisyal mula sa Tennessee State ang nagsabi kay Chris Harris ng WSMV sa Nashville, Tennessee, na inooperahan si Abercrombie sa Vanderbilt Medical Center. Idinagdag ni Harris na "wala pang mga detalye sa uri/hangganan ng pinsala" at sinusubukan ng Tennessee State na alamin kung saan nangyari ang pinsala. Si Abercrombie, isang redshirt sophomore, ay nasa kanyang unang season sa Tennessee State matapos lumipat mula sa Illinois. Nagkaroon siya ng limang kabuuang tackle noong Sabado bago umalis sa laro, na nagdala ng kanyang season total sa 18 tackle. Mga banyagang bibili ng ari-arian sa UK sisingilin ng mas mataas na stamp duty Sisingilin ang mga banyagang mamimili ng mas mataas na stamp duty kapag bibili sila ng ari-arian sa UK at gagamitin ang karagdagang pera para tulungan ang mga walang matirhan sa ilalim ng mga bagong plano ng Tory Ang hakbang ay pangontra sa tagumpay ng kagustuhan ni Corbyn na makaakit ng mga batang botante Ipapataw ang pagtaas ng stamp duty sa mga hindi nagbabayad ng buwis sa UK Inaasahan ng Kabang-Yaman na tataas ito hanggang £120 milyon kada taon- para tulungan ang mga walang matirhan Nakatakdang singilin ang mga banyagang mamimili ng mas mataas na stamp duty kapag bibili sila ng ari-arian sa UK - at gagamitin ang karagdagang pera para tulungan ang mga walang matirhan, iaanunsiyo ni Theresa May ito ngayon. Ituturing ang hakbang bilang pangontra sa tagumpay ng kagustuhan ni Jeremy Corbyn na akitin ang mga batang botante ng mga pangakong magbibigay ng abot-kayang pabahay at pupuntiryahin ang mga kumikita ng malaki. Ipapataw ang pagtaas ng stamp duty sa mga indibidwal at kompanya na hindi nagbabayad ng buwis sa UK, at gagamitin ang karagdagang pera para suportahan ang hangarin ng Pamahalaan na solusyunan ang pagtulog sa lansangan. Ang surcharge - na dagdag sa kasalukuyang stamp duty, kabilang ang mas matataas na antas na ipinatupad dalawang taon na ang nakararaan sa mga pangalawang tirahan at sa mga bahay na binibili para ipaupa - ay maaaring sintaas ng tatlong porsiyento. Inaasahan ng Kabang-Yaman na makakalikom ang hakbang na ito ng hanggang £120 milyon kada taon. Tinatayang 13 porsiyento ng mga bagong-gawang ari-arian sa London ay binibili ng mga hindi residente ng UK, na nagpapataas sa mga presyo kung kaya nagiging mas mahirap makabili ng bahay ang mga bumibili sa unang pagkakataon. Maraming mayayamang lugar sa bansa - lalo na sa kabisera - ang naging mga "ghost town" dahil maraming banyaga ang bumibili na wala naman sa bansa sa karamihan ng oras. Lumalabas ang bagong patakaran ilang linggo lang matapos magmungkahi si Boris Johnson ng pagbawas sa stamp duty para tulungan ang mga nakababatang nasa hustong gulang na makabili ng kanilang unang bahay. Sinisi niya ang malalaking kompanya ng konstruksyon para sa patuloy na mataas na presyo ng ari-arian sa pamamagitan ng pagbili ng lupa ngunit hindi naman ito ginagamit, at hinimok si Mrs May na isantabi ang mga quota sa mga abot-kayang bahay upang ayusin ang "nakakahiyang pabahay" sa Britain. Inanunsiyo ni Mr Corbyn ang nakakaakit na mga serye ng iminumungkahing reporma sa pabahay, kabilang ang pagkontrol sa renta at pagwawakas sa mga pagpapalayas nang "wala namang dahilan". Gusto rin niyang bigyan ang mga konseho ng mas malalaking kapangyarihan para magpatayo ng mga bagong bahay. Sabi ni Mrs May: "Noong nakaraang taon sinabi kong ilalaan ko ang aking pagiging premier sa pagpapanumbalik sa pangarap ng Briton - na dapat mas maganda ang buhay para sa bawat bagong henerasyon. At nangangahulugan ito ng pag-aayos sa problemadong housing market. Magiging palaging bukas ang Britain sa mga tao na gustong manirahan, magtrabaho at magkaroon ng buhay dito. Gayunpaman, hindi tama na ganoon kadali para sa mga indibidwal na hindi nakatira sa UK, pati na rin sa mga kompanyang naka-base sa ibang bansa, ang makabili ng mga bahay tulad ng masisipag na residenteng Briton. Napakalayo na sa masyadong maraming tao ang pangarap na magkaroon ng bahay, at patuloy na tunay na problema ang kawalang-dignidad ng pagtulog sa lansangan." Jack Ross: 'Ang aking ambisyon higit sa lahat ay ang pamahalaan ang Scotland' Sinasabi ng Sunderland boss na si Jack Ross na ang kanyang "ambisyon higit sa lahat" ay ang maging tagapamahala ng Scotland pagdating ng araw. Pinahahalagahan ng Scot, 42, ang hamon na muling pasiglahin ang North-East club, na kasalukuyang nasa ikatlong puwesto sa League One, tatlong puntos ang layo mula sa taas. Lumipat siya sa Stadium of Light ngayong tag-araw matapos gabayan ang St Mirren pabalik sa Scottish Premiership noong nakaraang season. "Ginusto kong maglaro para sa aking bansa bilang isang player. Nakakuha ako ng B cap at iyon na ‘yon," sinabi ni Ross sa Sportsound ng BBC Scotland. "Pero lumaki akong palaging pinanonood ang Scotland sa Hampden kasama ang aking ama noong bata ako, at palaging may parang tumatawag sa akin pabalik. Kaya lang, darating lang ang pagkakataong iyon kung matagumpay ako sa pamamahala ng club." Kasama sa mga nauna kay Ross bilang tagapamahala ng Sunderland sina Dick Advocaat, David Moyes, Sam Allardyce, Martin O'Neill, Roy Keane, Gus Poyet at Paulo Di Canio. Sinasabi ng dating boss ng Alloa Athletic na wala siyang takot sa pagsunod sa mga naturang kilala nang pangalan sa ganoon kalaking club, matapos tanggihan ang mga alok mula sa Barnsley at Ipswich Town. "Ang tagumpay para sa akin sa sandaling ito ay ibabatay sa 'kaya ko bang ibalik ang club na ito sa Premier League?' Dahil sa kaayusan at mga pasilidad ng club na ito, walang dudang nabibilang ito sa Premier League," sabi niya. "Hindi madaling dalhin ito doon, pero siguro ituturing ko lang ang aking sarili na matagumpay kung maibabalik ko ang club doon." Tatlong taon pa lang si Ross sa kanyang karera sa pamamahala, matapos maging assistant boss sa Dumbarton at maging bahagi ng coaching staff ng Hearts nang 15-buwan. Pagkatapos, tinulungan niya ang Alloa na makabawi mula sa pagkakababa sa pangatlong tier, at binago ang St Mirren mula sa muntikan nang pagkakababa tungo sa pagkapanalo ng titulo ng Kampeonato sa sumunod na season. Sabi ni Ross, mas komportable ang pakiramdam niya ngayon kaysa dati noong naglalaro pa siya sa Clyde, Hartlepool, Falkirk, St Mirren at Hamilton Academical. "Talaga sigurong sangandaan," naalala niya tungkol sa pamamahala sa Alloa. "Talagang naniwala ako na nababagay sa akin ang pamamahala, higit pa sa paglalaro. Parang kakatwa dahil okey naman ang laro ko, nakapaghanapbuhay ako dito, at na-enjoy ang masasayang sandali. Pero mahirap ang maglaro. Maraming bagay ang kailangan mong malampasan linggu-linggo. Pinagdaraanan ko pa rin ‘yon pagdating sa mga stress at presyur sa trabaho pero tamang-tama lang ang pamamahala. Palagi kong hinangad ang mamahala at ngayon ginagawa ko na ito, ito ang pinaka-komportableng pakiramdam ko sa aking sarili sa kabuuan ng buhay ko bilang nasa hustong gulang." Mapapakinggan mo ang buong panayam sa Sportsound sa Linggo, 30 Setyembre, sa Radio Scotland sa pagitan ng 12:00 at 13:00 BST Ayon sa sarbey, 5:30pm ng Sabado ang pinakamagandang oras para sa isang pint Pinataas ng napakainit na tag-araw ang benta ng mga nahihirapang pub sa Britain pero nagdulot ng higit pang presyur sa mga restaurant chain. Tumaas ang benta ng mga pub at bar nang 2.7 porsiyento noong Hulyo - pero bumaba naman ang mga benta sa mga restaurant nang 4.8 porsiyento, batay sa mga numero. Sabi ni Peter Martin ng business consultancy na CGA na siyang tumipon sa mga numero: "Ang patuloy na pagsikat ng araw at ang mas matagal sa inaasahang pakikilahok ng England sa World Cup ay nangahulugang sinundan ng Hulyo ang nangyari sa buwan ng Hunyo, noong tumaas ang benta ng mga pub nang 2.8 porsiyento, pero mas matindi naman ang sinapit ng mga restaurant. Ang pagbaba nang 1.8 porsiyento sa benta ng mga restaurant noong Hunyo ay lumala noong Hulyo. Pinakamalakas ang benta ng mga pub at bar na inumin ang pangunahing paninda, at kung pagkukumparahin ang dalawang panahon, mas malaki ang itinaas ng mga ito kaysa sa ibinaba ng mga restaurant. Hindi rin maganda ang epekto ng tag-araw sa mga pub na pagkain ang pangunahing paninda, bagama’t hindi kasing-tindi ng sinapit ng mga operator ng restaurant. Parang gusto lang ng mga tao na lumabas at uminom. Sa mga pinamamahalaang pub at bar tumaas ang benta ng inumin nang 6.6 porsiyento para sa buwan, at bumaba naman nang tatlong porsiyento ang benta ng pagkain." Sabi ni Paul Newman ng RSM na mga tagasuri ng leisure at hospitality: "Ipinagpapatuloy ng mga resultang ito ang trend na nakita natin sa katapusan ng Abril. Ang panahon at ang epekto ng malalaking kaganapang panlipunan o pampalakasan ang nananatiling pinakamalalaking bagay na nakakaapekto sa bentahan sa merkado ng mga nasa labas ng kanilang mga bahay. Hindi nakakagulat na nahihirapan pa rin ang mga grupo ng mga restaurant, at ang pagbaba ng benta nang 4.8 porsiyento kada taon ay lalong magiging masakit kapag idaragdag ito sa patuloy na presyur ng mga gastusin. Hindi maganda ang tiyempo ng mahabang mainit na tag-araw para sa mga operator ng mga kainan at panahon lang ang makakapagsabi kung bubuti ang sitwasyon sa pagdating ng mas malalamig na temperaturang naranasan natin sa Agosto." Ang kabuuang pagtaas ng benta sa mga pub at restaurant, kabilang ang mga bagong bukas ay 2.7 porsiyento sa Hulyo, nagpapahiwatig ng pagbagal sa paglalabas ng mga brand. Ang tagasubaybay ng benta sa industriya na Coffer Peach Tracker para sa sektor ng pub, bar at restaurant sa UK ay nangongolekta at nag-aanalisa ng performance data mula sa 47 operating groups, na may pinagsamang kita na mahigit £9 na bilyon, at ito ang naitatag na batayan sa industriya. Isa sa limang bata may sikretong mga social media account na di nila sinasabi sa kanilang mga magulang Isa sa limang bata - ang ilan ay 11 taong gulang lamang - ang may sikretong mga social media account na di nila sinasabi sa kanilang mga magulang at guro, ayon sa sarbey Ibinunyag ng sarbey sa 20,000 mag-aaral sa sekundaryang paaralan ang pagdami ng mga "fake Insta" page Pinatindi ng balita ang mga takot na ipino-post ang sexual content Sinabi ng dalawampung porsiyento ng mga mag-aaral na mayroon silang "main" account na ipinapakita sa mga magulang Isa sa limang bata - ang ilan ay 11 taong gulang lamang - ang gumagawa ng mga social media account na isinisikreto nila mula sa mga nakatatanda. Ibinunyag ng isang sarbey sa 20,000 mag-aaral sa sekundaryang paaralan ang mabilis na pagdami ng mga "fake Insta" account - tumutukoy sa photo-sharing site na Instagram. Pinatindi ng balita ang mga takot na ipino-post ang sexual content. Dalawampung porsiyento ng mga mag-aaral ang nagsabing mayroon silang malinis na "pangunahing" account na ipinapakita sa mga magulang, habang mayroon din silang mga pribadong account. Isang ina na di sinasadyang nakakita sa sikretong site ng kanyang 13-taong-gulang na anak ang nakatagpo ng isang teenager na humihimok sa mga ibang tao na "gahasain ako." Natuklasan ng pananaliksik, na ginawa ng Digital Awareness UK at ng Headmasters" and Headmistresses" Conference (HMC) ng mga independenteng paaralan, na 40 porsiyento ng mga 11 hanggang 18-taong-gulang ang may dalawang profile, at kalahati sa mga ito ang umamin na mayroon silang mga pribadong account. Sinabi ng pinuno ng HMC na si Mike Buchanan: "Nakakabahala na napakaraming teenager ang naaakit na gumawa ng mga espasyo sa internet kung saan hindi sila mahahanap ng mga magulang at guro." Eilidh Doyle magiging "boses para sa mga atleta" sa Scottish Athletics board Nahalal si Eilidh Doyle sa board ng Scottish Athletics bilang