File size: 94,872 Bytes
83647f8
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
151
152
153
154
155
156
157
158
159
160
161
162
163
164
165
166
167
168
169
170
171
172
173
174
175
176
177
178
179
180
181
182
183
184
185
186
187
188
189
190
191
192
193
194
195
196
197
198
199
200
201
202
203
204
205
206
207
208
209
210
211
212
213
214
215
216
217
218
219
220
221
222
223
224
225
226
227
228
229
230
231
232
233
234
235
236
237
238
239
240
241
242
243
244
245
246
247
248
249
250
251
252
253
254
255
256
257
258
259
260
261
262
263
264
265
266
267
268
269
270
271
272
273
274
275
276
277
278
279
280
281
282
283
284
285
286
287
288
289
290
291
292
293
294
295
296
297
298
299
300
301
302
303
304
305
306
307
308
309
310
311
312
313
314
315
316
317
318
319
320
321
322
323
324
325
326
327
328
329
330
331
332
333
334
335
336
337
338
339
340
341
342
343
344
345
346
347
348
349
350
351
352
353
354
355
356
357
358
359
360
361
362
363
364
365
366
367
368
369
370
371
372
373
374
375
376
377
378
379
380
381
382
383
384
385
386
387
388
389
390
391
392
393
394
395
396
397
398
399
400
401
402
403
404
405
406
407
408
409
410
411
412
413
414
415
416
417
418
419
420
421
422
423
424
425
426
427
428
429
430
431
432
433
434
435
436
437
438
439
440
441
442
443
444
445
446
447
448
449
450
451
452
453
454
455
456
457
458
459
460
461
462
463
464
465
466
467
468
469
470
471
472
473
474
475
476
477
478
479
480
481
482
483
484
485
486
487
488
489
490
491
492
493
494
495
496
497
498
499
500
501
502
503
504
505
506
507
508
509
510
511
512
513
514
515
516
517
518
519
520
521
522
523
524
525
526
527
528
529
530
531
532
533
534
535
536
537
538
539
540
541
542
543
544
545
546
547
548
549
550
551
552
553
554
555
556
557
558
559
560
561
562
563
564
565
566
567
568
569
570
571
572
573
574
575
576
577
578
579
580
581
582
583
584
585
586
587
588
589
590
591
592
593
594
595
596
597
598
599
600
601
602
603
604
605
606
607
608
609
610
611
612
613
614
615
616
617
618
619
620
621
622
623
624
625
626
627
628
629
630
631
632
633
634
635
636
637
638
639
640
641
642
643
644
645
646
647
648
649
650
651
652
653
654
655
656
657
658
659
660
661
662
663
664
665
666
667
668
669
670
671
672
673
674
675
676
677
678
679
680
681
682
683
684
685
686
687
688
689
690
691
692
693
694
695
696
697
698
699
700
701
702
703
704
705
706
707
708
709
710
711
712
713
714
715
716
717
718
719
720
721
722
723
724
725
726
727
728
729
730
731
732
733
734
735
736
737
738
739
740
741
742
743
744
745
746
747
748
749
750
751
752
753
754
755
756
757
758
759
760
761
762
763
764
765
766
767
768
769
770
771
772
773
774
775
776
777
778
779
780
781
782
783
784
785
786
787
788
789
790
791
792
793
794
795
796
797
798
799
800
801
802
803
804
805
806
807
808
809
810
811
812
813
814
815
816
817
818
819
820
821
822
823
824
825
826
827
828
829
830
831
832
833
834
835
836
837
838
839
840
841
842
843
844
845
846
847
848
849
850
851
852
853
854
855
856
857
858
859
860
861
862
863
864
865
866
867
868
869
870
871
872
873
874
875
876
877
878
879
880
881
882
883
884
885
886
887
888
889
890
891
892
893
894
895
896
897
898
899
900
901
902
903
904
905
906
907
908
909
910
911
912
913
914
915
916
917
918
919
920
921
922
923
924
925
926
927
928
929
930
931
932
933
934
935
936
937
938
939
940
941
942
943
944
945
946
947
948
949
950
951
952
953
954
955
956
957
958
959
960
961
962
963
964
965
966
967
968
969
970
971
972
973
974
975
976
977
978
979
980
981
982
983
984
985
986
987
988
989
990
991
992
993
994
995
996
997
998
999
1000
1001
1002
1003
1004
1005
1006
1007
1008
1009
1010
1011
1012
1013
1014
1015
1016
1017
1018
1019
1020
1021
1022
1023
1024
1025
1026
1027
1028
1029
1030
1031
1032
1033
1034
1035
1036
1037
1038
1039
1040
1041
1042
1043
1044
1045
1046
1047
1048
1049
1050
1051
1052
1053
1054
1055
1056
1057
1058
1059
1060
1061
1062
1063
1064
1065
1066
1067
1068
1069
1070
1071
1072
1073
1074
1075
1076
1077
1078
1079
1080
1081
1082
1083
1084
1085
1086
1087
1088
1089
1090
1091
1092
1093
1094
1095
1096
1097
1098
1099
1100
1101
1102
1103
1104
1105
1106
1107
1108
1109
1110
1111
1112
1113
1114
1115
1116
1117
1118
1119
1120
1121
1122
1123
1124
1125
1126
1127
1128
1129
1130
1131
1132
1133
1134
1135
1136
1137
1138
1139
1140
1141
1142
1143
1144
1145
1146
1147
1148
1149
1150
1151
1152
1153
1154
1155
1156
1157
1158
1159
1160
1161
1162
1163
1164
1165
1166
1167
1168
1169
1170
1171
1172
1173
1174
1175
1176
1177
1178
1179
1180
1181
1182
1183
1184
1185
1186
1187
1188
1189
1190
1191
1192
1193
1194
1195
1196
1197
1198
1199
1200
1201
1202
1203
1204
1205
1206
1207
1208
1209
1210
1211
1212
1213
1214
1215
1216
1217
1218
1219
1220
1221
1222
1223
1224
1225
1226
1227
1228
1229
1230
1231
1232
1233
1234
1235
1236
1237
1238
1239
1240
1241
1242
1243
1244
1245
1246
1247
1248
1249
1250
1251
1252
1253
1254
1255
1256
1257
1258
1259
1260
1261
1262
1263
1264
1265
1266
1267
1268
1269
1270
1271
1272
1273
1274
1275
1276
1277
1278
1279
1280
1281
1282
1283
1284
1285
1286
1287
1288
1289
1290
1291
1292
1293
1294
1295
1296
1297
1298
1299
1300
1301
1302
1303
1304
1305
1306
1307
1308
1309
1310
1311
1312
1313
1314
1315
1316
1317
1318
1319
1320
1321
1322
1323
1324
1325
1326
1327
1328
1329
1330
1331
1332
1333
1334
1335
1336
1337
1338
1339
1340
1341
1342
1343
1344
1345
1346
1347
1348
1349
1350
1351
1352
1353
1354
1355
1356
1357
1358
1359
1360
1361
1362
1363
1364
1365
1366
1367
1368
1369
1370
1371
1372
1373
1374
1375
1376
1377
1378
1379
1380
1381
1382
1383
1384
1385
1386
1387
1388
1389
1390
1391
1392
1393
1394
1395
1396
1397
1398
1399
1400
1401
1402
1403
1404
1405
1406
1407
1408
1409
1410
1411
1412
1413
1414
1415
1416
1417
1418
1419
1420
1421
1422
1423
1424
1425
1426
1427
1428
1429
1430
1431
1432
1433
1434
1435
1436
1437
1438
1439
1440
1441
1442
1443
1444
1445
1446
1447
1448
1449
1450
1451
1452
1453
1454
1455
1456
1457
1458
1459
1460
1461
1462
1463
1464
1465
1466
1467
1468
1469
1470
1471
1472
1473
1474
1475
1476
1477
1478
1479
1480
1481
1482
1483
1484
1485
1486
1487
1488
1489
1490
1491
1492
1493
1494
1495
1496
1497
1498
1499
1500
1501
1502
1503
1504
1505
1506
1507
1508
1509
1510
1511
1512
1513
1514
1515
1516
1517
1518
1519
1520
1521
1522
1523
1524
1525
1526
1527
1528
1529
1530
1531
1532
1533
1534
1535
1536
1537
1538
1539
1540
1541
1542
1543
1544
1545
1546
1547
1548
1549
1550
1551
1552
1553
1554
1555
1556
1557
1558
1559
1560
1561
1562
1563
1564
1565
1566
1567
1568
1569
1570
1571
1572
1573
1574
1575
1576
1577
1578
1579
1580
1581
1582
1583
1584
1585
1586
1587
1588
1589
1590
1591
1592
1593
1594
1595
1596
1597
1598
1599
1600
1601
1602
1603
1604
1605
1606
1607
1608
1609
1610
1611
1612
1613
1614
1615
1616
1617
1618
1619
1620
1621
1622
1623
1624
1625
1626
1627
1628
1629
1630
1631
1632
1633
1634
1635
1636
1637
1638
1639
1640
1641
1642
1643
1644
1645
1646
1647
Ang aklat na ito ay ginawa upang matulungan ang mga bata na magsulat at mapalawak ang kanilang kaalaman at magamit ito sa paglilinang ng pangunahing kasanayan sa pakikinig at pagbabasa.
Pinagsumikapan ng may akda na maiugnay sa Developmental Domains and Benchmark Expectations ng K to 12 Kurikulum.
Kabilang dito ang mga sumusunod.
Kagandahang asal.
Nakagagawa nang nag-iisa.
Naipapakita ang kusang pagtulong sa panahon ng pangangailangan.
Pagpapaunlad sa kakayahang sosyo-emosyonal.
Naipapakita ang tiwala sa sarili na tugunan ang sariling pangangailangan.
Naipapakita ang kahandaan na sumubok sa bagong karanasan.
Nakapagbubuo ng pagkakaibigan.
Nabibigyang pansin ang linya.
Nakakalikha ng iba't ibang bagay sa pamamagitan ng malayang pagguhit.
Lunes nang umaga, sa loob ng silid aralan ay magsisimula na ng klase.
Parang ako lang ang naiba sa lahat ng mga bata.
Lahat sila ay masasaya, kinakabahan ako, bulong ni Cesar sa sarili.
Magandang umaga sa inyong lahat!
Ihanda na ang lapis at papel at tayo ay magsusulat na.
Lalong bumilis ang tibok ng aking puso sa pagdating ni titser.
Parang unti-unting nanghihina na naman ang aking kamay.
Cesar, may dala ka bang lapis?
Gusto ko sanang sabihin kay Titser na wala akong dala pero siguradong gagawa siya ng paraan para magkaroon ako ng lapis.
Opo, Titser mayroon po akong lapis, ang mahina kong sagot.
Baka mapagalitan ako ni Titser kapag hindi ako nagsulat.
Hindi naman ako tamad pero talagang hindi ko kayang hawakan nang tama ang lapis.
Tinitingnan ko ang mga kaklase ko ang bilis at ang gagaling nilang magsulat.
Bakit ako hindi ko kayang magsulat?
Hahawakan ko pa lang ang lapis ay mali na agad.
Paano ba ang gagawin ko?
Tinitigan ko na lang ang aking lapis at unti-unti kong ipinikit ang aking mata.
Tutulungan kita, sabi ng masayahing tinig.
Sino ka? tanong ko.
Ako ang tutulong sa iyo.
Isang nakakatuwang lapis ang aking nakita.
Marami siyang kayang gawin.
Tumalon, sumayaw at umikot.
Hawakan mo ako! ang sabi ng lapis.
Sige! sagot ko.
Gumaan ang aking pakiramdam, para akong dinuduyan at lumilipad sa langit.
Habang hawak mo ako ay kakayanin mo nang isulat ang lahat ng maisip mo.
Totoo ba iyon?
Hindi ako marunong magsulat.
Kumuha ka ng papel.
Isulat mo na ang gusto mo.
Kumuha ako ng papel at hinawakan ko nang mahigpit ang mahiwagang lapis.
Sinubukan kong isulat ang aking buong pangalan.
Naisulat ko na nga.
Ang galing!
Noon ay kahit letrang C ay hindi ko kayang isulat.
Naniniwala ka na ba sa akin? 
Nakita kasi kita na malungkot dahil hindi ka marunong magsulat, gusto kitang tulungan.
Sige, tulungan mo ako, gusto kong matutong magsulat, matutulungan kita pero gusto kong malaman mo na hindi ko kayang gumuhit nang mag-isa.
Kailangan ay may kamay na hahawak sa akin para ako ay magamit.
Ako ay may pambura at tinatasahan din.
Kapag ako ay tinatasahan, unti-unti din akong mauubos katulad ng ibang lapis.
Ibig sabihin ay sandali lang tayong magkakasama?
Oo, ganun na nga.
Kailangan mong matutong magsulat bago ako maubos.
Naging masaya ang bawat araw ni Cesar gamit ang mahiwagang lapis.
Napansin ito ng kanyang guro kaya lagi na rin siyang napupuri.
Magaling nang magsulat si Cesar.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag marunong kang magsulat.
Sana ay marunong na talaga akong magsulat.
Naku! malapit na palang maubos ang aking lapis.
Ayaw ko nang bumalik sa dati.
Gusto ko nang matutong sumulat.
Pag-aralan mong mabuti kung paano naisusulat ang bawat linya o letra, hawakan mong mabuti ang lapis at simulan ang pagguhit ng linya mula sa kaliwa papuntang kanan, maaari ka ding magsimula sa itaas hanggang paibaba.
Susubukan kong gumamit ng ibang lapis baka naman kaya ko na. 
Iisipin ko lang na kaya ko ito.
Hirap pa din ako, hindi ko pa rin kaya, nagagawa ko lang magsulat nang dahil sa iyo pero kung ako na lang mag-isa, wala na ulit.
Huwag kang malungkot Cesar, ako nga ay malapit ng maubos at wala na rin naman akong magagawa kung walang hahawak sa akin.
Tingnan mo nung hawakan mo ako, nakasulat tayo ng mga letra.
Tayong dalawa ang gumawa nun.
Ibig sabihin, kaya mo rin.
Tama ang kaibigan kong lapis, kailangan ko lang magtiwala.
Itutuloy ko lang ang pagsusulat.
Praktis pa.
Tiyaga lang, kakayanin ko ito.
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay ni Cesar.
Sa wakas ay nakakasulat na ako.
Salamat sa iyo kaibigang lapis natuto na rin ako.
Salamat din sa iyo Cesar.
Pero nalulungkot din ako na malapit ka nang maubos.
Huwag ka nang malungkot, ang mahalaga ay natuto ka na at nagkasama tayo.
Unti-unting lumutang at nagliwanang ang mahiwagang lapis kasabay ng pagkaway nito.
Paalam na sa iyo Cesar.
Paalam na kaibigang lapis.
Kumaway din pabalik si Cesar.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin at nabuo muli ang lapis.
Masayang masaya ang lapis.
Hindi ko nga pala nasabi sa iyo na kapag natutong magsulat ang humawak sa akin ay muli akong mabubuo.
Dahil sa iyo yun Cesar.
Ngayon ay hahanap akong muli ng batang hindi marunong magsulat upang aking matulungan.
Lagi mong tatandaan Cesar, akoang iyong kaibigang lapisna nagsasabing, "Laging ayusin, pagandahin iyong sulat."
Oo, kaibigan kong lapis lagikong tatandaan ang iyong mga payo.
Cesar, Cesar, gising na nakatulog ka kanina.
Sori po Titser Ana.
O sige heto ang lapis, ibibigay ko na lang sa iyo itong lapis ko.
Magsimula ka nang magsulat.
Ha! Ang kaibigan kong lapis.
Kulayan nang tama si Cesar at ang mahiwagang lapis.
Gayahin ang kulay ng nakalarawan.
Kulayan ng tama ang mahiwagang lapis.
Gayahin ang kulay ng larawan.
Kulayan nang tama si Cesar at si Titser Ana.
Gayahin ang kulay ng nakalarawan.
Si Cesar ay isang mag-aaral sa Kindergarten na hirap magsulat at walang tiwala sa sarili.
Dahil dito ay naging malungkot ang bawat araw niya sa loob ng silid aralan.