hindi ehekutibong direktor sa taunang pangkalahatang pagpupulong ng sangay ng pamahalaan. Si Doyle ang atleta ng track and field sa Scotland na may pinakamaraming napanalunan at inilarawan ng tagapangulong si Ian Beattie ang hakbang bilang magandang pagkakataon para sa mga gumagabay sa laro para makinabang mula sa kanyang malawak na karanasan sa pandaigdigang antas sa nakaraang dekada. "Malaki ang respeto kay Eilidh sa mga komunidad ng palakasan sa Scotland, UK at sa buong mundo at sigurado kami na makikinabang nang malaki ang athletics sa Scotland sa pagdadala sa kanya sa board," sabi ni Beattie. Sabi ni Doyle: "Interesado akong tumayo bilang boses ng mga atleta at umaasa ako na talagang makapag-aambag ako at makakatulong na gabayan ang laro sa Scotland." Ang Amerikano na nanalo sa 200 metro at 400 metro sa 1996 Games sa Atlanta kasama sa kanyang kabuuang apat na ginto sa Olympics at ngayon ay regular na eksperto sa BBC, ay hindi makalakad matapos magkaroon ng transient ischemic attack. Isinulat niya sa Twitter: "Isang buwan na ngayon mula noong nagkaroon ako ng stroke. Hindi ako makalakad. Sinabi ng mga doktor panahon lang ang makapagsasabi kung gagaling pa ako o sa anong antas. Mahirap na trabaho pero ganap akong gumaling, pinag-aralan ko ulit kung paano maglakad at ngayon nag-eehersisyo ako para maging maliksi! Salamat sa mga mensaheng pagpapatibay ng loob!" Hati ang opinyon sa internet tungkol sa advertisement para sa breast pump kung saan ikinukumpara ang mga ina sa mga baka Nahati ng kompanya ng breast pump ang opinyon sa internet dahil sa advertisement kung saan ikinukumpara ang mga nagpapasusong ina sa mga ginagatasang baka. Upang markahan ang paglulunsad sa sinasabi nilang "kauna-unahang tahimik na naisusuot na breast bump sa buong mundo," naglabas ang kompanyang Elvie ng nakakatawang sarkastikong parang music video na advertisement para ipakita ang kalayaan na ibinibigay ng bagong pump sa mga nagpapasusong ina. Apat na tunay na ina ang sumasayaw sa isang kamalig na puno ng dayami sa tugtog na may kasamang lirikong tulad ng: "Oo, ginagatasan ko ang aking sarili pero wala kang makikitang buntot" at "Kung di mo pa napapansin hindi ko utong ‘yang mga iyan, mga dibdib ko ‘yan." Nagpapatuloy ang koro: "Pigain mo, pigain mo, ipapagatas ko sa mga sanggol, pigain mo, pigain mo, ginagatasan ko ang aking boobs." Pero nagdulot ng kontrobersiya sa internet ang advertisement, na nailathala na sa Facebook page ng kompanya. Mayroon nang 77,000 na nakapanood at daan-daang komento, at tumanggap ang video ng mga magkahalong reaksyon mula sa mga manonood, at marami ang nagsasabing pinapababaw nito ang mga "nakakakilabot" sa industriya ng dairy. "Talagang hindi maganda ang desisyon na gumamit ng mga baka para i-advertise ang produkto. Tulad natin kailangan nilang mabuntis at manganak para makagawa ng gatas, kaya lang inilalayo na ang kanilang mga supling ilang araw pa lang pagkasilang," sabi ng isa. Kasyang-kaysa ang Elvie breast pump nang hindi nahahalata sa loob ng nursing bra (Elvie/Ina) Komento ng isa pa: "Kauna-unawang traumatiko para sa ina at sanggol. Pero sige bakit di gamitin ang mga ito para i-advertise ang breast pump para sa mga ina na hindi malalayo sa kanilang mga sanggol?" Dadag ng isa pa: "Walang kamuwang-muwang na advertisement." Dinepensahan naman ng iba ang advertisement, inamin ng isang babae na "nakakatawa" para sa kanya ang kanta. "Henyong ideya ito para akin. Bibili sana ako kung nagpapasuso pa ako. Para talagang baka ang pakiramdam ko sa pagpa-pump. Medyo may kabaliwan din ang advertisement pero sa tingin ko talagang ganoon. Henyong produkto ito," sabi ng isa. Komento ng isa pa: "Nakakatuwang advertisement ito para sa mga ina na nagpa-pump (madalas sa kanilang mga trabao o mga kubeta) at parang "mga baka" ang pakiramdam. Hindi ito advertisement na pumupuri o humahatol sa industriya ng dairy." Sa bandang huli ng video ibubunyag ng grupo ng mga babae na lahat sila nagsasayaw nang may mga di halatang pump sa loob ng kanilang mga bra. Ang konsepto sa likod ng kampanya ay batay sa kaunawaan na maraming babaeng nagpa-pump ng gatas ang nagsasabing pakiramdam nila’y para silang mga baka. Gayunpaman, ang Elvie Pump ay ganap na tahimik, walang mga wire o tube at nagkakasya sa loob ng nursing bra nang di nahahalata, kaya mas nakakagalaw ang mga babae, mas madali nilang nahahawakan ang kanilang mga sanggol, at nagagawa pang lumabas habang nagpa-pump. Komento ni Ana Balarin, partner at ECD sa Mother: "Malaking pagbabago ang dala ng Elvie Pump kaya dapat lang na bigyan ito ng matapang at nakakapukaw na paglulunsad. Sa pagkukumpara sa nagpa-pump na mga babae at mga baka ginusto naming makatawag-pansin ang pagpa-pump ng gatas at lahat ng mahirap tungkol dito, habang ipinapakita sa nakakaaliw at kauna-unawang paraan ang malaking kaginhawaang dala ng bagong pump. Hindi ito ang unang pagkakataon na naging ulo ng mga balita ang Elvie pump. Noong London Fashion Week, isang inang may dalawang taong gulang na anak ang rumampa para sa designer na si Marta Jakubowski habang gamit ang produkto. Daan-daang Batang Migrante Tahimik na Inilipat sa isang Tent Camp sa Texas Border Tumaas ang bilang ng mga nadetineng batang migrante kahit pa nananatiling hindi nagbabago ang buwanang pagtawid sa border, bahagi nito’y dahil naging mas mahirap na ilagay ang mga bata sa mga sponsor bunga ng malupit na retorika at mga patakaran na ipinatupad ng adminitrasyong Trump. Karaniwan, karamihan sa mga sponsor ay naging di-dokumentadong imigrante rin, at natakot na malagay sa alanganin ang kanilang sariling kakayahang manatili sa bansa kapag tumanggap sila ng bata. Tumaas ang panganib nitong Hunyo, noong ipinahayag ng mga pederal na awtoridad na kailangang magsumite ng fingerprint ang mga posibleng sponsor at iba pang mga nasa hustong gulang na miyembro ng kanilang sambahayan, at ibabahagi ang datos sa mga awtoridad sa imigrasyon. Noong nakaraang linggo, tumestigo si Matthew Albence, isang nakatataas na opisyal sa Immigration and Customs Enforcement, sa Kongreso na nakapag-aresto ang ahensiya ng dose-dosenang tao na nag-apply na mag-sponsor ng mga batang walang kasama. Sa kalaunan kinumpirma ng ahensiya na 70 porsiyento ng mga naaresto ay walang dating kriminal na rekord. "Halos 80 porsiyento ng mga indibidwal na mga sponsor o mga miyembro ng sambahayan ng mga sponsor ang narito sa bansa nang labag sa batas, at malaking bahagi ng mga ito ang mga kriminal na banyaga. Kaya patuloy naming tinutugis ang mga naturang indibidwal," sabi ni Mr. Albence. Para mas mabilis na maproseso ang mga bata, nagpatupad ang mga opisyal ng mga bagong patakaran na mag-aatas sa kanilang humarap sa korte sa loob ng isang buwan ng pagkakadetine, sa halip na makalipas ang 60 araw, na siyang dating pamantayan, ayon sa mga nagtatrabaho sa shelter. Marami ang haharap sa pamamagitan ng video conference call, sa halip na personal, para ipaliwanag ang kanilang kaso para sa legal na status sa isang hukom ng imigrasyon. Ang mga ipapasyang hindi kwalipikado para sa tulong ay mabilis na ide-deport. Habang mas matagal na nasa kustodiya ang mga bata, mas malamang na maging balisa o malungkot sila, na maaaring humantong sa mga matinding pagkagalit o pagtatangkang tumakas, ayon sa mga nagtatrabaho sa shelter at mga ulat na nagmula sa sistema sa mga kamakailan lang na buwan. Sinabi ng mga tagasuporta na ang mga ikinababahalang iyon ay mas matindi sa isang mas malaking pasilidad na tulad ng Tornillo, kung saan ang mga palatandaan na nahihirapan ang isang bata ay malamang na hindi mapansin, dahil sa laki nito. Idinagdag nila na ang paglipat sa mga bata sa isang tent city nang hindi nagbibigay ng sapat na oras para ihanda ang kanilang emosyon o para magpaalam sa mga kaibigan ay maaaring magpalala sa trauma na dinaranas na ng marami. Mga 'sumasakop na puwersa' ng US, France at Turkey sinabihan ng Syria na umalis kaagad Habang kausap ang UN General Assembly, nanawagan din si Foreign Minister Walid al-Moualem sa mga Syrian refugee na umuwi na, kahit na nasa ikawalong taon na ang digmaan sa bansa. Sinabi ni Moualem, na naglilingkod din bilang deputy prime minister, na labag sa batas ang pamamalagi ng mga banyagang puwersa sa lupain ng Syria, na idinadahilan ang paglaban sa terorismo, at "haharapin ayon sa nararapat." "Kailangan nilang umalis kaagad at nang walang anumang kondisyon," ang sabi niya sa asemblea. Iginiit ni Moualem na ang "laban sa terorismo ay halos tapos na" sa Syria, kung saan mahigit 360,000 tao na ang namatay magmula noong 2011, at milyon pa kinailangang alisin sa kanilang mga tahanan. Sabi niya ipagpapatuloy ng Damascus na "lumaban sa sagradong labanan hanggang mapaalis sa lahat ng teritoryo ng Syria" ang kapwa mga grupo ng terorista at "anumang presensiya ng banyaga na labag sa batas." Ang Estados Unidos ay may mga 2,000 hukbo sa Syria, pangunahing gumagawa ng pagsasanay at pagpapayo sa mga puwersa ng Kurds at mga Arabong taga-Syria na kumakalaban kay Presidente Bashar al-Assad. Ang France ay may mahigit sa 1,000 hukbo sa lupa sa bansang nagdurusa sa digmaan. Sa isyu ng mga refugee, sinabi ni Moualem na maayos na ang mga kondisyon para bumalik sila, at sinisi niya ang "ilang kanluraning bansa" para sa "pagpapakalat ng walang katwirang takot" na nag-udyok sa mga refugee na manatili sa malayo. "Nanawagan na kami sa pandaigdigang komunidad at mga mapagkawanggawang organisasyon na padaliin ang mga pagbabalik na ito," sabi niya. "Pinupulitika nila ang ganap na pangkawanggawang usapin." Nagbabala ang Estados Unidos at ang European Union na walang tulong para sa rekonstruksyon para sa Syria hanggang magkaroon ng pulitikal na kasunduan sa pagitan ni Assad at ng oposisyon na tapusin ang digmaan. Sabi ng mga diplomat ng UN, isang kamakailan lang na kasunduan sa pagitan ng Russia at ng Turkey na magtatag ng buffer zone sa huling malaking kuta ng mga rebelde sa Idlib ang lumikha ng pagkakataon na ipagpatuloy ang mga pulitikal na usapan. Sa kasunduan ng Russia at Turkey, naiwasan ang malawakang pagsalakay ng mga puwersa ng Syria na tinutulungan ng Russia sa probinsiya, kung saan tatlong milyong tao ang nakatira. Gayunpaman, binigyang-diin ni Moualem na ang kasunduan ay may "malinaw na mga palugit" at nagpahayag ng pag-asa na pupuntiryahin ng aksyon ng militar ang mga jihadist kabilang ang mga mandirigma mula sa Nusra Front na nauugnay sa Al-Qaeda, na siyang "malilipol." Umaasa si UN envoy Staffan de Mistura na di magtatagal ay idaraos ang mga unang pagpupulong ng isang bagong komite na binubuo ng pamahalaan at mga miyembro ng oposisyon upang sulatin ang saligang batas matapos ng digmaan para sa Syria at bigyang-daan ang halalan. Inilatag ni Moualem ang mga kondisyon para sa pakikilahok ng pamahalaan ng Syria sa komite, at sinabing ang trabaho ng panel ay dapat limitado sa "pagrerepaso ng mga artikulo ng kasalukuyang saligang-batas," at nagbabala laban sa pakikialam. Bakit Mananalo si Trump ng Pangalawang Termino Sa lohikang iyon, mananalong muli sa halalan sa 2020 si Mr. Trump maliban, tulad ng inaasahan marahil ng maraming liberal na manonood, kung ang kanyang pagkapresidente ay maagang tatapusin ng pagpapatalsik at iskandalo. Sa isang walang dudang "Pinakadramatikong katapusan ng pagkapresidente kailanman!" Sa ngayon, walang mga palatandaan ng pagkapagod ang mga manonood. Magmula noong 2014, lampas pa sa pagdoble ang itinaas ng mga prime-time rating para maging 1.05 milyon sa CNN at halos triple sa 1.6 milyon sa MSNBC. Ang Fox News ay may average na 2.4 milyong manonood sa prime-time, tumaas mula 1.7 milyon apat na taon na ang nakaraan, ayon sa Nielsen, at ang "The Rachel Maddow Show" ng MSNBC ay nanguna sa cable ratings sa sindami ng 3.5 milyong manonood sa mga gabi ng malalaking balita. "Para itong sunog na nakakaakit ng mga tao dahil hindi natin ito maintindihan," sabi ni Neal Baer, nagpapatakbo sa ABC drama na "Designated Survivor," na tungkol sa isang kalihim ng gabinete na naging presidente matapos masira ang Capitol sa isang pag-atake. Si Nell Scovell, isang beteranang comedy writer at may-akda ng "Just the Funny Parts: And a Few Hard Truths About Sneaking Into the Hollywood Boys" Club," ay may ibang teorya. Naaalala niya ang pagsakay sa taxi sa Boston bago ang halalan noong 2016. Sinabi sa kanya ng driver na iboboto niya si Mr. Trump. Bakit? tanong niya. "Sabi niya, "Kasi napapatawa niya ako,"" sabi ni Ms. Scovell sa akin. Nakakalibang ang kaguluhan. Siyempre, di tulad ng ibang mga nasa TV, ang mga kuwentong nagmumula sa Washington ay maaaring makaapekto sa hinaharap ng Roe v. Wade, kung magkakasamang muli ang mga pamilyang imigrante, at ang kalusugan ng pandaigdigang ekonomiya. Ang hindi makinig ay isang luho na kaya lang gawin ng pinakamayayamang manonood. Pero lampas pa sa pagiging maalam na mamamayan kapag nakaka-anim na oras ka na sa panonood ng panel ng mga eksperto na nagdedebate sa paggamit ni Bob Woodward ng "deep background" sourcing para sa kanyang librong "Fear," sa $15,000 bomber jacket ni Paul Manafort na gawa sa balat ng ostrich ("isang kasuotang pinakapal ng kayabangan," sabi ng The Washington Post) at ang mga implikasyon ng nasobrahang paglalarawan ni Stormy Daniels sa, um, katawan ni Mr. Trump. Kung ako lang, tuluyan nang mag-iiba ang tingin ko kay Super Mario. "Bahagi ng ginagawa niya kung kaya para itong reality show ay dahil may ihinahain siya sa iyo gabi-gabi," sabi ni Brent Montgomery, punong ehekutibo ng Wheelhouse Entertainment at ang tagalikha ng "Pawn Stars," tungkol sa umiikot na cast ng palabas ni Trump at sa araw-araw na pagbabago sa kuwento (pakikipag-away sa N.F.L., pinupuri si Kim Jong-un). Mapag-iiwanan ka kung palalampasin mo ang isang epidsode. Noong inabutan ko si Mr. Fleiss ngayong linggong ito, maaraw na 80 degrees sa labas ng kanyang bahay sa hilagang baybayin ng Kauai, pero naroon siya sa loob nanonood ng MSNBC habang inre-record ang CNN. Hindi niya maiwan ang palabas, lalo na’t nakatakdang humarap si Brett Kavanaugh sa Komite ng Hudikatura sa Senado at nakabitin ang kinabukasan ng Korte Suprema. "Natatanddan ko noong ginagawa namin ang mga nakakatawang palabas noon at sinabi ng mga tao, "Ito ang simula ng katapusan ng Kanluraning sibilisasyon,"" sabi sa akin ni Mr. Fleiss. "Akala ko parang biro lang, pero tama pala sila." Si Amy Chozick, isang writer at large para sa The Times na nagbabalita tungkol sa negosyo, pulitika at media, ang may-akda ng talambuhay na "Chasing Hillary." Pera mula sa labas bumabaha sa pinakamaigting na labanan sa Kongreso sa midterm election Hindi nakakagulat na bumabaha ng cash sa ika-17 ng Pennsylvania, salamat sa pagbabago sa mga congressional district na nagresulta sa paglalaban ng dalawang kasalukuyang nakaupo para sa iisang puwesto. Pinaglalaban nitong kamakailan lang na muling binagong distrito ng Pittsburg si Democrat Rep. Conor Lamb - na nanalo ng puwesto sa ibang distrito sa isang espesyal na halalan noong tagsibol. Si Lamb ay tumatakbo kontra sa isa pang kasalukuyang nakaupo na si Republican Keith Rothfus, na kasalukuyang representante ng lumang ika-12 distrito ng Pennsylvania, na talagang napapatungan ng bagong ika-17. Muling iginuhit ang mga mapa matapos ang hatol ng Korte Suprema ng Pennsylvania noong Enero na ang mga lumang distrito ay namamanipula nang labag sa saligang batas para paboran ang mga Republican. Ang labanan para sa bagong ika-17 ay nagpasimula ng labanan para sa pondo ng kampanya sa pagitan ng mga sangay pampinansiya ng pangunahing partido, ang Democratic Campaign Congressional Committee (DCCC) at ang National Republican Campaign Committee (NRCC). Naging pamilyar na pangalan si Lamb sa Pennsylvania matapos manalo nang napakaliit na lamang sa isang espesyal na halalan noong Marso na pinanood ng marami para sa ika-18 Congressional District ng Pennsylvania. Mahigit isang dekada nang hawak ng Republican ang puwestong iyon, at nanalo si Presidente Donald Trump sa distrito nang 20 puntos. Binigyan ng mga eksperto sa pulitika ang mga Democrat ng kaunting lamang. U.S. Tinimbang ang Pagpaparusa sa El Salvador Dahil sa Suporta sa China, Pagkatapos ay Umatras Pinansin ng mga diplomat na kinilala na ng Dominican Republic at Panama ang Beijing, nang may kaunting pagtutol mula sa Washington. Nagkaroon ng maayos na pakikipagpulong si Mr. Trump kay Presidente Juan Carlos Varela ng Panama noong Hunyo 2017 at nagkaroon ng hotel sa Panama hanggang pinatalsik ng mga partner ang tagapamahalang pangkat ng Organisasyon ni Trump. Nagdesisyon ang mga opisyal ng Departamento ng Estado na pabalikin ang mga Amerikanong pinuno ng mga diplomatikong misyon mula sa El Salvador, Dominican Republic at Panama dahil sa "mga kamakailang desisyon na hindi na kilalanin ang Taiwan," sinabi ni Heather Nauert, ang tagapagsalita ng departamento, sa isang pahayag sa unang bahagi ng buwang ito. Ngunit isinaalang-alang lamang ang mga parusa kontra sa El Salvador, na nakatanggap ng tinatayang $140 milyong tulong mula sa Amerika noong 2017, kabilang ang para sa mga pagkontrol ng narkotiko, suporta sa pagpapaunlad at sa ekonomiya. Ang mga iminungkahing parusa, na kinabibilangan ng mga kaltas sa pinansiyal na tulong at mga nakatarget na paghihigpit sa visa, ay napakasakit sana para sa bansa sa Gitnang Amerika at sa mataas na antas ng kawalang trabaho at patayan doon. Habang umuusad ang mga panloob na pagpupulong, ipinagpaliban ng mga opisyal ng Hilagang Amerika at Gitnang Amerika ang isang mataas na antas na kumperensiya na nakatuon sa seguridad at pang-ekonomiyang pag-unlad para sundan ang kahalintulad na pagpupulong noong isang taon na itinuring bilang pasulong na hakbang tungo sa pagpigil sa pagpunta ng mga migrante sa Estados Unidos. Ngunit pagdating ng kalagitnaan ng Setyembre, nilinaw ng matataas na opisyal ng administrasyon na gusto nilang magpatuloy ang kumperensiya, na tumatapos sa anumang pagsasaalang-alang ng mga parusa para sa El Salvador. Nakatakdang magsalita si Bise Presidente Mike Pence sa kumperensiya, na idaraos sa kalagitnaan ng Oktubre, bilang tanda ng pagpapahalaga ng administrasyon sa pagtitipon, sabi ng mga diplomat. At tahimik na bumalik ang tatlong sugo ng Amerika sa El Salvador, Panama at sa Dominican Republic nang walang bagong mahihigpit na mensahe o parusa mula sa Washington. Tumangging magkomento ang isang tagapagsalita ng White House para kay Mr. Bolton tungkol sa mga detalye ng debate na inilarawan ng tatlong Amerikanong opisyal, kabilang ang dalawang diplomat, na sumang-ayong talakayin ang mga panloob na pag-uusap sa kondisyon na hindi sila papangalanan. Ang kanilang mga salaysay ay pinagtibay ng isang tagalabas na tagasuring malapit sa administrasyon at nagsalita rin sa kondisyong hindi siya papangalanan. Pag-aralan ang Kasaysaysan Ang susunod na mangyayari ay ang ulat ni special counsel Robert Mueller sa posibleng paghadlang sa hustisya, na mayroon na ngayong maraming katibayan sa pampublikong talaan. Ayon sa ulat ibinabaling ngayon ni Mr. Mueller ang kanyang imbestigasyon sa kung nakipagsabwatan ang kampanya ni Trump sa Russia sa pag-atake nito sa ating halalan. Kung magbabago ang may hawak sa Kongreso, mahaharap si Mr. Trump sa pananagutan sa sangay na ito, habang naghahanda siyang magpahalal muli, at marahil haharap sa kalaunan sa isang hurado na binubuo ng kanyang mga katapat. Maraming kung iyan, at hindi ko sinasabing di maiiwasan ang pagbagsak ni Mr. Trump - o ng kanyang mga katapat sa Europe. Lahat tayo sa magkabilang panig ng Atlantiko ay maraming gagawing desisyon na makakaapekto sa kung gaano katagal ang tunggalian. Noong 1938, nakahandang gumawa ang mga German na opisyal ng isang coup d"état laban kay Hitler, kung sana’y tinutulan siya ng Kanluran at sinuportahan ang mga Czechoslovak sa Munich. Nabigo tayo, at napalampas ang pagkakataong maiwasan ang sumunod na tatlong taon ng pamamaslang. Umiikot ang takbo ng kasaysayan sa naturang mga punto ng pagbabago ng direksyon, at napapabilis o naaantala ang di mapigilang pagsulong ng demokrasya. Kinakaharap ng mga Amerikano ang ilan sa mga punto ng pagbabago na ito ngayon. Ano ang gagawin natin kung sisisantehin ni Mr. Trump si Deputy Attorney General Rod Rosenstein, ang taong kumokontrol sa tadhana ng imbestigasyon ni Mr. Mueller? Nasa alanganin na si Rosenstein magmula noong iniulat ng diyaryong ito na, noong nakaraang taon, palihim niyang iminungkahi ang pagre-record sa presidente at nagbigay pa ng espekulasyon na hindi naaangkop ang presidente para sa posisyon. Sinasabi ni Mr. Rosenstein na hindi tumpak ang salaysay ng The Times. "Paano kami tutugon kung ang bagong hiling na imbestigasyon ng F.B.I. kay Brett Kavanaugh ay hindi kumpleto o patas - o kung makumpirma siya sa Korte Suprema sa kabila ng mga kapani-paniwalang akusasyon ng sekswal na pang-aabuso at kasinungalingang testimonya? At higit sa lahat, iboboto ba namin sa midterms ang isang Kongreso na magpapanagot kay Mr. Trump? Kung bumagsak kami sa mga pagsubok na iyon, matatagalan ang taglamig ng demokrasya. Pero naniniwala ako na hindi kami babagsak, dahil sa mga leksyong natutunan ko sa Prague. Ang aking ina ay isang Czechoslovak Jew na ipina-deport sa Auschwitz ng parehong rehimen ng Nazi na minsang sumakop sa aking tahanan bilang ambassador. Nakaligtas siya, pumunta sa Amerika at, makalipas ang 60 taon, pinasindihan sa akin ang mga kandila ng Sabbath sa lamesang iyon na may markang swastika. Dahil sa mana kong iyan, paano ako hindi magiging optimistiko tungkol sa ating kinabukasan?" Si Norman Eisen, isang senior fellow sa Brookings Institution, ay tagapangulo ng Mga Mamamayan para sa Responsibilidad at Etika sa Washington at ang may-akda ng "The Last Palace: Europe's Turbulent Century in Five Lives and One Legendary House." Graham Dorrans ng Rangers optimistiko sa darating na laban sa Rapid Vienna Iho-host ng Rangers ang Rapid Vienna sa Huwebes, batid na ang tagumpay kontra sa mga taga-Austria, kasunod ng kahanga-hangang tabla sa Espanya kontra sa Villarreal sa unang bahagi ng buwang ito, ang maglalagay sa kanila sa matibay na posisyon para maging kwalipikado mula sa Group G ng Europa League. Isang pinsala sa tuhod ang pumigil sa midfielder na si Graham Dorrans na lumabas sa season hanggang sa 2-2 na tabla sa Villarreal pero naniniwala siya na magagamit ng Rangers ang resultang iyon bilang pampasigla tungo sa mas malalaking bagay. "Magandang punto ito para sa amin dahil magandang panig ang Villarreal," sabi ng 31-taong-gulang. "Pumasok kami sa laro na naniniwalang may makakamit kami at lumabas na may puntos. Siguro nakuha sana namin sa bandang huli pero, sa kabuuan, siguro magandang resulta na ang tabla. Siguro mas magaling sila sa unang kalahati at kami naman ang mas magaling sa pangalawang kalahati. Sa Huwebes, isa na namang malaking gabi sa Europe. Sana makakuha kami ng tatlong puntos pero magiging mahirap ang laro dahil maganda ang resulta nila sa kanilang huling laro, pero suportado kami ng mga tao, kaya sigurado akong lalaban kami at makakakuha ng positibong resulta. Noong nakaraang taon ang talagang mahirap, sa lahat ng nangyari sa aking mga pinsala at sa mga pagbabago sa club mismo pero may magandang pakiramdam sa lugar ngayon. Magaling ang