Hanggang sa dumating sa buhay niya ang mahiwagang lapis na tutulong sa kanya upang matuting magsulat na magiging daan upang maging kapana panabik ang bawat araw sa kanyang buhay.
Ang Pamamasyal ni Pepe
Pagdating sa bahay binigyan niya ang kanyang ina, ate at kuya ng tigtatatlong hopia.
Ilang lahat ang hopia na kanyang ibinigay?
Bago sila umuwi ay bumili ang kanyang ama ng hopia.
Napansin niya na anim na tiglimang piso ang ibinayad ng kanyang ama.
Magkano lahat ang kanilang ibinayad?
Pagdating sa parke, nakita niya ang dalawang poste na may nakataling tig-apat na lobo.
Ilan lahat ang lobo?
Tuwing araw ng sabado, si Pepe kasama ng kanyang ama ay namamasyal.
Napadaan sila sa palaruan.
Nakita nila na may tatlong grupo ng tig-dalawang bata na naglalaro ng Jack en Poy.
Ilang lahat ang mga bata?
Sumakay sila sa bus.
Nakita niyang may anim na hilera ng upuan na may tigdalawang pasahero.
Ilan lahat ang pasahero?
Si Pugak Tagak at Islaw Kalabaw
Si Islaw Kalabaw ay isang masipag na kalabaw.
Maaga pa lamang ay nasa bukid na siya para magtrabaho.
Si Pugak Tagak naman ay ang kaibigang tagak ni Islaw Kalabaw.
Isang umaga habang si Islaw Kalabaw ay namamahinga sa putikan, biglang dumating si Pugak Tagak.
Kumusta ka na Islaw? tanong ni Pugak Tagak.
Heto ako kaibigang Pugak nagpapahinga dahil pagod na pagod sa kaaararo mula pa kaninang madaling araw.
Ngayon lang ako natapos, sagot ni Islaw Kalabaw.
Hindi naawa si Pugak Tagak sa kaibigang kalabaw bagkus ay tinawanan pa ito nang malakas.
Kawawa ka naman kaibigang Islaw.
Tingnan mo ako, walang kapagod-pagod sa buhay.
Malaya akong nakalilipad, nakakakain at nagagawa ang anumang gusto ko, pagmamalaki ni Pugak Tagak.
Tahimik lamang na nakikinig si Islaw Kalabaw kay Pugak Tagak na tumatawa habang lumilipad.
Dahil sa katatawa, nabangga si Pugak Tagak sa puno!
Hindi na makalipad si Pugak Tagak dahil nabali ang kaniyang pakpak.
Kawawang Pugak, sabi ni Islaw Kalabaw.
Naawa si Islaw Kalabaw kay Pugak Tagak kaya mabilis siyang umahon sa putikan upang tulungan ito.
Salamat Islaw.
Sa kabila ng ginawa ko sa iyo ay tinulungan mo pa ako.
Patawarin mo ako kaibigan, sambit ni Pugak Tagak.
Walang anuman Pugak, pinapatawad na kita, sagot ni Islaw Kalabaw.
Islaw! Islaw! Halika na may dala ako sa iyong matataba at sariwang damo, malambing na tawag ng amo ni Islaw Kalabaw.
Lumapit si Islaw bitbit si Pugak Tagak.
Nakita ng amo ni Islaw Kalabaw si Pugak Tagak. 
Kinuha niya ito para gamutin.
Magmula noon, naging mabuti na ang pakikitungo ni Pugak Tagak kay Islaw Kalabaw.
Si Pugak Tagak at si Islaw Kalabaw ay kuwento na isinulat ni Eva Rhodora A. Sales.
Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa Ikalawang Baitang sa Morales Elementary School, Koronadal City Division, Rehiyon 12.
Si Eva Rhodora ay nakapagsulat na ng mga aklat sa Kindergarten at Elementarya na inilatha ng MECS Publishing House, General Santos City.
Paano Natututunan ng mga Bata ang Matematika
Ang matematika ay nakikita ng karamihan bilang isang napakahirap at masalimuot na asignatura.
Subalit kung sa murang edad ng bata ay naituturo eto bilang isang masayang kabahagi ng kanyang buhay, ang mga maling paniniwala at hakahaka ay mawawala.
Dito ay ating makikita ang simula ng pagkakatuto ng matematika ng mga bata.
Ilang bibe ang naglalakad sa damuhan?
Ilan ang mga batang naglalaro ng bola? 
Ang matematika ay nakikita ng karamihan bilang isang napakahirap at masalimuot na asignatura.
Subalit kung sa murang edad ng bata ay naituturo eto bilang isang masaya at kabahagi ng kanyang buhay, lahat ng maling paniniwala at hakahaka ay mawawala.
Pangalawang pagkakatuto nila ng pagbilang o pagbibigay ng bilang ay nakukuha sa mga larong pambata tulad ng "pagbilang ko ng tatlo, nakatago na kayo- isa, dalawa, tatlo, heto na ako..." at iba pang mga laro na kailangang magbilang na magsisilbing hudyat ng pagsisimula.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga gawaing pangsilid-aralan.
Ilang mga bituwin ang makikita sa larawan?
Dito mas lumalawak ang kanilang kaalaman sa mga bagay bukod pa sa mga natutunan nila sa kanilang tahanan.
Natututo silang makatukoy ng iba-ibang kulay, at magpangkat-pangkat ng mga bagay ayon sa mga kategorya.
Pagsapit ng edad lima ay nasa paaralan na ang mga bata. 
Dito ay mas malawak na ang natututunan nila bukod sa mga natutunan nila sa kanilang mga tahanan.
Mas nagiging masaya ang karanasan ng mga bata sa pag-aaral ng matematika dahil nagsisimula sila sa pagkilala ng mga kulay, laki, hugis at bilang (whole numbers).
Ang "whole numbers" na nagsisimula sa isa ay ginagamit sa pagbilang.
Ang unang sampung bilang na "counting numbers" ay ang mga sumusunod: 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10.
Sa edad na lima at nasa paaralan na ang mga bata.
Dito mas lumalawak ang kanilang kaalaman sa mga bagay bukod pa sa mga natutunan nila sa kanilang tahanan.
Natututo silang makatukoy ng iba-ibang kulay.
Ang lahat ng bagay sa mundo ay may pinagmulan. 
Isa sa mga paraan upang maisabuhay ito ay sa pamamagitan ng pagkukwento. 
Napakahalagang karanasan sa bawat batang Pilipino ang makatuklas ng kakaibang bagay na siyang tutulong upang mahubog ang kanilang kaalaman. 
Sa pagbabasa ng kwento mula sa libro, makapaglalakbay sila sa kakaibang mundo na punongpuno ng hiwaga.
Ang kwentong ito ay nakabatay sa K-12 Standards and Competencies for Five-Year-Old Filipino Children na nag-aaral sa Kindergarten. 
Nakahanay ito sa Domain E. Language, Literacy and Communication na may kaugnay na batayang Visual Perception and Discrimination. 
Natutukoy dito ang kasanayang Naisasabi ang kaibahan ng mga bagay at larawan base sa kanilang kulay, porma, sukat, direksyon at iba pa.
Malalaman din ang Domain G. Understanding the Physical and Natural Environment na may kaugnay sa batayang Earth Science: Environment and Weather. 
Natutukoy dito ang kasanayang naisasabi at naisasalarawan ang iba’t ibang uri ng panahon tulad ng tag-init, tag-ulan at maulap.
Sa mga guro o mananalasay, layunin ng bawat isa sa atin na buksan ang isipan ng bawat bata at punuin ito ng karunungan upang maging gabay nila sa pagtuklas ng makahulugang karanasan.
Hikayatin at pagtibayin natin na ibang iba pa rin kung ang bawat batang Pilipino ay bumabasa ng mga kwento sa libro.
Noong unang panahon, isang Prinsesang Diwata ang binigyan ng regalo ng kanyang Amang Bathala. 
Ito ay hugis bilog at punongpuno ng iba’t ibang bagay na may buhay at pinangalanan niya itong Mundo.
Unang nilikha ng Prinsesang Diwata ang taga-kulay na sina Itim at Puti.
Si Itim ang naatasang magpanatili sa hugis ng bawat bagay sa mundo at si Puti naman ang kumukulay.
Ngunit napansin ng Prinsesang Diwata na parang may kulang.
Wika niya, Ano kaya ang kulang sa iyo? 
Alam ko na! 
Dapat magkaroon ka ng iba pang kulay!
Kaya nilikha niya ang bagong mga taga-kulay. 
Ito ay sina Dilaw, Bughaw, Luntian, Pula, Kayumanggi, Dalandan at Ube. 
Bawat isa sa kanila ay binigyan ng responsibilidad.
Si Dilaw ang palaging kumukulay kay Haring Araw upang manatiling maliwanag ang kapaligiran.
Si Bughaw ang kumukulay sa katubigan at kalangitan.
Kay Luntian naman ang mga dahon ng mga puno at mga halaman.
Si Pula ang kumukulay sa lahat ng mga bunga ng puno ng mansanas kaya’t sobrang sarap at tamis ng mga ito.
Si Kayumanggi naman ang kumukulay sa kalupaan.
Si Dalandan ang kumukulay sa iba’t ibang mga bulaklak at sa mga dahon ng puno tuwing taglagas.
At si Ube naman ang kumukulay sa mga sariwang gulay at prutas tulad ng talong at ubas.
Dahil sa mga bagong taga-kulay nagkaroon ng buhay ang lahat ng bagay sa mundo.
Isang araw kinausap ni Prinsesang Diwata si Puti. 
Wika niya, Huwag mong hayaan na makulayan ng iba ang mga ulap, lalong-lalo na ni kulay Itim.
Sapagkat hindi maganda ang mangyayari.
Dahil sa inggit ni Itim sa mga bagong kulay, naisipan niyang haluan ang mga ulap ng kulay itim.
Kumulog, kumidlat at biglang bumuhos ang malakas na ulan na nanggagaling sa mga ulap.
Nabura ang mga kulay ng lahat ng bagay sa mundo at unti-unting dumilim ang buong paligid. 
Sa pagkawala ng lahat ng kulay, naipakita ni Prinsesang Diwata kung ano ang mangyayari kapag kulay lamang ni Itim ang mangingibabaw sa mundo. 
Patawad po, Prinsesang Diwata, pakiusap ni Itim.
Naawa si Prinsesang Diwata at upang di na mainggit pa si Itim, inatasan niya itong kulayan ang kalangitan tuwing gabi.
Gumawa rin si Prinsesang diwata ng panibagong kulay na mula sa bukangliwayway, ito ay si Indigo.
Sa tulong ni Indigo, ang lahat ng taga-kulay ay nagkaisa upang muling maibalik ang liwanag at kagandahan sa mundo.
Lumikha sila ng isang bahaghari upang maibalik ang kulay ng mundo. 
Ito ay nagsisilbing paalala na ang bawat unos ay kayang lampasan.
Mula noon, namuhay na nang masaya ang mga taga-kulay nagkakaisa kahit nagkakaiba.
Ito ang kanyang naging unang libro.
Sa kanyang kabataan, siya ay tulad din ng ibang bata na nasisiyahang makakita ng bahaghari. 
Dito niya hinango ang inspirasyon para mabuo ang kwentong ito.
Ngayon, siya ay nagtuturo na ng Kindergarten.
Nais niyang maibahagi ang kagandahan ng bawat bagay at ang kulay na taglay nito.
Nais din niyang bigyang-diin ang hindi magandang dulot ng pag-iimbot at inggit sa isang indibidwal. 
Datapwat ipamalas ang pagpapahalaga at pagrespeto sa pagkakaiba ng bawat isa.
Ang mundo noon ay may dalawang kulay lamang, Itim at Puti.
Ngunit paano kaya ito magkakaroon ng iba pang kulay na magbibigay ng buhay sa lahat ng bagay sa mundo?
Sa kwentong ito maipakikilala ang iba’t ibang kulay. 
Ito rin ay maghahatid ng aral kung paano tinanggap ni Itim ang mga pagbabago sa mga bagay na kanyang nakasanayan.
Si Gingging Gagamba
Ang aklat na ito ay batay sa orihinal na kuwento ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, Ang Gamu Gamo.
Nilapatan ito ng mas maraming tauhan, lugar at mga bagay-bagay na aakma sa mga aralin sa kindergarten. 
Matutunghayan din dito ang kahalagahan ng pagsunod sa magulang, pag-iingat at pagpapahalaga sa sarili at kahalagahan ng pagkakaroon ng kagandahangasal sa pakikisalamuha sa iba. 
Lahat ng mga ito ay makatutulong sa pitong kasanayan na dapat mapaunlad at malinang sa isang bata na nasa Kindergarten. 
Kaya’t ating samahan ang ating mga anak at mag-aaral sa pagbasa ng kuwento.
Magbasa! Maglakbay! Matuto! Halina’t tuklasin at alamin ang mundo ni Gingging! 
Tulong! Tulong! sigaw ni Gege Langaw.
Sa wakas ay mayroon na siyang almusal.
Dali-dali niya itong sinaputan at ginawang almusal ito.
Nabusog siya kaya napagpasyahan niyang magpahinga muna sa kaniyang sapot.
Habang nagpapahinga, siya ay nakaidlip.
Mula sa kaniyang sapot, bumaba siya nang dahan-dahan.
Saan ka pupunta anak? tanong ng ina.
Huwag kang bababa at lubhang mapanganib.
Mapapahamak ka sa baba! paalala ng ina.
Hmp! Ang dami namang bawal! sambit niya sa kaniyang sarili.
Sa halip na sumunod sa ina, nagmadali siyang bumaba at gumapang palayo.
Nakita niya sina Gangga Langgam na abala sa paghahakot ng mga butil ng palay.
Nagpatuloy siya sa kanyang pamamasyal hanggang makarating siya sa isang hardin.
Wow ang ganda! ang sabi niya.
At doon nakita niya si Gogo Bubuyog na nakadapo sa ibabaw ng bulaklak.
Sarap na sarap sa pagsipsip ng nektar nito.
Nakita rin niya sina Gugu Paruparo na lumilipad sa itaas ng mababango at makukulay na rosas.
Masayang masaya si Gingging Gagamba sa mga tanawing kaniyang nakikita.
Nang biglang, Aay, naku po! sigaw ni Gingging Gagamba.
Muntik na pala siyang matapakan ni Gardang Baka na abala sa pagkain ng damo.
Hanggang makarating siya sa isang lawa. 
Napakaraming kulisap dito.
Gagawa ako ng patibong para mabusog na naman ako, he,he,he! nakangising sabi ni Gingging Gagamba.
Paakyat na siya ng damo nang biglang tsak.
Yam,yam,yam! tuwang-tuwang sabi ni Goryo Palaka.
Ang kaawa-awang si Gingging Gagamba nakain siya ni Goryo Palaka. 
Sumigaw nang malakas si Gingging Gagamba ngunit walang boses na lumabas sa kaniyang bibig. 
Tumigas ang buo niyang katawan.
Anak, anak ! gising ng ina.
Hay, panaginip lang pala! Salamat naman! usal ni Gingging Gagamba. 
Magmula po ngayon nanay susunod na ako sa mga tagubilin ninyo. 
Mag-iingat na po ako at hindi na po ako magpapasaway sa inyo para hindi po ako mapahamak. 
Mahal na mahal kita nanay! sabi ni Gingging Gagamba sa kaniyang ina.
At niyakap nang mahigpit ni Inang Gagamba si Gingging Gagamba.
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Saan-saang mga lugar ang kanyang napuntahan?
Sa kaniyang pamamasyal, sino-sino ang kaniyang mga nakita?
Ano-ano ang mga pagkain ng bawat hayop sa kuwento?
Ano ang ginawa ni Goryo palaka kay Gingging Gagamba na nakapagpabago sa kanya?
Ang batang masunurin ay pagpapalain ng Diyos na may lalang sa atin.
Gintong-Aral Maging masunurin sa magulang upang hindi mapahamak. 
Ugaliin na may kasamang nakatatanda kung lalabas ng bahay.
Si Goldie ay isang isdang nakatira sa isang maliit na akwaryum. 
Kasama niya sina Molly at Angel.
Siya ay madalas magyabang. 
Ako na talaga ang pinakamaganda. 
Kinagigiliwan akong panoorin ng mga tao.
Tama ka, Goldie. 