pangkat at talagang nag-eenjoy ang mga miyembro; maganda ang pagsasanay. Umaasa kami na makakalaban kami ngayon, maisasantabi ang nakaraang season at maging matagumpay." Napupuyat ang kababaihan dahil sa takot para sa mga ipon para sa pagreretiro Sa kabila ng katotohanan na may malinaw na ideya ang mga kalahok sa sarbey kung paano nila gustong maalagaan, iilang tao lang ang nakikipag-usap sa mga miyembro ng kanilang pamilya tungkol dito. Mga kalahati ng bilang ng mga indibidwal sa pag-aaral ng Nationwide ang nagsabi na nakikipag-usap sila sa kanilang mga asawa tungkol sa halaga ng pangmatagalang pangangalaga. Tanging 10 porsiyento ang nagsabing kinausap nila ang kanilang mga anak tungkol dito. "Gusto ng mga tao na alagaan sila ng isang miyembro ng pamilya, pero wala silang ginagawang hakbang para mag-usap," sabi ni Holly Snyder, bise presidente ng negosyo ng Nationwide na life insurance. Dito maaaring magsimula. Kausapin ang iyong asawa at mga anak: Hindi mo maihahanda ang iyong pamilya na magbigay ng pangangalaga kung hindi mo sasabihin nang maaga ang mga kagustuhan mo. Makipag-usap sa iyong tagapayo at pamilya para talakayin kung saan at paano tatanggap ng pangangalaga, dahil malaking bagay ang mga desisyong ito sa magiging halaga. Isama ang iyong tagapayo sa pinansiya: Matutulungan ka rin ng iyong tagapayo na maghanap ng paraan para bayaran ang mga gastusing iyon. Ang mga pagpipilian mo ng pondo para sa pangmatagalang pangangalaga ay maaaring kabibilangan ng tradisyonal na insurance policy para sa pangmatagalang pangangalaga, isang hybrid cash-value life insurance policy para tumulong na sagutin ang mga gastusing ito o pagseguro sa iyong sarili gamit ang iyong sariling pera - kung mayroon kang pera. Ayusin ang iyong mga legal na dokumento: Subukang iwasan ang mga legal na problema. Magkaroon ng proxy para sa pangangalagang pangkalusugan para makapagtalaga ka ng mapagkakatiwalaang indibidwal na mangangasiwa sa iyong medikal na pangangalaga at titiyak na sinusunod ng mga propesyonal ang mga kagustuhan mo kung sakaling hindi ka makapagsalita. Pag-isipan ding magkaroon ng power of attorney para sa iyong mga pinansiya. Pipili ka ng mapagkakatiwalaang tao na gagawa ng mga pinansiyal na desisyon para sa iyo at titiyak na nababayaran ang iyong mga bill kapag hindi mo kayang gawin ito. Huwag kalilimutan ang maliliit na detalye: Isipin mong may medikal na emergency ang iyong may-edad na magulang at papunta sa ospital. Masasagot mo ba ang mga tanong tungkol sa mga gamot at allergy? Linawin ang mga detalyeng iyon sa isang nakasulat na plano para handa ka. "Hindi lang pinansiya ang iisipin, sino ang mga doktor?" tanong ni Martin. "Ano ang mga gamot? Sino ang mag-aalaga sa aso? Dapat ihanda mo na ang planong iyon." Lalaki binaril nang maraming beses ng air rifle sa Ilfracombe Isang lalaki ang binaril nang maraming beses gamit ang air rifle habang naglalakad siya pauwi isang gabi. Ang biktima, na nasa mga 40 ang edad, ay nasa may Oxford Grove sa Ilfracombe, Devon, noong nabaril siya sa dibdib, tiyan at kamay. Inilarawan ng mga opisyal ang pamamaril, na naganap mga 02:30 BST, bilang "kaswal na kilos." Hindi nakita ng biktima ang bumaril sa kanya. Hindi naman mapanganib sa buhay ang kanyang natamong mga sugat at umapela ang pulisya sa mga nakasaksi. Mga lindol at tsunami sa Indonesia Hindi bababa sa 384 na tao ang namatay dahil sa malakas na lindol at tsunami sa lungsod ng Palu sa Indonesia noong Biyernes, sabi ng mga opisyal, at inaasahang tataas pa ang bilang ng mga namatay. Dahil nasira ang mga linya ng komunikasyon, walang makuhang anumang impormasyon ang mga opisyal ng mga ahensiyang namimigay ng tulong mula sa Donggala regency, isang lugar bandang hilaga ng Palu na mas malapit sa epicenter ng 7.5 magnitude na lindol. Sa Palu, mahigit 16,000 tao ang inilikas matapos maganap ang sakuna. Narito ang ilang pangunahing impormasyon tungkol sa Palu at Donggala, sa isla ng Sulawesi: Ang Palu ang kabisera ng probinsiya ng Central Sulawesi, na nasa makitid na look sa kanlurang baybayin ng isla ng Sulawesi, na may populasyon na mga 379,800 noong 2017. Ipinagdiriwang ng lungsod ang ika-40 anibersaryo nito nang mangyari ang lindol at tsunami. Ang Donggala ay isang regency na may mahigit 300 km (180 milya) ng tabing-dagat sa hilagang kanluran ng isla ng Sulawesi. Tinatayang 299,200 ang populasyon noong 2017 ng regency, na isang administratibong rehiyon na mas mababa sa probinsiya. Pangingisda at pagtatanim ang pangunahing pinagkakakitaan ng ekonomiya ng probinsiya ng Central Sulawesi, lalo na sa baybaying rehiyon ng Donggala. Mahalaga rin sa probinsiya ang pagmimina ng nickel, pero karamihan nito ay nasa Morowali, sa kabilang baybayin ng Sulawesi. Ilang beses nang tinamaan ng mga tsunami ang Palu at Donggala sa nakalipas na 100 taon, ayon sa Disaster Mitigation Agency ng Indonesia. Noong 1938, isang tsunami ang naging dahilan ng pagkamatay ng mahigit 200 tao at pagkasira ng daan-daang bahay sa Donggala. Tinamaan din ng tsunami ang kanluraning bahagi ng Donggala noong 1996, at siyam ang namatay. Ang Indonesia ay nasa malindol na bahagi ng Ring of Fire sa Pasipiko at regular na nakakaranas ng lindol. Narito ang ilan sa malalakas na lindol at tsunami nitong mga nagdaang taon: 2004: Isang malakas na lindol sa kanluraning baybayin ng probinsiya ng Aceh sa Indonesia sa may hilagang bahagi ng Sumatra noong Dis. 26 ang nagpasimula ng tsunami na tumama sa 14 na bansa, 226,000 tao ang namatay sa baybayin ng Karagatang Indian, at mahigit kalahati sa mga ito ay nasa Aceh. 2005: Isang serye ng malalakas na lindol ang tumama sa kanluraning baybayin ng Sumatra sa huling bahagi ng Marso at unang bahagi ng Abril. Daan-daan ang namatay sa Isla ng Nias, malapit sa baybayin ng Sumatra. 2006: Isang 6.8 magnitude ang tumama sa timog ng Java, ang pinakamataong isla ng Indonesia, na nagpasimula ng tsunami na tumama sa katimugang baybayin, at halos 700 tao ang namatay. 2009: Isang 7.6 magnitude na lindol ang tumama malapit sa lungsod ng Padang, kabisera ng probinsiya ng West Sumatra. Mahigit 1,100 tao ang namatay. 2010: Isang 7.5 magnitude na lindol ang tumama sa isa sa mga isla ng Mentawai, malapit sa Sumatra, na nagpasimula ng tsunami na sintaas ng 10 metro na sumira sa dose-dosenang pook at nagdulot ng pagkamatay ng mga 300 tao. 2016: Isang mababaw na lindol ang tumama sa Pidie Jaya regency sa Aceh, na nagdulot ng pagkasira at takot dahil naalala ng mga tao ang pagkawasak dala ng napakalakas na lindol at ng tsunami noong 2004. Walang sumunod na tsunami sa pagkakataong ito, pero mahigit 100 ang namatay dahil sa mga bumagsak na gusali. 2018: Malalakas na lindol ang tumama sa dinadayo ng mga turista na isla ng Lombok, kung saan namatay ang mahigit 500 tao, karamihan ay sa hilagang bahagi ng isla. Sinira ng lindol ang libu-libong gusali at nalagay sa pansamantalang kagipitan ang libu-libong turista. Panganay ni Sarah Palin Arestado sa mga Paratang ng Karahasan sa Pamilya Arestado si Track Palin, ang panganay na anak na lalaki ng dating gobernador ng Alaska at kandidato sa pagka-bise presidente na si Sarah Palin, dahil sa mga paratang ng pananakit. Naaresto si Palin, 29, ng Wasilla, Alaska, dahil sa hinala ng karahasan sa pamilya, pakikialam sa pagre-report ng karahasan sa pamilya at pagtutol sa pagkaka-aresto, ayon sa isang ulat na inilabas noong Sabado ng Alaska State Troopers. Ayon sa report ng pulisya, noong tinangka ng isang babaeng kakilala na tumawag sa pulis para ireport ang sinasabing mga krimen, kinuha ni Palin ang telepono sa kanya. Nadetine si Palin sa Mat-Su Pretrial Facility at nasa kustodiya batay sa $500 unsecured bond, ulat ng KTUU. Humarap siya sa korte noong Sabado, kung saan idineklara niya ang kanyang sarili na "walang sala, sigurado" noong tinanong ang kanyang depensa, ulat ng network. Nahaharap si Palin sa tatlong Class A misdemeanour, ibig sabihin maaari siyang mabilanggo nang hanggang isang taon at magmumulta ng $250,000. Kinasuhan din siya ng Class B misdemeanour, na may parusang pagkabilanggo nang isang araw at multa na $2,000. Hindi ito ang unang pagkakataon na nasampahan ng mga kasong kriminal si Palin. Noong Disyembre 2017, naakusahan siya ng pananakit sa kanyang ama na si Todd Palin. Tumawag sa pulis ang kanyang ina na si Sarah Palin para ireport ang sinasabing pananakit. Ang kaso ay kasalukuyang nasa Veteran’s Court ng Alaska. Noong Enero 2016 sinampahan siya ng pananakit sa pamilya, pakikialam sa pagre-report ng karahasan sa pamilya, at pagtatangan ng sandata habang lasing kaugnay ng insidente. Sinabi ng kanyang kasintahan na sinuntok siya ni Palin sa mukha. Pinuna si Sarah Palin ng mga grupo ng mga beterano noong 2016 matapos niyang iugnay ang marahas na kilos ng kanyang anak sa PTSD na nagmula sa kanyang serbsiyo sa Iraq. Tsunami ng lindol sa Indonesia: daan-daan ang namatay Hindi bababa sa 384 na tao ang namatay matapos tumama ang isang lindol sa isla ng Sulawesi sa Indonesia noong Biyernes. Nagpasimla ang 7.5-magnitude na lindol ng tsunami at libu-libong bahay ang sinira nito. Naputol ang kuryente at sira ang mga linya ng komunikasyon at inaasahang tataas ang bilang ng mga namatay sa mga darating na araw. Tumama ang lindol sa malapit sa sentro ng Sulawesi na nasa hilagang silangan ng kabisera ng Indonesia na Jakarta. Kumakalat ang mga video sa social media na nagpapakita sa mismong sandali ng pagtama ng lindol. Daan-daang tao ang nagtitipon sa kasiyahan sa dalampasigan ng lungsod ng Palu noong humampas ang tsunami sa dalampasigan. Mga pederal na tagausig hinihingi ang bihirang parusang kamatayan para sa suspek sa terror attack sa NYC Hinihingi ng mga pederal na tagausig sa New York ang parusang kamatayan para kay Sayfullo Saipov, ang suspek sa terror attack sa New York City na ikinamatay ng walong tao -- isang bihirang parusa na hindi pa naipatutupad sa estado para sa pederal na krimen mula noong 1953. Sinasabing gumamit si Saipov, 30, ng paupahang trak ng Home Depot para isagawa ang pag-atake sa kalsadang pambisikleta sa kahabaan ng West Side Highway sa Lower Manhattan, na umararo sa mga taong naglalakad at nagbibisikleta sa kanyang landas noong Oktubre. Upang bigyang-katwiran ang hatol na kamatayan, kailangang patunayan ng mga tagausig na "sinadya" ni Saipov na patayin ang walong biktima at "sinadyang" magdulot ng seryosong pinsala sa katawan, ayon sa abiso tungkol sa intensyong hingin ang parusang kamatayan, na inihain sa Katimugang Distrito ng New York. Ang dalawang paratang na ito ay posibleng patawan ng parusang kamatayan, ayon sa dokumento ng korte. Ilang linggo matapos ang pag-atake, isang federal grand jury ang nagsampa laban kay Saipov ng 22 sakdal na kasama ang walong paratang ng pamamatay na pansuporta sa pangingikil, na karaniwang ginagamit ng mga pederal na tagausig sa mga kaso ng organisadong krimen, at inakusahan ng karahasan at pagsira ng mga de-motor na sasakyan. Sabi ng mga tagausig, ang pag-atake ay nangailangan ng "malaking paghahanda at pagpaplano," at inilarawan ang paraan ng pagsasakatuparan ni Saipov dito bilang "karumal-dumal, malupit at ubod ng sama." "Si Sayfullo Habibullaevic Saipov ay nagdulot ng pananakit, pinsala at pagkawala sa mga pamilya at kaibigan nina Diego Enrique Angelini, Nicholas Cleves, Ann-Laure Decadt, Darren Drake, Ariel Erlij, Hernan Ferruchi, Hernan Diego Mendoza, at Alejandro Damian Pagnucco," nakasaad sa abiso tungkol sa intensyon. Lima sa mga biktima ay mga turista mula sa Argentina. Isang dekada na magmula noong may inusig ang Katimugang Distrito ng New York na kaso ng parusang kamatayan. Nahatulan ang nasasakdal na si Khalid Barnes ng pamamatay sa dalawang supplier ng droga ngunit sa bandang huli ay nasentensiyahan ng habambuhay na pagkabilanggo noong Setyembre 2009. Ang huling pagkakataon na ipinatupad ang parusang kamatayan sa isang pederal na kaso sa New York ay noong 1953 para kay Julius at Ethel Rosenberg, mag-asawang binitay matapos silang mahatulan ng pagsasabwatan para mag-espiya para sa Soviet Union sa Cold War dalawang taon sa nakaraan. Binitay ang mag-asawang Rosenberg sa silya elektrika noong Hunyo 19, 1953. Si Saipov, na tubong Uzbekistan, ay hindi nagpakita ng pagsisisi sa mga araw at buwan kasunod ng pag-atake, ayon sa mga dokumento ng korte. Sinabi niya sa mga tagaimbestiga na natuwa siya sa kanyang ginawa, sabi ng pulis. Sinabi ni Saipov sa mga awtoridad na nagkaroon siya ng inspirasyon na isagawa ang pag-atake matapos mapanood ang mga video ng ISIS sa kanyang telepono, ayon sa sakdal. Hiniling din niya na i-display ang bandila ng ISIS sa kanyang silid sa ospital, sabi ng pulis. Wala siyang inamin na kasalanan sa 22 sakdal. Sabi ni David Patto, isa sa mga pederal na tagapagtanggol pampubliko na kumakatawan kay Saipov, na "dismayado" sila sa desisyon ng prosekusyon. "Sa palagay namin ang desisyon na hingin ang parusang kamatayan sa halip na tanggapin ang pag-amin ng kasalanan para sa habambuhay na pagkabilanggo nang walang posibilidad ng paglaya ay magpapatagal lang sa trauma na dulot ng mga pangyayaring ito sa lahat ng sangkot," sabi ni Patton. Naunang hiniling ng pangkat ng depensa ni Saipov sa mga tagausig na huwag hingin ang parusang kamatayan. Dapat si NIGEL FARAGE ang mamahala sa mga negosasyon sa Brexit ayon sa Tory MP Nangako si Nigel Farage na 'pakikilusin ang hukbo ng mga tao' ngayon sa protesta sa kumperensiya ng Tory. Sinabi ng dating lider ng Ukip na ang kailangan ng mga pulitiko ay 'madama ang presyur' mula sa Eurosceptics - habang iminumungkahi ng isa sa mga MP ni Theresa May na siya dapat ang namamahala sa mga negosasyon sa EU. Sinabi ng konserbatibong backbencher na si Peter Bone sa martsa sa Birmingham na 'nakalabas na sana ngayon' ang UK kung si Mr Farage ang Sekretaryo ng Brexit. Ngunit ang hamon na hinaharap ni Mrs May para mapagkasundo ang kanyang hating grupo ay binigyang-diin ng pagsali ng mga Tory na pabor na Manatili sa isang hiwalay na protesta laban sa Brexit sa lungsod. Nahihirapan ang premier na panatilihing maayos ang takbo ng kanyang Chequers compromise plan sa gitna ng mga pag-atake mula sa mga Pabor sa Brexit, mga gustong Manatili at sa EU. Iginiit ng mga kaalyado na ipagpapatuloy niyang subukang magkaroon ng kasunduan sa Brussels sa kabila ng hindi magandang reaksyon - at pilitin ang mga Eurosceptic at ang Labour na mamili sa pagitan ng kanyang plano at ng 'kaguluhan'. Sinabi ni Mr Bone sa Leave Means Leave rally sa Solihull na gusto niyang 'ibasura ang Chequers'. Iminungkahi niya na dapat ginawang peer si Mr Farage at binigyan ng responsibilidad para sa mga negosasyon sa Brussels. 'Kung siya sana ang namahala, nakalabas na sana tayo ngayon,' sabi niya. Idinagdag ng Wellingborough MP: 'Susuportahan ko ang Brexit pero kailangan nating ibasura ang Chequers.' Sa paglalabas sa kanyang pagtutol sa EU, sinabi niya: 'Hindi tayo lumaban sa mga digmaang pandaigdig para lamang maging sunud-sunuran. Gusto nating gawin ang sarili nating mga batas sa ating sariling bansa.' Binalewala ni Mr Bone ang mga mungkahi na nagbago na ang opinyon ng publiko mula noong botohan ng 2016: 'Hindi ganap na totoo ang ideya na nagbago na ang isip ng mga Briton at gusto nilang manatili.' Nasa martsa rin ang Tory na Pabor sa Brexit na si Andrea Jenkyns at sinabi sa mga tagapagbalita: 'Ang sinasabi ko: Prime Minister, makinig ka sa mga tao. 'Hindi gusto ng kalahatang publiko ang Chequers, hindi ito iboboto ng Oposisyon, hindi ito gusto ng ating partido at ng ating mga aktibista na siyang naglalakad sa kalsada at humahalal sa atin. Pakiusap lang, kalimutan na ang Chequers at simulan ang pakikinig.' Sa isang pasaring na mensahe kay Mrs May, idinagdag niya: 'Mananatili sa puwesto ang mga prime minister kung tinutupad nila ang kanilang mga pangako.' Sinabi ni Mr Farage na ang mga pulitko sa rally ay kailangang 'madama ang presyur' kung balak nilang talikuran ang desisyong nagawa noong referendum ng 2016. 'Tungkol na ito ngayon sa tiwala sa pagitan natin - mga tao - at ng ating mga pulitiko,' sabi niya. 'Sinusubukan nilang talikuran ang Brexit at narito kami ngayon para sabihin sa kanila na 'hindi namin kayo papayagang gawin ‘yan'.' Sa isang mensahe sa mga masigasig na grupo ng mga tao idinagdag niya: 'Gusto kong iparamdam ninyo ang presyur sa ating mga pulitiko, na balak tumalikod ang Brexit. 'Pinapakilos natin ang hukbo ng mga tao sa bansang ito na nagbigay sa atin ng tagumpay sa Brexit at di tayo titigil hanggang maging malaya tayo, pinamamahalaan ang ating sarili, taas-noo na United Kingdom.' Samantala, nagmartsa ang mga gustong Manatili hanggang sa Birmingham bago nagdaos ng dalawang oras na rally sa sentro ng lungsod. May mga kalat-kalat na aktibistang nagwawagayway ng mga bandila ng Mga Tory Kontra sa Brexit matapos ilunsad ang grupo ngayong weekend. Nilait ng kasamahan ng Labour na si Lord Adonis ang mga Konserbatibo dahil sa mga isyu sa seguridad na dinanas nila sa isang party app sa pagbubukas ng kumperensiya. 'Ito ang mga tao na nagsasabi sa atin na kaya nilang maglagay ng mga IT system at lahat ng teknolohiya para sa Canada at marami pa, para walang iringan sa border, para sa malayang kalakalan nang walang mga border sa Ireland,' dagdag niya. 'Katatawanan lang ito. Wala nang ibang mas gaganda pa sa Brexit,' dagdag niya. Warren planong 'pag-isipang mabuti' ang pagtakbo sa pagkapresidente Sabi ni U.S. Sen. Elizabeth Warren na "pag-iisipang mabuti ang pagtakbo sa pagkapresidente" matapos ang halalan sa Nobyembre. Iniuulat ng Boston Globe na tinalakay ng Massachusetts Democrat ang kanyang hinaharap sa isang town hall sa kanluraning bahagi ng Massachusetts noong Sabado. Si Warren, na isang madalas na kritiko ni Presidente Donald Trump, ay tumatakbo para muling magpahalal sa Nobyembre laban sa GOP na kinatawan ng estado na si Rep. Geoff Diehl, na kasamang tagapangulo ng kampanya ni Trump sa Massachusetts noong 2016. Nasa gitna na siya ng espekulasyon na lalabanan niya si Trump sa 2020. Ang kaganapan noong Sabado ng hapon sa Holyoke ang kanyang ika-36 na pagpupulong sa mga nasasakupan gamit ang format ng town hall magmula noong umupo si Trump. Isa sa mga dumalo ang nagtanong sa kanya kung balak niyang tumakbo sa pagkapresidente. Sumagot si Warren na panahon na para "pumunta ang mga babae sa Washington para ayusin ang ating sirang pamahalaan, at kasama dito ang isang babae bilang presidente." May naaresto na sa pagkamatay ni Sims ng LSU Inanunsiyo ng pulisya sa Baton Rouge, La. noong Sabado na may naaresto nang isang suspek sa pamamaril at pagpatay sa LSU basketball player na si Wayde Sims noong Biyernes. Inanunsiyo ng Baton Rouge Police Department ang pagkaakaresto kay Dyteon Simpson, 20, sa isang 11 a.m. na news conference ng ET. Naglabas sila ng video ng pamamaril noong Biyernes, at humihingi ng tulong na kilalanin ang lalaking nasa footage. Si Sims, 20, ay nabaril at napatay malapit sa campus ng Southern University noong umaga ng Biyernes. "Nagtamo si Wayde Sims ng tama ng bala sa ulo na ikinamatay niya," sinabi ng hepe ng pulis na si Murphy J. Paul sa media noong Sabado, ayon sa 247sports. Ipinagtanggol ni Wayde ang kanyang kaibigan at binaril siya ni Simpson. Tinanong si Simpson at inamin na naroon siya sa lugar na pinangyarihan ng krimen, may tangan na sandata, at inamin na binaril niya si Wayde Sims. Naaresto si Simpson nang walang insidente at dinala sa kustodiya sa East Baton Rouge Parish Police Department. Isang 6-foot-6 junior na lumaki sa Baton Rouge, naglaro si Sims ng 32 laro nang may 10 start noong nakaraang season at nagkaroon ng average na 17.4 minuto, 5.6 puntos at 2.9 na rebound kada laro. Russian Grand Prix: Papalapit na si Lewis Hamilton sa world title matapos ibigay sa kanya ng mga team order ang panalo mula kay Sebastian Vettel Naging malinaw mula sa sandaling naging kwalipikado si Valtteri Bottas bago si Lewis Hamilton noong Sabado na magiging malaki ang papel ng Mercedes" team order sa karera. Mula sa pole, nagkaroon si Bottas ng magandang simula at halos iniwan si Hamilton sa kanyang pagdepensa sa kanyang posisyon sa unang dalawang ikot at inanyayahan si Vettel na sugurin ang kanyang kasamahan sa koponan. Unang tumigil sa pit si Vettel at iniwan si Hamilton na mapunta sa trapiko sa dulo ng grupo, isang bagay na dapat ay nagpasya sa resulta. Nag-pit ang Mercedes makalipas ang isang lap at lumabas sa likuran ni Vettel, pero nauna si Hamilton matapos ang gitgitan kung saan nag-aatubili ang driver ng Ferrari na iwan ang loob nang libre nanganganib na patuloy na dumepensa matapos ang double-move para dumepensa sa ikatlong sulok. Nagsimula si Max Verstappen mula sa likurang hanay ng grid at nasa ikapito sa bandang huli ng unang lap sa kanyang ika-21 na kaarawan. Pagkatapos, nanguna siya sa malaking bahagi ng karera habang nagpatuloy siya sa pagtakbo para puntiryahin ang mabilisang pagtatapos at maunahan si Kimi Raikkonen para sa ika-apat. Sa kalaunan tumigil siya pit sa ika-44 na lap pero hindi nagawang pabilisin ang kanyang takbo sa nalalabing walong lap habang kinuha ni Raikkonen ang ika-apat. Mahirap ang araw na ito dahil maganda ang ginawa ni Valtteri sa buong weekend at talaga naging maginoo at pinagbigyan ako. Tagalang pambihira ang ginawa ng koponan para magkaroon ng one-two," sabi ni Hamilton. Talagang Masamang Galaw ng Katawan ‘Yon Nilait ni Presidente Donald Trump si Senador Dianne Feinstein sa isang rally noong Sabado dahil sa kanyang giit na hindi niya ibinunyag ang sulat mula kay Christine Blasey Ford na nag-aakusa sa nominado sa Korte Suprema na si Brett Kavanaugh ng pang-aabusong sekswal. Habang nagsasalita sa isang rally sa West Virginia, hindi direktang tinugunan ng presidente ang testimonyang ibinigay ni Ford sa harap ng Komite ng Hudikatura sa Senado, sa halip nagkomento siya na ang nangyayari sa Senado ay nagpapakita na "malupit at masama at sinungaling" ang mga tao. "Isang bagay na maaaring mangyari at ang magandang nangyayari sa nakalipas na ilang araw sa Senado, kapag nakikita mo ang galit, kapag nakakakita ka ng mga tao na galit at malupit at masama at sinungaling," sabi niya. "Kapag nakikita mo ang mga ipinalabas at mga ibinunyag tapos sasabihin nila "ah, hindi ako ang may gawa n‘yan. Hindi ako ang may gawa n’yan." Naaalala ninyo? Dianne Feinstein, ikaw ba ang nagbunyag? Tandaan ang kanyang sagot ... ikaw ba ang nagbunyag ng dokumento - "ah, ah, ano? Ah, hindi. Hindi ako ang nagbunyag." Teka lang. Ibinunyag ba namin...Hindi, hindi kami ang nagbunyag," dagdag niya, habang ginagaya ang senador. Natanggap ni Feinstein ang sulat na may detalye ng mga alegasyon kontra kay Kavanaugh mula kay Ford noong Hulyo, at nabunyag ito noong unang bahagi ng Setyembre - pero itinanggi ni Feinstein na ang kanyang opisina ang nagbunyag. "Hindi ko itinago ang mga alegasyon ni Dr. Ford, hindi ko ibinunyag ang kanyang kuwento," sinabi ni Feinstein sa komite, ulat ng The Hill. "Hiniling niya sa akin na panatilihin ko itong kumpidensyal at ganoon nga ang ginawa ko, tulad ng hiniling niya." Pero hindi maganda ang dating ng kanyang pagtatanggi sa presidente, na nagkomento sa rally noong Sabado ng gabi: "Sasabihin ko sa inyo, talagang masamang galaw ng katawan ‘yon. Siguro nga hindi niya ginawa, pero ‘yon na