Aliw na aliw sila sa mahaba at maganda mong buntot, sagot ni Molly.
Isang araw, galit na galit si Goldie.
Nakakainis at walang kuwenta! sigaw niya.
Bakit ka ba nagagalit? tanong ni Angel. 
Pasigaw na sumagot si Goldie. 
Naiinis ako sa halamang iyan. 
Natatabunan kasi ang ganda ko kapag ako’y lumalangoy!
Dapat sa kanya ay sirain para walang sagabal sa mga manonood! sabi ni Goldie sabay kagat sa halamang tubig. 
Nang sumunod na mga araw ay nahirapang huminga si Goldie. 
Nahirapan ding huminga sina Molly at Angel.
Sumigaw si Goldie. 
Bakit tayo nahihirapang huminga?
Naubos na ang oxygen sa tubig! 
Ang sinira mong halaman ay siyang tumutulong magbigay ng oxygen
upang tayo ay makahinga, sagot ni Angel.
Humingi ng tawad si Goldie. 
Patawad sa aking labis na pagmamayabang at pagsira sa halamang tubig.
Nagkulang din kami dahil hindi ka namin sinaway.
Lahat tayo ay may tungkulin upang mapanatiling maayos ang ating tirahan, sabi ni Molly.
Napansin ng may-ari ng akwaryum ang matamlay na kilos ng mga isda.
Nang sumunod na araw, naglagay ng bagong halamang tubig sa loob ng akwaryum ang may-ari.
Tuwang-tuwa sina Goldie.
Kuwento ito ng isang batang masipag mag-aral.
Isang araw, binilinan siya ng kanyang nanay na magdala ng payong dahil baka umulan.
Ayaw niyang sundin ang payo ng kaniyang ina ngunit sa bandang huli ay napilit rin siya.
Dahil dito, siya ay laging ligtas sa panahon ng tag-ulan.
Dalawang mahahalagang aral ang ating matututuhan sa kwentong ito: Una, laging makinig sa payo ng ating mga magulang at ikalawa, maging handa sa panahon ng tag-ulan.
Si Biboy ay isang batang masipag mag-aral. 
Kahit kailan ay hindi siya lumiliban sa klase.
Araw-araw ay gumigising siya nang masaya at naghahanda para pumasok sa paaralan.
Siya si Nanay Azon. 
Isang mapagmahal at maalalahaning ina sa kanyang anak.
Isang umaga, araw ng Biyernes, napansin ni nanay Azon na madilim ang panahon.
Anak, huwag mong kalilimutang dalhin ang iyong payong at baka maabutan ka ng malakas na ulan, sabi ni Nanay Azon.
Ayaw ko po inay, marami na po akong dalang gamit. Baka makalimutan ko lang po, tugon ni Biboy.
Ngunit kahit ayaw ni Biboy ay napilit pa rin siya ng kanyang nanay.
Sa paaralan, masayang nagtuturo ang guro at nakikinig ang mga bata nang biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan. 
Ito ay hindi na huminto hanggang sa oras ng uwian.
Naku! Ang lakas pa rin ng ulan. 
Paano na ako makakauwi ng bahay? bulong ni Biboy sa kanyang sarili.
Nang bigla niyang maalala ang payong na isinabit niya, Naku! Narito pala ang payong na isinabit ko, makakauwi na rin ako nang hindi mababasa, sabi ni Biboy.
Habang siya’y naglalakad, nakakita si Biboy ng mga batang nagtatakbuhan sa ulan upang makauwi agad ng bahay.
Biboy, buti ka pa may dalang payong, hindi ka nababasa sa ulan, sigaw ng isang bata.
Nginitian ito ni Biboy, sabay sabing, Halikayo, sukob tayo!
Pagdating sa bahay, sinalubong niya ng yakap ang kanyang ina Nanay, salamat po kasi pinagdala ninyo ako ng payong at hindi ako nabasa, Buti Na Lang!
Kulayan ang mga bagay na ginagamit na pang-proteksyon sa ulan.
Si Biboy ay isang batang mahilig mag-aral. 
Binilinan siya ng kanyang nanay na magdala ng payong dahil madilim ang panahon. 
Ayaw sumunod ni Biboy pero napilit pa rin siya ni Nanay Azon.
Uwian na, pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. 
Ano ang gagawin ni Biboy? Paano siya magiging ligtas sa ulan?
Ito ay binubuo ng 40 bahagi o Content Focus base sa 2017 Kindergarten Teacher's Guide ng DepEd. 
Karamihan sa mga pahina ng mga gawain ay nangangailangan ng kasanayan sa pagkulay sapagka’t nilalayon nito na mahubog ang pagkamalikhain ng mga bata. 
Ang pagkukulay ng mga larawan ay makakatulong din upang maging masaya ang mga bata lalo na sa mga unang araw nila sa paaralan. 
Bukod dito, ang pagkukulay ay makakatulong sa paghubog ng kanilang fine motor skills.
Upang mas mapaigting ang kanilang pagiging malikhain, maaaring magbigay ang guro ng modelo o mungkahi sa mga dapat gamiting kulay sa simula ng pagaaral ngunit hayaan sila sa mga susunod na pagkakataon na magdesisyon kung ano ang nais nilang gamiting pangkulay. 
Sa pamamagitan nito, matututo ang mga batang gumawa ng sariling desisyon o maging independent.
Karamihan din sa mga gawain dito ay nagpapaigting ng mga pagpapahalagang pang-Filipino o Filipino values at mga pangkalahatang pagpapahalaga gaya ng pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan, ng tamang ugali at desisyon. 
Inaasahang magsisikap ang mga magaaral na sagutan ang mga pagsasanay nang walang tulong upang malaman ang kanilang mga saloobin.
Gayunpaman, may ilang pagsasanay din na nangangailangan ng tulong ng magulang o guro, lalo na ang mga bahagi ng pagsusulat. 
Upang masiguro ang masaya at makabuluhang pagkatuto, dapat siguraduhin ng mga guro na naintindihan ng mga bata ang panuto bago nila sagutan ang mga gawain.
Ako ay kabilang sa mga mag-aaral sa Kinder.
Handa ka na bang pumasok sa paaralan kagaya ni Sheki? 
Kulayan ang larawan ni Sheki.
Kumusta? 
Ako si Sheki.
Ako ay limang taong gulang na. 
Ako ay handa na para sa Kindergarten. 
Bilugan ang larawan ng guro at ikahon naman ang larawan ng mga mag-aaral. 
Kulayan mo ang mga mukha ng aking kamag-aaral upang makita mo ang matatamis nilang ngiti.
Ano ang laman ng inyong silid-aralan?
Markahan ang mga nakaguhit kung ito ay makikita sa inyong silid.
Alin sa mga nakaguhit ang wala sa inyong silid? 
Bakit?
Tingnan ang iyong paligid. Bilangin kung ilan sa mga nakaguhit sa ibaba ang makikita sa inyong silid. 
Ilagay ang bilang sa loob ng kahon sa tapat ng larawan. 
Pagmasdan ang mga nakaguhit sa loob ng kahon. 
Ilan sa mga ito ang nakikita mo sa inyong paaralan? 
Lagyan ng ang mga lugar na napapansin mo sa inyong paaralan.
Kilala mo ba ang mga hugis na ito?
Ang mga Pangunahing Hugis
Ito ay bilog. 
Ang bilog ay walang sulok o kanto sa gilid. 
Tingnan ang iyong paligid.
May nakikita ka ba na kagaya ng hugis na ito? 
Iguhit ang mga bagay na bilog ang hugis.
Ito ay parisukat. 
Ang parisukat ay may apat na sulok at pantay-pantay na mga gilid. 
Tingnan ang iyong paligid. 
May nakikita ka ba na kagaya ng hugis na ito?
Iguhit ang mga bagay na parisukat ang hugis.
Ito ay parihaba. 
Ang hugis na ito ay may apat na sulok at dalawang pares ng magkapantay na gilid. 
Tingnan ang iyong paligid. 
May nakikita ka ba na kagaya ng hugis na ito ? 
Iguhit ang mga bagay na parihaba ang hugis.
Marami akong nagagawa sa paaralan.
Ano ang ginagawa ng mga bata ?
Kulayan ang larawan. 
Tukuyin kung alin sa dalawang larawan ang mas naunang naganap. 
Isulat ang 1 para sa mas nauna at 2 naman para sa kasunod nito.
Tingnan ang mga larawan. 
Lagyan ng ang magandang asal at X naman ang di-magandang asal. 
Bilugan ang larawan ng mas maliit.
Ikahon ang mas mabigat.
Nag-aaral ako kasama ang ibang bata. 
Kulayan ang larawan upang makita ang mga ngiti sa mukha ng mga bata.
Masayang mag-aral kasama ng ibang bata.
Bilangin ang mga kahon sa kaliwa at isulat ang bilang sa loob ng kahon sa kanan.
Kulayan ang naiibang kahon.
Bilangin kung ilang parisukat ang bumubuo sa bawat bilang. 
Ako ay naiiba.
Ano ang iyong pangalan ? 
Isulat ito sa guhit na nasa loob ng kahon.
Isulat ang mga titik na bubuo sa pangalan ni Sheki.
Isulat ang pangalan ng iyong kaibigan. 
Alin sa mga patinig ang ginamit dito?
Bilugan ang titik.
Isulat ang pangalan mo sa patlang.
Alin sa mga titik sa itaas ang nakikita mo sa iyong pangalan?
Ako ay may damdamin.
Tingnan ang iba't-ibang mukha ni Sheki.
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagiging masaya?
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagiging malungkot?
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagiging takot?
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagiging galit?
Alin ang mga mukha ang nagsasaad ng iyong nararamdaman ngayon?
Tukuyin ang pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.
Lagyan ng bilang 1 - 3.
Tukuyin ang pinakamaiksi hanggang sa pinakamahaba.
Ako ay may katawan at marami akong nagagawa sa tulong nito.
Alamin ang mga bahagi ng iyong katawan.
Iguhit ang nawawalang bahagi ng katawan ni Sheki.
Ibakat ang iyong kanang kamay at kulayan ito.
Ikumpara ang bakas ng iyong kamay sa iba at alamin kung sino ang may pinakamalaking kamay.
Ako ay nakakakita at nakakarinig.
Sabihin kung ano ang ginagawa ni Elisha.
Anong bahagi ng katawan ang ginagamit sa pakikinig sa musika?
Lagyan ng tsek.
Ako ay nakakaamoy, nakakalasa at nakakadama.
Idugtong ang mga bagay sa kaliwa sa mgakaparis nito sa kanan . 
Kaya kong pangalagaan ang aking katawan.
Paano mo pinapangalagaan ang iyong katawan ? 
Lagyan ng ang larawan na nagpapakita ng tamang pangangalaga sa katawan. 
Ako ay ako.
Ano ang paborito mong gawain ? 
Isulat ang iyong pangalan sa kahon at gumuhit ng linya papunta sa mga bagay na ginagamit mo sa iyong paboritong gawin. 
Ano ang iyong ambisyon? 
Gumupit mula sa dyaryo, magasin o lumang libro ng litrato na nagpapakita ng iyong ambisyon at idikit ito sa kahon sa ibaba. 
Dugtungan ang pangungusap sa ibaba.
Ako ay kasapi ng isang pamilya.
Tingnan ang larawan sa ibaba. 
Sino-sino ang mga miyembro ng pamilya ni Sheki? 
Kilala mo ba ang myembro ng iyong pamilya ?
Pagdugtungin ang mga bagay sa A at mga nagmamay-ari nito sa B.
Pinapahalagahan namin ang isa’t-isa. 
Gumupit ng larawan ng inyong pamilya at idikit sa mga bilog sa ibaba. 
Isulat ang apelyido ninyo sa ilalim ng puno. 
Kami ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay. 
Ano-ano ang mga gawaing ginagampanan ng bawat miyembro ng pamilya? 
Kulayan ang mga nasa larawan.
Tumutulong ka ba sa gawaing bahay kagaya ng mga bata sa larawan? 
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng pagtulong.
Ang pamilya ko ang nagbibigay sa akin ng tirahan.
Saan ka nakatira? 
Iguhit ang iyong tirahan sa kahon at isulat ang iyong adres sa linya sa ibaba. 
Ang pamilya ko ang nagbibigay sa akin ng pagkain. 
Alin sa mga pagkain ang masustansya? 
Isulat ang oo kung ito ay masustansya at hindi naman kung ito ay hindi masustansya.
Kumpletuhin ang larawan ng mga masusustansyang pagkain. 
Gayahin ang larawan sa ibaba.
Ang pamilya ko ang tumutugon sa aking pangangailangang pangkasuotan.
Alin sa mga nasa ibaba ang pambabae?
Alin ang panlalaki? 
Bilugan ang pambabae at ikahon naman ang panlalaki.
Ipinagdiriwang namin ang mga mahahalagang pangyayari sa aming buhay.
Kulayan ang larawan ni Sheki at ng kaniyang pamilya upang makita ang ngiti sa kanilang mga labi.
Natatandaan mo ba ang huling pagdiriwang ng iyong kaarawan? 
Mayroon ka bang larawan ng mga naganap noon?
Magdikit ng larawan na nagpapakita ng iyong kasiyahan sa iyong kaarawan. 
Nakikiisa kami sa mga gawaing pampaaralan.
Kulayan ang larawan upang maipakita ang pagtutulungan ng mga tao.
Kami ay nakikiisa sa mga gawaing pangkomunidad.
Ikaw ba ay nakadalo na sa fiesta? 
Ano-ano ang makikita sa pagdiriwang sa araw na iyon?
Kulayan ang larawan.
Ako ay may pamilya.
Kilala mo ba ang mga miyembro ng iyong pamilya ? 
Isulat ang pangalan ng iyong kapamilya na nagtataglay ng mga katangiang nakasulat sa bilog. 
Magpatulong sa iyong magulang sa pagsagot nito.
Ako ay bahagi ng isang komunidad.
Alam mo ba kung ano ang komunidad? 
Tingnan ang larawan sa ibaba at tukuyin ang mga makikita sa isang komunidad.
May mga lugar sa komunidad para sa pag-aaral. 
Alam mo ba kung anong pangalan ng lugar na ito? 
Bakit maraming libro dito?
May mga lugar sa komunidad para sa paglilibang.
Nasaan sina Sheki at Jacob? 
Mayroon bang ganitong lugar sa inyong komunidad?
May mga lugar sa ating komunidad na nagbibigay ng serbisyo upang mapanatili ang ating kalusugan.
Ano ang ginagawa ng nars? 
Bakit kailangang sukatin ang taas at timbang ni Sheki?
Naranasan mo na bang magpaineksyon?
Kulayan ang larawan sa ibaba at alamin ang ibig sabihin nito.
May mga lugar sa komunidad na nagbibigay ng serbisyo upang masiguro ang ating kaligtasan.
Alam mo ba kung sino ang nasa larawan?
Ano ang kaniyang tungkulin ?
May mga lugar sa komunidad para sa pagsamba at pananalangin. 
Ano ang ginagawa ng pamillya sa larawan ?
Ikaw din ba ay nagsisimba at nananalangin sa Diyos ?
May mga lugar sa komunidad para sa pakikipagkalakalan.
Nakapunta ka na ba sa pamilihang gaya ng nasa larawan ? 
Kulayan ang larawan at tukuyin ang mga makikita sa lugar na ito.
Mararating natin ang iba’t-ibang lugar gamit ang iba’t-ibang sasakyang panglupa.
Saan nakasakay si Sheki? 
Kulayan ang larawan at ibahagi ang iyong karanasan sa pagsakay sa dyip.
Mararating natin ang iba’t-ibang lugar sa pamamagitan ng sasakyang pandagat at panghimpapawid.
Tukuyin kung para saan ang mga sasakyan.
Isulat ang L para sa sasakyang panglupa, T para sa pangtubig at H para sa panghimpapawid.
Kami ay bahagi ng isang komunidad.
Alin sa mga lugar na ito ang narating mo na? 
Ano ang makikita sa loob nito?
Ako ay bahagi ng mas malaking komunidad.
Alam mo ba na tayo ay nakatira sa bansang Pilipinas? 
Kulayan ang watawat sa ibaba upang makita ang simbolo ng Pilipinas. 
Ano-ano ang makikita mo sa larawan?