ang pinakamasamang galaw ng katawan na nakita ko." Sa pagpapatuloy sa kanyang pagdepensa sa nominado sa Korte Suprema, na inakusahan ng pang-aabusong sekswal ng tatlong babae, sinabi ng presidente na ginagamit ng mga Democrat ang mga alegasyon para sa kanilang sariling pakinabang. "Determinado silang mabawi ang kapangyarihan sa kahit anong paraan. Nakikita ninyo ang kalupitan, ang kasamaan, wala silang pakialam kung sino ang masasaktan, sino ang masasagasaan nila para makuha ang kapangyarihan," ulat ng Mediaite na sinabi ng presidente. Elite League: Dundee Stars 5-3 Belfast Giants Naka-dalawang goal si Patrick Dwyer para sa Giants kontra sa Dundee Bumawi ang Dundee Stars sa pagkakatalo sa Belfast Giants sa Elite League noong Biyernes sa pamamagitan ng pagkapanalo sa return match nang 5-3 para sa Dundee noong Sabado. Nakakuha ang Giants ng maagang lamang na dalawang goal sa pamamagitan ng mga strike mula kina Patrick Dwyer at Francis Beauvillier. Ipinatas nina Mike Sullivan at Jordan Cownie ang home side bago ibinalik ni Dwyer ang lamang ng Giants. Itinabla ni Francois Bouchard ang laro para sa Dundee bago nakuha ng dalawang goal ni Lukas Lundvald Nielsen ang tagumpay. Ito ang pangatlong talo sa Elite League ng season para sa mga tao ni Adam Keefe, na nagmula sa likuran para talunin ang Dundee nang 2-1 sa Belfast noong Biyernes ng gabi. Ito ang pang-apat na paghaharap sa season ng dalawang panig, panalo ang Giants sa tatlong nakaraang laro. Pumasok ang opener ni Dwyer sa ika-apat na minuto sa 3:35 mula sa assist ni Kendall McFaull, at nagbigay naman ng assist si David Rutherford habang dinodoble ni Beauvillier ang lamang makalipas ang apat na minuto. Sa abalang opening period, ibinalik ni Sullivan ang home side sa laro sa 13:10 bago ibinigay ni Matt Marquardt ang pantabla ni Cownie sa 15:16. Sinigurado ni Dwyer na manguna ang Giants sa unang break noong nakamit niya ang pangalawang goal niya sa gabing iyon sa katapusan ng first period. Muling nagtipon ang home side at muli silang ipinatas ni Bouchard nang may power play goal sa 27:37. Nagtulungan sina Cownie at Charles Corcoran para tulungan si Nielsen na bigyan ang Dundee ng lamang para sa unang pagkakataon sa laro sa huling bahagi ng second period at sinigurado niya ang panalo sa ikalimang halfway ng kanyang koponan hanggang sa final period. Ang Giants, na ngayon ay talo sa apat sa kanilang huling limang laro, ay umuwi at tutungo sa Milton Keynes sa kanilang susunod na laro sa Biyernes. Air Traffic Controller Namatay Habang Tinitiyak na Makaligtas sa Lindol ang Daan-daan sa Eroplano Tinawag na bayani ang isang air traffic controller sa Indonesia matapos siyang mamatay habang tinitiyak na makalipad nang ligtas ang isang eroplanong may lulan na daan-daang tao. Mahigit 800 tao ang namatay at marami ang nawawala pagkatapos tumama ang isang malakas na lindol sa isla ng Sulawesi noong Biyernes, na nagpasimula ng tsunami. Patuloy na niyanig ng malalakas na aftershock ang lugar at marami ang naipit sa mga wasak-wasak na gusali sa lungsod ng Palu. Pero sa kabila ng paglikas ng kanyang mga kasamahan para iligtas ang kanilang buhay, tumangging iwan ng 21 taong gulang na si Anthonius Gunawan Agung ang kanyang puwesto sa umuugoy na control tower sa Mutiara Sis Al Jufri Airport sa Palu airport. Nagpaiwan siya para tiyakin na makalipad nang ligtas ang Batik Air Flight 6321, na nasa runway sa mga sandaling iyon. Pagkatapos, tumalon siya sa traffic control tower noong inakala niyang guguho ito. Namatay siya sa ospital sa kalaunan. Sinabi ng tagapagsalita para sa Air Navigation Indonesia, na si Yohannes Sirait, na maaaring nailigtas ng desisyon na iyon ang daan-daang buhay, ulat ng ABC News ng Australia. Naghanda kami ng helicopter mula Balikpapan sa Kalimantan para dalhin siya sa mas malaking ospital sa ibang lungsod. Sa kasawiang-palad, namatay siya ngayong umaga bago makarating ang helicopter sa Palu. "Nadudurog ang mga puso namin sa balitang ito," dagdag niya. Samantala. natatakot ang mga awtoridad na maaaring umabot sa libu-libo ang bilang ng mga namatay, dahil ayon sa disaster mitigation agency ng bansa, limitado ang access sa mga bayan ng Donggala, Sigi at Boutong. "Pinaniniwalaang tumataas pa ang bilang dahil marami pang katawan ang nasa ilalim ng mga gumuhong gusali habang ang iba ay hindi maabot," sabi ng tagapagsalita ng ahensiya na si Sutopo Purwo Nugroho. Winasak ng mga alon na umabot sa anim na metro ang Palu na magdaraos ng pangmaramihang libing sa Linggo. Nagdadala naman ng tulong at panustos ang pangmilitar at pangkomersyal na mga sasakyang panghimpapawid. Sinabi ni Risa Kusuma, isang 35-taong gulang na ina, sa Sky News: "Bawat minuto may dumarating na ambulansyang may dalang mga katawan. Kulang na kulang ang malinis na tubig. Ninanakawan ang maliliit na tindahan sa lahat ng lugar." Sinabi sa CNN ni Jan Gelfand, tagapangulo ng International Red Cross sa Indonesia: "Nagsusumikap ang Red Cross sa Indonesia para tulungan ang mga nakaligtas pero hindi namin alam kung anong makikita nila doon. Trahedya na ito, pero maaari pang lumala." Dumating si Presidente Joko Widodo ng Indonesia sa Palu noong Linggo at sinabi sa militar ng bansa: "Hinihiling ko sa inyo na magtrabaho sa araw at gabi para tapusin ang bawat gawain sa paglilikas. Handa na ba kayo?" ulat ng CNN. Tinamaan ang Indonesia sa unang bahagi ng taong ito ng mga lindol sa Lombok kung saan mahigit 550 tao ang namatay. Bumagsak na eroplano sa Micronesia: Ayon sa Air Niugini isang lalaki ang nawawala matapos bumagsak ang eroplano sa lawa Sinasabi ngayon ng airline na nagpapatakbo sa eroplano na bumagsak sa lawa ng Pasipiko sa Micronesia na may isang lalaking nawawala, matapos unang sabihin na lahat ng 47 pasahero at tauhan ay ligtas na nailikas mula sa lumulubog na eroplano. Sinabi ng Air Niugini sa isang pahayag na noong Sabado ng hapon, hindi mahanap ang isang lalaking pasahero. Sinabi ng airline na nakikipagtulungan ito sa mga lokal na awtoridad, ospital at imbestigador para subukang hanapin ang naturang lalaki. Hindi kaagad sinagot ng airline ang mga kahilingan para sa higit pang mga detalye tungkol sa pasahero, tulad ng kanyang edad o nasyonalidad. Tumulong ang mga lokal na bangka na iligtas ang mga iba pang pasahero at tauhan matapos bumagsak ang eroplano sa tubig habang sinusubukang lumapag sa paliparan ng isla ng Chuuk. Sinabi ng mga opisyal noong Biyernes na pitong tao ang dinala sa ospital. Sinabi ng airline na anim na pasahero ang nananatili sa ospital noong Sabado, at lahat sila’y maayos na ang kondisyon. Nananatiling hindi malinaw kung ano ang dahilan ng pagbagsak at ang eksaktong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Sinabi ng kapwa airline at ng U.S. Navy na lumapag ang eroplano sa lawa at hindi umabot sa runway. Akala ng ilang nakasaksi na nalampasan ng eroplano sa runway. Sinabi ng Amerikanong pasahero na si Bill Jaynes na napakababa ng eroplano. "Talagang magandang bagay ‘yon," sabi ni Jaynes. Sinabi ni Jaynes na nakapaglakad siya at ang mga iba pang pasahero sa tubig na hanggang baywang papunta sa mga emergency exit sa lumulubog na eroplano. Sinabi niyang natatakot at sumisigaw ang mga flight attendant, at na nagtamo siya ng maliit na pinsala sa ulo. Sinabi ng U.S. Navy na tumulong din sa pagliligtas ang mga mandaragat na nag-aayos ng daungan sa malapit sa pamamagitan ng paggamit ng isang napapalobong bangka para isakay ang mga tao papunta sa dalampasigan bago lumubog ang eroplano sa mga 30 metro (100 talampakan) ng tubig. Ipinapakita ng datos mula sa Aviation Safety Network na 111 tao na ang namatay sa mga pagbagsak ng mga airline na rehistrado sa PNG sa nakalipas na dalawang dekada pero wala pang kasangkot na Air Niugini. Tagasuri inilahad ang timeline ng gabi na sinunog nang buhay ang isang babae Tinapos ng prosekusyon ang argumento nito noong Sabado sa muling paglilitis sa isang lalaking naakusahan ng panununog nang buhay sa isang babaeng taga-Mississippi noong 2014. Tumestigo ang Tagasuri ng U.S. Department of Justice na si Paul Rowlett nang ilang oras bilang isang ekspertong testigo sa larangan ng intelligence analysis. Inilahad niya sa hurado kung paano niya ginamit ang mga cellphone record upang pagtagpi-tagpiin ang mga kilos ng 29-taong-gulang na nasasakdal na si Quinton Tellis at ng 19-na-taong-gulang na biktimang si Jessica Chambers, sa gabi ng kanyang pagkamatay. Sinabi ni Rowlett na nakatanggap siya ng datos ng lokasyon mula sa ilang cellphone na nagpakitang kasama ni Tellis si Chambers sa gabi ng kanyang pagkamatay, na sumasalungat sa naunang sinabi ni Tellis, ulat ng Clarion Ledger . Noong ipinakita ng datos na ang cellphone ng lalaki ay na kay Chambers sa oras na sinabi niyang kasama niya ang kanyang kaibigan na si Michael Sanford, kinausap ng pulis si Sanford. Tumestigo si Sanford noong Sabado at sinabing nasa ibang lugar siya noong araw na iyon. Noong tinanong ng mga tagausig kung nagsasabi si Tellis ng totoo noong sinabi niyang nasa trak siya ni Sanford nang gabing iyon, sinabi ni Sanford na siya ay "nagsisinungaling, dahil nasa Nashville noon ang aking trak." Ang isa pang hindi nagtutugma ay ang sinabi ni Tellis na mga dalawang linggo na niyang kilala si Chambers noong namatay siya. Batay sa mga cellphone record, isang linggo pa lang silang magkakilala. Sinabi ni Rowlett na makalipas ang pagkamatay ni Chambers, binura ni Tellis ang mga text, tawag at contact information ni Chambers sa kanyang telepono. "Binura niya ang dalaga sa kanyang buhay," sabi ni Hale. Nakatakdang simulan ng depensa ang mga panghuling argumento nito sa Linggo. Sinabi ng hukom na inaasahan niyang pupunta ang paglilitis sa hurado sa araw na iyon. The High Breed: Ano ang conscious hip hop? Gustong hamunin ng tatlong hip hop ang negatibong pananaw sa genre sa pamamagitan ng paglalagay ng mga positibong mensahe sa kanilang musika. Sinasabi ng The High Breed, na mula sa Bristol, na lumayo na ang hip hop sa mga pinagmulan nitong mensaheng pulitikal at pagtugon sa mga isyu ng lipunan. Gusto nilang bumalik sa mga pinagmulan nito at pasikatin muli ang conscious hip hop. Muling sumisikat sa UK ang mga artist na tulad ng The Fugees at Common sa pamamagitan ng mga artist na tulad nina Akala at Lowkey. Itim na naman?! Idinemanda ng isang yaya sa NY ang isang mag-asawa dahil sa pagtanggal sa kanya sa trabaho matapos ang "racist" na text Isang yaya sa New York ang nagdedemanda sa mag-asawa para sa nandidiskriminang pagtatanggal sa kanya sa trabaho matapos makatanggap ng isang mali ang pagkakapadalang text mula sa ina na nagrereklamo na siya ay "itim na naman." Itinatanggi ng mag-asawa na sila ay racist, at ikinumpara ang demanda sa "pangingikil." Nagpahayag ng pagkadismaya si Lynsey Plasco-Flaxman, may dalawang anak, nang malaman na ang bagong mag-aalaga ng mga anak niya, si Giselle Maurice, ay isang itim pagkarating niya sa kanyang unang araw sa trabaho noong 2016. "HINDIIIIIIIIIIIIII ITIM NA NAMAN," sinulat ni Mrs Plasco-Flaxman sa kanyang text sa kanyang asawa. Kaya lang, sa halip na ipadala ito sa kanyang asawa, naipadala niya ito kay Ms. Maurice, nang dalawang beses. Matapos mabatid ang kanyang pagkakamali, sinisante ng "naaasiwang" si Plasco-Flaxman si Ms. Maurice, sinasabi na hindi maganda ang naging trabaho ng kanilang dating yaya, na isang African-American, at ang inaasahan niya ay isang Filipino, ayon sa New York Post. Binayaran si Ms. Maurice para sa kanyang isang araw sa trabaho at pinauwi sa Uber. Ngayon, idinedemanda ni Maurice ang mag-asawa para sa kabayaran sa pagkakatanggal sa trabaho, at humihingi ng kabayaran sa halagang $350 kada araw para sa anim-na-buwan, stay-in na trabaho sana niya, bagama’t walang kontrata. "Gusto kong ipakita sa kanila na hindi nila puwedeng gawin ang ganoon," sinabi niya sa Post noong Biyernes, at idinagdag na "alam kong diskriminasyon ito." Bumuwelta naman ang mag-asawa sa mga paratang na racist sila, sinasabing ang pagtanggal kay Maurice sa trabaho ay makatwiran, natatakot silang hindi nila siya mapagkakatiwalaan matapos nilang saktan ang kanyang damdamin. "Naipadala ng asawa ko ang isang text na hindi naman talaga niya sinadyang sabihin. Hindi siya racist. Hindi kami racist," sabi ng asawang si Joel Plasco sa Post. "Pero ipagkakatiwala mo ba ang mga anak mo sa isang taong nabastos mo, kahit na hindi sinasadya? Ang iyong bagong-silang na sanggol? Hindi ‘di ba." Habang ikinukumpara ang demanda sa "pangingikil," sinabi ni Plasco na dalawang buwan pa lang matapos magsilang ang kanyang asawa at "masyadong nahihirapan sa sitwasyon." "Idedemanda mo ang isang tao na ganoon? Hindi naman yata maganda ‘yon," dagdag ng investment banker. Habang patuloy ang kaso, mabilis na tinuligsa ng publiko ang mag-asawa sa social media, pinuna ang kanilang ugali at lohika. Mga tagapaglathala ng Paddington natakot na hindi magugustuhan ng mga mambabasa ang nagsasalitang oso, pagbubunyag ng bagong sulat Ang sabi tungkol sa sulat ng anak ni Bond na si Karen Jankel, na ipinanganak di nagtagal matapos matanggap ang aklat: "Mahirap ilagay ang iyong sarili sa lugar ng isang taong nagbabasa nito sa unang pagkakataon bago ito inilathala. Nakakatuwang malaman ngayon kung ano ang nalalaman natin tungkol sa malaking tagumpay ng Paddington." Magtitiwala pa rin kahit na tanggihan ang kanyang obra, sabi niya tungkol sa kanyang ama, na nagtrabaho bilang cameraman ng BBC bago nakakuha ng inspirasyon mula sa maliit na laruang oso na sumulat ng librong pambata, at idinagdag niya na "masaya’t malungkot" ang ika-60 anibersaryo ng pagkakalathala ng libro matapos ang kanyang pagkamatay noong nakaraang taon. Inilalarawan niya si Paddington bilang isang "napakahalagang miyembro ng aming pamilya," at idinagdag niya na ipinagmamalaki ng kanyang ama ang tagumpay sa bandang huli. "Tahimik siyang tao, at hindi mayabang," sabi niya. "Ngunit dahil totoo si Paddington para sa kanya, parang nakakamit ng isang bagay ang iyong anak: ipinagmamalaki mo sila kahit na hindi naman ikaw ang may gawa nito. Sa palagay ko ganito ang tingin niya sa tagumpay ni Paddington. Bagama’t ito’y nilikha at imahinasyon niya, ibinibigay niya noon ang karangalan kay Paddington mismo." Nagpaalam ako sa telepono habang namamatay ang aking anak Pagkalapag itinakbo ang kanyang anak sa Hospital Louis Pasteur 2 sa Nice, kung saan sinikap ngunit nabigo ang mga doktor na iligtas ang kanyang buhay. "Tawag nang tawag si Nad para sabihin na talagang malala, na wala nang pag-asang mabubuhay siya," sabi ni Mrs Ednan-Laperouse. "Pagkatapos, nakatanggap ako ng tawag mula kay Nad na nagsasabing mamamatay na siya sa loob ng susunod na dalawang minuto at kinailangan kong magpaalam sa kanya. At ‘yon ang ginawa ko. Sabi ko, "Tashi, mahal na mahal kita, anak. Di magtatagal nandiyan na ako. Sasamahan kita. Unti-unting nauubos ang bisa at nawawala sa katawan niya ang mga gamot na ibinigay ng mga doktor sa kanya para panatilihin ang pagbomba ng kanyang puso. Namatay siya bago nito at ‘yon nga nag-shut down na ang lahat. Wala akong magawa kundi umupo doon at maghintay, habang alam kong nangyayari ang lahat ng ito. Hindi ako makasigaw o makaiyak dahil maraming pamilya at tao ang nakapaligid sa akin. Kinailangan kong pigilin lahat." Sa kalaunan, si Mrs. Ednan-Laperouse, na noo’y nagdadalamhati na sa pagpanaw ng kanyang anak, ay nakasakay ng eroplano kasama ng iba pang mga pasahero - na walang kamalay-malay sa pinagdaraanan niya. "Walang nakaalam," sabi niya. "Nakayuko lang ako, walang tigil sa pag-iyak. Mahirap ipaliwanag, pero noong nasa eroplano ako naramdaman ko ang sobrang pagkaawa kay Nad. Na kinailangan niya ang aking pagmamahal at pang-unawa. Alam kong mahal na mahal niya ang bata." Mga nagdadalamhating babae naglalagay ng mga card para pigilan ang mga pagpapakamay sa tulay Dalawang babae na nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay ang nagsusumikap para mapigilan ang iba na magpakamatay din. Naglalagay sina Sharon Davis at Kelly Humphreys sa Welsh bridge ng mga card na may mga nagbibigay-inspirasyong mensahe at mga numero ng telepono na matatawagan ng mga tao para sa suporta. Ang anak ni Ms Davis na si Tyler ay 13 nang nagsimula siyang dumanas ng depresyon at nagpakamatay sa edad na 18. "Ayokong maramdaman ng sinumang magulang ang nararamdaman ko araw-araw," sabi niya. Sabi ni Ms Davis, edad 45, na nakatira sa Lydney, umaasang maging chef ang kanyang anak na may nakakahawang ngiti. "Kilala siya ng lahat dahil sa kanyang ngiti. Palagi nilang sinasabing nakapagpapasaya ang kanyang ngiti." Kaya lang, iniwan niya ang trabaho bago siya namatay, dahil "talagang sobrang lungkot niya." Noong 2014, ang kapatid ni Tyler na 11 taong gulang ang nakakita sa kanyang kapatid matapos itong magpakamatay. Sabi ni Ms Davis: "Palagi akong nag-aalala na magkakaroon ito ng epekto." Gumawa si Ms Davis ng mga card, "para sabihin sa mga tao na may mapupuntahan at makakausap sila, kahit na ito ay isang kaibigan. Huwag manahimik - kailangan mong may makausap." Si Ms Humphreys, na ilang taon nang kaibigan ni Ms Davies, ay iniwan ni Mark, ang kanyang partner nang 15 taon, di nagtagal matapos ang pagpanaw ang kanyang ina. "Hindi niya sinabi na nalulungkot o nade-depress siya o anuman," sabi niya. "Dalawang araw bago mag-Pasko napansin namin ang pagbabago sa kanyang ugali. Malungkot na malungkot siya sa Araw ng Pasko - noong binuksan ng mga bata ang kanilang mga regalo hindi siya nakipagtitigan sa kanila." Sinabi niyang malaking trauma sa kanila ang pagkamatay niya, pero kailangan nilang tanggapin ito: "Talagang napakalaking kawalan sa pamilya. Nagkakawatak-watak kami. Pero kailangan naming magpatuloy lahat at lumaban." Kung nahihirapan ka, maaari mong tawagan ang Samaritans nang libre sa 116 123 (UK at Ireland), mag-email kay jo@samaritans.org, o puntahan ang website ng Samaritans dito. Kinabukasan ni Brett Kavanaugh nakabitin habang sinisimulan ng FBI ang imbestigasyon "Akala ko, kung may magagawa kaming tulad ng hinihingi niya - isang imbestigasyon sa limitadong oras, limitado ang saklaw - magkakaroon ng kahit kaunting pagkakaisa," sabi ni Mr Flake noong Sabado, idinagdag na natatakot siyang "nawawatak-watak" na ang komite sa gitna ng pagpapatigasan ng mga partido. Bakit hindi ginusto ni Mr Kavanaugh at ng kanyang mga tagasuportang Republican na mag-imbestiga ang FBI? Ang pag-aatubili nila ay dahil lahat sa panahon. Limang linggo na lang ang midterm elections, sa Nobyembre 6 - kung, tulad ng iinaasahan, hindi magtagumpay ang mga Republican, masyado silang magiging mahina sa kanilang mga pagtatangkang mahalal ang gusto nilang tao sa pinakamataas na korte sa bansa. Tinatawagan ni George W. Bush ang mga Senador, kinakausap silang suportahan si Mr Kavanaugh, na nagtrabaho sa White House para kay Mr Bush at sa pamamagitan nito ay nakilala niya ang kanyang asawang si Ashley, na noo’y personal na sekretarya ni Mr Bush. Ano ang mangyayari matapos gawin ng FBI ang report nito? Magkakaroon ng pagboto sa Senado, kung saan kasalukuyang nakaupo ang 51 Republican at 49 na Democrat. Hindi malinaw kung makakakuha si Mr Kavanaugh ng kahit man lang 50 boto sa Senado, na magpapahintulot kay Mike Pence, ang bise presidente, na resolbahin ang tablang botohan at kumpirmahin siya sa Korte Suprema. Bilang ng defector ng North Korea 'bumaba' sa ilalim ni Kim Bumaba na ang bilang ng mga defector ng North Korea sa South Korea magmula noong umupo si Kim Jong-un pitong taon na ang nakararaan, sabi ng isang mambabatas ng South Korea. Habang binabanggit ang mga datos mula sa unification ministry ng South Korea, sinabi ni Park Byeong-seug na nagkaroon ng 1,127 defection noong nakaraang taon - kumpara sa 2,706 noong 2011. Sinabi ni Mr Park na malaking bagay ang mas mahigpit na mga kontrol sa border sa pagitan ng North Korea at China at sa mas matataas na singil ng mga nagpupuslit ng tao. Walang ibinigay na pampublikong komento ang Pyongyang. Ang karamihan ng mga defector mula sa North Korea ay inaalok sa kalaunan ng South Korean citizenship. Sinabi ng Seoul na mahigit 30,000 taga-North Korea ang tumawid na sa border mula nang natapos ang Korean War noong 1953. Karamihan ay tumatakas sa pamamagitan ng China, na may pinakamahabang border sa North Korea at mas madaling tawirin kaysa sa mahigpit na protektadong Demilitarised Zone (DMZ) sa pagitan ng dalawang Korea. Itinuturing ng China ang mga defector bilang ilegal na migrante sa halip na mga refugee at madalas na puwersahang ibinabalik ang mga ito. Malaki na ang ibinuti nitong mga nakalipas na buwan ng ugnayan sa pagitan ng North at ng South - na sa katunayan ay magkaaway pa rin. Sa unang bahagi ng buwang ito, nagkita ang mga pinuno ng dalawang bansa sa Pyongyang para sa mga pag-uusap na nakatuon sa naantalang mga negosasyon kaugnay ng denuclearisation. Naganap ito matapos ang makasaysayang pagpupulong nitong Hunyo nina Presidente Donald Trump ng US at ni Kim Jong-un sa Singapore, kung kailan nagkasundo sila sa mga pangkalahatang takda para sa kasunduan tungo sa nuclear-free Korean peninsula. Ngunit noong Sabado, sinisi ni North Korean Foreign Minister Ri Yong-ho ang mga sanction ng US para sa kakulangan ng pag-usad mula noon. "Kung walang tiwala sa US, hindi magkakaroon ng kumpiyansa sa aming pambansang seguridad at sa ganoong sitwasyon, hindi namin kailanman magagawang maunang magdisarma," sabi ni Mr Ri sa isang talumpati sa UN General Assembly sa New York. Nancy Pelosi tinawag si Brett Kavanaugh na "masyadong maingay," hindi karapat-dapat maglingkod sa Korte Suprema Tinawag ng Pinuno ng Minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na si Nancy Pelosi ang nominado sa Korte Suprema na si Brett Kavanaugh na "masyadong maingay" at sinabing dahil sa kanyang pag-uugali hindi siya karapat-dapat na maglingkod sa Korte Suprema. Ginawa ni Pelosi ang komento sa isang panayam noong Sabado sa Texas Tribune Festival sa Austin, Texas. "Hindi ko maiwasang isipin na kung isang babae ang umastang ganoon, sasabihin nila 'masyadong maingay,'" sabi ni Pelosi tungkol sa kanyang reaksyon sa testimonya ni Kavanaugh sa harap ng Komite ng Hudikatura sa Senado noong Huwebes. Naging emosyonal si Kavanaugh nang itinanggi niya ang mga alegasyon na sekswal niyang inabuso si Dr. Christine Blasey Ford noong mga tinedyer pa sila. Sa kanyang pambungad na pahayag, napaka-emosyonal ni Kavanaugh, halos sumisigaw sa ilang pagkakataon at naiiyak habang tinatalakay ang kanyang pamilya at ang kanyang mga taon sa high school. Lantaran din niyang kinondena ang mga Democrat sa komite, tinatawag ang mga alegasyon laban sa kanya na "pangit at koordinadong paninirang-puri" na inayos ng mga liberal na galit sa pagkatalo ni Hillary Clinton sa halalan sa pagkapresidente noong 2016. Sinabi ni Pelosi na naniniwala siyang pinatunayan ng testimonya ni Kavanaugh na hindi siya maaaring maglingkod sa Korte Suprema, dahil ipinakita nitong hindi siya pabor sa mga Democrat. "Sa tingin ko diniskwalipika niya ang kanyang sarili sa mga pahayag na iyon at sa paraan ng pagtuligsa niya sa mga Clinton at sa mga Democrat," sabi niya. Nag-atubili si Pelosi noong tinanong kung susubukan niyang patalsikin si Kavanaugh kung makumpirma siya, at kung makakuha ang mga Democrat ng mayorya