Pinangangalagaan namin ang kapaligiran.
Ano ang ginagawa ng mga bata? 
Sa paanong paraan mo pinapangalagaan ang kapaligiran?
Bilangin ang mga prutas sa kanan at lagyan ng X ang hindi dapat kabilang dito.
May mga halaman sa aming paligid.
Ano ang nakaguhit sa ibaba? 
Kulayan ang mga ito at tukuyin ang kahalagahan nila sa paligid.
Pagsamasamahin ang mga bagay sa kaliwa at sa kanan upang makumpleto ang mga pangungusap na pamilang.
Mayroon bang mga halaman sa iyong paligid? 
Pagmasdan mo ang isang halaman at subuking iguhit ito. 
Ano ang napansin mo ? 
Ano-ano ang mga bahagi ng halaman ?
Pinapangalagaan namin ang mga halaman sa aming kapaligiran.
Kulayan ang mga bagay na kailangan ng mga halaman upang sila ay mabuhay.
Kumpletuhin ang pangungusap na pamilang.
May mga hayop sa aming paligid.
Nakapamasyal ka na ba sa zoo?
Ano-ano ang mga nakita mong hayop? 
Kulayan ang mga hayop sa larawan.
Ang mga hayop sa ibaba ay nakatira sa lupa, maliban sa isa. 
Tukuyin ito.
Ang mga hayop na nasa ibaba ay nakatira sa dagat, maliban sa isa. 
Pinapangalagaan namin ang mga hayop sa aming paligid.
Kilalanin ang mga gamit sa pag-aalaga ng hayop. 
Kulayan ang mga ito.
Kilala mo ba kung sino ang nasa larawan?
Ano ang kaniyang tungkulin ?
Ako ay may ginagampanang responsibilidad.
Ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang kaklase mong gumagawa ng kagaya ng nasa ibaba?
Naging masaya kami sa Kinder.
Idikit ang inyong mga paboritong larawan sa Kinder at sumulat ng isang pangungusap ukol dito.
Salamatat paalam, Kinder.
Kulayan ang larawan upang maipakitaang kasiyahan ng guro at mga mag-aaral.
Sumulat ng isang maikling liham para sa iyong guro upang pasalamatan siya sa kaniyang pagsisikap na ikaw ay matuto.
Handa na ako para sa Unang Baitang!
Malugod na pagbati para sa iyong pagtatapos sa Kinder! 
Kulayan mo ang larawan ni Sheki bilang paghahanda para sa Unang Baitang.
Si Mating ay mapagbigay na Matsing
Si Mating ay kilala na pinakamapagbigay sa lahat ng mga hayop sa kanilang lugar.
Binibigyan niya ng mais si pato at si manok.
Binibigyan niya ng papaya si Kambing.
Binibigyan niya ng papaya si Kabayo.
Mahilig din siyang kumain ng mga prutas. 
Pinakapaborito niya ang saging.
Isang araw, pumunta si Mating sa ilog. 
Dala ang paboritong saging.
Nakita niya na umiiyak ang kaibigan na si Mutya.
Bakit ka umiiyak? sabi ni Mating. 
Gutom na gutom na ako. Nahulog sa ilog ang saging ko, sagot ni Mutya.
Ibibigay ko ba kay Mutya ang saging?, napaisip si Mating.
Mutya, sa iyo na ang dala kong saging. Huwag ka nang umiyak.
Salamat sa’yo Mating.
Mapagbigay ka nga.
Pero bakit ka malungkot? dagdag ni Mutya.
Mating, hahatiin na lang natin ang saging, ang sabi ni Mutya.
Salamat Mutya. Ikaw rin ay tunay na mapagbigay, tugon ni Mating.
Naipapadama ang pagmamahal sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng pagsunod ng maayos sa utos/kahilingan.
Naipapakita ang tiwala sa sariling kakayahan at magandang pag-uugali.
Naipapamalas ang pagiging matulungin sa kapwa.
Naglalabasan ang iba’t ibang super hero sa buong mundo. 
Ngunit ibahin ninyo si Super Liit. 
Kahit siya ay maliit ay may kakaiba siyang kapangyarihan!
Kapag tinawag ang kanyang pangalan kaagad siya ay tutulong.
Super Liit!
Nandito na po ako Nanay.
Punasan mo ang mesa.
At kaagad kukunin ni Super Liit ang kanyang madyik basahan. 
Tapos na po Inay, sabi ni Super Liit.
Super Liit! sabi ni Tatay. 
Nandito na po ako Tatay. 
Bumili ka ng dalawang sardinas sa tindahan.
Mabilis na tatakbo si Super Liit. 
Ito na po Tatay.
Tinawag siya ng kanyang Ate. 
Tulong! Nandito na po ako Ate, sabi ni Super Liit. 
Hugasan mo ang tatlong baso.
Tapos na po Ate.
Super Liit, sabi ni Kuya.
Nandito na po ako Kuya.
Tulungan mo akong hanapin ang nawawala kong apat na krayola.
Ito na po Kuya.
Napakagaling mo Super Liit.
Sa paaralan ay maraming nagagawa si Super Liit.
Binigyan niya ng tinapay ang kanyang limang kaklase na walang baon.
At isinauli rin niya sa kantina ang sobrang sukli na anim na piso.
Nandito na po ako titser! 
Tulungan mo akong kunin ang pitong upuan sa labas.
Opo titser, sagot ni Super Liit.
Super Liit tulong!
Kinagat ako ng walong langgam.
Nandito po ako tutulungan kita.
Ano po ang maitutulong ko titser?
Tulungan mo akong pulutin ang mga nagkalat na siyam na papel at sampung balat ng kendi.
Opo! Titser, sagot ni Super Liit.
O, hindi ba? 
Kakaiba ang Kapangyarihan ni Super Liit. 
Kahit siya ay maliit may mga bagay na siyang kayang gawin.
Ang kapangyarihan ni SuperLiit ay pagkamatulungin, pagkamapagbigay, pagkamatapat, at maasahan sa lahat ng oras. 
Siya ang Super Hero natin, si Super Liit.
May isang bata na ang pangalan ay Silay.
Buong araw siyang naglalagi sa bahay.
Kahit anong gawing pakiusap ng kaniyang mga magulang na mag-aral siya, hindi siya nakikinig.
Gusto lamang niyang ubusin ang oras sa pamamahinga.
Wala siyang oras sa pag-aaral.
Paglalaro ng cellphone lamang ang kaniyang inaatupag.
Isang gabi, nakaramdam si Silay ng gutom kaya bumangon siya at nagpunta sa kusina.
Napansin niyang wala na lahat ang kanilang gamit sa bahay.
Inay! Itay! sigaw ni Silay. 
Wala rin ang kaniyang nanay at tatay.
Umiyak nang malakaw si Silay.
Kinabukasan, nakita siyang umiiyak ng kaniyang kaklaseng si Lita habang naglalakad patungo sa paaralan.
Bakit ka umiiyak, Silay?
Hindi ka rin pumapasok sa paaralan natin, tanong ni Lita.
Iniwan kasi ako nila Inay at Itay.
Iniwan na siguro nila ako dahil hindi ako nakikinig sa kanila, sagot ni Silay.
Magbago ka na Silay.
Sabi ng nanay ko kailangan daw nating mag-aral nang mabuti.
Ito lang daw ang kayamanan na pwede nilang ibigay sa atin, sabi ni Lita.
Kapag hindi ka nagbago baka hindi ka na balikan ng mga magulang mo, dagdag pa ni Lita.
Hindi iyan totoo! sigaw niSilay habang umiiyak.
Silay! Silay! tawag ng kaniyang ina.
Panaginip lang pala ang lahat.
Ikinuwento ni Silay ang kaniyang panaginip.
Hinding-hindi ka namin iiwan anak pero sana naman matuto ka na at pumasok ka sa paaralan araw-araw, sabi ni Inay.
Patawad, Inay, Itay.
Ipinapangako ko pong susunod na ako sa inyong mga utos at mag-aaral na po ako nang mabuti, pangako ni Silay.
Si Ben ang batang mahilig sa mga laruang sasakyan.
Isang gabi, nakarinig siya ng iba’t ibang tunog.
Peep! Peep! Peep! Busina ng dyip. 
Agad na sumakay si Ben.
Broom! Broom! Broom! Yehey! Mabilis na takbo ng motorsiklo.
Tsuug! Tsuug! Tsuug! Ingay ng tren.
Ang saya—saya! Kumakaway ang mga taong sakay.
Tooot! Tooot! Tooot! Malakas na tawag ng barko.
Eeeng! Eeeng! Eeeng! Kay gandang pagmasdan! Eroplanong lumilipad sa himpapawid.
Wow! Ang dami nila.
Aray! Ang sakit naman.
Naku! Akala ko totoo na.
Balang-araw, kayang-kaya kong masakyan ang mga ito.
Unsay iyong nakat-onan nga leksyon sa estoryang Ang Sal-ing Ug Ang Tamsi?
Ang aklat na ito ay ginawa para sa iyo.
Ito ay isinulat sa Filipino at ang paksa ay hango sa K-12 Curriculum.
Pinagsikapan ito ng manunulat at tagaguhit na mula sa aklat na ito ay mapag-aralan mo ang mabubuting asal at maging gabay ito sa iyong paglaki.
Nawa’y maging masaya ka sa iyong pagbasa.
Ipinagbabawal ang anumang paraan ng paggamit nang walang nakasulat na pahintulot mula sa gumawa at manunulat.
Si Tinay ay nag-iisang anak ni Aling Nora.
Araw-araw siyang ipinaghahanda ni Aling Nora ng prutas at gulay ngunit hotdog at junk foods ang kaniyang gustong kainin.
Isang araw, umalis si Aling Nora at si Tinay lang ang naiwan sa bahay.
Sa kaniyang pag-iisa, siya ay nakatulog at nanaginip.
Gutom na gutom siya at gulay lamang ang nakahanda sa kanilang mesa. 
Nagmamadaling pumunta si Tinay sa kusina at binuksan ang refrigerator.
Nagulat siya nang biglang tumalon at nagsalita ang mga gulay.
Tinay, gutom na gutom ka na di ba? Kainin mo na kami, sabi ni Okra.
Parati na lang junk foods ang kinakain mo, dagdag ni Kalabasa.
Ipikit mo lang ang iyong mga mata at ibuka ang iyong bibig, wika ni Talong.
Sa sobrang gutom ay ipinikit na lamang ni Tinay ang kaniyang mga mata.
Isa-isang pumasok ang mga gulay sa nakabuka niyang bibig.
Ang sasarap n’yo naman pala. 
Pero teka, bakit parang luminaw ang aking mga mata at parang lalo pa akong lumakas? pagulat na sabi ni Tinay.
Narinig ni Aling Nora ang sinabi ni Tinay. 
Anak, iyan ang mangyayari kapag masustansiya ang iyong kinakain, wika ni Aling Nora.
Biglang nagising si Tinay at sinabi sa kararating niyang nanay, Nay, simula ngayon kakain na po ako ng gulay para lalo pa akong gumanda at lumakas!
Kulayan ang mga pagkain na dapat kainin ng mga bata.
Si Kuwago at si Buwan
Naipapahayag ang iba’t ibang damdamin sa angkop na sitwasyon at paraan.
Nakikilala at natatanggap ang pagkakaiba ng bawat nilalang sa mundo.
Pagkilala ng Sarili at Pagpapahayag ng Sariling Emosyon (PS).
Pag-unawa sa Emosyon ng Iba (EI)
Pakikipag-ugnayan sa Kapwa at Nakakatanda (PK)
Pagpapahalaga sa Pagkakaiba (PP)
Sa madilim na kalangitan, may isang itlog na napisa sa kanyang pugad na nasa itaas ng napakalaking puno. 
Iyak nang iyak ang munting sisiw dahil wala siyang nakitang kasama at nag-iisa lamang siya.
Habang nagpapahinga si Buwan ng gabing iyon, biglang nagulantang at nadisturbo sa ingay na naririnig niya. 
Dagling pinuntahan niya ito at kaagad sinabihan.
Nasaan ba ang iyong ina, munting sisiw? ang tanong ni Buwan.
Hindi ko po alam kung nasaan ang aking ina, ang sagot ng sisiw.
Kilala mo ba ang iyong ina? dagdag na tanong ni Buwan.
Hindi ko rin po alam, ang sagot ng sisiw.
Naku!!! Hindi ko rin alam kung nasaan ang iyong ina. 
Sa dinamidaming nagliliparang ibon tiyak na isa sa mga iyon ang ina mo, ang sabi ni Buwan.
Nagugutom na po ako Buwan, ang sabi ng munting sisiw. 
Nagdaan ang mga araw at gabi, kasabay ng paglaki ng munting sisiw, laking pagtataka at napagisip – isip kung bakit natutulog siya sa umaga at nagigising naman tuwing gabi.
Binisita ng munting sisiw si Buwan at nagtanong ito.
Magandang gabi Buwan, bakit kaya mulat namulat ang aking mga mata tuwing gabi, ngunit mahimbing naman ang tulog ko tuwing araw? 
Oh! aking sisiw, malaki ka na talaga. 
Hindi mo ba alam na ang mga kauri mo ay nagigising lamang tuwing gabi? Sagot ng Buwan. 
Bakit Buwan? ang pabiglang tanong naman ng sisiw. 
Dahil ikaw ay isang Kuwago, tulog tuwing araw, gising naman kapag gabi.
Ahh ganun ba ang sagot ni Kuwago. 
Tinuturuan ni Buwan kung paano ito matutong lumipad at lalong - lalo na ang paghahanap ng pagkain. 
Ikinuwento din ni Buwan kay Kuwago na lumalabas lamang siya tuwing gabi. 
Kaya naman tuwang-tuwa si Kuwago dahil alam niya na meron silang pagkakahalintulad.
At magmula noon, naging magkaibigan na, sina Kuwago at Buwan.
Sabik na sabik si Kuwago tuwing sasapit na ang gabi dahil magkikita na naman sila ng kanyang matalik na kaibigan. 
Hanggang sa dumating ang isang gabi na nakita na lamang ni Buwan na tuwang – tuwa at masayang naglalaro si Kuwago kasama ang ibang mga ibon.
Nalungkot sa sobrang selos ang Buwan. 
Iyak nang iyak ito dahil hindi niya matanggap sa kanyang sarili na ipinagpalit siya sa iba. 
Nagdaan ang ilang gabi.
Naisip ni Kuwago na balikan si Buwan. 
Kinalimutan mo na ako kaibigang Kuwago, ayaw mo na yata sa akin.
Bakit ganyan ka? 
Akala ko tunay kitang kaibigan, wika ni Buwan. 
Hindi yan totoo Buwan.
Hindi ko kayang iwan at kalimutan ka, malungkot na sa sabi ni Kuwago.
Nalulungkot at nagseselos ako kaibigang Kuwago sa tuwing may kasama kang iba, ang sabi ni Buwan. 
Karaniwan sa aming mga kauri na magkagusto at makipaglaro sa kapwa ibon.
Pero ni minsan hindi kita kinalimutan dahil ikaw lang ang aking nag-iisa at tunay na kaibigan, paliwanag ni Kuwago. 
Napailing at napangiti si Buwan.
Pagkalipas ng apat na taon, alalang-alala na si Buwan, hindi na mapakali at hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
Hanggang sa isang gabi, nakatanaw si Buwan sa isang dako at naghihintay na tila bang may paparating.
Hindi nagtagal may tumawag sa kanya.
Masayang tumingin si Buwan sa pag-aakalang ang kanyang kaibigang Kuwago ang dumating. 
Ngunit sa pagtingin niya ay mga ibon pala.
Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga ibon?, malungkot na bati ni Buwan. 
Bakit gusto ninyo akong makausap.
May problema ba?
Ayokong makipag – usap sa iba, ang gusto ko lang ay ang kaibigan ko. 
Nasaan na ang kaibigan kong si Kuwago? 
Bakit hindi na siya nagpapakita sa akin? tanong ni Buwan.
Napasagot ang isang ibon, Bakit ayaw mo sa iba? 
Kung alam mo lang na gustong gusto ka nilang makalaro at maging kaibigan. 
Alam na namin ang lahat Buwan. 
Sinabi na ni Kuwago ang lahat bago pa man siya lumisan.