sa Mababang Kapulungan. "Sasabihin ko ito -- kung hindi siya nagsasabi ng totoo sa Kongreso o sa FBI, ibig sabihin hindi siya karapat-dapat hindi lamang sa Korte Suprema, kundi pati sa korte na kinalalagyan niya ngayon," sabi ni Pelosi. Si Kavanaugh ay kasalukuyang isang hukom sa D.C. Circuit Court of Appeals. Idinagdag ni Pelosi na bilang isang Democrat nababahala siya sa mga posibleng desisyon ni Kavanaugh laban sa Affordable Care Act o Roe v. Wade, dahil itinuturing siyang konserbatibong hukom. Sa mga pagdinig para sa kanyang kumpirmasyon, iniwasan ni Kavanaugh ang mga tanong kung babaliktarin ba niya ang ilang mga desisyon ng Korte Suprema. "Hindi ito panahon na pumunta sa korte ang isang maingay at may kinikilngang tao at aasang sasabihin natin, 'hindi ba maganda ‘yon,'" sabi ni Pelosi. At Kailangang Gamitin Ito ng mga Babae. Ito ay makatwirang pagtuligsa, umaapaw ang maraming buwan at taon ng galit, at hindi niya ito mailabas nang hindi umiiyak. "Umiiyak tayo kapag nagagalit tayo," sabi sa akin ni Ms. Steinem makalipas ang 45 taon. "Sa tingin ko karaniwan lang ito, ‘di ba?" Pagpapatuloy niya, "Malaki ang naitulong sa akin ng isang babaeng ehekutibo sa isang lugar, na nagsabing umiiyak din siya kapag nagagalit siya, pero gumawa siya ng paraan na kapag nagagalit siya at nagsisimulang umiyak, sasabihin niya sa taong kausap niya, "Sa tingin mo siguro malungkot ako dahil umiiyak ako. Galit ako." At nagpatuloy siya. Sa tingin ko mahusay ‘yon." Pinahihintulutan ang mga luha bilang paraan ng paglalabas ng galit dahil unang-una mali ang pagkakaintindi sa mga ito. Isa sa aking pinakamalinaw na alaala mula sa mga nauna kong trabaho, sa isang opisinang pinangingibabawan ng mga lalaki, kung saan umiiyak ako nang may hindi mailabas na galit, ay ang pagsunggab sa akin sa kuwelyo ng isang mas matandang babae - isang masungit na manager na palagi kong kinatatakutan - at hinila ako papunta sa isang hagdanan. "Kailanman, huwag mo silang hahayaang makita kang umiiyak," sabi niya sa akin. "Hindi nila alam na galit ka. Akala nila malungkot ka at matutuwa silang napaiyak ka." Si Patricia Schroeder, na noo’y miyembro ng kongreso na Democrat mula sa Colorado, ay nakatrabaho na si Gary Hart sa kanyang mga pagtakbo sa pagkapresidente. Noong 1987, nang nahuli si Mr. Hart sa pangangaliwa sa kanyang asawa sa loob ng isang bangkang tinatawag na Monkey Business at umatras sa laban, naisip ni Ms. Schroeder, na talagang dismayado, na walang dahilan para hindi niya pag-isipang tumakbo mismo sa pagkapresidente. "Hindi talaga napag-isipang mabuti ang desisyon na ‘yon," sabi niya sa akin nang tumatawa makalipas ang 30 taon. "Meron nang pitong kandidato, at hindi na nila kailangan ng isa pa. Tinawag ito ng isang tao na "Snow White and the Seven Dwarfs."" Dahil matagal nang nagsimula ang kampanya, napag-iwanan na siya sa pangangalap ng pondo, kaya nangako siyang hindi siya sasali sa laban maliban kung makalikom siya ng $2 milyon. Walang kapana-panalo ang laban na ‘yon. Nadiskubre niya na ang ilan sa kanyang mga tagasuporta na magbibigay ng $1,000 sa mga lalaki ay magbibigay lang sa kanya ng $250. "Sa tingin ba nila meron akong diskuwento?" tinanong niya. Noong nagtalumpati siya at inanunsiyong hindi siya maglulunsad ng pormal na kampanya, napuspos siya ng emosyon - pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya, pagkadismaya sa sistema kung saan napakahirap mangalap ng pera at puntiryahin ang mga botante sa halip na ang mga delegado, at galit sa diskriminasyon sa kasarian - kaya naiyak siya. "Iisipin mong nagkaroon ako ng nervous breakdown," naalala ni Ms. Schroeder kung ano ang reaksyon ng press sa kanya. "Iisipin mong Kleenex ang nag-isponsor sa akin. Naaalala ko na naisip ko, anong ilalagay nila sa aking lapida? "Umiyak siya?"" Paano makakabuti sa Beijing ang digmaang pangkalakalan ng US-China Nakakabingi ang mga panimulang pasabog sa digmaang pangkalakalan sa pagitan ng US at China, at bagama’t malayo pang matapos ang labanan, maaaring makabuti sa Beijing ang hidwaan sa pagitan ng mga bansa sa pangmatagalang panahon, ayon sa mga eksperto. Inilabas ni Donald Trump, ang Presidente ng US, ang unang babala sa unang bahagi ng taong ito sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa mga pangunahing export ng China kabilang ang mga solar panel, bakal at aluminium. Pumasok ngayong linggong ito ang pinakamalaking pagtindi sa mga bagong taripang nakakaapekto sa $200 bilyon (£150 bilyon) na halaga ng mga bagay, na sa katunayan ay pagpapataw ng buwis sa kalahati ng lahat ng panindang pumapasok sa US mula sa China. Gumaganti ang Beijing sa bawat pagkakataon, pinakahuli ay ang pagpapataw ng taripa na lima hanggang sampung porsiyento sa $60 bilyon ng mga paninda mula sa Amerika. Nangako ang China na tatapatan ang US sa bawat kilos nito, at malamang na hindi kukurap ang pangalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo sa nalalapit na hinaharap. Para umurong ang Washington, kailangang sumuko sa mga hinihingi, pero ang hayagang pagyuko sa US ay magiging kahiyahiya para kay Xi Jinping, ang presidente ng China. Sinasabi pa rin ng mga eksperto na kung kikilos nang maayos ang Beijing, magiging positibo ang suporta sa China ng mga panggigipit ng US sa digmaang pangkalakalan sa pangmatagalang panahon sa pamamagitan ng pagbaba ng antas ng pagkakaugnay ng dalawang ekonomiya. "Ang katotohanang ang isang mabilis na pulitikal na desisyon sa Washington o Beijing ay maaaring lumikha ng mga kondisyon na magpapasimula ng pagsama ng ekonomiya sa alinman sa dalawang bansa, ay mas mapanganib kaysa sa inamin ng mga nagmamasid noon," sabi ni Abigail Grace, isang research associate na nakatuon sa Asia sa Center for New American Security, isang think tank. Syria 'nakahanda' para sa pagbabalik ng mga refugee, sabi ng Foreign Minister Sinasabi ng Syria na handa na ito para sa kusang-loob na pagbabalik ng mga refugee at umaapela para sa tulong sa muling pagbangon ng bansa na winasak ng mahigit sa pitong taong digmaan. Habang nagsasalita sa harapan ng United Nations General Assembly, sinabi ni Foreign minister Walid al-Moualem na bumubuti na ang mga kondisyon sa bansa. "Mas matatag at ligtas na ngayon ang sitwasyon salamat sa nagawang progreso sa paglaban sa terorismo," sabi niya. Patuloy ang paggawa ng pamahalaan ng rehabilitasyon sa mga lugar na sinira ng mga terorista para mapanumbalik ang lahat sa normal. Naroon na ang lahat ng kondisyon para sa kusang-loob na pagbabalik ng mga refugee sa bansang nilisan nila dahil sa terorismo at sa pang-isahang-panig lang na mga hakbang pangkabuhayan na pumuntirya sa kanilang araw-araw na pamumuhay at hanapbuhay. Tinataya ng UN na mahigit 5.5 milyong taga-Syria ang lumikas sa bansa magmula noong nag-umpisa ang digmaan noong 2011. At anim na milyong tao na naninirahan pa rin sa bansa ang nangangailangan ng tulong pangkawanggawa. Sinabi ni Al-Moualem na bukas ang rehimen sa Syria sa tulong sa muling pagbangon ng nawasak na bansa. Ngunit iginiit niya na hindi ito tatanggap ng tulong na may kondisyon o tulong mula sa mga bansang nagtaguyod ng himagsikan. Europa napanalunan ang Ryder Cup sa Paris Napanalunan ng Team Europe ang 2018 Ryder Cup at natalo ang Team USA sa panghuling score na 16.5 sa 10.5 sa Le Golf National sa labas ng Paris, France. Anim na magkakasunod na beses na ngayon ang talo ng US sa Europe at wala pang napanalunang Ryder Cup sa Europe magmula 1993. Nabawi ng Europe ang korona noong naabot ng koponan ng Danish captain na si Thomas Bjorn ang 14.5 puntos na kinailangan nila para talunin ang Estados Unidos. Ang tee-shot ni US star Phil Mickelson, na nahirapan sa buong tournament, ay bumagsak sa tubig sa par-3 16th hole, at tinanggap niya ang pagkatalo kay Francesco Molinari. Nagningning naman ang Italyanong golfer na si Molinari sa lahat ng kanyang round, at naging 1-sa-4 na manlalaro na magkaroon ng 5-0-0 magmula noong nag-umpisa ang kasalukuyang format ng tournanent noong 1979. Ang Amerikanong si Jordan Spieth ay tinalo nang 5&4 ng pinakamababang ranggong manlalaro sa koponan ng Europe, na si Thorbjorn Olesen ng Denmark. Ang top-ranked player ng mundo na si Dustin Johnson ay bumagsak nang 2 at 1 kay Ian Poulter ng England na maaaring nasa huling laro na niya ng Ryder Cup. Ang beterano ng walong Ryder Cup, ang Espanyol na si Sergio Garcia ang naging pinakamatagumpay sa tournament sa lahat ng panahon sa kanyang 25.5 career point. "Hindi ako karaniwang umiiyak pero ngayon hindi ko mapigilan. Naging mahirap ang taong ito. Kaya nagpapasalamat ako para kay Thomas at pinili niya ako at naniwala siya sa akin. Napakasaya kong makuhang muli ang cup. Tungkol ito sa koponan, at masaya akong makatulong," sabi ni Garcia, na naging emosyonal, kasunod ng tagumpay sa Europe. Ipinapasa niya ang tungkulin sa kanyang kababayan na si John Ram na tumalo sa alamat ng US golf na si Tiger Woods nang 2&1 sa laro ng singles noong Linggo. "Talagang ipinagmamalaki ko na tinalo ko si Tiger Woods, lumaki akong pinapanood siya," sabi ng 23-taong-gulang na si Rahm. Natalo si Woods sa lahat ng apat na laro niya sa France at ngayon ay may 13-21-3 career Ryder Cup record. Isang kakaibang istatistika ng isa sa pinakamagagaling na manlalaro sa lahat ng panahon, nanalo ng 14 na malalaking titulo na pumapangalawa lamang kay Jack Nicklaus. Nahirapan ang Team USA sa buong weekend para mahanap ang fairways maliban kay Patrick Reed, Justin Thomas at Tony Finau, na naglaro ng high-calibre golf sa buong tournament. Nagsalita si US captain Jim Furyk matapos ang nakakadismayang performance para sa kanyang squad, "Ipinagmamalaki ko ang mga taong ito, lumaban sila. Nagkaroon ng sandali ngayong umaga na medyo pinahirapan namin ang Europe. Naglaban kami. Saludo kay Thomas. Magaling siyang captain. Napakaganda ng laro ng lahat ng kanyang 12 manlalaro. Magsasama kaming muli, makikipagtulungan ako sa PGA ng Amerika at sa aming Komite ng Ryder Cup at susulong kami. Mahal ko ang 12 taong ito at ikinararangal kong maglingkod bilang captain. Sasaludo ka talaga. Mas magaling lang sila." Update sa Red Tide: Bumaba ang konsentrasyon sa Pinellas, Manatee at Sarasota Ipinapakita ng pinakabagong ulat mula sa Florida Fish and Wildlife Commission ang pangkalahatang pagbaba sa mga konsentrasyon ng Red Tide sa mga bahagi ng Tampa Bay. Ayon sa FWC, iniuulat ang mga kondisyon ng mas maraming patse ng bloom sa mga lugar ng Pinellas, Manatee, Sarasota, Charlotte at Collier county - na nagpapahiwatig ng bumababang konsentrasyon. Ang bloom ng Red Tide ay lumalawig nang humigit-kumulang 130 milya ng baybayin magmula sa mga county ng kanluraning Pinellas hanggang sa katimugan ng Lee. Makikita ang mga patse mga 10 milya mula sa dalampasigan ng Hillsborough County, ngunit mas kaunting lugar kumpara sa nakaraang linggo. Naobserbahan din ang Red Tide sa Pasco County. Naiulat ang katamtamang konsentrasyon sa o malayo sa dalampasigan ng Pinellas County sa nakaraang linggo, mababa hanggang mataas na konsentrasyon sa malayo sa dalampasigan ng Hillsborough County, background hanggang sa mataas na konsentrasyon sa Manatee County, background hanggang mataas na konsentrasyon sa o malayo sa dalampasigan ng Sarasota County, background hanggang katamtamang konsentrasyon sa Charlotte County, background hanggang katamtamang konsentrasyon sa o malayo sa dalampasigan ng Lee County, at mababang konsentrasyon sa Collier County. Patuloy na naiuulat ang mga iritasyon sa paghinga sa mga county ng Pinellas, Manatee, Sarasota, Lee, at Collier. Walang naiulat na iritasyon sa paghinga sa Hilagang Kanluran ng Florida sa nakaraang linggo.