Anong nangyari sa kanya ?  
Bakit? pagkamanghang tanong ni Buwan.  
Siya nga po pala Buwan, ako po ang nag-iisang supling ng tunay mong kaibigan na si Kuwago. 
Yung panahon na hindi ka kinakausap ng aking ina iyon din ang panahon na ako ay namulat sa mundong ito. 
Ayaw niyang maranasan ko ang mabuhay nang mag-isa gaya ng sinapit niya noong siya ay sisiw pa. 
Tuwing gabi laging bukang bibig ng aking ina ang iyong pangalan dahil sa iyong kabaitan. 
Hindi niya sinabi na kaming mga Kuwago ay magtatagal dito sa mundo ng apat na taon lamang. 
Mapatawad mo sana ang aking ina Buwan, pakiusap ng batang Kuwago.
Lungkot na lungkot si Buwan. 
Halos hindi niya matanggap ang katotohanan na wala na ang kanyang kaibigan. 
Ang iba ay nagagalit pa sa akin dahil kinukuha ko ang liwanag ng araw tuwing sasapit ang takip-silim, paliwanag ni Buwan.
Hindi sa lahat ng panahon ay may liwanag kaibigang Buwan. 
Lahat tayo ay ginawa ng panginoon na may ibat-ibang gawain at misyon sa buhay. 
Ang suwerte mo kaya Buwan, dahil naiiba ka sa lahat. 
Hindi ka nagugutom. 
Lagi kang nariyan sa itaas. 
Tanaw mo pa ang lahat ng nandito sa ibaba at higit sa lahat hindi ka namamatay. 
Mas marami ka pang makasalamuhang kaibigan kaysa sa amin.
Ang mungkahi ng batang ibon.
Kaibigang Buwan huwag po kayong mag-alala dahil hindi ka makakalimutan ng aking ina kahit kinuha na siya ng mahal na Panginoon. 
Hindi ka mag-iisa sa buhay. 
May mga ibon na gusto kang makasama kahit gaano man katagal.
May bagong isisilang man o may lilisan ikaw pa rin ang nag-iisang Buwan na mabait at nakatatak na ito sa puso ng lahat.
Pagwawakas ng batang Kuwago. 
At magmula noon, ang mabait na si Buwan at ang mga ibong kuwago ay naging masaya, nagkakaisa at nagtutulungan sa lahat ng panahon. 
Dapat tayo’y laging bukas sa lahat ng uri ng mga nilalang sa mundo. 
Hindi namimili at maging mabait kaninuman. 
Lahat ay may katapusan, ngunit ang totoong pagkakaibigan ay magpasawalang hanggan.
Si Potpot ang Batang Malikot
Si Potpot ay batang malikot. 
Lahat na lang ay kaniyang kinakalikot. 
Patakbo-takbo, paikot-ikot. 
Kaya ang buhok niyang tuwid ay laging gusot.
Hay naku! Potpot, nasabi ng kaniyang nanay. 
Maaari bang kalikutan mo ay bawas-bawasan?
Kapag hindi ka huminahon baka ikaw ay masaktan.
Sa halip na tumigil, lalo siyang nanggigil. 
Ang hakbang na marahan ay lalo niyang binilisan.
Ang malinis na mga upuan kaniyang tinapak-tapakan.
Hay, naku! Potpot, sambit ng kaniyang tatay. 
Maaari bang kilos mo ay ayusin?
Mga bagay sa paligid ay huwag mong kalikutin. 
Kung hindi sa iyo ay huwag mong gagalawin, dagdag ng tatay niya.
Sa halip na sumunod sa kaniyang tatay, si Potpot ay lalong naglikot. 
Mga baso sa mesa ay binuhat-buhat niya. 
Mayamaya’y bigla niyang nabitiwan ang basong daladala.
Hay, naku! Potpot, saway ng kaniyang kuya. 
Puwede bang mag-ingat ka naman?
Huwag mong pairalin ang iyong kalikutan.
Baka humantong ka sa kapahamakan.
Sa halip na sundin ang kaniyang kuya, lumabas siya ng bahay at pumunta sa hardin. 
Pinitas niya ang mga bulaklak na nakatanim.
Hay, naku! Potpot, sabi ng kaniyang ate. 
Wala ka na ba talagang magawang mabuti? 
Hayan, ang ginawa mo masdan mong maigi.
Sa halip na tingnan, sa maliit na kuwarto siya’y dumiretso. 
Dahil sa pagod, agad siyang nakatulog.
Mayamaya si Potpot ay lumabas.
Pasipol-sipol habang patakbo-takbo.
Nakarating siya sa tapat ng isang malaki at lumang bahay.
Tao po! Tao po! sigaw ni Potpot.
Tinulak niya ang antigong pinto.
Dumiretso siya sa loob.
Wow! ang gaganda ng mga gamit, bulalas niya. 
Natuon ang kaniyang paningin sa lalagyan na punong-puno ng makukulay na laruan.
Hindi na naman niya napigilan ang maglikot. 
Lahat ng laruan ay kaniyang ginamit. 
Hindi niya napansin ang dalawang bilog na mata na nakamasid sa kaniya.
Pinapanood lang siya ng mga ito habang naglalaro.
Mula sa pinagkukublihan lumabas ang lalaking mataas, mahaba ang balbas, kulot ang buhok, may matatalas na kuko at malalaking ngipin.
Umalingawngaw ang tinig ng nagmamasid kay Potpot. 
Sino kang walang pahintulot na pumasok sa aking bahay?
Napatingin si Potpot sa may-ari ng tinig.
Nanginig at nanlamig si Potpot.
Aha! Ikaw pala si Potpot, ang batang malikot na lahat ng bagay ay kinakalikot.
Hindi mo ba alam na hindi na makalalabas ang sinumang pumasok dito? sigaw nito.
Hindi na po mauulit, nangangatal na sagot ni Potpot.
Hindi na po ako maglilikot. 
Pauwiin n’yo na lang po ako. 
Aayusin ko na po lahat ng ginulo ko. 
Lilinisin ko na po lahat ng ikinalat ko. 
Pauwiin n’yo na po ako, pagsusumamo ni Potpot.
Akma siyang hahawakan ng lalaki nang bigla siyang sumigaw. 
Huwag po! Huwag po! Huwag po! 
Hindi na po ako maglilikot, pakiusap ni Potpot.
Potpot! Potpot! Nananaginip ka lang, sambit ng kanyang ina. 
Inay, inay, patawad po, sabay yakap sa kanyang ina.
Simula po ngayon hindi na po ako maglilikot. 
Tutuwirin ko na po ang mga gawi kong baluktot, pangako ni Potpot.
Napangiti ang kaniyang ina.
Hay naku, Potpot! Mabuti naman at napagisip-isip mo na ang iyong kamalian.
Anak, lagi mong tatandaan na walang mabuting dulot ang sobrang likot, pangaral pa niya.
Dahil sa pangaral ng kanyang ina, si Potpot ay unti-unting nagbago.
Ang kanyang kalikutan ay unti-unting nabawasan.
Sumusunod na rin siya kapag siya’y inuutusan.
Mula noon naging mabuti at masunuring bata na si Potpot. 
Hindi na siya ang batang sobra ang likot.
Si Musa na walang pagkukusa
Ang kuwentong ito ay magagamit para linangin ang kaisipan at karagdagang kaalaman ng mga mag-aaral sa Kindergarten.
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa Kuwentong binasa o narinig.
Naipapahayag ang sariling opinion tungkol sa mabuting dulot ng tamang didisiplina sa sarili at pagsunod sa payo ng mga magulang.
Basilan, isang lalawigan sa Mindanao, nakatira ang mag-asawang Mohammad at Anisa.
Biniyayaan sila ng Dios ng isang malusog na sanggol na pinangalanan nilang Musa.
Alagang alaga si musa ng kanyang tatay at nanay.
Lagi din siyang pinapayuhan.
Ngunit lumaki siyang tamad at walang pagkukusa.
Musa maligo ka na!
Mamaya na po ina, kapag tapos na po kayo sa inyong ginagawa, kayo na lang po magpaligo sa akin.
Maging ang paghuhugas ng kanyang kamay ay inaasa niya sa kanyang ina.
Dahil dito ay nagkakasakit si Musa.
Ayon sa Doktor ay dahil ito sa mga mikrobyong nakakain niya mula sa mga maruruming bagay na kaniyang nahahawakan.
Maging sa pag-aaral ay tamad din si Musa.
Madalas ding pinaghihintay ni Musa ang pagkaing nakahain sa mesa.
Dahil abala siya sa panonood ng telebisyon at paglalaro ng kanyang selpon.
Minsan, nag-usap ang mag-asawa sa kung ano ang dapat nilang gawin sa kanilang anak.
Nagsimulang mag-utos ang kanyang ina.
Ngunit ni isa sa mga iniutos sa kanya ay walang nagagawa si Musa.
Mamaya na lang po Ina, pagod na po ako, sagot ni Musa.
At marami pang utos sa kanya ang hindi niya nagagawa dahil lagi siyang pagod.
Naku ikaw talagang bata ka!
Palagi ka na lang pagod.
Wala ka namang ginagawa.
Ano kaya ang mangyayari kung wala kami ng ama mo.
Isang araw, habang naglalaro si Musa ay nakaramdam siya ng gutom.
Ina!
Ama!
Hindi niya na mahanap ang mga magulang niya.
Dito nagsimula ng matakot at umiyak si Musa.
Nang biglang lumitaw ang isang Diwata.
Babalik lamang ang iyong mga magulang kapag natutuhan mo nang maging masipag, agad na naglaho ang Diwata.
Dahil sa pagkawala ng kanyang mga magulang, natuto si Musa ng napakaraming gawaing bahay.
Nagdilig ng halaman, naglinis ng bahay, nagwalis ng bakuran.
Pati sa pag-aaral siya ay naging masigasig.
Naisip niyang hindi pala madali ang ginagawa ng kaniyang ina.
Lumipas ang ilang araw nananabik na siya sa kanyang mga magulang.
Nagsisisi siya sa kaniyang katamaran.
Dahil sa mabuting pagbabago ni Musa, lumitaw muli ang Diwata.
Nakita ko ang pagbabago mo Musa, kaya ibabalik ko na ang magulang mo.
Musa anak, gising!
Nananaginip ka.
Biglang bumangon si Musa.
Panaginip lang pala ang lahat ng iyon, ngunit parang totoo!
Ina, simula po ngayon hindi na po ako maging tamad at palaasa.
Ayoko pong mawala kayo ni Ama sa akin.
Mahal na mahal ko po kayo, pahikbing sabi ni Musa.
At ang dating tinatawag na si Musa na Walang Kusa, ngayon ay Musang may Pagkukusa na.
Mula noon ay hindi na tamad at palaasa si Musa.
Natutunan na niya na maging masipag at matulungin.
Sisa
Isang araw, namasyal sa kabukiran sina Nanay Manok at Sisa.
Huwag kang lumayo sa pamamasyal, sabi ni Nanay Manok.
Nagpatuloy sa paglalakad si Sisa.
Masayang-masaya siya habang tumitingin sa iba’t ibang kulay ng mga bulaklak sa paligid.
Sa kaniyang pamamasyal, nakakita siya ng damuhan.
Dali-daling nagpunta at kaagad na lumapit sa damuhan si Sisa.
Aray! Aray! sabi ni Sisa.
May mga bubuyog palang nakatira malapit sa damuhan.
Agad-agad tumakbo palayo si Sisa.
Hindi alam ni Sisa na sa sapa pala siya patungo.
Masayang-masaya si Sisa, habang naglalakad papunta sa sapa.
Nakakita si Sisa ng malaking sawa sa tabi ng sapa. 
Natakot si Sisa at kaagad na tumakbo.
Mula ngayon, makikinig na ako sa iyo, Nanay Manok, sabi ni Sisa.
Susundin ko na ang lahat na bilin mo sa akin.
Sorpresa ni Lola Sidra
Wala pa ang sikat ng araw ginigising na ako ni Lola Sidra. 
Higit dalawang kilometro pa kasi ang aking lalakarin patungo sa paaralan.
Dahil sa sorpresa ni Lola Sidra, gusto kong laging pumasok sa paaralan araw-araw!
Ano kaya ang naging sorpresa ni Lola Sidra?
Ang aklat na ito ay maaring gamitin sa pagtututo sa Kindergarten ng mga sumusunod na kasanayan.
Pagpapaunlad sa Kakayahang Sosyo-Emosyunal
Naipapakita ang pag-unawa sa nangyayri  o kasalukuyang sitwasyon at nakapaghihintay sa tamang oras na tugunan ang gusto / pangangailangan.
Kagandahang Asal
Naipapakita ang kusang pagtulong sa panahon ng pangangailangan.
Kalusugang Pisikal at Pagpapaunlad ng Kakayahang Motor
Nakasasali sa mga laro, o anumang pisikal na gawain at iba't ibang paraan ng pag-eehersisyo.
Natutukoy ang magagandang bagay na nakikita sa paligid.
Hindi pa sumisikat ang araw pero ginigising na ako ni Lola Sidra.
Higit dalawang kilometro pa kasi ang aking lalakarin patungo sa paaralan.
Araw-araw ko itong nilalakad.
Tsinelas lang ang suot ko sa pagpasok sa paaralan.
Wala kasing pambili ng sapatos si Lola Sidra.
Minsan lang sa isang buwan magpadala ng pera si nanay, na nagtatrabaho sa Daet.
Ibinilin niya ako sa aking lola para alagaan at makapag-aral ng mabuti.
Alagang-alaga ko ang aking tsinelas.
Bughaw ang suwelas at pula ang pamigkis nito.
Maliit ito pero kasyang-kasya naman sa mga paa ko.
Kung pwede lang sana sa paglalakad, mag-papaa na lang ako para hindi agad mapudpod ang tsinelas ko.
Pero bilin ni lola, lagi ko raw itong isusuot.
Sa layo ng aming paaralan mula sa aming bahay, siguradong pudpod na ang aking tsinelas bago ako makarating.
Maituturing ko ring matalik na kaibigan ang tsinelas ko.
Pero imposibleng di ito mapudpod sa layo ng nilalakad ko araw-araw.
Naisip ko, gagaanan ko na lang ang pagtapak ko sa lupa.
Yipey! sigaw ko habang naglalakad.
Para akong lumilipad sa pataas-pababang daan kapag tumatakbo ako.
Minsan, naisipan naming maglaro ni Ton-Ton habang pauwi sa bahay.
Nakakita kami sa daan ng isang palapa ng niyog. 
Ginawa na namin ito dati kapag tuyo ang lupa at tag-araw.
Hilahan ang tawag namin dito.
Sasakay ako sa palapa at saka naman ito hihilahin ni Ton-Ton.
Pagkatapos, para hindi mapudpod ang aking mga tsinelas, inilalagay ko muna ang mga ito sa munti kong mga braso saka ko hihilahin si Ton-Ton pataas-pababa.
Lubak-lubak at hindi sementado ang daan patungo at pauwi mula sa paaralan.
Buti na lang di pa napipigtas ang aking tsinelas.
Isang hapong pauwi na ako, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Dali-dali kong kinuha ang aking kapote.
Ginawa ito para sa akin ni lola.
Sa lakas ng buhos ng ulan, naging maputik ang daan na nagmistulang kumpol-kumpol na tsokolate na aking inaapakan.
Habang nilulusong ko ang maputik na daan, biglang nalubog sa putik ang aking isang paa.
Naiwan ang isang kapareha ng tsinelas ko sa gitna ng putikan.
Napahagulhol ako, sabay sigaw!
Tulungan niyo ako, naiwan ang kapareha ng tsinelas ko sa putikan!
Buti na lang, kasama ko si Ton-Ton.
Tinulungan niya ako.
Sabay naming hinugot sa putikan ang kapares ng isa kong tsinelas.
Laking tuwa ko nang makuha namin sa putikan ang kapareha ng isa kong tsinelas.
Marami ng sinubok ang aking tsinelas.
Kasama ko rin ito sa paglalaro.
Kapag walang pasok, tumbang preso ang aming nilalaro.
Pero di nagtagal, napudpod na rin ang tsinelas ko.
Nararamdaman ko na ang mga bato sa lupa.
May butas na rin ito sa bandang sakong.
Kaya naitanong ko, Bakita kasi sobrang layo ng aming bahay patungo sa paaralan?
Sana sampung hakbang lang nandoon na ako sa aming paaralan!
Habang naglalakad ako patungo sa paaralan, nadaanan ako ni Ton-Ton kasama ng kaniyang tatay sakay ng kalabaw at kariton.
Sumakay ka na totoy para di ka na maglakad! sigaw ng tatay niya.
Nagmadali akong tumalon at sumakay sa malapad na kariton.
Buti na lang lumabas ang kaniyang tatay para magpagiik ng isang sako ng palay sa bayan.
Bughaw na suwelas at pulang pamigkis ang laging gusto kong kulay ng tsinelas ko! pakiwari kong sabi sa sarili.
Alam ko na ramdam din ni Lola Sidra na kailangan nang palitan ang aking lumang pares ng tsinelas.
Pero hindi pa tapos ang buwan at malamang wala pang perang padala si nanay kay Lola Sidra para ipambili ng bagong tsinelas.
Isang umaga, laking gulat ko nang nawawala ang tsinelas ko.
Dapat di ko inisip na palitan ito.
Nakita kong abala si Lola Sidra sa paghahanda ng aking paboritong almusal na pritong tuyo at itlog.
Lola, nawawala po ang tsinelas ko.
Nakita ba ninyo? nag-aalala kong tanong kay lola.
Pero parang walang narinig si Lola.
Maghahanda ka na sa pagpasok mo sa paaralan, paligoy na sabi ni Lola Sidra.
Ha? Pero lola wala po akong gagamiting tsinelas, malungkot kong tugon.
Kumain ka na apo, mahuhuli ka sa paaralan.
Malayo pa ang lalakarin mo.
Parang balewala lang kay lola ang aking sinabi.
Pagdating ko sa balkonahe, lumaki ang aking mata sa aking nakita!
Naghihintay pala sa akin ang isang bagong pares ng tsinelas na nakabalot pa sa plastik.
Bughaw ang suwelas at pula pamigkis nito.
Tuwang-tuwa ako!
Hindi na ako makapaghintay na suotin ang bagong tsinelas.
Gusto ko laging pumasok sa paaralan araw-araw!
Salamat sa sorpresa ni Lola Sidra!
Mga Kasanayan para sa Kahandaan sa Pagkatuto
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad.
Ang mga pagsasanay sa aklat na ito ay  isina contextualized mula  sa Readiness Skills Workbook upang mas higit na tumugon sa cultura ng mga batang ang salitang ginagamit ay tagalong.
Ito  ay isang  hakbang na ginawa upang mabigyang diin at  mapalawak ang pagtuturo ng mga batang nasa kindergarten sa pamamaraang ayon sa Mother Tongued-Based Multilingual Education ng Programang K -12 ng Kagawaran ng Edukasyon .
Inaasang mananatiling pantulong sa pagkatuto ang mga pagsasanay na naririto.
Gayun pa man di mahihigitan ang mga pagsasanay na mismong guro ang lumikha sapagkat ito ay tugmang-tungma sa pangkasalukuyang pangangailangan ng ating mga batang nagsisimula  matuto na nasa kindergarten.
Ang likhang mga gawain at pagsasanay na guto nils mismo ang gumawa ay hinihikayat sapagkat mas naaaangkop ito sa kasalukuyang pangangailangan ng mga bata para sa lubos nilang  pagkatuto.
Ang aklat na ito ay tuwirang ipagagamit at magiging indibidual na pag-aari ng bawat bata.
Sa pagtatapos ng taunang pagpasok ng mga bata ito ay kanilang iuuwi at magsisilbing gamit pangbalik aral sa kanilang natutunan.
Dalhin mo ako sa aking bahay.
Pagdugtungin ang putol-putol na guhit.
Dalhin mo ako sa aking Nanay.
Pagdugtungin ang putol-putol na guhit.
Dalhin si Danilo sa mga kasapi ng kanyang mag-anak: sa nanay, sa tatay at sa kapatid na bunso.
Pagdugtungin ang putol-putol na guhit.
Hinahanap ng hayop ang kanyang pagkain.
Pagdugtungin ang putol-putol na guhit upang  marating niya ito.
Pagdugtungin ang putol-putol na guhit.
Pag-aralan ang mga larawan sa bawat hanay.
Alin ang katulad ng larawan sa maliit na kahon?
Bilugan ito.
Bilugan ang titik na katulad ng nasa kahon.
Bilugan ang dalawang titik na magkatulad sa bawat hanay.
Bilugan ang salitang katulad ng salitang nasa kahon.
Bilugan ang larawang hindi kabilang sa pangkat.
Lagyan ng ekis ang larawang hindi kauri.
Lagyan ng ekis ang naiibang titik sa hanay.
Ikahon ang naiibang salita sa bawat hanay.
Alin sa mga prutas ang pula?
Kulayan ito.
Kulayan mo ng pula ang mga bagay na may tsek.
Bakatin ang bilang gamit ang kulay pulang krayola.
Kilalanin at paghambingin ang mga hayop.
Lagyan ng tsek ang malaki.
Kilalanin ang mga hayop.
Bilugan ang maliit at lagyan ng tsek ang malaki.
Bilugan ang pinakamalaki sa bawat hanay.
Lagyan ng tsek ang mas mahaba sa bawat pares.
Lagyan ng tsek ang mas maikli.
Lagyan ng tsek ang mas mahaba sa bawat pares.
Lagyan ng tsek ang pinakamahaba.
Kulayan ng pula ang pinakamaikli.
Alamin at iguhit ang nawawalang bahagi ng bawat bagay.
Natutukoy ang mga bahaging kulang o nawawala sa isang bagay.
Pag-aralan at kilalanin ang nakalarawan.
Iguhit ang nawawalang bahagi ng bawat isa.
Kilalanin at bilugan ang hayop na may di naayong bahagi.
Kilalanin at bilugan ang hayop na may labis o di naaayong bahagi.
Pag-aralan ang larawan.
Bilugan ang mga batang lalaki at lagyan ng tsek ang mga babae.
Pag-aralan ang larawan.
Ikahon ang walang laman.
Bakatin ang bilang gamit ang kulay berdeng krayola.
Pakinggan ang guro sa pagsasabi ng pangalan ng mga larawan.
Bilugan ang mga larawan na ang pangalan ay magkatugma.
Sabihin ang pangalan ng bawat larawan kasabay ang guro.
Bilugan ang dalawang larawan na magkatulad  ang simulang tunog.
Tingnan ang mga larawan.
Bigkasin ang mga pangalan nito.
Pagkabitin ang dalawang larawan na magkatulad ang simulang tunog.
Alin sa mga larawan ang dilaw?
Kulayan ito.
Pakinggan ang salitang sasabihin ng guro.
Lagyan ng tsek ang maliit na kahon kung magkatulad ang huling tunog at ekis kung magkaiba.
Pakinggan ang salitang sasabihin ng guro.
Lagyan ng tsek ang kahon kung magkatulad ang huling tunog  at ekis kung magkaiba.
Aling  bagay ang berde?
Kulayan mo ito.
Kulayan mo ang prutas at gulay na berde.
Ikahon ang bagay na hugis bilog.
Tularan ang halimbawa na ginawa sa orasan.
Kulayan mo ng asul ang mga may tsek.
Aling larawan ang nagpapakita ng pagmamalaki sa sariling pangalan?
Lagyan ng tsek ang loob ng maliit na kahon.
Ako si Tom.
Gusto ko ang aking pangalan.
Ako naman si Ana.
Gusto ko rin ang aking pangalan.
Mahaba ang pangalan ko.
Di ko ito gusto.
Mahaba rin ang pangalan ko.
Di ko rin ito gusto.
tainga
ulo
mata
ilong
dila
ngipin
leeg
bibig
braso
kamay
binti
hita
Bilugan ang pangalan ng nakalarawang bahagi ng katawan.
Bilugan ang bahagi ng katawan na sasabihin ng guro.
At ituro ang kaparehong bahagi ng katawan mo.
Bilugan ang mga gamit na pag-aari ng bawat bata.
Pagkabitin ang mga bagay na magkaugnay.
Simulan sa tuldok.
Saan ginagamit ang mga bagay sa Hanay A?
Iugnay ang bawat isa sa tamang bahagi ng katawan  sa Hanay B.
Pagkabitin ng guhit.
Saan kaya patungo ang bawat isa?
Ikabit ng guhit ang magkaugnay na larawan.
Ikabit ng guhit ang mga larawan sa Hanay A na kaugnay ng mga tao sa Hanay B.
Kulayan ng dilaw ang mga bagay na hugis parisukat.
Alin ang hugis tatsulok?
Kulayan ito ng asul.
Alin ang hugis parihaba?
Kulayan ito ng berde.
Pagkabitin ng guhit ang mga bagay na magkatulad ang hugis.
Lagyan ng ekis ang hugis na naiiba sa pangkat?
Pagkabitin ng guhit ang bahagi ng katawan sa naayon nitong gamit.
Lagyan ng tsek ang bahagi ng katawan na ginagamit sa gawaing nakalarawan.
Kilalanin ang bawat larawan.
Bilugan ang makinis at ikahon ang magaspang.
Bakatin ang bilang gamit ang kulay asul na krayola.
Lagyan ng tsek ang larawan na nagpapakita kung paano mapananatiling malinis ang katawan.
Bilugan ang gamit na kailangan sa ginagawang paglilinis ng katawan.
Nagustuhan niya ito kasi bago pa.
Pero, mas pinili niyang ibigay ito sa kanyang guro.
Masaya ang kaniyang guro sa kabutihang asal na ipinamalas nito.
Kinabukasan, tinawag si Yanna ng kaniyang guro. 
Kinabukasan, tinawag si Yanna ng kaniyang guro.
Dahil sa kaniyang ipinakitang mabuting asal, binigyan siya ng isang kahong lapis bilang gantimpala sa kaniyang ginawa.
Umuwi si Yanna at masayang ikinuwento sa kaniyang ina ang nangyari.
Sino ang tauhan sa kwento?
Ano ang paboritong gamit ni Yanna sa Eskwela?
Ano ang kahiligang gawin ni Yanna?
Ano ang nakita ni Yanna sa ilalim ng mesa?
Ano ang kaniyang ginawa sa nakitang lapis sa ilalim ng mesa?
Kung ikaw si Yanna, ano ang iyong gagawin sa nakitang lapis?
Nakatira si Aling Cristing sa isang malayongbukirin.
Hilig niya ang magtanim ng namumulaklak na halaman sa kanyang munting bakuran.
Magaganda at ibat-ibang uri ng bulaklak ang tumutubo dito.
May Malaki at maliit na bulaklak na may matitingkad na kulay.
Nakatira si Aling Cristing sa isang malayong bukirin.
Hilig niya ang magtanim ng namumulaklak na halaman sa kanyang munting bakuran.
Palipat-lipat si Tutubi sa mga bulaklak samantalang nanatili lamang si Uod sa halamang Gumamela dahil wala siyang kakayahang lumipad.
Marami ang nabibighani sa kagandahan ng mga bulaklak, kasama na rito sina Tutubi at Uod na araw-araw pumapasyal sa hardin.
Isang araw, nakita ni tutubi si Uod na nagpapahinga sa dahon ng Gumamela.
Hoy pangit na Uod!
Umalis ka dito!
Araw-araw ay tinutukso ni Tutubi si Uod dahil sa kanyang itsura, pero hindi nalang niya ito pinapansin.
Nakatira si Aling Cristing sa isang malayong bukirin.
Hilig niya ang magtanim ng namumulaklak na halaman sa kanyang munting bakuran.
Magmula noon, hindi na nakita ni Tutubi si Uod.
Pero may nakita siyang kakaibang bagay na nakabitin sa puno ng bayabas.
Walang imik na gumapang paalis si Uod.
Tumatawa namang nagsalita si Tutubi.
Doon ka nababagay sa mga damuhan!
Hanggang isang araw ay may nakita siyang isang napakagandang Paro-paro na lumilipad-lipad sa halamang Rosas.
Kahit nagtataka sa kakaibang bagay, hindi niya na lang ito pinansin at araw-araw pa rin siyang bumabalik sa hardin.
Magandang araw Paro-paro, napakaganda mo naman.
Maari ba akong makipagkaibigan?
Tanong ni Tutubi.
Dahan-dahang lumapit si Tutubi sa Paro-paro at labis ang kanyang paghanga sa makulay nitong pakpak.
Bakit hindi ko gugustuhin maging kaibigan ang isang napakagandang Paro-paro na katulad mo?
Nagtatakang tanong ni Tutubi.
Sigurado ka gusto mo akong maging kaibigan?
Hindi ba dati ayaw mo sa akin?
Tanong ni Paro-paro.
Nakakalungkot naman na panlabas na anyo pala ang batayan mo ng pakikipagkaibigan at hindi kagandahan ng ugali.
Dagdag pa nito.
Hindi mo nga ako nakikilala, ako ang dating pangit na Uod na nilalait-lait mo.
Mahinahong tugon ni Paro-paro.
Mula sa pagiging Uod unti-unti akong nagbago. Nanggaling ako doon, itinuro ang
puno kung saan siya galing.
Marahil ay hindi pinahintulutan ng Maylikha na ako’y patuloy mong hamakin kaya gumawa siya ng paraan para ikaw ay matuto.
Hindi nakapagsalita si Tutubi sa sinabi ni Paroparo, hiyang-hiya siya sa kanyang nagawa rito.
Wala tayong karapatang mamintas sa itsura ng bawat isa dahil lahat tayo ay nilikha ng maykapal ng pantay-pantay, sabi ni Paro-paro.
Sana hindi pa huli ang lahat.
Maari ba akong humingi ng tawad sa aking nagawa at makipagkaibigan sa iyo? tanong ni Tutubi.
Patawad Paro-paro, labis akong nahiya sa aking mga nagawa sa yo noon.
Ngayon ko napagtanto na hindi tama ang mamintas ng kapwa.
Hindi naman ako nagtatanim ng galit sa yo.
Oo naman pwede pa rin tayong maging magkaibigan.
Ang sabi naman ni Paro-paro.
Pangako babaguhin ko na ang aking masamang ugali at hindi na ako manghahamak ng aking kapwa.
Nagsusumamong sabi ni Tutubi.
Dahil sa kaibahan ng itsura ni Uod ay palagi siyang tinutukso ni Tutubi, pero hinayaan nalang siya ni Uod sa kanyang panghahamak.
Hanggang dumating ang araw na naging ganap na Paro-paro ang dating pangit na Uod na hinahamak ni Tutubi.
Alamin sa kuwento kung paano sila naging magkaibigan.
Ang mga Kuwago ay nakatira sa puno.
Sila ay tulog sa umaga.
Sila ay gising sa gabi at sama-samang naghahanap ng pagkain.
Sama-sama ang buong pamilya na nagpapahinga sa isang sanga.
At naubos ko ang pagkain sa lamesa!
Ngunit bago ang lahat, anumang pagkain aywalang lasa! Sa agahan, tanghalian, at hapunan palaging walang gana.
Mina, anak, kumain ka ng piaya, ani ng aking ina.
Ayoko ko niyan mama ang pangit ng lasa.
Subukan mo itong biscocho, masarap ito.
Ayaw ko po mama, wala ‘yang lasa.
Anak kailangan mong kumain dahil insulin mo’y bababa at katawan mo ay hihina, pakiusap ng ina.
Ngunit si Mina ay wala paring gana.
Dumating nga ang panahon na wala na kaming pagkain sa lamesa.
Ang meron na lang kami ay bigas na isang lata.
Paano ko kaya ito papasarapin para kay Mina? nag-aalalang ani ni Mama.
Gumawa ng paraan si Mama para isang latang bigas ay magkalasa.
Kumuha siya ng tubo na sa aming lugar ay sagana at isinahog ang katas nito sa bigas na isang lata.
Ang sarap ng inyong niluto Mama!
Ngayon lang ako nakatim ng pagkaing ganito ang lasa!
Simula noo’y kanilang nalaman, na tubo pala’y mabuti sa katawan basta paggamit ay katamtaman.
Ano mang putahi’y nagiging matamis at malinamnam.
Ngayo’y masarap na ang piyaya’t biscocho.
Salamat sa tubo na nagbigay ng matamis na lasa dito.
Sino - sino ang mga tauhan sa kwento?
Saan naganap ang kwento?
Bakit ayaw kumain ni Mina ?
Paano napakain ni Mama si Mina?
Ano ang posibleng mangyari kay
Mina kung hindi siya kakain?
Tulungan si Mina na kunin ang sahog na nakapagbibigay ng lasa sa pagkain niya.
Ano kaya ang laman ng plato ni Mina ngayon?
Ano ang nararamdaman ng bawat bata sa larawan?
Ipakita mo ang bawat damdaming sasabihin ng guro at ikuwento kung kailan ka nagiging masaya, malungkot, nagagalit, o natatakot.
Naipakikita ang iba’t ibang damdamin.
Nailalarawan ang tunay na damdamin tulad ng masaya, malungkot, galit o takot .
Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng larawan sa kaliwa?
Bilugan ang titik ng tamang anyo ng mukha.
Nakikilala ang anyo ng mukha na nagpapakita ng iba’t ibang damdamin .
Naipakikita ang wastong paghahanda ng pagkain .
Bigkasin ang pangalan ng bawat larawan.
Ano ang unang tunog?
Bigkasin ito.
Natutukoy ang pangkat na mas marami.
Natutukoy ang pangkat na mas kakaunti .
Natutukoy  ang pangkat na may mas maraming bilang .
Bilangin ang mga larawan sa bawat pangkat.
Natutukoy ang pangkat na may pinakamaraming bilang.
Bilangin ang mga larawan sa bawat pangkat.
Natutukoy ang pangkat na may pinakakaunting bilang.
Sabihin ang pangalan ng bawat larawan.
Nakabubuo ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasama ng mga patinig at katinig.
Isulat sa mahabang patlang ang nabuong salita.
Isulat ang a sa unahan ng bawat pantig.
Isulat ang i sa unahan ng bawat pantig.
Isulat sa  mahabang patlang ang nabuong salita.
Nakabubuo ng mga salita sa pagsasama ng patinig at katinig.
Alin ang dapat gawin upang maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa?
Naipakikita ang pagmamalasakit sa kapwa.
Basahin kasama ng guro ang sinasabi ng mga bata.
Alin ang dapat gawin upang maipakita ang paggalang sa kapwa?
Naipakikita ang wastong pagmamahal at paggalang sa mga katulong sa pamayanan .
Laging gumagamit ng magagalang na katawagan tulad ng Aling, Mang, Manang, Manong.
Anong salita ang mabubuo sa pinagsamang pantig?
Pagkabitin ang mga pantig upang mabuo ang pangalan ng larawan.
Sabihin ang pangalan ng bawat larawan kasabay ang guro.
Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa iyong pamilya?
Naipakikita ang pagmamahal at paggalang sa mga magulang at nakatatandang kasapi ng mag-anak .
Alin ang dapat mong gawin upang ipakita ang pagmamahal sa iyong pamilya?
Naipakikita ang pagmamahal sa mga kasapi ng mag-anak.
Paano mo maipakikita na ikaw ay isang mabuting kasapi ng iyong mag-anak?
Naipakikita ang pagiging mabuting kasapi ng mag-anak
Makinig sa guro habang binabasa ang bawat sitwasyon.
Sabihin kung paano maipakikita ang paggalang at pagmamahal sa mga katulong sa paaralan.
Nasalubong ni Rica ang kanyang guro.
Paano niya babatiin ang kanyang guro?
Ipinatatawag ng guro ang dyanitor kay Al.
Ano ang sasabihin ni Al sa dyanitor?
Masakit ang tiyan ni Ana.
Pumunta siya sa klinika.
Ano ang sasabihin niya sa doktor?
May iniabot na sulat si Jo para sa punong-guro.
Ano ang sasabihin niya sa punong-guro?
Naipakikita ang pagmamahal at paggalang sa mga katulong ng paaralan .
Magalang na binabati at kinakausap ang mga katulong ng paaralan.
Sabihin ang pangalan ng bawat larawan kasabay ang guro.
May isang masayang pamilya na nakatira sa gitna ng malamig na bukid, at ang pagtatanim ang tanging ikinabubuhay nila.
Subalit ang bunsong anak na si Luningning ay mahilig kumain ng prutas hanggang siya ay magkasakit.
Pinayuhan ng manggagamot na kumain siya ng mga pagkaing may matataas na bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan.
Sa kuwentong ito, dito natin malalaman kung ano ang kahalagahan nang pagkain ng mga prutas at gulay.
Masayang nabubuhay sa gitna ng malamig na bukid ang pamilya ni Mang Narsing at Aling Teresing.
Tanging pagtatanim ng prutas at gulay ang kanilang hanapbuhay.
May dalawa silang anak.
Ang panganay na si Carding at ang bunsong si Luningning.
May dalawa silang anak.
Mahilig magtanim ang panganay na si Kuya Carding.
Subalit ang bunsong si Luningning ay kabaliktaran ng kanyang kuyang si Carding.
Mahilig kumain ng gulay sina Mang Narsing, Aling Teresing at Kuya Carding.
Maliban sa bunsong si Luningning, ayaw na ayaw niyang kumain o tumikim man lang nito.
Ang gusto lamang niyang kainin ay ang mga pagkaing may nilalaman sa mataas na artipisyal na lasa, tulad ng mga tocino, longganisa at hotdog.
Na siyang nagiging sanhi ng pagkalason sa katawan ng sino man ang palaging kumakain nito.
Napansing ni Aling Teresing na matamlay at walang ganang kumain si Luningning.
Nagtanong ang kaniyang nanay,“Anak, bakit parang matamlay ka? May dinaramdam ka ba?”
Umiling na lamang si Luningning.
Lumipas ang ilang linggo at buwan ay lalong naging malubha ang nararamdaman ng bunsong anak.
Pumunta sa ospital ang mag-ina upang mapatingnan ang anak.
Subalit walang nakitang dahilan ang manggagamot sa pananamlay ni Luningning.
Kaya pinayuhan siya na kumain ng masustansiyang pagkain, tulad ng mga prutas at gulay na kailangan ng katawan.
Paunti-unting tinikman ni Luningning ang bawat pagkaing inihain ni Aling Teresing sa hapag kainan.
Hanggang sa nakasanayan na niyang kumain ng prutas at gulay.
Gumaling ng tuluyan si Luningning, gumanda ang kaniyang kutis naging masigla at masayahing bata.
Malaki ang naging pasasalamat niya sa mga magulang at kapatid sa pag-aalaga sa kanilang prutasan at gulayan na siyang dahilan ng kanyang paggaling.
Mula noon ay nakahiligan na din ni Luningning ang pagtatanim at paghahalaman.
Masaya at kuntento na si Luningning sa mga pagkaing nakahain araw-araw sa mesa.
“Sana lahat ng mga bata ay makagiliwan din nilang kumain ng prutas at gulay,” usal ni Luningning
Palangiti si Ningning ngiti dito, ngiti doon.
Ang puputi ng ngipin ni Ningning.
Masayahing bata si Ningning.
Bati dito, bati doon.
Kinagigiliwan si Ningning.
Ngunit, Isang araw.
Sumakit ang ngipin ni Ningning.
Nawala ang kanyang ngiti.
Nguyngoy dito,nguyngoy doon.
Palahaw dito, sigaw doon.
Nakasimangot na si Ningning.
Kasama ng kanyang Nanay.
Sa Dentista sila ay nagpunta.
O, Ningning, huwag ka nang kakain ng sobra sobrang kendi at tsokolate ha, upang hindi masira at sumakit ang iyong ngipin, ang utos ng Dentista
Opo doktora, tatandaan ko po, maraming salamat po, Sagot ni Ningning
Sa klinika, masaya at nakangiting lumabas si Ningning.
Sino ang batang masayahin?
Anong klaseng bata si Ningning?
Bakit kaya sumakit ang kanyag ngipin?
Saan siya pumunta nang sumakit ang kaniyang ngipin?
Kung ikaw si Ningning? 
Susundin mo ba ang utos ng dentista?
Si Karol ay isang mabait, matalino at malusog na bata.
Mahilig siyang kumain ng gulay na kalabasa at kamatis kaya malinaw ang kanyang mga mata at makinis ang kanyang kutis.
Isang araw ng Linggo, pagkatapos magsimba kasama ang kanyang ina ay namamasyal sila sa Intramuros dala-dala ang kanyang kamera.
Umiikot sila sa buong paligid sakay ng isang kalesa.
Sa kanilang pag–iikot ay mahimbing na nakatulog si Karol at nanaginip na siya ay nakasakay  sa likod ng isang kabayo.
Tuwang-tuwa s’ya habang kinakabig ang tali nito kaya’t naging mabilis ang takbo ng kabayo nang biglang, ahhhhhh!!!
Ang sigaw ni Karol.
Anak, gumising ka at nananaginip ka yata, wika ng kanyang ina.
Maghanda ka na at bababa na tayo dito sa Kalesa.
At dahan-dahan na bumaba ang mag-ina mula sa kalesa.
At habang naglalakad sila palabas ng Intramuros  ay isinalaysay ni Karol sa kanyang ina ang kanyang napanaginipan na siya raw ay nahulog sa sinasakyang kabayo kaya napasigaw siya.
Sino ang batang babae sa kuwento?
Ano ang unang letra ng mga salitang kulay kahel?
Anong mga larawan sa kuwento ang nagsisismula sa letrang Kk”
Ano ang tunog ng letrang /k/?
Ang aklat na ito ay ginawa para sa iyo.
Sana ay makatulong ito at makadagdag sa inyo ng kaalaman at kasanayan.
Hangad din naming na mahubog ang iyong mabuting paguugali at pagpapahalaga sa kalikasan.
Mag-asawang magsasaka sina Mang Lecio at Aling Rosa.
Sila ay mayroong isang pitong taong gulang na anak na babae, na ang pangalan ay si Lyka.
Si Lyka ay isang ulirang anak kaya mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang at ng lahat ng kanyang kakilala.
Ngunit siya ay sanay na mapag-isa.
May alagang aso si Lyka na kanyang mahal na mahal.
Ito ay kanyang palaging kasama , nilalaro at inaalagaan.
Minsan sa kanilang pamamasyal sa plaza, dinala ni Lyka ang kanyang aso para maipasyal.
Sa unang pagkakataon, naranasan niya na masarap at nakakaaliw din ang lumabas kung minsan.
Sa labis na pagkalibang ay hindi niya namalayan na nawawala at naliligaw na ang kanyang alagang aso.
Hindi niya malaman ang kanyang gagawin.
Ipinaalam niya ang nangyari sa kanyang mga magulang, “Inay, nawawala ang aking alagang aso”, sambit niya .
At siya ay tinulungan ng mga ito sa paghahanap.
Nalibot na nila ang buong Plaza at paligid ngunit hindi nila nahanap ang kanyang alagang aso.
Iyak nang iyak si Lyka, hindi niya malaman ang gagawin.
Nagkataong may dumaan na Pulis.
Nakiusap siya na siya’y tulungan.
Huwag mag-alala iha tutulungan kitang mahanap ang alaga mong aso.
Umalis ang Pulis at ito’y naghanap.
Ilang saglit lamang, bumalik ang Pulis kasama ang alagang aso ni Lyka.
Laking pasasalamat ni Lyka at ng kanyang ina sa Pulis at umuwi ng masaya.
Mula noon, napagtanto ni Lyka na ang pakikipagkapwa ay may magandang naidudulot sa tao at ang
pagkamatulungin ay dapat tularan at pahalagahan.
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Saang lugar sila namasyal?
Anong klaseng hayop ang alaga ni Lyka?
Ano ang nangyari sa alaga ni Lyka?
Anong klaseng bata si Lyka?
Sino ang tumulong kay Lyka sa paghahanap ng kanyang alaga?
Nakita ba ang alaga ni Lyka?
Ano ang magandang aral na natutunan ni Lyka?
I drowing ang masayang mukha sa kahon kung ito ay nagpapakita ng mabuting
Gawain at malungkot na mukha kung ito ay nagpapakita ng masamang Gawain.
Iguhit sa kahon ang iyong alaga sa bahay.
Tingnan mabuti ang larawan at gupitin ito.
Idikit sa susunod na pahina.
Idikit ang mga larawan ayon sa wastong pagkasunod sunod ng ating kwento.
Madaling araw pa ay nagtungo na si Mang Gaston sa bukirin upang kumustahin ang mga alagang hayop.
Mahal na mahal ko kayo, wika ni Mang Gaston.
Araw–araw ay nagtatrabaho ang mga alagang hayop ni Mang Gaston.
Pinapakain ni Mang Gaston ang mga alagang hayop sa tamang oras.
Pinapainom niya ito ng tubig at pinagpapahinga.
Gabi na subalit gising pa ang mga alagang hayop ni Mang Gaston.
Nagtipon-tipon sila sa isang pagpupulong.
Mabait si Mang Gaston, wika ni kalabaw.
Siya ang ating pamilya.
Iyan ang nabatid ko, sabi ng isang manok.
Kung gayon ay pagbutihin natin ang trabaho sa bukirin, mungkahi ni aso.
Oo sige, payag kami! sabay-sabay na sagot ng mga hayop.
Kinaumagahan, ay nagkusa nang magtrabaho ang mga hayop.
Sila ay nagtulong-tulong sa gawain sa bukirin.
Tulong –tulong ang mga hayop sa paggawa na may kasiyahan sa puso.
Nang dumating si Mang Gaston ay namangha siya at napaluha sa nakita.
Patapos na ang mga gawain sa bukirin.
Natapos ng mga alaga niya kahit wala pa siya.
Nilapitan niya ang mga hayop, hinimas-himas at niyakap bilang paraan ng kanyang pasasalamat.
Kalabaw, salamat sa tulong.
Madaling araw pa lang ay nag-aararo ka na sa aking palayan.
Baka, salamat sa iyo.
Ikaw ang tanging kaagapay ko sa aking maisan.
Ikaw ay laging maaasahan.
Manok, sa tuwing ako’y gipit, sa inyo ako kumakapit.
Ang inyong itlog at laman ay nagsisilbing ulam ng asawa at anak ko.
Kabayo, ika’y tunay na kaibigan.
Ikaw ang tagahatid ng paninda patungo sa bayan.
Maraming salamat, Kabayo ko.
Mga pato, kayo ay nagsisilbing alkansiya ko!
Kapag pera ay wala ako, kayo ang naging sandalan ko.
Salamat sa inyo.
Alaga kong pusa, salamat dahil napalayas mo ang mga daga.
Alaga kong aso, sadyang napakagaling mo.
Ikaw ay mahusay.
Mga mata mo ay matalas, maging sinuman ay walang ligtas.
Masayang masaya silang lahat.
Nagmamahalan at pamilya ang turingan na may respeto at paggalang.
Ngunit kung siya ay pinagsasabihan, kilos niya ay inaayos at nakikinig naman.
Dati nga, siya ay nabagsakan sa kabatuhan.
Ngunit minsan, si Kuwaki ay may angking kakulitan.
Si Kuwaki ay isang palakang nakatira sa kangkungan ng isang estero sa Kamuning.
Siya ay kilala sa pagiging kalog.
Gustong-gusto siyang makapiling ng kanyang kasamahan.
Kung may problema sa mga kapamilya, kaya niyang pagaanin.
Mga kapatid niya, kabarkada ang turing.
Kahit mga kuting, parang kapatid ang kanilang turing.
Kahit mga aso sa kalsada ay kayang-kaya niyang maging katropa.
Kahit mga ibon sa kakahuyan, itinuturing din siyang isang mabuting kasamahan.
Dahil sa angking kakalugan, maging mga ahas siya ay kinagigiliwan.
Naippamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon
Niasasabuhay ang wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya.
Pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang.
Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa mga magulang.
Sumasagot nang maayos si Dina tuwing siya ay tinatawag ng magulang niya.
Tinutulungan ni Greg ang kanyang tatay sa trabaho niya.
Ginagawa ni Celine ang kanyang trabaho arawaraw.
Binibigyan ni Liza ang kanyang nanay ng tubig tuwing iinom ng gamot.
Tinataguan ni Boyet ang kaniyang nanay tuwing tinatawag siya.
Ang paggalang at pagmamahal natin sa ating mga magulang ay napakahalaga.
Isa ito sa mga kautusan ng Dios kung kaya’t tayong mga anak ay may tungkiling mahalin at igalang ang gating mga magulang.
Gawain ang nagpapakita sa pagmamhal at paggalang sa mga magulang.
Pagsunod sa mga tagubilin, kautusan at sinasabi nila.
Pagsagot ng magalang sa tuwing tayo ay kinakausap at tinatawag.
Pagpapaalam sa mga magulang sa tuwing tayo ay aalis o may pupuntahan.
Pagmamano o paghahalik sa kanila tuwing tayo ay darating mula sa paaralan o tuwing sila ay darating.
Pagsasabi ng totoo sa kanila sa lahat ng pangyayari.
Pagtulong sa kanila sa mga trabaho sa bahay.
Pag-aalaga sa kanila kung may sakit.
Pang-aaliw sa kanila sa pamamagitan ng ating mga talento.
Maaraing marami pang gawain ang nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga magulang kung kaya’t ituloy and pagbasa sa leksiyong ito.
Basahing mabuti ang bawat tanong.
Gustong makipaglaro ni Rina sa kapitbahay.
Ano ang dapat niyang gawin?
Nalulungkot ang nanay ni Gary dahil may problema.
Dumating ka galling sa paaralan.
Nabasag ni Ana ang pinggan habang naghuhugas.
Itago niya ang nabasag na pinggan.
Sasabihin niya ang totoo sa kanyang nanay.
Sabihin niya na hinulog ng pusa ang pinggan.
Naiwan si Glenda sa kanilang bahay dahil may pupuntahan ang mga magulang niya.
Pinagsabihan siya na magbantay sa kanilang bahay.
Magbantay siya sa bahay nila hanggang darating ang mga magulang.
Iwan niya ang bahay at makipaglaro basta isara ang pintuan.
Ipabantay sa kapitbahay ang kanilang bahay upang makalabas.
Sinisigawan ang nanay kung sumasagot.
Umuwi ng maaga pagkatapos ng klase.
Binibilhan ni tina ng gamut ang kanayang tatay na may sakit.
Nagmamano si Dina sa kanyang nanay at tatay pagdating sa kanilang tahanan.
Nagpa-init ng tubig si Arnel para pampaligo ng kanyang mga magulang pagdating.
Ang paggalang at pagmamahal sa mga magulang ay napakahalaga at ito ay tungkulin ng isng anak.
Maraming mga gawaing nagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa magulang.
Pagsunod sa mga tagubilin, kautusan at sinasabi nila.
Pagsagot ng magalang sa tuwing tayo ay kinakausap at tinatawag.
Pagpapaalam sa mga magulang sa tuwing tayo ay aalis o may pupuntahan.
Pagmamano o paghahalik sa kanila tuwing tayo ay darating mula sa paaralan o tuwing sila ay darating.
Pagsasabi ng totoo sa kanila sa lahat ng pangyayari.
Pagtulong sa kanila sa mga trabaho sa bahay.
Pag-aalaga sa kanila kung may sakit.
Pang-aaliw sa kanila sa pamamagitan ng ating mga talento.
Ang mga ito ay mahalaga sa araw-araw nating pamumuhay.
Sumusunod sa utos ng lola.
Sumasagot nang maayos sa tuwing kinakausap ng nakatatanda.
Pagsasabi ng totoong nangyari sa loob o sa labas ng tahanan.
Pag-aasikaso sa magulang kung may sakit.
Pang-aaliw sa mga magulang sa pamamagitan ng pagkanta o pagsayaw.
Sumasagot nang maayos tuwing tinatawag ng magulang.
Pagsasabi ng totoong nangyari sa mga magulang.
Pagpapaalam sa mga magulang kapag umaalis sa tahanan.
Hindi pakikinig sa mga inuutos nila.
Iiyak tuwing uutusan ng mga magulang.
Gumuhit ng tatlong larawang nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang.
Si Tap ay kabilang sa mga batang alitaptap na nakatira  sa natatanging puno sa gitna ng kagubatan.
Isang araw, niyaya si Tap ng mga kasama upang maglaro.
Tap, halika maglaro tayo, pagyayaya ng isang
Ayaw ko! Ayaw kong maglaro, sagot ni Tap.
Ayaw maglaro ni Tap dahil siya’y nahihiya na pagtawanan.
Lumapit ang isang alitaptap kay Tap.
Walang kislap si Tap! sabi ng isang alitaptap.
Oo nga walang kislap si Tap! dagdag ng isa pang alitaptap.
Dahil sa hiya, lumipad papalayo si Tap.
Papalayo sa iba pang mga alitaptap.
Papalayo nang papalayo nang papalayo.
Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang isa pang alitaptap.
Nilapitan ni Tap ang alitaptap at nagpakilala.
Ako nga pala si Tap.
Ako naman si Pat.
Wala ka rin bang kislap? tanong ni Tap.
Oo wala rin akong kislap, sagot ni Pat.
Pareho pala tayong walang kislap, dagdag pa niya.
Sabay nag-abot ang kanilang kamay upang magdamayn.
Ngunit, laking gulat ng dalawa sa kanilang nakita.
Nakita nila na sila ay kumislap.
Aba kumislap tayo!
Oo nga ang kislap natin! wika ng dalawa.
Laking tuwa ng dalawa at nagpasya silang bumalik sa natatanging puno sa gitna ng kagubatan.
Ngunit sa kanilang pagbabalik ay nagulat sila.
Tulong! Tulungan nyo kami! sabay-sabay na sigaw ng mga alitaptap.
Anong nangyari? tanong ni Tap.
May ipo-ipong dumaan kaya marami ang nasaktan at nawalan ng kislap, paliwanag ng isang alitaptap.
Kung may liwanag lamang at makakita kami, mas mapadadali ang pagtulong sa bawat isa, malungkot na wika nito.
Muling naghawak ng kamay sina Tap at Pat.
Nagliwanag ang paligid sa taglay nilang kislap.
Natuwa ang bawat isa at nagsimulang magtulungan upang muling makabangon sa kalamidad na kanilang naranasan.
Mula noon naging usapusapan ang kabayanihan nina Tap at Pat lalo na angkanilang kakaibang kislap.
Salamat kina Tap at Pat.
Ang buong kagubatan ay naging masaya at mapayapa.
Sina Tap at Pat alitaptap ay naiiba sa lahat dahil wala silang mga kislap.
Sa kanilang pagtutulungan, naibalik nila ang kanilang kislap at natulungan nila ang kanilang kapwa alitaptap na napinsala ng ipo-ipo.
Napabalita ang kanilang kakaibang kislap na siyang nagligtas sa maraming alitaptap.
Katulad nina Tap at Pat, sa paanong paraan kayo makatutulong sa kapwa sapanahon ng kalamidad?
Siya ay sampung taon ng nagtuturo sa pampublikong paaralan.
Suliranin nga ba ang basura ?
Sige, alamin natin sa mga araling sumusunod.
Tungkol saan ang modyul na ito?
Suliranin ba ang basura?
Sa modyul na ito iyong mapagaaralan ang iba’t ibang paraan upang ang basura’y maiwasan.
Nais mo bang magkaroon ng pagkakakitaan?
Kailangan mo’y tiyaga at determinasyon.
Pag-aralan mo ang modyul na ito upang matutuhan ang mga paraan para kumita.
Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?
Pamamahala sa Nayon at Kabisera
Tungkol saan ang araling ito?
Tatalakayin ang iba’t ibang uri ng basura.
Aalamin kung paano ang mga ito ililigpit at pakikinabangan.
Sa tulong ng modyul na ito makabubuo tayo ng salita at makababasa ng payak na pangungusap.
Makatutulong din ito para malutas ang mga payak na suliraning pamilang.
Nakikilala ang iba’t ibang uri ng basura.
Nasasabi kung paano pakikinabangan ang basura.
Naipapaliwanag ang binasang pahayag at kwento.
Nakasusulat ng payak na salita.
Pakinggan ang pahayag.
Ipaliwanag pagkatapos.
Bayani ka ng bayan.
Abala sa pagbabantay sa kalikasan
Sinusugpo problema sa basura.
Upang magdala ng bagong pag-asa.
Rebolusyon sa pagbabago.
At inaalala ang kinabukasan tungo sa bagong henerasyon.
Ipunin ito at sa junkshop ibenta.
Sa basura, ika’y magkakapera.
Ibaon ito’t bulukin.
Sa basura, halaman mo’y makikinabang din.
Ipunin at iresiklo ang mga ito, tiyak sa basura’y makikinabang ka.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
Magbigay ng mga basurang nakikita.
Ano-ano ang ginagawa sa basura?
Paano ka kikita sa basura?
Tila wala na tayong pakialam sa isa’t isa.
Basura’y kalat dito.
Kalat doon.
Ano kaya?
Tayo ang magsimula.
Ayusin natin ang pagliligpit ng basura natin.
Bakatin ang salita sa sagutang papel.
Gayahin ang salita sa sagutang papel.
Sabihin ang mga letra ng salita.
Bumuo ng ibang salita mula sa salitang basura.
Ako’y abala sa pagliligpit ng basura.
Eksakto alas-sais kada umaga.
Iniingatan aking kapaligiran.
O para rin sa kinabukasan.
Upang maging kapaki-pakinabang.
Modelo sa kalinisan ang siyam na sitio.
Hinihikayat na makisali ang anim na sitio na hindi nakikiisa.
Dahil dito naglunsad ang baranggay ng proyekto.
Tinagurian itong Baranggay Linis.
Kinakitaan ng malaking pagbabago sa kalinisan.
Makaraan ang tatlong buwang mailunsad ang proyekto, ipinagmamalaki ngayon ng baranggay ang limang plaque na tinanggap nila buhat sa punong lalawigan.
Wastong pagtatapon ng basura sa kanayunan at kabisera ang tatalakayin.
Bibigyang pansin ang pagkakaiba ng paraan ng pagliligpit ng basura sa mga lugar na ito.
Alamin mo ang nangyayari sa nayon at sa kabisera.
Noon ay huwaran sa kalinisan ang nayon.
Lumaki ang populasyon.
Naging pabaya ang karamihan sa mamamayan.
Sa ilog, o kaya’y sa irigasyon itinatapon ang kanilang basura.
Sakaling tamarin na magpunta sa ilog sa bakanteng lote o sa tabi-tabi na lamang ng pamayanan itinatapon ang basura.
Sa kabisera naman ay ganito ang nangyayari.
Sa kanal at estero itinatapon ang basura.
Ang bunton ng basura ay makikita sa tabi ng kalye, kung walang estero o kanal na mapagtatapunan.
Siguro naman ay hindi pa huli.
Kung magbabago ang mamamayan wala silang pagsisisihan sa bandang huli.
Ano kaya ang dapat gawin ng mamamayan para maiwasan ang pagsisisi?
Kung basura natin ay nasa tamang lalagyan.
Kung sa nayon o kabisera.
Mga tao’y nagkakaisa.
Basura’y iligpit nang maayos.
Mananatili ang kalinisan.
Maisusulong ang kalusugan.
Kawili-wiling tumira sa pook na walang basura na nakakalat sa kapaligiran.
Magsunog ng basura.
Itapon ang basura sa ilog o kanal nang madala ito ng agos.
Ipunin ang mga basura at ilagay sa tamang lalagyan.
Ang basura’y maaaring itambak sa panulukan ng pamayanan pagkat bihira ang doo’y dumaraan.
Sundin ang mga alituntunin ng pamayanan hinggil sa pangangalaga ng basura.
Ano-ano ang napapansin ninyo sa mga larawan?
Sa palagay ba ninyo’y makatutulong ito sa kalinisan at kalusugan ng pamayanan?
Ano sa palagay mo ang kalagayan ng mga naninirahan sa mga pook na ito?
Bakit kaya kawili-wiling tirahan ang mga lugar na ito
Sa nayon man o sa  kabisera, ang basura’y iligpit nang maayos nang kapaligira’y maging kaaya-aya.
Batay sa mga orasan sa ibaba, ilang oras ang nagagamit sa paglilinis tuwing Sabado ng umaga?
Ilang oras naman ang nagagamit nila kung sila ay naglilinis ng apat (4) na sunod-sunod na Sabado?
Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang.
Piliin ito mula sa kahon at isulat ang salita sa sagutang papel.
Kung si Mang Rolly ay nakahahakot ng 4 kaing na basura sa kanilang bakuran kada araw.
Ilang basura ang nahahakot niya sa isang linggo?
Hinahakot araw-araw ang basura sa lungsod ng Tuguegarao.
May iskedyul sa bawat kalye at baryo.
May limang trak ng basura ang umiikot araw-araw.
Kwentahin sa sagutang papel at isulat ang tamang sagot.
Kung nakahahakot ng 2 toneladang basura ang bawat trak, ilang toneladang basura ang mahahakot sa limang oras ?
Ilang toneladang basura kaya ang mahahakot kung 8 na trak ang hahakot ng basura?
Nakaipon si Mang Igme ng 7 sakong ipot ng manok.
Nabibili ang bawat sako ng Php 50.00.
Magkano ang kikitain niya ?
Bawat dangkal ng dyaryo ay binabayaran sa junk shop ng Php 0.25.
Magkano ang mapagbibilhan sa apat na dangkal ng diyaryo ?
Punan ang puwang ng angkop na salita, kunin ang mga salita sa kahon.
Isulat sa sagutang papel ang tamang salita.
Ang masaya at kumpletong pamilya ni Karen.
Si Karen ay mabait at maalalahanin.
Siya ay tumutulong sa kanyang ina sa gawaing bahay.
Kapag walang ginagawa nagbabasa ng mga libro sa silid aklatan.
Kahanga - hanga ang taglay niyang pag-uugali.
Sadyang dapat tularan ng ibang bata.
Isang araw siya ay napagalitan ng kanyang ina, ngunit hindi siya sumasagot at mahinahon niyang tinanggap ang pagkakamali.
Masipag din siyang mag-aral at nangunguna sa klase.
Siya rin ay tumutulong sa pagtatanim ng gulay.
Kaya natutuwa ang kanyang mga magulang.
Pagkatapos sa eskwela ay umuuwi agad siya upang makatulong sa magulang.
Ang Barangay Aclan ay malapit sa dagat kaya ito ay may malawak na baybayin.
Sa baybayin, maraming alimasag na nakatira sa buhanginan.
Kung mababaw ang tubig, ang mga alimasag ay nagsisipaglabasan at naglalaro sa batuhan.
Isang hapon, mababaw ang tubig sa dagat kaya napakalawak ng tanaw ng baybayin.
Masayang nagsipaglabas ang mga alimasag sa kani-kanilang lungga.
May sampung alimasag na naghahabulan, palundag-lundag, pasayaw-sayaw, at pakendeng-kendeng palayo sa kanilang mga kasama.
Masaya silang naghahabulan sa baybayin.
Ang iba ay pasayaw-sayaw, palundag-lundag, at pakendengkendeng.
Isang alimasag ang huminto dahil sa pagod, ”Pahinga muna tayo dahil ako’y napapagod na,” ang sabi niya sa kaniyang mga kasama.
Siya ay nagpahinga sa ibabaw ng malaking bato.
Iniwan siya ng kaniyang mga kasama.
Ang siyam na alimasag ang nagpatuloy sa paghahabulan, palundag-lundag, pasayaw-sayaw at pakendeng-kendeng.
Sa kanilang paghahabulan, nahulog sa malaking butas ang dalawang alimasag.
Pito na lang na alimasag ang nagpatuloy sa paghahabulan, pasayaw-sayaw, palundag-lundag at pakendeng-kendeng.
Sa kanilang paghahabulan, nakarating ang tatlong alimasag sa tubig.
Lumusong sila doon at naligo.
Apat na lang na alimasag ang nagpatuloy sa paghahabulan, palundag-lundag, pasayaw-sayaw at pakendeng-kendeng.
Nakita sila ng isang bata.
Ang bata ay may dalang maliit na lambat.
At inihagis ito sa apat na alimasag.
Ang apat na alimasag ay nakulong sa lambat na inihagis ng bata.
Dali-dali itong dinala ng bata sa kanilang bahay.
Nag-iyakan ang apat na nahuling alimasag at nagsabing, ”Dapat sana’y hindi na tayo umalis sa ating tirahan.”